Share

Chapter 344

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-08-01 23:40:02

MULING binalik ni Cain ang tingin sa bata, tinitigan niya nang matagal.

Nang bumukas ang pinto at pumasok si Lucille dala ang supot ng pagkain ay nabaling na sa dala nito ang atensyon nilang lahat.

Si Shannon ay nagtatatalon pa nga sa tuwa dahil makakakain na. Mabuti na lamang at marami-rami ang binili ni Lucille at sumapat naman sa kanila.

Mga bandang alas-nuebe ay dumating ang Doctor for round checking sa mga pasiyente. May kasama itong intern Doctor at tatlong Nurse upang mag-assist para sa anim na pasiyenteng naroon, kabilang si Katherine.

Huli siyang nasuri at ang sabi ay maaari na siyang makauwi kung kailan nito gusto.

“Ano, magsi-stay ka pa ba?” tanong ni Cain.

“Gusto ko nang umuwi. Ayokong magtagal dito at marami akong trabahong naiwan.”

“’Wag muna trabaho ang isipin mo. Kailangan mo pa rin magpahinga. Saka ‘yung case ni Margaret, kailangan pa nating paghandaan. Natitiyak kong isu-summon ka nila sa court para tumistigo.”

Tumango-tango si Katherine. “Sa tingin mo ba, makukulong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Betsy Sogopro
kuripot ang update
goodnovel comment avatar
Honeybee
update nman pls update kna Ng next episode pls pls pls pls pls pls pls pls
goodnovel comment avatar
Lolit Villacrusis
Oo nga po, may mga nagssbi ng mgkamukha cla,next chapter npo pls....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 44

    HABANG nagmamaneho ay panay ang tunog ng car infotainment system. Kapag tinitingnan niya at nakitang si Suzy ang tumatawag ay hindi niya sinasagot.Nagme-message rin ito pero ganoon din, hindi niya pinapansin hanggang sa makauwi siya sa apartment.Pagpasok sa loob ay saka lang niya binasa ang text nito.Suzy: Ba’t ‘di ka sumasagot?Suzy: ‘Kala ko ba gusto mong mag-stay?Suzy: ‘Di ka naman nagpaalam sa’kin.Napabuntong-hininga siya pagkatapos, kapapasok pa lang niya sa kwarto at nilapag ang cellphone sa side-table saka naligo—walang planong mag-reply dahil tatawag lang ito ulit.Si Suzy ang tipo ng babae na kahit gusto niyang mainis sa sobrang kulit nito ay hindi naman niya matiis.Ganoon siya kahulog na kahit madali siyang mainis ay mahaba naman ang pasensiya niya pagdating sa dalaga.Kahit noon pa man ay hindi niya magawang magalit dito.Noon, ay hindi niya pa maintindihan kung bakit pagdating kay Suzy, napaka-pasensyoso niya.Paglabas ng banyo ay si Suzy pa rin ang laman ng isip. Ha

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 43

    NAPAKURAP-KURAP ng mata si Suzy, tila hindi pa siya sigurado sa narinig kaya pinaulit niya, “A-Anong sinabi mo?”Tumingin si Levi, direkta sa mga mata nito. “Gusto ko rin mag-stay.”Kumibot ang labi ni Suzy, maraming gustong sabihin pero hindi niya mabuo sa isip ang salita. Na-o-overwhelm siya sa narinig.“O-Okay,” aniyang nahihiya, gustong takpan ang mukha.Pagkatapos ay saglit silang natahimik hanggang sa makabalik si Rodrigo at mapansin ang tila nahihiyang ekspresyong makikita sa mukha ni Suzy. “Ayos ka lang? May nangyari ba, while nasa labas ako?”Mabilis itong umiling saka pinagpatuloy ang pagkain na parang walang nangyari pero hindi maitatago ng namumulang pisngi ang katotohanang may nangyari nga.“Sunduin ko muna si Stephen,” paalam niya.Nag-angat ng tingin si Suzy sabay tango ngunit nang magtagpo ang tingin nilang dalawa ay bigla siyang tiningnan nang kakaiba ni Rodrigo—mapanukso.Tinaasan naman niya ito ng kilay. “‘Blema mo?!” Pagtataray niya.Ngumiti lang si Rodrigo sabay l

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 42

    NAPATIGALGAL si Rodrigo nang tumango ito. “P-Pa’no?” naguguluhan niyang tanong.Dahil simula nang makulong ang kapatid hanggang sa mailipat ito sa mental facility ay naging lihim na sa ibang tao ang relasyon nilang magkapatid. Itinuring na hindi bahagi ng pamilya si Rowena.“Hindi maalis sa isip ko ang itsura mo kaya inalam ko kung sa’n kita nakita. Nagulat ako nang malaman ko’t gusto kong sabihin kay Suzy. Iniisip ko, sinadya mo bang mapalapit sa kanya?”Umiling si Rodrigo. “Hindi, wala akong ideya sa nangyari noon dahil nilihim ng magulang ko. Recently ko lang nalaman nang ikuwento sa’kin ni Suzy ang pinagdaanan niya tapos… no’ng minsan kaming dumalaw kay Ate.”“Nagkita sila?!” may kabang namuo sa boses ni Levi, natatakot siyang baka nasaktan si Suzy.“Hindi dahil nagwala si Ate nang banggitin ko ang pangalan ni Suzy. Doon ko napagtagpi-tagpi ang lahat.” Saka siya huminga nang malalim. “Ilang beses kong sinubukang sabihin ang totoo pero wala akong lakas ng loob. Hanggang sa napilita

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife    Chapter 41

    BIGLANG nagkasakit si Suzy at dahil nagkulong ito sa kwarto ay hindi agad napansin nila Thelma. Saka lang nila pinasok ang kwarto nang hindi nito kinuha ang agahan sa labas at magtatanghali na.Namumutla ang mukha at malamig ang pawis kaya pinag-utos niya kay Raul na ihanda ang sasakyan para madala ito sa ospital.“A-Ayoko…” sambit ni Suzy sa namamaos at nanghihinang boses.Nagsalita si Rodrigo, “Sobrang init mo! Kailangan mong madala sa ospital.”Umiling si Suzy. “‘Wag… natatakot ako.”Naguluhan naman ang dalawa sa narinig pero hindi na ito pinilit kaya tumawag na lang sila ng Doctor.Niresitahan sila ng gamot matapos suriin si Suzy at sinabihan din sila na kung sakaling hindi pa rin bumaba ang lagnat ay muling tumawag.Maghapong nagbantay si Rodrigo sa kwarto, tahimik na nakaupo sa gilid ng kama habang pinupunasan ng basang bimpo ang noo ni Suzy upang bumaba ang temperatura nito.Pinaalam niya ang kalagayan ng dalaga kay Stephen at mga bandang hapon ay dumating ito, may dalang pruta

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 40

    MAKALIPAS ang halos isang oras ay nakarating ang sasakyan sa tapat ng subdivision kung saan naninirahan ang mga Dominguez.Pinahinto ng nagbabantay na guard ang kotse upang magtanong kung anong sadya nila sa lugar.Si Raul ang sumagot, “May kailangan lang kami kay Mr. Rogelio Dominguez, pwede kaming tumuloy?”“Sabihin mo, gusto ko siyang makausap. Ibigay mo ang pangalan ko—Jeffrey Ferrer.”Napatingin ang guard sa backseat saka tumango. “Sandali at itatawag ko.” Pagkatapos ay bumalik sa guard house.Makaraan ang ilang sandali ay bumalik ito at tinapik ang kotse. “Pwede na kayong pumasok.”Tumango si Raul saka nagmaneho hanggang sa makarating sa mala-mansion na tahanan ng Dominguez.Sa labas pa lang ay may nakaabang ng tauhan, na pinagbuksan sila ng gate kaya tuloy-tuloy ang kotse sa loob.May mga nakahilerang katulong sa entrance ng bahay, animo ay wini-welcome ang biglaan nilang pagdating.“Magandang araw, Sir… naghihintay na si Senior sa loob,” saad ng matandang babaeng nakauniporme

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 39

    UNTI-UNTING nabitawan ni Suzy ang kamay nito sa narinig. Nakatitig siya kay Rodrigo, iniisip na nagbibiro lang ito o gumagawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal.Ang galit na mababanaag sa mukha ni Jeffrey ay napalitan ng ekspresyon na hindi mapangalanan. “Ulitin mo ngang sinabi mo?”“Kapatid ko si Rowena. Iyong taong dahilan kaya namat*y si—”Bago pa man nito matapos ang sasabihin ay hinawakan na ni Suzy ang magkabila nitong braso sabay kabig. “B-Ba’t hindi mo naman sinabing idadamay mo rito ang pinsan ko? Sinabihan mo muna sana ako, para prepared naman ako.”Bakas ang lungkot sa mukha ni Rodrigo nang sabihin ang, “Pero ‘yun ang totoo. Kapatid ko talaga siya.”Marahas na binitawan ni Suzy ang braso nito, tila batang nagtatampo. “Hindi na ‘ko natutuwa.”“Rodrigo,” tawag ni Jeffrey sa binata. “Palalampasin ko kung sasabihin mong nag-iimbento ka lang para hindi matuloy ang kasal niyong dalawa,” aniya, ang parehong kamay ay nakakuyom. Nagtitimpi pa ng sandaling iyon.Ngunit hindi na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status