Share

Chapter 55

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2024-11-12 21:42:20

PABILIS nang pabilis ang kabog ng dibdib ni Katherine habang iniisip kung ano ang sunod na sasabihin nito.

Lalo pa na ang tingin ni Cain ay sadyang mapaghinala.

"... Nagsi-stress eating ka?"

Natulala si Katherine sa narinig. Tinitigan niya pa nang mabuti si Cain kung totoo ba iyong narinig niya at hindi lang basta nagha-hallucinate.

"P-Paki-ulit nga 'yung sinabi mo?" aniya na gustong kamutin ang tenga.

"Kako, kung nagsi-stress eating ka kaya ka medyo nagkakalaman," tugon ni Cain, na walang kaide-ideya sa totoong kondisyon ng asawa.

Nahigit ni Katherine ang sariling hininga saka dahan-dahang nag-exhale. Buong akala niya ay nalaman na nito ang pagdadalang-tao niya.

Hindi niya tuloy malaman kung dapat niya bang ikatuwa o hindi na wala pa rin itong ideya.

"Mabuting nagkakalaman ka pero hinay-hinay lang sa kinakain," ani Cain saka muling pinisil-pisil ang bewang ng asawa.

Lumayo naman si Katherine at baka iba na ang mapisil nito. "Gusto mo bang kumain?" aniyang tinanguan nito.

Sa nakalipas
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 43

    NAPAKURAP-KURAP ng mata si Suzy, tila hindi pa siya sigurado sa narinig kaya pinaulit niya, “A-Anong sinabi mo?”Tumingin si Levi, direkta sa mga mata nito. “Gusto ko rin mag-stay.”Kumibot ang labi ni Suzy, maraming gustong sabihin pero hindi niya mabuo sa isip ang salita. Na-o-overwhelm siya sa narinig.“O-Okay,” aniyang nahihiya, gustong takpan ang mukha.Pagkatapos ay saglit silang natahimik hanggang sa makabalik si Rodrigo at mapansin ang tila nahihiyang ekspresyong makikita sa mukha ni Suzy. “Ayos ka lang? May nangyari ba, while nasa labas ako?”Mabilis itong umiling saka pinagpatuloy ang pagkain na parang walang nangyari pero hindi maitatago ng namumulang pisngi ang katotohanang may nangyari nga.“Sunduin ko muna si Stephen,” paalam niya.Nag-angat ng tingin si Suzy sabay tango ngunit nang magtagpo ang tingin nilang dalawa ay bigla siyang tiningnan nang kakaiba ni Rodrigo—mapanukso.Tinaasan naman niya ito ng kilay. “‘Blema mo?!” Pagtataray niya.Ngumiti lang si Rodrigo sabay l

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 42

    NAPATIGALGAL si Rodrigo nang tumango ito. “P-Pa’no?” naguguluhan niyang tanong.Dahil simula nang makulong ang kapatid hanggang sa mailipat ito sa mental facility ay naging lihim na sa ibang tao ang relasyon nilang magkapatid. Itinuring na hindi bahagi ng pamilya si Rowena.“Hindi maalis sa isip ko ang itsura mo kaya inalam ko kung sa’n kita nakita. Nagulat ako nang malaman ko’t gusto kong sabihin kay Suzy. Iniisip ko, sinadya mo bang mapalapit sa kanya?”Umiling si Rodrigo. “Hindi, wala akong ideya sa nangyari noon dahil nilihim ng magulang ko. Recently ko lang nalaman nang ikuwento sa’kin ni Suzy ang pinagdaanan niya tapos… no’ng minsan kaming dumalaw kay Ate.”“Nagkita sila?!” may kabang namuo sa boses ni Levi, natatakot siyang baka nasaktan si Suzy.“Hindi dahil nagwala si Ate nang banggitin ko ang pangalan ni Suzy. Doon ko napagtagpi-tagpi ang lahat.” Saka siya huminga nang malalim. “Ilang beses kong sinubukang sabihin ang totoo pero wala akong lakas ng loob. Hanggang sa napilita

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife    Chapter 41

    BIGLANG nagkasakit si Suzy at dahil nagkulong ito sa kwarto ay hindi agad napansin nila Thelma. Saka lang nila pinasok ang kwarto nang hindi nito kinuha ang agahan sa labas at magtatanghali na.Namumutla ang mukha at malamig ang pawis kaya pinag-utos niya kay Raul na ihanda ang sasakyan para madala ito sa ospital.“A-Ayoko…” sambit ni Suzy sa namamaos at nanghihinang boses.Nagsalita si Rodrigo, “Sobrang init mo! Kailangan mong madala sa ospital.”Umiling si Suzy. “‘Wag… natatakot ako.”Naguluhan naman ang dalawa sa narinig pero hindi na ito pinilit kaya tumawag na lang sila ng Doctor.Niresitahan sila ng gamot matapos suriin si Suzy at sinabihan din sila na kung sakaling hindi pa rin bumaba ang lagnat ay muling tumawag.Maghapong nagbantay si Rodrigo sa kwarto, tahimik na nakaupo sa gilid ng kama habang pinupunasan ng basang bimpo ang noo ni Suzy upang bumaba ang temperatura nito.Pinaalam niya ang kalagayan ng dalaga kay Stephen at mga bandang hapon ay dumating ito, may dalang pruta

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 40

    MAKALIPAS ang halos isang oras ay nakarating ang sasakyan sa tapat ng subdivision kung saan naninirahan ang mga Dominguez.Pinahinto ng nagbabantay na guard ang kotse upang magtanong kung anong sadya nila sa lugar.Si Raul ang sumagot, “May kailangan lang kami kay Mr. Rogelio Dominguez, pwede kaming tumuloy?”“Sabihin mo, gusto ko siyang makausap. Ibigay mo ang pangalan ko—Jeffrey Ferrer.”Napatingin ang guard sa backseat saka tumango. “Sandali at itatawag ko.” Pagkatapos ay bumalik sa guard house.Makaraan ang ilang sandali ay bumalik ito at tinapik ang kotse. “Pwede na kayong pumasok.”Tumango si Raul saka nagmaneho hanggang sa makarating sa mala-mansion na tahanan ng Dominguez.Sa labas pa lang ay may nakaabang ng tauhan, na pinagbuksan sila ng gate kaya tuloy-tuloy ang kotse sa loob.May mga nakahilerang katulong sa entrance ng bahay, animo ay wini-welcome ang biglaan nilang pagdating.“Magandang araw, Sir… naghihintay na si Senior sa loob,” saad ng matandang babaeng nakauniporme

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 39

    UNTI-UNTING nabitawan ni Suzy ang kamay nito sa narinig. Nakatitig siya kay Rodrigo, iniisip na nagbibiro lang ito o gumagawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal.Ang galit na mababanaag sa mukha ni Jeffrey ay napalitan ng ekspresyon na hindi mapangalanan. “Ulitin mo ngang sinabi mo?”“Kapatid ko si Rowena. Iyong taong dahilan kaya namat*y si—”Bago pa man nito matapos ang sasabihin ay hinawakan na ni Suzy ang magkabila nitong braso sabay kabig. “B-Ba’t hindi mo naman sinabing idadamay mo rito ang pinsan ko? Sinabihan mo muna sana ako, para prepared naman ako.”Bakas ang lungkot sa mukha ni Rodrigo nang sabihin ang, “Pero ‘yun ang totoo. Kapatid ko talaga siya.”Marahas na binitawan ni Suzy ang braso nito, tila batang nagtatampo. “Hindi na ‘ko natutuwa.”“Rodrigo,” tawag ni Jeffrey sa binata. “Palalampasin ko kung sasabihin mong nag-iimbento ka lang para hindi matuloy ang kasal niyong dalawa,” aniya, ang parehong kamay ay nakakuyom. Nagtitimpi pa ng sandaling iyon.Ngunit hindi na

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 38

    NAGKATINGINAN sina Suzy at Rodrigo, kapwa may kabang nararamdaman ng sandaling iyon.“D-Daddy, sinong kumuha niyan? Don’t tell me, pinasusundan mo ‘ko?”Naningkit ang mata ni Jeffrey sa tanong ng anak. “May nakakita sa inyo. Ngayon, magpaliwanag sa sa’kin kung bakit kayo magkasama?”Muling tiningnan ni Suzy ang screen ng cellphone. Suot niya ang damit noong magpunta siya sa sementeryo kasama si Levi.“B-Binisita lang namin si ate Janna.”“Nang kayo lang dalawa?”Umiling-iling siya, ngunit hindi naman makuhang sumagot. Kaya si Rodrigo na ang nagsalita, “Kasama dapat ako, Tito—kaso, tinawagan kasi ako ng kaibigan ko. Nagpapatulong at hindi naman ako nakahindi kaya…” saka siya tumigil at baka mahalata nitong nag-iimbento siya ng mairarason.Tiningnan ni Jeffrey ang anak. “Totoo ba, Suzy?” Gusto niyang makasiguro dahil kilala niya ang anak. Kapag si Levi na ang involved, nagiging pasaway ito.Tumango si Suzy, hindi nag-aangat ng tingin dahil mahahalata siyang nagsisinungaling.“Uulitin ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status