Home / Romance / Consultant Turned Contracted Wife / Chapter One Hundred Nine

Share

Chapter One Hundred Nine

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-07-09 20:27:38

“Siguro naman may ideya ka na sa trabahong ipagagawa ko sa ’yo?” tanong ni Axel, direkta ngunit kalmado ang tinig.

Tumango si Neera. “Oo. Nagsimula na akong mangalap ng impormasyon kaugnay ng aksidente. Kung may makakalap akong bagong detalye, ipaaalam ko agad sa inyo, Mr. Strathmore,” tugon niya, seryoso at propesyonal.

Tumango si Axel, at inabot sa kanya ang isang maliit na papel na may nakasulat na mga numero. “Sige. Tawagan mo lang ako kung kailan mo kailangan ng tulong. Pwede kang samahan ng mga tauhan ko kung kinakailangan.”

Kinuha ito ni Neera at maikling tumugon. “Okay.”

Nagtagal pa sila ng ilang minuto sa pag-uusap. Ibinahagi ni Axel ang mga nakalap niyang impormasyon ukol sa aksidente, mga teorya, timeline, at posibleng pagkukulang sa dating imbestigasyon. Tahimik na nakikinig si Neera, paminsan-minsan ay nagtatanong, ngunit halatang inaalala na ang bawat detalye.

Makalipas ang ilang sandali, nagpaalam na si Neera na aalis na upang simulan ang trabaho.

Paglabas niya ng opisi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Gemma Rose Altizo
Hayyyss.. Nadala aq sa iyak mo axel... .........
goodnovel comment avatar
FourStars
Ito na po ang Chapter 109 & 110! ☆ Do enjoy reading! ♡
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Two

    Napatigil si Selena at tumingin dito. “Oh? Ano mayroon? Bakit gabi ka uuwi?” tanong niya, bahagyang kunot ang noo.“Inaaya kasi ako ni Flora na maglaro ulit sa bahay nila,” sagot ni Silas na may kasabikang tono.“Ganoon ba…” tumango si Selena, bagama’t hindi nakawala sa kanya ang pangalan. “O sige, basta makitawag ka muna sa kanila kapag nakarating ka na, at tumawag ka rin ulit kapag pauwi ka na, ha?”Tumango-tango ang kapatid niya. “Okay! Tatandaan ko iyan, ate. Salamat!” sabay yakap nito kay Selena dahil pinayagan siya.Niyakap rin niya pabalik si Silas, pero nanatiling mabigat ang kanyang iniisip.Habang pinagmamasdan ang kapatid na masayang umaalis, bigla siyang napakunot-noo nang narinig ang pangalan na ‘Flora’.Hindi lamang si Silas ang nakabanggit ng pangalang iyon. Kahapon, narinig din niya ito mismo kay Veronica.Naglaro sa isip niya ang posibilidad. Baka nagkataon lang. Maraming tao ang may parehong pangalan.Napailing na lamang siya at pilit na inalis sa isipan ang mga agam

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred One

    Nilunok niya ang laway bago nagpatuloy. "May high-rise condominium project na itatayo sa Skyline City na may orihinal na budget na $16.8 million. Pero umabot sa $39.5 million ang kabuuang naging gastos dahil sa sunod-sunod na advance payments para raw sa materyales at sahod ng mga tauhan. Ayon sa nakalagay sa Change Order Report, idinagdag daw ang mga imported na materyales gaya ng high-grade steel, Italian tiles, at special glass panels pero sa aktwal na inspeksyon, wala ni isa sa mga ito ang natagpuan sa site. Mas mababa pa nga ang klase ng materyales na ginamit."Humugot siya ng malalim na hininga, halos nanginginig na ang tinig. "Bukod doon... pinalobo rin ang gastos dahil sa inflated labor cost at consultancy fees na ipinasa sa tatlong subcontractors na halos walang dokumentadong output. Ang mas nakapagtataka, mahigit $4.2 million ang na-withdraw bilang ‘emergency cash advance’ pero walang supporting receipts o inventory record kung saan ito ginamit. At ang supplier na pinagkunan

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred

    “Hayaan mo na. Ang mahalaga, nautakan rin natin sila kahit pa nagawa nilang mautakan rin tayo,” sabi ni Axel, may bahagyang inis ang tono ng boses.Napanguso sa pagkainis si Silas, halatang determinado pa ring hanapin ang kalabang hacker. “Huwag ka mag-alala, kuya Axel. Hindi ako papayag na matalo ako ng hacker na iyon! Hindi ako magpapatalo at sisiguraduhin kong magwawagi ako!” mariing sigaw nito, galit at puno ng apoy ang tinig.Dahil dito ay mas lumabas pa ang pagiging competitive ni Silas. Ayaw na ayaw talaga nitong natatalo o naiisahan pagdating sa mga laban ng hacking at intelligence.Maging sa simpleng laro ay hindi niya tinatanggap ang pagkatalo, kaya lalong tumindi ang determinasyon niyang mapabagsak ang hacker na umaatake sa system ng kumpanya ni Axel.Nawala bigla ang inis na nararamdaman ni Axel nang marinig niya ang sinabi ng nakababatang kapatid.Sa halip, isang malamig na katahimikan ang namayani sa kabilang linya. “Malalaman din natin kung sino ang may pakana nito. Sa

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Nine

    Sandali siyang napatingin sa loob ng silid bago muling nagsalita. “Kamusta naman kayo habang wala ako? Lalo na ‘yung kambal?”“Mabait sila,” tugon ni Neera na may ngiti. “Umiiyak lang kapag nagugutom.”Tumango-tango si Selena, gumaan ang loob sa narinig.“Oo, wala namang nangyaring kakaiba habang wala ka rito, Mrs. Strathmore,” dagdag pa ni Lucas na tila nag-uulat.Napanatag ang loob ni Selena, nagalak siyang malaman na walang sumunod na nangyaring masama sa mga anak niya habang wala siya.Bigla niyang naalala si Silas.“Ah, oo nga pala. Asan si Silas? Sabi ng kasambahay narito raw siya kasama ninyo magbantay sa kambal.”“Narito nga kanina ‘yong batang pasaway na ‘yon,” sagot ni Neera. “Pero bigla na lang tumakbo pabalik sa kwarto niya.”Nagtaas ng kilay si Selena. “Bakit naman?” puno ng pagtataka ang mukha.“Ang sabi ni Silas, tumawag daw si Mr. Strathmore sa kanya. Siguro natuwa ng husto kaya doon na sila nag-usap sa kwarto niya,” paliwanag ni Lucas.“Ano naman kaya ang pinag-usapan

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Eight

    Pero matigas ang puso ni Veronica. Mariin siyang umiling at nanatiling nakapulupot ang kamay kay Selena, halatang ayaw pang bumalik sa bahay.Tahimik lamang na nakaupo si Selena, pinagmamasdan ang palitan ng mag-lola. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon.Naawa siya kay Deric, na paulit-ulit nang sumusubok makiusap ngunit hindi pa rin natinag ang matanda.Halatang gusto lamang ni Veronica na makaramdam ng kalayaan, kahit pansamantala, mula sa pagkakakulong sa kanilang bahay at buryong.Nakisabat na si Selena sa usapan ng mag-lola nang makita niyang nauubusan na ng palusot si Deric para makumbinsi si Veronica na sumama na sa kaniya pauwi.“Uhm… mas mabuti siguro kung sumama ka na sa kaniya,” mahinahon niyang sabi habang nakatingin kay Veronica.Nawala ang simangot sa mukha ng matanda at napalitan ng tuwa nang lingunin siya nito. “Siguro nga. At isa pa, gutom at inaantok na rin ako. Kanina pa tayo daldal nang daldal,” sagot nito, tanda na sa wakas ay nakumbinsi na rin siya.Nakahinga nang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Seven

    Mukhang may Alzheimer’s si Veronica.Naawa si Selena. Magulo at paiba-iba ang isip ng matanda. Nagkahalo-halo na sa kanya ang katotohanan at imahinasyon.“Nga pala, mom, may dala ka bang gamit bago ka lumabas papunta sa mall? Siguro naman mayroon,” bigla niyang tanong.“Ang galing mo talaga, anak! Pinaalala mo na naman sa akin ang isa pang importanteng bagay! Teka lang!” ani Veronica, sabay bukas ng dala niyang shoulder bag na halatang mamahalin at mukhang isang luxury brand pa.Tahimik na napailing si Selena, bahagyang natatawa sa inaasta ng matanda.Magulo ang laman ng bag kaya naghalughog muna si Veronica bago sa wakas ay may nailabas itong cellphone mula roon.“Ngayon ko lang naalala na may dala pala akong cellphone,” ani Veronica. Kinuha niya iyon mula sa bag at agad na nag-dial ng numerong naaalala niya.Maya-maya, sinagot na rin ang tawag. “Puwede ba? Matanda na ako. Kaya ko naman mag-isa, hindi ko na kailangan ng tulong n’yo sa tuwing lalabas ako. Maayos lang ako, wala namang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status