공유

Chapter 345

작가: Lirp49
last update 최신 업데이트: 2025-08-02 22:35:37

NANG marinig ni Elma ang pangalang sinabi ng estranghero ay natigilan siya, maging ang bata ay na-excite. “Kilala mo po si tito Cain?” tanong pa ni Shannon.

Rumehistro ang pagkabigla sa mukha ni Levi matapos marinig ang pangalan ng kaibigan. “You know him?”

Tumango-tango ang bata. “He’s my tito—“

“Sir!”

Nagambala sila ng papalapit na lalake. “Sir, kanina ko pa kayo hinahanap. Naghihintay na sa office niya si Medical Director.”

“Sige, susunod na ‘ko,” ani Levi saka binalingan tingin ang Ginang at bata. “Sorry, but I have to go.” Saka naglakad palayo.

Si Shannon naman ay tiningnan si Elma. “Kilala niya si tito Cain. Maybe they’re friends?”

“Siguro nga… tara, umalis na tayo.” Saka marahang hinila ang kamay ng bata.

Lumipas ang ilang oras ngunit nanatiling nasa malayo ang isip ni Katherine at kanina pa iyon napapansin ni Cain. “Ayos ka lang ba?” aniya habang nililigpit ang ilang gamit dahil naayos na ang discharged papers at maaari na silang makaalis. Pagtango lang ang ginawa nito kaya mu
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (32)
goodnovel comment avatar
Jeniffer Sentorias Medrano
update Po plzzzzzz
goodnovel comment avatar
Anan Tabones
ang tagal nman mg update......
goodnovel comment avatar
Apple Lobo
next please
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 45 - Choose Me

    HINDI pa man sumisikat ang araw ay bumangon na si Sherwin sa kanyang kinahihigaan. Pagod siyang naupo, at ang siko ay nakadantay sa magkabilang hita habang hawak ang ulo.Ilang araw na siyang walang matinong tulog. Dalawa o tatlong oras lang ang pahinga niya mula sa maghapong trabaho. Masakit na masakit na ang ulo niya, na ngayon lang niya naranasan.Ngayon ay lubos na niyang nauunawaan ang sinabi ng ama na hindi madaling magtayo ng sariling negosyo, lalo pa at ang main goal niya ay palaguin hanggang sa tuluyang lumaki at maging malaking kompanya.May pagkakataong natatanong na niya ang sarili kung kakayanin pa ba ng katawan niya ang ganito?Isang linggo pa lang ang lumilipas pero nahihirapan na siya, lalo pa at miss na miss na niya si Laura.Mag-iisang linggo na rin niyang tinikis na ito ay i-text o tawagan. Pursigido siyang maging maayos at maging maganda ang resulta ng pinili niyang landas, malayo sa pagtuturo.“Para kay Laura,” anas niya habang hinihilot-hilot ang sintido.Gusto n

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 44 - A Quiet Departure

    HUMINGA nang malalim si Katherine, naiintindihan kung saan nanggagaling ang kaibigan pero…“Laura, mas mabuti siguro na hayaan mo si Sherwin na magdesisyon. ‘Wag mong akuin, dahil hindi na lang ito tungkol sa’yo—may bata nang involved. Let him decide, hmm?”Mabagal ang pagtango ni Laura, matapos ay natahimik na silang dalawa. Nakatingin lang sa labas, sa mga nagdaraan na sasakyan.Ganoon sila ng ilang sandali hanggang sa napagpasiyahang bumalik na sa building.Paglabas sa convenience store ay napansin agad nila si Sherwin na palapit kahit pa marami ring naglalakad. Sa tangkad ba naman nito, paniguradong angat kahit maraming taong nakaharang sa daan.Huminto silang dalawa sa paglalakad at hinintay itong makalapit.“Sa’n kayo galing?” ani Sherwin, may kaunting hingal sa boses na tila ba galing ito sa pagmamadali.“Sa convenience store lang,” sagot ni Katherine, sabay turo sa pinanggalingang direksyon. “Ikaw, sa’n ka papunta?”“Wala… nagmessage si Cain. Ang sabi ay magkasama kayo kaya na

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 43 - Between Truth and Silence

    SAGLIT na nanahimik si Laura, gustong magsinungaling pero alam niyang hindi niya maloloko ang kaibigan kaya tumango na lamang siya bilang sagot. “But don’t worry, sooner or later ay matatapos din kung ano man naging ugnayan namin dalawa.”Napatitig si Katherine, dahil nalalabuan siya na posible iyong mangyari. Nang kausapin niya ang kapatid kanina, parang ‘us against the world’ ang tema.Alam niyang masiyado nang malalim ang nararamdaman ng kapatid para kay Laura, pero hindi niya iyon sasabihin. Mas mabuting iyon ang isipin ng kaibigan—na titigil din si Sherwin.“Pero pa’no kung hindi? Kilala mo naman ‘yung tao na ‘yun. Sobrang kulit, kahit pa siguro itali mo ‘yun ay gagapang pa rin papunta sa’yo.”Natawa si Laura sa sinabi ng kaibigan, dahil nai-imagine niyang iyon nga ang gagawin ni Sherwin.Natigilan si Katherine sa naging reaksyon nito at natawa rin sa kanyang nasabi. “Mukhang gagawin nga niya ‘yun, ‘no?”“Hindi malabo. Pareho kayong matigas ang ulo,” ani Laura.Naniningkit ang ma

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 42 - He Confessed

    NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Katherine sa dalawa, naghihintay ng paliwanag pero wala man lang gustong magsalita.Tiningnan niya ang kaibigan pero umiwas lang ito ng tingin, bakas sa mukha ang guilt. Hanggang sa hinawakan siya ng kapatid sa kamay.“Do’n tayo sa unit ko mag-usap, Ate,” ani Sherwin.Nagpatianod naman siya pero napalingon pa kay Laura bago tuluyang pumasok sa unit ng kapatid.Pagkasara ng pinto ay tinitigan niya ang likod nito na naglalakad patungo sa sala. Nagpakawala siya ng buntong-hininga dahil nahihinuha na niyang hindi magiging maganda ang kalalabasan ng pag-uusapan nila.Pagkatapos ay sinundan niya ito at naupo sa sofa.“Anong gusto mong inumin—”“‘Wag ka nang mag-abala pa, gusto ko agad ng paliwanag mo,” putol niya sa sasabihin nito. Hindi na niya gustong magpaligoy-ligoy pa sila roon.Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Sherwin, saka dahan-dahang lumingon paharap sa kapatid habang nakapamewang. “Anong gusto mong malaman?”Tumango-tango si Katherine. “A

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 41 - Keeping the Truth

    TINITIGAN ni Laura nang matagal si Jude, habang mariing nakakuyom ang kamay sa may hita. Gusto niyang makita kung naghihinala ba ito sa kanilang dalawa ni Sherwin, ngunit mukhang hindi naman.Pagtataka lang ang nakikita niya sa mga mata nito.“Hindi naman kami laging magkasama, kapag pumupunta lang siya sa unit ni Katherine para makikain,” sagot na lamang niya habang nakaiwas ang tingin.Tumango-tango si Jude sabay sandal sa upuan. “Nagkita kami ni Sherwin sa Canada…”Habang nagsasalita ito ay kinabahan siya. Baka kung ano-ano na ang pinagsasasabi ng binata kaya ganito na lamang ang mga tanong ni Jude.“Kung makaasta, parang bodyguard mo. ‘Wag daw akong ganito—ganyan sa’yo? Like, ‘di ko siya maintindihan. Kaya—”“Hayaan mo na lang siya, alam mo naman na may pagka-protective iyon,” ani Laura.“Gets ko naman na matagal na kayong magkaibigan, at malalim ang samahan niyong dalawa pero ako pa rin naman ang asawa mo. Kaya minsan, ‘di ko siya maintindihan. Napapaisip ako, na para bang niyaya

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 40 - I'll Stand in His Place

    NAHIGIT ni Laura ang hininga at mariing nilapat ang labi. Kahit na anong mangyari, hindi niya sasabihin na si Sherwin ang ama ng pinagbubuntis.Umiwas siya ng tingin habang mahigpit na hawak ang sariling kamay sa ilalim ng kumot. Sa paraang iyon lang niya nagagawang maging kalmado sa sitwasyong iyon kahit na parang tambol ang puso niya sa lakas ng kabog.“Hindi nga sabi ako buntis.”Huminga nang malalim si Jude, ngunit nanatili pa rin ang madilim na ekspresyon kaya tinatansya ni Laura kung anong dapat gawin ng sandalin iyon.“You don’t have to do this, Laura,” banayad at may kaunting lambing sa boses ni Jude.Nang tingnan niya ang mukha nito, normal na ulit ang ekspresyon. Pagkatapos ay maingat na hinawakan ang kamay niya.“Kung ayaw mong sabihin kung sino siya, ayos lang. Pero ‘wag na ‘wag mong idi-deny ang anak natin.”Sa narinig ay napakunot-noo siya, naguguluhan sa sinasabi nito. “Ano?”Marahang hinaplos ni Jude ang kamay ng asawa, at tiningnan ito nang may lambing. “Sino man ang

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status