แชร์

Chapter One Hundred Seventy Four

ผู้เขียน: FourStars
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-22 15:50:02

“Nahanap nina Barry at Tyler ang bag mo. Nasa opisina ko na ang diary, pinatuyo ko na rin kasama ang music box mo,” saad ni Axel.

Labis ang tuwa ni Selena, halos pumatak ang luha sa sulok ng kanyang mga mata.

Dahan-dahan siyang lumapit kay Axel, saka maingat na ipinalibot ang mga braso sa katawan ng mister. Mahigpit ang yakap niya, para bang ayaw nang pakawalan.

Bahagyang nagulat si Axel, natigilan ng ilang segundo, pero agad ding yumakap pabalik. Mainit at maingat ang yakap niya, sabay hinawi ang ilang hibla ng buhok ni Selena at marahang idinampi ang labi sa noo nito.

Sa simpleng sandaling iyon, parang gumaan ang bigat sa dibdib ni Selena.

Biglang may naalala si Selena. “Nga pala, Axel, pagkatapos ng insidente sa bus, nawala yung wedding ring ko. Pero nasa akin at suot ko pa rin itong unang singsing na ibinigay mo sa ‘kin,” wika niya, tumingala at ipinakita ang kwintas na may nakasabit na singsing.

“Huwag mo nang alalahanin ‘yon, magpapagawa na lang tayo ng panibago para sa ‘yo,” an
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
konti nmn Ng update p update po ulit
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Seven

    Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Lyka. Saglit siyang nawalan ng boses.“H-hawak namin ang buhay ng mag-iina mo kaya—”“Sa tingin mo ba,” putol ni Axel, “matatakot mo ako ng gano’n lang?” Bahagya siyang ngumisi. “Paano kung ayaw kong pumirma?”Napanganga si Lyka, halatang hindi inaasahan ang sagot.Napangisi siya sandali bago tumalim ang tingin. “Wala kaming pakialam. Pipirmahan mo ’yan ngayon din—sa ayaw at sa gusto mo!” sigaw niya. “Hawakan niyo siya!”Agad kumilos ang mga tauhan ni Klyde. Mahigpit nilang hinawakan ang magkabilang braso at paa ni Axel, walang puwang para makawala. Sapilitan siyang pinaluhod, pilit pinipigilan sa bawat pagpupumiglas niya.Dahan-dahang lumapit si Klyde, hawak ang walkie-talkie, nakangisi na parang nagwagi na siya.“Axel,” sambit niya, pinindot ang aparato. “Nasa kabilang linya ang mag-iina mo. Kasama nila ang mga tauhan ko.” Bahagyang yumuko siya para magpantay ang mga mata nila.“Kung hindi ka pa rin pipirma at magmamatigas ka

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Six

    “Mr. Strathmore, pupunta muna ako sa security room at titingnan ang mga live footage. Baka sakaling may nahagip ang camera—kung sino ang kumuha sa kambal pati na rin kay Mrs. Strathmore,” sabi ni Tyler.“Sige. Tawagan mo agad kami kapag may nakita ka,” tugon ni Axel.Matapos iyon, mabilis na tumakbo si Tyler palabas at nagtungo sa security room upang mag-imbestiga.“Kayo dalawa, tulungan ninyo ang mga caretaker at ilagay sila sa higaan, tapos maghanap kayo ng—”Hindi pa man natatapos ni Axel ang kanyang sasabihin ay may narinig silang boses.Sabay-sabay silang napalingon at hinanap ang pinanggagalingan ng ingay, hanggang sa mapansin nila ang isang walkie-talkie na nasa ilalim ng higaan.Kinuha iyon ni Russell at agad na iniabot kay Axel. Nabalot ng matinding kuryosidad si Axel—wala namang iniwang walkie-talkie ang alinman sa kanila—kaya lalo siyang nagtaka. Dahan-dahan niya itong binuksan at nagsalita.“Hello?”Pagkasabi niya n’yon ay may agad na sumagot sa kabilang linya.“Oh, mabuti

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Five

    Si Lyka, na nasa kabilang linya, ay bahagyang nakakunot ang noo matapos patayan siya ni Nessa nang hindi man lamang hinihintay ang sasabihin niya. Hindi niya napigilang mainis nang maalala ang huling sinabi nito.“Sa tingin niya ba, matatakot kami sa pagbabanta niyang iyon?” bulong niya.Agad niyang kinuha ang walkie-talkie at tinawagan si Klyde.“Mr. Strathmore,” tawag niya. “Dadalhin na ni Nessa si Selena sa tuktok ng barko.”Sa kabilang linya, relax na nakaupo si Klyde sa malambot na sofa habang marahang umiinom ng champagne. “At ang mga anak nila?” malamig nitong tanong.Napatingin si Lyka sa dalawang sanggol na mahimbing na natutulog sa loob ng crib. “Kasama ko,” sagot niya.Katatapos lamang niyang looban ang private suite nina Axel at Selena. Ang target niya—ang kambal na anak ng mag-asawa—at matagumpay niyang naisagawa ang utos na ibinigay sa kanya ni Klyde.“Dalhin mo rin ang mga bata sa helipad,” mariing utos ni Klyde.“Masusunod, Mr. Strathmore,” tugon ni Lyka bago patayi

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Four

    Isang patalim ang dahan-dahang idinikit ni Nessa sa kanyang leeg.“Subukan mo lang sumigaw,” bulong ni Nessa, halos didikit ang labi sa tainga ni Selena, “at babaon ang kutsilyong ito sa lalamunan mo.”Bahagyang idiniin niya ang talim, sapat para maramdaman ni Selena ang lamig nito sa balat.“At huwag kang mag-alala,” dagdag niya habang nakangising tumatawa, “hindi ka mag-iisa sa kabilang buhay. Isasama ko pa ang mga anak mo.”Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Selena. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Kumirot ang dibdib niya sa takot—hindi para sa sarili niya, kundi para sa kanyang mga anak.“Huwag… huwag ang mga anak ko,” umiiyak niyang pagsusumamo. “Nessa, maawa ka. Mga pamangkin mo pa rin sila…”Ngunit sa mga mata ni Nessa, wala nang bakas ng kahit anong awa—tanging isang babaeng handang wasakin ang lahat para sa sarili niyang paghihiganti.“Aba, at bakit naman ako maaawa sa’yo at sa mga anak mo?” tumaas ang kilay ni Nessa. “Ikaw ang dahilan ng lahat ng paghi

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Three

    Tumaas ang kilay ni Lyka, halatang hindi impressed sa mga tanong niya. “Simple lang ang kailangan mong gawin. Gusto ni Mr. Strathmore na magmanman ka para sa kanya.”Natigilan si Nessa nang marinig ang apelyido.“Mr. Strathmore?” ulit niya, unti-unting bumababa ang kutsilyo sa pagkakahawak. “Sino sa mga Strathmore ang tinutukoy mo? Kasi ang kilala ko lang… si Klyde.”Sandaling natahimik si Lyka bago tuluyang sumagot. “Siya nga.”Napangisi si Nessa, malamig at puno ng hinanakit. “Ano naman ang kailangan sa akin ng manggagamit na ’yon?” tanong niya, halata sa boses ang matinding galit kay Klyde.“Bago ’yon,” putol ni Lyka, “hindi ba’t matagal mo nang gustong maghiganti sa stepsister mo?” Sandaling tumigil ito bago muling nagsalita. “Pinapunta ako rito ni Mr. Strathmore. Kailangan niya ang tulong mo para pabagsakin ang sarili niyang pinsan.”Bahagyang tumaas ang kilay ni Nessa. “Ano naman ang kinalaman ko sa away niya at ng pinsan niya?”“Ang pinsan ni Mr. Strathmore—si Axelius Strathmor

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Two

    Tumawa nang malakas ang babae. “Surprise!” ani Nessa, taas-baba ang kilay. “Ang tagal mo namang napagtantong ako ’to. Dahil ba sobrang ganda na ng buhay mo ngayon kaya nakalimutan mo na ako? Ha?” Ang ngiti nito ay parang kutsilyong humihiwa sa hangin.“P-paano ka nakasakay ng barko?” mahina ngunit mariing tanong ni Selena. “Imposible… imposible na ikaw lang mag-isa ang nakagawa ng paraan. At lalong imposibleng tulungan ka ni Nigel—”Hindi na niya natapos ang sasabihin.“Manahimik ka!” sigaw ni Nessa, malakas, basag, at puno ng poot na nagpatigil sa hangin sa pagitan nila. “Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng hinayup*k na ’yon!” Nagngingitngit na halos magdugtong ang mga ngipin niya. “Demonyo ang hayop na ’yon!”Namula ang mga mata ni Nessa sa galit. Mabilis na bumalik sa isip niya ang mga panahong kinaladkad siya ng mga tauhan ni Nigel papasok ng sasakyan at dinala sa night club nito.Pagdating doon, hindi siya tinanong, hindi siya pinakinggan. Ipinuwesto agad siya bilang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status