Home / Romance / Consultant Turned Contracted Wife / Chapter One Hundred Ninety One

Share

Chapter One Hundred Ninety One

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-09-02 21:42:20

Unti-unting gumulong ang stroller patungo sa direksiyon ng swimming pool.

Sa kanyang isipan ay lihim siyang napangisi, sabay sapantaha na ilang sandali na lamang ay lulubog sa tubig ang kambal, malulunod, at sa huli ay mamamatay ang dalawang walang kamuwang-muwang na sanggol.

Ngunit ang inakala niyang matagumpay na plano ay biglang naudlot.

Sa isang iglap ay mabilis na sumaklolo sina Lucas at Barry, parehong tumalon sa eksena upang hablutin ang dalawang stroller kung saan sakay sina Asher at Samuel.

Mabuti na lamang at naging maagap ang dalawa, agad nilang nasalo ang stroller sa mismong huling segundo bago pa ito tuluyang mahulog sa swimming pool na may lalim na anim na talampakan.

Kung nagkataon ay siguradong lulubog at malulunod ang kambal, at hindi na maililigtas mula sa tiyak na kamatayan.

Nagmadali si Selena na bumalik sa hardin matapos kumuha ng ilang pagkain at inumin mula sa kusina.

Natagalan lamang siya dahil ipinag-bake pa siya ng mga kusinero ng ilang masasarap na pastries.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
dapat palayasin nlng nla un katulong.. bk my kasbut yn.. Kya ganun un ginawa.. update po ulit
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Seven

    Mukhang may Alzheimer’s si Veronica.Naawa si Selena. Magulo at paiba-iba ang isip ng matanda. Nagkahalo-halo na sa kanya ang katotohanan at imahinasyon.“Nga pala, mom, may dala ka bang gamit bago ka lumabas papunta sa mall? Siguro naman mayroon,” bigla niyang tanong.“Ang galing mo talaga, anak! Pinaalala mo na naman sa akin ang isa pang importanteng bagay! Teka lang!” ani Veronica, sabay bukas ng dala niyang shoulder bag na halatang mamahalin at mukhang isang luxury brand pa.Tahimik na napailing si Selena, bahagyang natatawa sa inaasta ng matanda.Magulo ang laman ng bag kaya naghalughog muna si Veronica bago sa wakas ay may nailabas itong cellphone mula roon.“Ngayon ko lang naalala na may dala pala akong cellphone,” ani Veronica. Kinuha niya iyon mula sa bag at agad na nag-dial ng numerong naaalala niya.Maya-maya, sinagot na rin ang tawag. “Puwede ba? Matanda na ako. Kaya ko naman mag-isa, hindi ko na kailangan ng tulong n’yo sa tuwing lalabas ako. Maayos lang ako, wala namang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Six

    Umiling-iling ang matandang babae. “Wala! Wala akong kasama. Ako lang mag-isa ang pumunta rito.”“Ganoon ba… mabuti siguro ay umuwi ka na. Baka mapahamak ka pa sa daan,” aniya, may pag-aalala ang tono ng boses.Biglang ngumiti ng malapad ang matanda. “Ay! Oo! Uuwi na talaga ako kasi nahanap na kita, anak! Tara na, umuwi na tayo! Isasama na kita sa akin!” sabay hawak nito sa braso niya at hatak-hatak siya palayo.Sinubukan ni Selena na alisin ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ng matanda ngunit nag-alinlangan siyang gumamit ng puwersa dahil baka masaktan niya ito ng hindi sinasadya. Kaya naman tumayo lamang siya, nanatiling hindi gumagalaw.“Hindi ako puwedeng sumama sa ‘yo umuwi,” mahinahong sabi niya rito.Biglang nalungkot ang matanda sa kanyang sinabi. “Bakit naman hindi puwede? Anak kita! Kaya dapat lang na sumama ka sa akin pauwi!” pagpupumilit pa rin nito.“Mrs. Strathmore!” mabilis na lumapit si Barry at agad siyang hinawakan dahil nagwawala na ang matanda. Lumalakas ang pa

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Four

    Ngunit mas lalo lamang humigpit ang kapit nito, waring ayaw siyang pakawalan.“Long time no see, Selena. Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?” anito na may mapang-asar at pakunwaring ngiti sa labi.Nabalot ng pandidiri si Selena sa presensiya ni Klyde, para bang bawat paghinga nito ay nakakasulasok sa kanya. “Hindi na kailangan. Mukha namang maayos ka kahit hindi na tanungin,” sarkastiko niyang tugon habang matalim ang tingin.Akala niya’y ma-o-offend si Klyde sa sinabi niya, pero halatang nagpanggap lang itong nasaktan. “Grabe ka naman, Selena. Ni hindi ka man lang nag-alala sa akin? Lalo na noong ipadala ako ni Axel sa malayong branch company ng Strathmore Group.”“Hindi,” mabilis at diretso ang naging sagot ni Selena saka niya pwersahang hinatak ang braso mula sa pagkakahawak ni Klyde.“Kung makapagsalita ka, para bang wala tayong pinagsamahan noon,” may bahid ng hinanakit na sambit ni Klyde.“Noon… oo. Pero wala na ngayon,” malamig at walang pag-aalinlangang tugon niya.Matapos

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Four

    Sa loob, sinalubong siya ng isang marangyang chandelier at mga disenyong simple ngunit elegante, na pinaghalong light gray at gold.Mahaba ang hanay ng mga racks na puno ng iba’t ibang klase ng dresses at gowns, habang nakapwesto naman ang ilang standing displays sa harap ng salamin na nagtatampok ng mga kasuotang pawang haute couture, mula sa mga formal wear gaya ng business suits, hanggang sa mga ball gowns at evening dresses na tunay na kumakatawan sa karangyaan at gilas.Agad na lumapit ang mga saleslady sa kanya, bahagyang yumuko saka sinimulan siyang i-assist. Mabait ang mga ito sa kanya kaya naman naging komportable siya sa pamimili niya.Sa pag-iikot niya sa loob ng boutique ay nakapukaw ng atensyon niya ang isang simple pero eleganteng dress na naka-display sa loob ng isang glass display.Light pink ang strapless dress na ito, pinalamutian ng lace sa itaas na bahagi at napapalamutian ng mga piling rhinestones, hindi man sagana ngunit sapat upang makatawag-pansin.Ang disenyo

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Three

    Mabilis na tumalikod si Heather, naglakad pabalik sa guest room. Mabilis na napalitan ang pekeng ngiti sa totoong pagkamuhi niya kay Selena.Hindi naman nakaligtas kay Lucas ang madilim na anyo at tila may tinatagong balak na titig sa mga mata ni Heather.Sa kanyang pakiramdam, hindi matatapos sa insidente kanina ang mga masasamang pangyayari, mas lalo pa itong magpapatuloy.Tahimik siyang napabuntong-hininga at tanging hiling niya na sana’y tuluyan nang mawaksi ang mga trahedyang nagbabadya, at manumbalik muli ang dating payapa at tahimik na paligid ng mansyon. Poop getTuned p naghahabol ng hininga dahil sa walang patid na pagtatrabaho sa buong maghapon. Kaunti lamang ang pahinga at halos walang pagkakataong makabawi ng lakas.Ganoon rin ang sinapit ni Pablo. Mas matindi pa ang kanyang pagod sapagkat isa siya sa tatlong hardinero ng mansyon. Araw-araw siyang babad sa ilalim ng matinding sikat ng araw, at ramdam na ramdam sa kanyang katawan ang bigat ng trabaho.Nanginginig na ang kat

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Two

    Sa nursery room, nakabalik na muli sa mahimbing na pagtulog ang kambal. Lumabas na rin sila at pansamantalang iniwan ang dalawang sanggol.Pagkalabas nila ay naroon na si Lucas, tila matiyagang naghihintay sa paglabas ni Selena.“Mr. Gardner?” tawag niya sa matandang butler.“Mrs. Strathmore, naibigay ko na ang kaukulang parusa kina Lilia at Pablo ayon sa iniutos ninyo,” magalang na sagot ni Lucas.Tumango si Selena na may kasamang malamig na ekspresyon. “Iiwan ko muna sa pangangalaga mo sina Samuel at Asher. Aalis kami ni Barry para mamili ng isusuot kong gown para sa party bukas ng gabi,” paalam niya.“Pero Mrs. Strathmore… paano kung maulit na naman ang nangyari kanina sa kambal?” nag-aalalang wika ng matanda, halatang hindi mapakali. Alam niyang iyon pa lamang ang unang beses na may banta sa dalawang sanggol, ngunit halos atakihin na siya sa puso sa sobrang kaba. Sa isip niya, kung hindi sila naging maagap ni Barry kanina ay baka mas pinili na lamang niyang lamunin siya ng lupa ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status