Home / Romance / Consultant Turned Contracted Wife / Chapter One Hundred Forty Five

Share

Chapter One Hundred Forty Five

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-08-02 23:18:55

Kasunod nito, marahang nagsara ang pintuan ng elevator. Ramdam nila ang bahagyang pagyanig nang ito’y magsimulang bumaba, tahimik ngunit may bigat ang bawat segundo ng paghihintay.

Makalipas ang ilang sandali ay bumukas na rin ang pintuan. Lumakad silang palabas, alerto, ngunit determinado.

Kakaunti lamang ang mga ilaw na nakabukas sa loob ng underground facility, subalit sapat na ito upang masilayan ang kabuuan ng lugar. At sa unang tingin pa lang, alam na agad ni Selena na isang malawak na laboratoryo ang kanilang pinasok.

Nasa paligid ang naglalakihang aparato, mga makina at kagamitan na hindi siya pamilyar. May mga isolation tubes na kasing

laki ng tao, ilan ay walang laman, ngunit ang iba ay tila may aninong nasa loob. Sa tabi-tabi ay naroon ang mga babasaging lalagyan na may lamang sari-saring kemikal na ginagamit sa eksperimento.

Pinakamabigat sa lahat ay ang mga hayop na naka-display, mula sa maliliit na daga hanggang sa mas malalaking unggoy at sawa.

Karamihan ay buhay pa, ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Forty Six

    “Paano naman ang NeuroSilence, Paralyn, at TimeCell?” sunod na tanong ni Knox.“Matagumpay ang NeuroSilence,” sagot ni Gian. “Mahigit isang taon na ang lumipas mula nang ma-implant ang microchip sa utak ni Lyka. Aktibo pa rin ang chip, at trackable.”Lumapit si Gian sa mesa at kinuha ang mga papeles at blueprint. “Ilang beses ko nang sinubukan ang Paralyn,” pagpapatuloy niya habang nakaupo sa harap ng computer. “Pero hindi pa rin nawawala ang mga side effects nito kapag ginamit sa tao, lalo kung mahigit isa o dalawang beses ang paggamit ng injection.”“TimeCell…” saglit siyang natigilan. “Sa ngayon, hindi ko pa masabi kung magiging matagumpay. Kakasimula pa lang ng huling test stage ng serum na ‘yon, pero mataas ang tiyansa ng success rate.”“‘Di bale. Ang importante, gumaganda ang resulta. Maaari nang mabawi ang milyon-milyong nagastos sa mga failed stages,” malamig at walang kalatoy-latoy na saad ni Knox habang naglakad-lakad, paikot-ikot sa loob ng laboratoryo.Hindi na nagsalita p

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Forty Five

    Kasunod nito, marahang nagsara ang pintuan ng elevator. Ramdam nila ang bahagyang pagyanig nang ito’y magsimulang bumaba, tahimik ngunit may bigat ang bawat segundo ng paghihintay.Makalipas ang ilang sandali ay bumukas na rin ang pintuan. Lumakad silang palabas, alerto, ngunit determinado.Kakaunti lamang ang mga ilaw na nakabukas sa loob ng underground facility, subalit sapat na ito upang masilayan ang kabuuan ng lugar. At sa unang tingin pa lang, alam na agad ni Selena na isang malawak na laboratoryo ang kanilang pinasok.Nasa paligid ang naglalakihang aparato, mga makina at kagamitan na hindi siya pamilyar. May mga isolation tubes na kasinglaki ng tao, ilan ay walang laman, ngunit ang iba ay tila may aninong nasa loob. Sa tabi-tabi ay naroon ang mga babasaging lalagyan na may lamang sari-saring kemikal na ginagamit sa eksperimento.Pinakamabigat sa lahat ay ang mga hayop na naka-display, mula sa maliliit na daga hanggang sa mas malalaking unggoy at sawa.Karamihan ay buhay pa, ng

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Forty Four

    Umakyat sila sa hagdanan para masuri ang bawat palapag ng gusali. May limang palapag ang buong istruktura. Mula unang palapag hanggang ikatlo ay puro mga silid-aralan, habang ang ikaapat at ikalimang palapag naman ay ginagamit bilang dormitoryo ng mga estudyanteng naninirahan sa akademya.Maingat ang kanilang mga hakbang. Unti-unting bumigat ang pakiramdam habang paakyat sila.Sa taas, maaaring may ibang tao, kaya’t mas naging tahimik at mapagmatyag ang kilos ng dalawa.Sinubukan nilang buksan ang bawat pintuan ng mga kwarto. Ngunit lahat ay naka-lock, tila mahigpit na sinarado para walang makapasok. Hanggang sa marating nila ang pinakadulo ng hallway kung saan naroroon ang isang kakaibang pinto.Itim ito, naiiba sa lahat ng pinto sa palapag.Biglang nakaramdam ng kilabot si Selena. Isang kiliting malamig ang gumapang sa batok niya. Ngunit kasabay niyon ay isang matinding kuryosidad ang nagtulak sa kanya para lapitan ito.Maingat niyang iniabot ang kamay sa seradura. Bahagyang pinihit

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Forty Three

    “Mabuti siguro maghintay muna tayo. Kapag nagtakipsilim na, saka tayo magsimulang magplano,” sabi ni Barry, sumasang-ayon sa opinyon ni Neera. Hindi rin siya kampante na pasukin agad ang lugar nang walang sapat na cover.Dahil dito, nagpasya silang maghintay sa loob ng kotse. Tumagal ang mga minuto, ngunit hindi sila nagpakampante. Lahat ay nanatiling alerto, pinagmamasdan ang paligid habang unti-unting nilalamon ng dilim ang kalangitan.Pagsapit ng takipsilim, nagsimula na silang kumilos. Ang bawat galaw ay maingat, bawat hakbang ay pinag-iisipan.“Tara na. Nagawa ko nang i-access ang CCTV footage,” ani Tyler habang inilalagay ang tablet sa loob ng sling bag. “Naka-on pa rin ang live feed, pero pinalitan ko na ng looped video. Ang nakikita sa mga camera ay hindi ang totoong nangyayari.”Nauna sa paglapit sina Neera at Tyler. Pareho silang alerto, kabisado ang gagawin. Si Barry naman ay dumidikit lang kay Selena, palaging nasa tabi nito para siguraduhing ligtas siya.Napansin iyon ni

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Forty Two

    Parang sabay na binitawan ng langit ang dalawa.Bumagsak ang dalawang lalaki sa sahig, walang malay, agad na tinamaan.Tumambad sa kanila si Russell na karga-karga si Silas sa kaliwang braso. Nakasuporta ang bata sa kanyang balikat habang ang kanang binti ni Russell ay tila lango pa sa bigat ng sipa. Malinaw na siya ang tumapos sa laban.Hindi pa nakuntento, inapakan ni Russell ang kamay ng lalaking may kutsilyo at saka sinipa palayo ang sandata.“Obvious namang hindi na kayo makakatakas,” aniya, napabuntong-hininga at bahagyang umiling. “Kaya bakit hindi na lang kayo sumuko ng tahimik? Para hindi kayo masyadong napagod.”Tahimik ang paligid maliban sa impit na ungol ng dalawang lalaking nakabagsak sa sahig.“Ayos ka lang ba, Mr. Strathmore?” tanong ni River, bakas ang pag-aalala sa tinig habang nilapitan si Axel.Tumango si Axel, bahagyang pinunasan ang pawis sa noo. “Ayos lang ako.”.Kapwa napatingin ang dalawa kay Russell na ngayon ay binababa na si Silas sa isang ligtas na lugar s

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Forty One

    “Sigurado ka ba na pinatay mo ang ilaw?” narinig niyang sabi ng isa. Malalim ang boses, may halong inis.“Oo naman! Paulit-ulit mo pa ngang sinabi sa ‘kin. Nakakarindi na nga, eh!” iritang sagot ng pangalawa.“Mag-ikot kayo,” utos ng unang lalaki, tila siya ang lider.Ayaw man, sumunod ang dalawang kasama. Naghiwa-hiwalay ang mga ito at nagsimulang mag-ikot sa sala, kusina, at banyo, maingat na sinusuri ang bawat sulok, wari’y may hinalang may nangyaring kakaiba.Ang isa sa mga lalaki ay nagsimulang maglakad papalapit sa kwartong kinatataguan ni Axel. Dito na siya kumilos.Mabilis at eksaktong parang lobo na sumalakay, bigla niyang sinunggaban ang lalaking papasok. Hinawakan niya agad ang braso nito at marahas na pinilipit. Mabilis ring tinakpan ang bibig gamit ang kanyang palad upang hindi ito makapalag ng sigaw. Isang hakbang at isang lakas na hatak lang, napaluhod na niya ito at idiniin sa sahig.Nagpumiglas ang lalaki, sumisipa, pilit na lumalaban, pero wala itong binatbat sa laka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status