Share

Chapter 312

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-02 23:41:05

SA KOTSE pa lang ay nilalapatan na ni Katherine ng paunang lunas ang braso nito.

Habang si Cain naman ay hinawakan ang pisngi nito sabay haplos. "Namumutla ka, may masakit ba sa'yo?"

Matalim na tingin ang pinukol ni Katherine. "Ba't ako ang inaalala mo?! Itong sugat mo, ayaw tumigil sa pagdurugo!" Sabay baling kay Joey. "Sa ospital na tayo dumiretso."

Hinawakan ni Cain ang kamay nito sabay pisil. "Hindi na kailangan. Pwede ko naman tawagan na lang si Levi."

"Ikaw ang bahala," aniya at hindi na nakipagtalo at matigas pa naman ang ulo nito. Nasusunod lagi ang gusto.

Lumipas ang ilang minuto nang marating nila ang mataas na gusali.

"Nandito na tayo," ani Joey.

Napatingin si Katherine sa labas saka tiningala ang building. "Condominium ba 'to?"

"Dito ako nagsi-stay 'pag ayokong umuwi sa bahay."

"Bakit?" ani Katherine habang nakatingin pa rin sa gusali.

"Namimiss lang kita 'pag umuuwi ako."

Sa narinig ay napalingon si Katherine, hindi lang siya dahil maging si Lucille at Joey ay pasimple ri
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (8)
goodnovel comment avatar
Cari Labs
dapat magkasangga Ang mg Asawa agst sa MGA kontrabida,Hindi Yung, Sila na nga Ang bida mg.awayan pa, Hindi pabalik bal8k nalang, tapos eentra SI Stella gamitin si margareth, parang margareth at jean Yan, pabalik balik nalang, boring
goodnovel comment avatar
Mary grace Villaraza
next chapter
goodnovel comment avatar
Cari Labs
at sana, matapos nacdin Ang story pra makahanap na Naman ng panibago,
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 330

    BAKAS sa mukha ni Joey ang pagsisisi. “Kasalanan ko ata ‘to, Ma’am. Hindi ko sinigurong kinakain niya ang pagkaing binibigay ko.”Hinawakan ni Katherine ang balikat nito, marahang tinatapik-tapik. “’Wag mong sisihin ang sarili mo. Kahit sino rin naman, hindi ito gugustuhing mangyari.” Pagkatapos ay tinanggap ang disposable container. “Ako nang bahalang magpakain sa kanya. I’m sure, pagod ka at na-stress sa nangyari.” Bakas sa mukha nito ang pagod at kawalan ng pahinga kaya sinabihan niya itong magpahinga muna kahit sandaling oras lang.Pagkatapos ay pumasok na siya sa silid at nakita si Cain na natutulog, namumutla at tila may iniindang sakit. Halata sa nakakunot nitong noo.Lumapit siya, dahan-dahang inilapag ang disposable container sa table, at naupo sa tabi ng kama. Inangat ang isang kamay, maingat na inilapit sa ilong nito at gusto lang kumpirmahin na humihinga ito nang maayos. Baka kasi nahihirapan na habang natutulog.Kaya nakahinga siya nang maluwag matapos makasiguro na okay

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 329

    NAGHURUMENTADO ang puso ni Katherine sa narinig. Hindi niya iyon dapat maramdaman kaya marahan niyang pinukpok ang dibdib.Ano ba! maghunos-dili ka nga!Saway niya sa sarili.“Katherine?” ani Cain. “Nandiyan ka pa?”“Y-Yes! May ginagawa kasi ako. Ano nga ulit ‘yung sinabi mo?” Kunwaring hindi niya narinig.Nakagat naman ni Cain ang ibabang labi saka mariin napapikit. Minsan na nga lang maglambing tapos hindi pa nito narinig. “Wala… kumusta ka nga pala? Hindi agad ako nakatawag at medyo busy.”“I know, narinig ko—“ natigilan si Katherine matapos madulas.“…So, narinig mo talaga ‘yung sinabi ko?” Hindi ito sumagot kaya inakala niyang binabaan siya ng tawag. Pagtingin sa screen ng phone ay nasa linya pa rin naman silang dalawa. Tuloy, napangiti siya sa paglikot ng sariling imahinasyon.Pakiramdam niya ay namumula ito sa hiya kahit hindi naman niya nakikita.“Nandiyan ka pa?” aniyang may malawak na ngiti sa labi.Matagal bago sumagot si Katherine at tumikhim pa nga, tila may kung anong bu

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 328

    NAPAKAGAT-LABI si Jared, natutuwa siya sa sinabi nito pero ayaw niyang ipahalata dahil baka magalit na naman sa kanya. “Wala ‘yun, inaalala mo kasi ang mga naiwan mo sa bar kaya pinaasikaso ko na at baka mapagalitan ka pa sa trabaho.”Tumango-tango lang si Lian na may panaka-nakang tingin. Sa kabila ng tulong na nagawa nito ay ayaw niyang magpa-uto.Hindi niya gustong maulit muli sa dati. Iyong aasa siya na magbabago ito pero sa huli ay sasaktan din pala.Makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang hotel. Akmang lalabas siya ng magsalita si Jared.“Alam kong safe rito pero maraming pwedeng mangyari lalo at si Zapanta ang pinag-uusapan dito. Kung hindi mo mamasamain—““Salamat na lang pero okay lang ako,” putol ni Lian. “Marami ka ng nagawang kabutihan. Masiyado ng makapal ang mukha ko kung patuloy kong tatanggapin ang tulong mo,” malamig niyang tugon.Huminga lang nang malalim si Jared sabay tango. “Okay. Good night.”Walang lingon na lumabas si Lian sa kotse at naglakad papaso

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 327

    NAPATIIM-BAGANG si Jared, ang mga mata ay namumula sa galit. Ngunit hindi dahil kay Lian kung hindi dahil sa muntik na itong mapahamak sa sobrang likot. “Ang tigas ng ulo mo.”Hindi na niya gustong makitang nasasaktan si Lian, physically or emotionally man. Natakot na siya noon, na lagi itong nakikitang nasusugatan. Husto na ang takot na naramdaman noong inakala niyang patay na ito.Napakurap naman si Lian, biglang kinabahan sa paraan ng pagtitig nito. Pakiramdam niya, ano man sandali ay sasaktan siya sa sobrang galit nito.Mabilis naman nagbago ang ekspresyon ni Jared saka ito niyakap. “Sorry, natakot lang akong baka mabagok ka sa ginagawa mo.”Sa kabila ng ginaw dahil sa buhos ng ulan ay nakaramdam si Lian ng init sa yakap nito. Ngunit mayamaya pa ay nagpumiglas at pilit lumalayo pero mahigpit ang yakap nito.Hanggang sa tumayo si Jared at muli siyang binuhat patungo sa sasakyan. Hindi na siya nagmatigas pa dahil basang-basa na siya, hindi na tamang magmatigas sa panahong iyon.“I-I

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 326

    NAGULUHAN si Jared kung bakit ito biglang umiyak. “Bakit, nasaktan ka ba? Sakit ang masakit?”Umiling-iling naman si Lian habang humihikbi. “A-Ayos lang ako.”“Sigurado ka? Baka kailangan natin pumunta sa ospital?”“Hindi, ayos lang talaga ako.” Matapos ay pinunasan ang pisnging nabasa ng luha.Tumango lang si Jared saka bumangon pagkatapos ay inalalayan itong makatayo. Sunod ay tinulungan itong ayusin ang sarili, pinagpagan ang nadumihan nitong damit. “Ano bang nangyari sa’yo at bigla kang tumakbo sa kalsada?”Lumingon si Lian sa pinanggalingan. Hindi niya nakikitang humahabol si Zapanta kaya medyo nakahinag siya nang maluwag. Pagkatapos ay muling binalik ang tingin kay Jared. Gustuhin niya man sabihin ang nangyari ay pinili na lamang niyang manahimik.Ayaw na niya itong bigyan ng pagkakataon na muling manghimasok sa kanyang buhay. Ang nangyari sa kanya sa gabing iyon ay sasarilinin na lamang niya. “Salamat sa ginawa mong pagtulong,” ani Lian. “Tatanawin kong isang malaking utang na

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 325

    NAGPALINGA-LINGA si Lian sa paligid, tinitingnan kung may iba bang nakatingin sa kanila ngunit wala kaya nakahinga siya nang maluwag. Hindi na niya gustong madikit ang pangalan kay Jared pero hindi niya inaasahan na may makakakilala pa rin sa kanya. “A-Anong sinasabi niyo, Mr. Zapanta? Baka, ibang tao ang tinutukoy niyo at hindi ako?”“Nag-iba man ang itsura at ayos mo ngayon ay hindi ako maaaring magkamali. Mula ka sa pamilyang Romero at anak—““Nagkakamali kayo!” agap ni Lian bago pa nito mabanggit ang pangalang ng magulang. “I’m Abigail Williams, Sir.”Pinanliitan ito ng tingin ni Zapanta, hindi kumbinsido. Kahit may edad na ay hindi siya nakakalimot ng mukha lalo na kapag… gusto niya ang babae.“Whatever your name is, hindi na mahalaga…” Sabay hagod ng tingin sa mukha nito pababa sa magandang hubog ng katawan. “Ba’t hindi muna tayo pumunta sa mas tahimik na lugar?” Sabay hila sa kamay nito.Nagpumiglas naman si Lian, pilit binabawi ang kamay. “P-Pasensiya na, Sir. Pero hindi ko pw

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status