Share

Chapter 26

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-11 13:21:40

NANLAKI ang mga mata ni Suzy. “Ha? Pa’no nangyari ‘yon? Akala ko pupunta pa muna siya sa Japan?” —Iyon ang sabi sa kanya ng Ina, na bibisitahin muna nito ang kamag-anak nila sa Japan bago umuwi sa Pilipinas.

“I don’t know! Nasa arrival area na raw,” ani Rodrigo.

“Kailangan na nating umuwi.”

Kaya tinawag nila si Marc na nasa malapit at sinabing magmaneho na pauwi pero si Levi naman ang gustong umalis. Nang buksan nito ang pinto ay agad niyang pinigilan sa braso. “Sa’n ka pupunta?” ani Suzy.

“Dito na lang ako.”

“Ha? Akala ko’y ihahatid mo kami?” naguguluhang tanong ni Suzy.

Well, ang plano talaga ay hanggang sa subdivision lang siya at bababa na pero dahil parating ang Ina nito ay bigla siyang naduwag. “Hindi na, nakakahiya na kay Cain kung gagawin kong service ‘tong assistant niya.”

Si Marc na magmamaneho na dapat ay biglang lumingon, bakas ang pagtataka sa mukha. Tila nawi-weirduhan sa sinasabi ni Levi.

“Okay lang naman kay kuya Marc, ‘di ba?”

Tumatangong napakamot sa ulo si Marc. “Ih
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Haydin Mangudadatu
update nman po
goodnovel comment avatar
Haydin Mangudadatu
ay suzy kinikilig ka nman,,,sana mag date na kau ni levi at Ng maka 1st kiss kna sa Kanya..jejje more update
goodnovel comment avatar
Ritchel Dormitorio Ladub
ay sus,kinililig opdate please ...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 37

    HALOS sabay na dumating ang dalawang sasakyan sa parking lot ng restaurant. Ang isa ay minamaneho ni Levi, habang sa kasunod na kotse ay sina Rodrigo at Stephen. Padilim na ng oras na iyon kaya bukas na ang mga ilaw sa establishment, makukulay at nagkikislapang ilaw pang-akit sa mga customer.Pagkababa nila sa sasakyan, agad na kumaway si Suzy. “Rodrigo! Stephen!” masiglang bati habang naglalakad palapit sa mga ito.Ngumiti si Rodrigo at sumalubong din. “Uy, sakto! Akala namin malelate kami.”Si Stephen naman ay magalang na tumango kay Levi.Pagkatapos ay pinakilala naman ni Suzy ang dalawang kaibigan, “Levi, nakilala mo na last time si Rodrigo—while, ito naman si Stephen, kaibigan ko rin.”Nagkamayan silang tatlo, sabay ng maikling bati at magalang na ngiti. Walang halatang ilangan, pero ramdam ang bahagyang pag-obserba ni Levi habang tinitingnan ang dalawa.Pagkatapos ay pumasok na sila sa restaurant at agad inasikaso ng staff papunta sa bakanteng table. Nang una ay tahimik lang sil

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 36

    DINALA ni Levi ang dalaga sa art gallery dahil alam niyang mahilig ito sa ganoon. At makikitaan naman ng tuwa sa mukha si Suzy matapos nilang pumasok.Tahimik silang naglalakad pinagmamasdan ang malawak na pader kung saan nakasabit ang mga obra sa iba’t ibang kulay, estilo, at emosyon.“Ang ganda rito,” mahinang sabi ni Suzy, hindi maitago ang tuwa habang dahan-dahang naglalakad sa hallway. May ningning sa mga mata.Ngumiti si Levi. “Nagustuhan mo bang dito kita dinala?” tanong niyang tinanguan nito. “Naalala ko kasing mahilig ka nga pala sa art,” dagdag niya, ang kamay ay nakasuksok sa bulsa—naghahanap ng tiyempo na mahawakan ito sa kamay.“Madalas din akong pumunta sa mga ganito no’ng nasa States pa ‘ko. Thank you,” ani Suzy, saka ito tiningnan ng may ngiti sa labi at pagkatapos ay muling binalik ang atensyon sa mga paintings.Tumigil siya sa harap ng isang canvas na may kulay bughaw at gintong mga linya. “Parang ang payapa, ‘no?”“Oo,” sagot ni Levi, kahit wala naman siyang naiinti

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 35

    PINAGBUKSAN ni Cain ng pinto ang kaibigan, at bumungad sa paningin niya ang nakangising si Levi.Pero ang ekspresyong mababanaag sa kanyang mukha ay hindi na maipinta, parang ano man sandali ay makakapanakit na.Ngunit tila wala man lang napansin si Levi, at naglakad papasok—dire-diretso patungo sa kusina para maghanap ng maiinom.Binuksan niya ang refrigerator. “Wala kang canned beer?” Sabay tingin kay Cain pero hindi man lang siya sinagot. Kaya naghanap siya sa cupboard at ibang lagayan at baka may nakatago itong alak.Pero bigo siya kaya kumuha na lang siya ng malamig na tubig—feeling at home sa condo ng kaibigan.“Gusto mo ba?” tinanong niya pa, akmang kukuha ng isa pang baso para kay Cain.“Umuwi ka na,” tila nagtitimpi na lamang.Ngunit tila manhid si Levi, hindi man lang makaramdam. Pagkatapos magsalin ng malamig na tubig sa baso ay nilapitan niya ang kaibigan, marahang hinila ang kamay nito paupo sa sofa saka siya tumabi.Pagkatapos ay pinakatitigan niya ng ilang sandali ang m

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 34

    NILINGON ni Suzy si Rodrigo habang may namumuong luha sa mga mata. Pagkatapos ay patakbo itong niyakap na labis ikinabigla ng huli.“Uy, anong nangyayari sa’yo?” bulong ni Rodrigo, habang nakaalalay sa likod ng dalaga.Hindi agad nakasagot si Suzy dahil sa sobrang tuwa. Na-o-overwhelm pa siya sa nangyayari.Samantalang sa mata naman ni Thelma, maging ng ibang katulong na nag-a-arrange ng basket of flowers ay nagpapasalamat marahil si Suzy dahil sa binigay nitong bulaklak.“Ayos ka lang, girl?” bulong muli ni Rodrigo.Tumango si Suzy saka ito sinagot, “Sobrang saya ko lang. Kasi si Levi ang nagpadala ng mga bulaklak.”Muntik nang mapasinghap ng eksaherada si Rodrigo, buti na lamang at kaharap niya si Thelma na pinapanuod silang nagyayakapan ni Suzy kaya nakapagpigil pa siya. “Pero, girl… ba’t ako ang niyayakap mo? Baka mamaya niya, malaman pa ‘to ng boylet mo jumbagin ako.”Natawa si Suzy saka ito tiningnan pero ang kamay ay nanatili sa braso ng kaibigan, upang magmukha silang sweet na

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 33

    MAGTATANGHALI na nang magising si Suzy. Halos madaling-araw na kasi silang natapos mag-usap ni Levi kagabi—o mas tama sigurong sabihing nakatulugan niya ito habang naka-video call.Pagmulat ng mata, agad niyang hinanap ang cellphone. Pero ayaw mag-on—na lowbatt. Kaya bumangon siya sa kama at kinuha ang charger sa drawer.Habang nagcha-charge ang cellphone, ay pumasok siya sa banyo para maghilamos at toothbrush. Napapasayaw pa nga siya sa sobrang tuwa.Pagkababa ng hagdan ay nakasalubong niya ang isang katulong na paakyat. “Hi!” masiglang bati ni Suzy.Napatigil ang katulong, napakunot-noo. “Ah… hello po, Miss,” anito, medyo naguguluhan, bago nagpatuloy sa pag-akyat habang palihim na nagtataka sa inaakto nito.Dumiretso si Suzy sa kusina, kung saan abala ang kusinera sa pagluluto ng pananghalian. Amoy na amoy niya ang niluluto nito kaya bigla siyang natakam.“Hello! May natira pa bang pagkain?” aniya sabay lapit.Ngunit bago pa makasagot ang kusinera, sumabat na si Thelma na kararating

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 32

    NAGKATITIGAN ang dalawa, animo ay tumigil ang oras ng sandaling iyon. Hanggang sa ngumiti si Levi. “Nagseselos ako.”“Bakit?” Kahit may namumuo ng ideya sa isip ni Suzy ay gusto niya pa rin makasiguro.Kumurap si Levi, lumamlam ang tingin saka marahang hinawi ang ilang takas na hibla ng buhok nito. “Kung sasabihin ko sa’yo ang dahilan, baka abutin tayo ng umaga kaya sisimplehan ko na lang…”Napalunok ng laway si Suzy, kinakabahan na nasasabik sa maririnig.“Nagbibiro lang ako.”Nawalan ng kulay ang mukha ni Suzy. “Ha?” Parang hindi pa siya makapaniwala.“Joke. Don’t tell me, ‘di ka pa rin nasanay sa’kin?” ani Levi.Napasimangot si Suzy, sa sobrang sama ng loob ay hinampas-hampas niya ito sa balikat. “Kainis ka naman, e!”Tumawa si Levi at nang masaktan ay hinawakan ang magkabila nitong kamay. “Joke lang! Ito naman, ‘di na mabiro!”Nagpumiglas si Suzy, gusto pa rin itong saktan dahil sa inis.“Hindi pa ba obvious kung ba’t ako nagseselos?” ani Levi.Umiwas ng tingin si Suzy, halata sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status