Share

Chapter Fifty Nine

Auteur: FourStars
last update Dernière mise à jour: 2025-05-15 23:54:28
Ginising na ni Selena si Silas upang bumangon at mag-ayos ng sarili. Eksakto namang kumatok ang kasambahay para sabihing nakahanda na ang agahan nila. Pagkatapos magpalit ng damit, sabay na silang bumaba, kasunod ng kasambahay, papunta sa dining hall.

Pagbaba pa lang nila sa hagdan, agad niyang napansin ang bagong bisita ng araw na iyon. Ang magulang ni Axel, nakaupo sa malambot na sofa sa sala si Atticus.

Nginitian siya ni Alaric. “Magandang araw. Ngayon lang kami nakabisita ni Abigail dito dahil kakarating ko lang mula sa business trip ko sa Mayvaria,” paliwanag nito. “Kamusta naman ang stay mo rito sa Strathmore Manor?”

“Maayos naman, dad,” simpleng sagot ni Selena.

Habang nag-uusap sila, bumaba na rin si Axel na nagmula sa study room. Pagkakita sa ama, agad itong nagtanong. “Dad, kailan ka pa nakabalik?”

“Kanina lang. Dumiretso na kami rito ng mom mo matapos niya akong sunduin sa airport,” sagot ni Alaric.

“Dapat nagpahinga ka muna, dad,” sabing may bahagyang pag-aalala
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
FourStars
Sorry, nagkamali ako sa pangalan. instead na 'ALARIC', 'ATTICUS' nalagay ko. sorry. si Alaric po talaga yun
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Fourteen

    Ibubuka na sana ni Lucien ang bibig para magsalita, ngunit naunahan siya ni Cael na biglang sumingit sa kanilang usapan.“Ano bang pinag-uusapan niyong dalawa? Sa sobrang hina ng boses niyo, ni hindi ko marinig!” aniya habang nagkakamot ng tainga, halatang inis sa pagiging tila outsider.“Wala ka na do’n,” sagot ni Axel, sabay lagok ng huling patak mula sa halos ubos nang bote ng grape wine.Umirap si Cael, na tila ba matagal nang kinikimkim ang sama ng loob. “Simula nung maikasal ka kay Selena, parang nakalimutan mo na kami ni Lucien!”Halos sabay na nagtaka’t napaangat ang kilay nina Axel at Lucien. Nagkatinginan sila sandali, parehong hindi makapaniwala sa pagdadrama ng kaibigan. Nang ibinalik nila ang tingin kay Cael, nakita nila itong parang pusang tampururot, nakahalukipkip at nakasimangot.“Cael,” ani Lucien, sumeryoso ang tono, “mabuti sigurong ituon mo na lang ang atensyon mo sa—”Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang private booth. Pu

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Thirteen

    Simpleng, “sige,” lang ang isinagot ni Axel saka nagmaneho papunta sa Clover, isang private nightclub na pagmamay-ari ng mga Vauxhall.Binuksan ni Axel ang pintuan ng private booth kung nasaan sina Lucien at Cael. Tahimik at nag-iisang umiinom si Lucien, hawak ang isang wine glass na may lamang zinfandel. Habang si Cael naman ay masayang nakikipagtawanan sa dalawang female escort sa magkabilang tabi nito.Nang mapansin ng dalawa na bumukas ang pinto at nakita si Axel, ay agad na ngumiti ang mga ito. Tumayo agad si Cael at sinalubong siya nang masiglang ngiti sa labi.Inilagay ni Cael ang braso sa balikat ni Axel. “Bro! Buti naman at narito ka na! Tagal na rin nating hindi nagkakasamang tatlo!” aniya, habang akay-akay siya papunta sa mesa na tila ba sabik na sabik sa muli nilang pagkikita.Pagkaupo niya ay inabutan siya agad ni Lucien ng wine glass. “Salamat,” saad niya sabay tango.“Kamusta na?” kaswal na tanong ni Lucien, ngunit may bahid ng pagsusuri ang titig nito kay Axel.Uminom

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chaoter One Hundred Twelve

    Hindi madali. Marami ang tumutol. Marami ang nagduda. Ngunit mas marami ang namangha.Sa loob lamang ng ilang buwan, unti-unti nang naibalik ni Axel ang kumpanya mula sa bingit ng pagbagsak. Mula sa kumpanya na halos sarado ang pinto, muling nabuhay ang tiwala ng mga investors, clients, at empleyado. Ang reputasyon ng Strathmore Group ay muling umangat at mas tumibay pa kaysa dati.Mahigit limandaang taon na ang nakalipas mula nang itinatag ang Strathmore Group na nagsimula lamang bilang maliit na jewelry at clothing store sa gitna ng Regenshire. Ngunit dahil sa determinasyon ng mga henerasyon ng pamilyang Strathmore, pinalago ito at pinalawak. Pumasok din sa iba’t ibang industriya.At ngayon, higit kailanman, muling pinatatag ito ni Axel.Ang mga dating direktor at shareholder na dati’y bumubulong ng pag-aalinlangan sa kanyang kakayahan, ngayon ay tahimik. Wala nang pumipigil sa kanya. Hindi dahil sa takot kundi dahil napatunayan na niya ang sarili. Siya ang CEO na hindi nila inakala

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Eleven

    Kung titingnan ng karaniwang tao, simpleng ngiti lang iyon mula kay Klyde.Ngunit para sa ilang shareholders at directors na mas kilala siya, may dala iyong panlalamig.Hindi nakalampas sa matalim na paningin ni Axel ang biglaang pag-iba ng mga ekspresyon ng ilan sa kanila, mga bahagyang pag-iwas ng tingin, mabilis na paglunok, at pinipigilang kaba sa mga mata.Isa sa mga shareholder ang unang nagsalita, si Emmanuel Ventura, isang beterano sa kumpanya. “Sa maikling panahon, ipinakita na ni Mr. Klyde Strathmore ang kanyang kakayahang pasiglahin ang operasyon ng Ashton branch. Kung dito pa siya sa headquarters, mas marami pa siyang magagawa. Siguradong mas lalakas ang buong Strathmore Group.”Tumango ang ilan, sumasang-ayon sa sinabi ni Emmanuel.Sinundan naman ito ni Anne Summers, ang Director of Sales. “Sang-ayon ako. Matagal ko nang nakikita ang potensyal ni Mr. Klyde. Ngayon na opisyal na siyang na-appoint bilang COO, tiyak kong mas lalo pang tataas ang revenue at magiging agresibo

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ten

    Pagkatapos ng tawag, hindi muna niya pinutol ang linya. Tahimik niyang isinaulo ang numero ni Selena, sinisigurong hindi niya ito makakalimutan. Saka niya ibinaba ang tawag, binali ang sim card at itinabi ang cellphone sa drawer ng kanyang mesa.Hindi nagtagal, bumalik siya sa kanyang upuan at pilit na ipinagpatuloy ang naantalang trabaho. Ngunit bago pa siya makapagbukas muli ng dokumento sa laptop, tumunog ang kanyang cellphone.Kinuha niya ito mula sa gilid ng mesa at sinulyapan ang screen. Nakita niyang ang ama niya ang tumatawag.“Pabalik ka na?” tanong niya agad matapos sagutin ang tawag.“Nakabalik na ako,” sagot ni Alaric, malamig pero may bahid ng pagod. “Nung madaling araw pa kaya halos hindi na natulog ang mom mo sa kakahintay sa ‘kin.”Tumango si Axel kahit hindi siya nakikita sa kabilang linya. Ngunit bago pa niya muling makapagsalita, nagsalita na muli ang kanyang ama.“Maiba ako, pabalik na si Klyde ng Regenshire.”Bahagyang napaangat ang kilay ni Axel. Hindi niya ito i

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Nine

    “Siguro naman may ideya ka na sa trabahong ipagagawa ko sa ’yo?” tanong ni Axel, direkta ngunit kalmado ang tinig.Tumango si Neera. “Oo. Nagsimula na akong mangalap ng impormasyon kaugnay ng aksidente. Kung may makakalap akong bagong detalye, ipaaalam ko agad sa inyo, Mr. Strathmore,” tugon niya, seryoso at propesyonal.Tumango si Axel, at inabot sa kanya ang isang maliit na papel na may nakasulat na mga numero. “Sige. Tawagan mo lang ako kung kailan mo kailangan ng tulong. Pwede kang samahan ng mga tauhan ko kung kinakailangan.”Kinuha ito ni Neera at maikling tumugon. “Okay.”Nagtagal pa sila ng ilang minuto sa pag-uusap. Ibinahagi ni Axel ang mga nakalap niyang impormasyon ukol sa aksidente, mga teorya, timeline, at posibleng pagkukulang sa dating imbestigasyon. Tahimik na nakikinig si Neera, paminsan-minsan ay nagtatanong, ngunit halatang inaalala na ang bawat detalye.Makalipas ang ilang sandali, nagpaalam na si Neera na aalis na upang simulan ang trabaho.Paglabas niya ng opisi

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status