Home / Romance / Consultant Turned Contracted Wife / Chapter One Hundred Seventy Five

Share

Chapter One Hundred Seventy Five

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-08-24 20:26:45

“Eh?! Baby?!” halos mapasigaw sa gulat si Silas, nanlalaki ang mga mata. “Nanganak na si ate Lena?!”

“Oo, kaya naman pangako mo sa ‘kin na aalagaan mo rin ang mga pamangkin mo,” nakangiting wika ni Axel.

Ibinaba ni Axel si Silas, na agad lumapit sa stroller para masilayan ang kambal. “Ang cute nila, pero… bakit hindi sila kamukha ni ate Lena?” inosenteng tanong nito, bahagyang nakanguso.

Natawa si Selena nang marinig iyon, agad niyang naalala ang sinabi ni Axel noon na gusto rin nitong kamukha niya ang kanilang mga anak.

Masaya ang buong araw na iyon dahil sa pagdating ng kambal na sina Asher at Samuel.

Nang gumabi ay nagpasya nang umuwi sina Alaric at Abigail. Ayaw man nilang umalis dahil nais pa nilang makasama at kargahin ang kanilang mga apo, subalit may mga mahahalagang trabaho pang kailangang asikasuhin si Alaric.

“Dadalaw ulit kami,” malambing na wika ni Abigail habang hinahagkan ang kambal.

“Dadalaw kami ulit ng mom mo,” dagdag ni Alaric, saka nagpaalam. Tinitigan niya sa huli
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Thirteen

    “Buhay ka pa pala,” natatawang sabi ni Klyde kay Heather.Tumaas ang kilay ni Heather. Kita sa mukha niya ang panunuya habang pinagmamasdan ang sinapit ni Klyde. “Naaawa ako sa ’yo, Klyde, pero nararapat lang naman ’yan sa ’yo.”Napangisi si Klyde. “Huwag kang mag-alala, Heather. Sasapitin mo rin ang kalagayan ko—maya-maya lang.”Nanginig ang buong katawan ni Heather sa sinabi ni Klyde. Sa namumulang mga mata niya ay bakas ang matinding galit.“Hinding-hindi ’yan mangyayari sa akin. Sa ’yo lang,” malamig niyang sagot.Pagkasabi nito, iniunat ni Heather ang kamay at walang pag-aatubiling pinaputukan si Klyde sa dibdib.Nabigla sina Selena at Axel sa ginawa ni Heather. Agad na napatingin si Axel kay Klyde at sinubukan pa itong agapan, ngunit nang suriin niya ang pinsan ay wala na itong buhay. Mababa na rin naman ang tsansa nitong mabuhay—masyado na itong nawalan ng dugo—kaya hindi na nakapagtataka na tuluyan itong namatay sa isa pang tama ng bala.Dahan-dahang binitiwan ni Axel si Klyde

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Twelve

    Muling naramdam ni Selena ang matinding takot nang itutok muli sa kanya ang baril. Dahan-dahan siyang tumayo, hindi inaalis ang tingin sa sandata.“Kahit patayin mo pa ako ngayon,” mariing sabi niya, may panunuya sa tinig, “nariyan si Axel para ipaghiganti ako. Kahit anong gawin mo, Klyde—si Axel at si Axel pa rin ang tunay na tagapagmana ng mga Strathmore. Hindi ikaw!”“Hindi! Hindi ’yan mangyayari!” galit na sigaw ni Klyde. Nanginig ang kamay niyang may hawak ng baril. “Pagkatapos ko sa ’yo, isusunod ko si Axel—at ang huli, ang mga anak ninyo!”Napangisi siya, tumatawang parang baliw. “Doon na kayo sa kabilang buhay magkikita-kita at magsasama-sama!”Tumawa si Klyde nang tila nawawala na sa sarili, nilulunod ng kasiyahan ang isipin na mawawala na ang sinumang maaaring maging sagabal o hadlang sa kanyang mga plano.Nang makita ni Selena na papindot na ang daliri ni Klyde sa gatilyo ng baril, napapikit na lamang siya at tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang mukha.Ngunit sa halip na

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Eleven

    Matapos niyang gawin ang lahat ng kaya niya, sinuri niya ang pulso nito. Mahina—ngunit naroon pa.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kay Nessa. Puno ng takot at pagsusumamo ang kanyang mga mata.“Nessa… nakikiusap ako,” umiiyak niyang sabi. “Hayaan mo akong dalhin siya sa clinic. Gagawin ko ang kahit ano. Kahit ano, basta mabuhay lang siya.”Isang malamig at walang-awang tawa ang isinagot ni Nessa. “Sa tingin mo ba may pakialam ako?” aniya. “Ang gusto ko lang ay mawala ka.”Dinampot ni Nessa ang baril at muling itinutok kay Selena, idinidiin sa kanyang noo.“Magpaalam ka na.”Bago pa niya mapindot ang gatilyo, isang malakas na putok ang umalingawngaw.Nanlaki ang mga mata ni Selena.Sa harap niya, bumagsak si Nessa sa sahig at nanatiling hindi na gumagalaw.Nabalot ng katahimikan ang paligid—isang katahimikang mas mabigat kaysa sa ingay ng putok kanina. Nanatiling nakaluhod si Selena, nanginginig, habang unti-unting nauunawaan ang bigat ng lahat ng nangyari.Sa harapan niya, naki

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Ten

    Nang makita nina Selena at Tyler ang nakakaawang itsura ni Nessa—nakatiklop ang katawan na parang hipon at halos hindi makagalaw—nagpasya silang iwan ito at magmadaling magtungo sa clinic upang maagapan ang sugat ni Tyler dulot ng tama ng bala. Tahimik silang umikot at nagsimulang maglakad palayo.Tahimik ding pinanood ni Nessa ang paglayo ng dalawa hanggang sa may mapansin siyang bagay sa sahig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ito at agad siyang gumapang palapit.Isang baril.Saglit siyang nagtaka kung paano ito napunta roon, ngunit hindi na niya inaksaya ang oras sa pag-iisip. Agad niya itong dinampot at, kahit nanginginig ang kanyang mga kamay, mabilis na itinutok sa dalawang naglalakad palayo.Sumilay ang isang masamang ngiti sa kanyang mga labi.Pinindot niya ang gatilyo. Mabilis na lumipad ang bala patungo sa direksyon ni Selena. Dahil unang beses pa lamang humawak ng baril si Nessa, dumaplis lamang ang bala sa tagiliran ni Selena—ngunit sapat na iyon upang mapahin

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Nine

    Sa sky deck, nakarating sina Selena at Tyler. May ilang tao roon na nagpapahangin at nagmamasid sa paligid.Nang makita ni Selena ang ibang tao, agad siyang lumapit habang inaalalayan si Tyler.“Miss,” nanginginig niyang tanong, “saan banda ang clinic ng barko?”Nagulat ang babae ngunit handa na sanang sumagot—nang bigla na lamang bumagsak si Selena at si Tyler sa sahig.“Ahhh!” napasigaw ang babae sa gulat.Napaatras siya at nakita kung sino ang may hawak ng fire extinguisher.Si Nessa.Dahan-dahan niyang ibinaba ang fire extinguisher matapos ihampas ito nang malakas sa ulo ni Selena.Naroon si Nessa sa sky deck upang magpahinga matapos makatanggap ng malaking bayad mula kay Lyka. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Selena roon—buhay pa.Inakala niyang patay na ito sa kamay ni Klyde. Kaya nang makita niya ito, hindi na siya nagdalawang-isip.Pinulot niya ang fire extinguisher at tahimik na lumapit. Isang malakas na hampas.Dahil sa bigat at lakas ng pagkakahampas, agad na bumags

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Eight

    Nanigas ang panga ni Klyde. Namula ang kanyang mga mata habang nanginginig ang buong katawan niya sa matinding galit. Halatang pilit niyang kinokontrol ang sarili upang hindi tuluyang sumabog.Bago pa man siya mawalan ng kontrol, napahinto siya at mahina ngunit malamig na tumawa.“Kahit anong tapang ang ipakita mo, Selena,” mababang sabi ni Klyde. “Wala ka nang ibang pagpipilian kundi sundin ang utos ko. Hindi lang ang mga anak mo—pati si Axel, papatayin ko kung hindi mo pipirmahan ang transfer agreement na ’to!”Galit na galit siyang inagaw ang baril mula sa isa sa kanyang tauhan at mabilis na lumapit kay Selena, itinutok ang baril sa kanya.Napaatras si Selena at mabilis na umigtad nang makita ang biglaang kilos ni Klyde. Bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakatitig sa baril na hawak nito. Gusto man niyang tumakbo o umiwas, alam niyang anumang maling galaw ay maaaring magresulta sa agarang pagbaril sa kanya.Habang naguguluhan siya kung ano ang dapat gawin, bigla niyang narini

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status