PABILIS nang pabilis ang kabog ng dibdib ni Katherine habang iniisip kung ano ang sunod na sasabihin nito.Lalo pa na ang tingin ni Cain ay sadyang mapaghinala."... Nagsi-stress eating ka?"Natulala si Katherine sa narinig. Tinitigan niya pa nang mabuti si Cain kung totoo ba iyong narinig niya at hindi lang basta nagha-hallucinate."P-Paki-ulit nga 'yung sinabi mo?" aniya na gustong kamutin ang tenga."Kako, kung nagsi-stress eating ka kaya ka medyo nagkakalaman," tugon ni Cain, na walang kaide-ideya sa totoong kondisyon ng asawa.Nahigit ni Katherine ang sariling hininga saka dahan-dahang nag-exhale. Buong akala niya ay nalaman na nito ang pagdadalang-tao niya.Hindi niya tuloy malaman kung dapat niya bang ikatuwa o hindi na wala pa rin itong ideya."Mabuting nagkakalaman ka pero hinay-hinay lang sa kinakain," ani Cain saka muling pinisil-pisil ang bewang ng asawa.Lumayo naman si Katherine at baka iba na ang mapisil nito. "Gusto mo bang kumain?" aniyang tinanguan nito.Sa nakalipas
ILANG segundong nagpaubaya si Katherine sa nakakadarang na halik ni Cain.Ngunit nang maalala ang taong kumatok sa pinto ay agaran niyang tinulak ang asawa."A-Ano ba, may tao sa labas," pagsaway pa ni Katherine."Hayaan mo lang siya," tugon naman nito saka muling nagtangkang humalik.Pero lumayo na si Katherine bago pa man ulit may mangyari.Napakamot tuloy si Cain sa noo saka iritadong binalingan ang pinto. "Ano 'yun?!" kausap pa niya sa taong gumambala sa kanila."Sir, nandito na po ang report na pinapa-arrange niyo sa'kin," boses ni Joey."Mamaya na lang 'yan," ani Cain.Hindi na nagsalita si Joey at bumalik na sa desk para muling magtrabaho.Binalingan naman ni Cain ang asawa habang nakataas ang kilay. "Tatayo ka na lang ba riyan?"Umiling si Katherine na bahagyang namula ang pisngi sa hiya. "Aalis na pala ako."Bago nito tuluyang maisara ang pinto ay humabol pa ng salita si Cain, "'Pag hindi na 'ko busy ay bisitahin natin si Lola sa ospital," aniyang tinutukoy ang Abuela nito.N
UMATRAS si Katherine nang akmang lalapit sa kanya si Dado. Humarang naman si Yohan bago pa ito makalapit."Ano ba, 'wag kang mangialam dito! Katherine, sabihan mo nga 'tong pakialamero na 'to kung sino ako!" ani Dado.Mahigpit na hinawakan ni Katherine ang strap ng shoulder bag saka umiwas ng tingin. "H-Hindi ko siya kilala," sa halip na aminin ang totoo ay nagpanggap siyang hindi kilala ang Tiyuhin."Anong klaseng kasinungalingan ang sinasabi mo?!" hiyaw ni Dado saka tiningnan ng masama si Yohan. "Tiyuhin niya 'ko at kailangan ko ng pera. Kung ayaw mong guluhin ko ang buhay niyong mag-asawa ay ibigay mo na ang perang kinakailangan ko! Maliit na halaga lang naman, kalahating milyon."Nanlaki ang mata ni Katherine sa narinig. Bigla siyang nakaramdam ng hiya matapos humingi ng pera ang Tiyuhin sa taong hindi naman niya kilala. "Tiyo naman! Hindi ko siya kilala, 'wag niyo naman akong pahiyain dito!""Wala akong pakialam basta kailangan ko ng pera!" Saka binalingan si Yohan. "Ikaw lalake,
NAGSISI si Lian nang ipaalam niya kay Katherine ang tungkol kay Margaret at Cain. Tuloy nawalan ito ng ganang kumain at nagpasiya na lamang na umuwi."Ihahatid na kita," alok niya bilang pampalubag loob sa nagawa."Hindi na kailangan, tapusin mo na lang ang pagkain. Ako na rin ang bahalang magbayad.""Pero sagot ko 'to." Mas lalo tuloy nakokonsensya si Lian pero hindi na ito nagpapigil pa.Sa huli ay wala na rin siyang nagawa at hinayaan si Katherine. Mag-isa niyang in-enjoy ang pagkain kahit medyo nagi-guilty.Paalis na sana si Lian nang makita si Jared na papasok sa restaurant. Bigla siyang pumihit patalikod dahil kung ang binata lang naman ay kaya niya itong harapin pero may kasama, si Sheena.Kahit nasisiguro naman niyang hindi siya nito makikilala ay hindi niya pa rin maiwasang kabahan.Nagpalinga-linga siya sa paligid, nag-iisip ng paraan kung paano lalabas. Sa huli ay napili na lamang niyang magtungo sa restroom at doon magpalipas ng ilang sandali.Naghugas siya ng kamay saka n
PAG-UWI ni Katherine sa mansion ay dire-diretso lang siya sa kwarto. Matapos ma-lock ang pinto ay saka niya tinawagan si Cain. Gusto niya itong makausap para maitanong kung bakit hindi sinabi na kasama nito si Margaret. Pero nakakailang tawag na siya ay hindi pa rin ito sumasagot. Dalawang oras lang naman ang gap sa Pilipinas at sa bansang pinuntahan ni Cain. Sa madaling salita ay hapon pa lang doon, pero bakit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag? Samo't saring ideya tuloy ang pumapasok sa utak ni Katherine, na kahit anong pigil at saway sa sarili ay hindi niya mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. Hanggang sa nakatulugan niya ang pag-iisip. Tuwing hapon pa naman umaatake ang antok niya. Nagising na lamang siya nang may kumatok sa pinto. Pagtingin sa bintana ay madilim na ang kalangitan. Pagod niyang binuksan ang pinto para harapin ang kasambahay na gumambala sa kanyang tulog. "Ma'am, nakahanda na po ang hapunan," anito. Tumango lang si Katherine habang kinukusot ang mata. "Si
PUMATAK ang luha ni Katherine sa medical record ng kanyang Abuela."Ang totoo ay hindi na umi-epekto ang gamot na binibigay namin sa kanya," saad pa ng Doctor. "Pini-prevent na lamang na mas lalo pang lumala ang kanyang kondisyon.""K-Kung bigyan niyo po siya ng iba pang gamot? 'Yung epektibo. Pakiusap, Dok. Gawin niyo po ang lahat para sa Lola ko. Hindi ko po siya kayang mawala," humihikbing saad ni Katherine.Mabigat na napabuntong-hininga ang Doctor. Bakas ang lungkot at pakikisimpatya para sa nag-iisang pamilya ng pasiyente pero hindi niya nais na paasahin ito."Ang gamot na binibigay namin ang pinaka-best option. Ilang buwan na kong naghahanap ng gamot na pwedeng ipalit sa binibigay namin pero--" Saka umiling. "Mahirap man para sa'king sabihin ito pero... mas mabuti siguro kung iuwi mo na siya. Sulitin ang nalalabing oras niya rito sa mundo."Ang pigil na hikbi ni Katherine ay tuluyan nang lumakas. Wala na siyang pakialam kung para na siyang batang ngumangawa. Maingay at nakakair
NALUKOT ang mukha ni Katherine sa pagpipigil ng emosyon. Hindi niya gustong umiyak at marinig pa ni Cain mula sa kabilang linya.Kaya mariin na lamang niyang kinagat ang ibabang labi. Mas gugustuhin niya pang masugatan, magdugo ang bibig kaysa malaman nito ang totoo."K-Kung gano'n ay magpakasaya kayo riyan, alagaan mo siya habang buhay, 'wag ka nang bumalik at maghiwalay na tayo!" aniyang ang boses ay nanginginig dahil sa sobrang galit. "Katherine!" hiyaw pang muli ni Cain. "Ano pa bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?""E, ako ba, inintindi mo? Ako ang asawa mo pero ni minsan ay hindi mo man lang ako napagbigyan sa kahilingan ko. Pero isang salita lang ni Margaret ay nagkukumahog ka na!""Wala nang sense 'yang sinasabi mo!"Sa inis at sama ng loob ni Katherine ay pinatayan niya ito ng tawag.Magsasalita pa naman sana si Cain pero 'beep' na lamang ang maririnig mula sa kabilang linya. Sa sobrang inis ay hindi niya napigilan ang sarili at binato ang cellphone na tumama sa pader.S
PANDIDIRI ang makikita sa mukha ng mga babaeng naroon nang tingnan ang mga nagkalat na litrato."Huy, babae! Kung inaakala mong madadaan mo kami sa paiyak-iyak mo. Ba't hindi mo kaya muna tingnan ang itsura mo rito sa litrato?""Ano ba 'yan, nakakadiri!" komento ng isa."Jusko! Mahabaging langit.""Ang baboy naman nito!"Hanggang sa hindi na matigil ang mga ito sa pagkomento. Pagsasabi ng kung ano-anong masasamang salita habang si Katherine ay iiling-iling lang.Alam niya sa sariling gawa-gawa lang ang litrato, edited at imposibleng siya iyon dahil hindi niya magagawang maghubad sa harap ng camera. Mahiga sa kama kasama ang ibang lalakeng na ni sa panaginip ay hindi niya pa nakita."Totoo ba 'to, apo?"Umiling-iling si Katherine. "Hindi, 'La. Kahit na kailan ay hindi ko magagawa ang mga bagay na 'yan.""Sinungaling!" saad ng mga babae sa grupo saka muling pinagtulungan si Katherine.Hinawakan sa magkabilang braso upang hindi makapalag."Ano ba, bitawan niyo 'ko!" sigaw ni Katherine.H
NAGTAKA naman si Katherine kung bakit nito tinititigan ang sariling kamay. Saka niya napagtantong hindi siya hawak ni Cain kaya pwede na siyang tumakas.Wala nang sinayang na pagkakataon at tumakbo siya nang mabilis patungo sa kalsada, pumara ng masasakyan nang bigla na lamang hinablot ni Cain."Ano ba, bitawan mo 'ko!""Hindi, sasama ka sa'kin!" Saka ito binuhat patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Joey."Tulungan mo 'ko!" paghingi pa ni Katherine ng tulong. Pero tiningnan lang siya nito. Pagkatapos ay nagmaneho na paalis sa lugar matapos siyang maisakay sa backseat. Akma pa nga siyang tatakas sa kabilang pinto nang mapigilan sa magkabilang braso. "Tulong--" ngunit sa halip na makahingi nang saklolo ay tinakpan pa ni Cain ang kanyang bibig."'Wag ka nang magmatigas pa.""Sa'n tayo, Sir?" ani Joey, suportado ang kung ano man binabalak ng amo."Sa condo."Pagkatapos ay iniliko na ni Joey ang kotse patungo sa building.Nagawa naman ni Katherine na makagat ang kamay nito."A-Aray
PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s
NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog
HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang
BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h
NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t
DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u
KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma
NABIGLA rin si Katherine sa naging reaksyon, hindi inaasahang magagalit siya ng ganoon.Nauunawaan naman ni Cain ang outburst nito dahil emosyonal pa. Pagkatapos ay binalingan si Marc. "Akin ng phone." Matapos matanggap ay kinausap si Margaret, "Ba't ka napatawag?" aniya saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Katherine at pagkatapos ay ni-loudspeaker ang tawag para marinig din nito. Gusto niyang ipakita na wala siyang ginagawang masama o hindi nito kailangan na mabahala sa tawag ng dalaga."Cain!" iyak ni Margaret sa kabilang linya. "Ang sama ng pakiramdam ko, parang lalagnatin ako."Napasulyap si Cain sa asawa, hindi maikakaila ang iritasyon sa mukha nito kaya hindi niya maiwasang matuwa. Dahil ngayon na lamang niya nakitang magselos si Katherine."Tawagan mo ang ospital, matutulungan ka nila.""Pero alam mo naman na ilag ako sa mga tao'ng hindi ko kilala," dahilan pa ni Margaret.Kunot na kunot ang noo ni Katherine dahil nayayamot na siya sa kaartehan ng babae. Sa inis ay bina