CHAPTER 48May dumating na Lanzones. Pero nang buksan ko iyon ay wala akong nakitang magkadikit kaya hindi ko rin ginalaw at kinain. Gusto kong kainin 'yong magkadikit!Nakaupo lang ako sa sofa. Nasa harapan ko si Ninong at nakatayo ito. May kinakausap siya sa kanyang telepono habang ang kamay niya ay nasa bewang niya. Naghahanap pa rin kami ng Lanzones na magkadikit. Lahat sila ay nakakaproblema na kung saan sila maghahanap ng ganoong klaseng Lanzones. Kung sino-sino na lang ang mga tinatawagan ni Ninong para manghingi ng tulong. Tahimik lang ako dahil nahihiya na ako sa kanya. Binigyan ko pa siya ng problema. “Ninong, 'wag ka nalang maghanap. Okay na 'yong dinala nila. Iyon na lang ang kakainin ko,” nahihiyang sabi ko. Nahihiya na ako. Dahil lang sa simpleng request ko ang dami ko ng dinadamay. Hindi naman ‘to mahalaga.“No, we’ll find what you want, Amelia. Just wait, my men are finding it already,” sabi nito at muling kinalikot ang cellphone niya.Napanguso ako bago umiling. T
CHAPTER 47“Alagaan mo ang sarili mo, Amelia. Hindi na lang ang sarili mo ang dinadala mo ngayon. May bata na sa sinapupunan mo kaya dapat double ingat kana,” sabi ni Lola. Sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ako. Masayang-masaya si Lola at gaya ko ay excited na rin siya. Magkasabay naming sinabi ni Ninong sa kanya habang kumakain kami sa dining table. Nasa gilid ko ang aking mangga. Kakainin ko iyon mamaya kapag natapos akong kumain ng breakfast. Ang dami pa nun dahil hindi ko iyon naubos kaninang madaling araw.“Kayo ba ay nagpatingin na sa doctor?” Tumango ako.Naalala ko ang mga monthly check-up ni Lola. Sobrang pabigat na naming dalawa ni Lola sa kanya. Siya na ang gumagastos kay Lola, kahit sa mga maintenance niya. Tapos ngayong magkakaanak na kami, siya pa rin ang gumagastos. Siya lahat. Nag-iisip nga ako na pumasok sa trabaho. Pero ngayong buntis ako ay mukhang mas mahihirapan akong maghanap ng trabaho. At alam kong hindi papayag si ninong na magtrabaho ako. Hal
CHAPTER 46“N-Ninong,” pabulong na sabi ko sabay yugyog ng kaunti sa braso niya.Nagutom ako bigla pagkatapos naming dalawa. Gusto kong kumain pero natatakot akong bumaba. Pero mangga ang gusto kong kainin.“Ninong...” tawag ko ulit sa pangalan niya upang magising siya.Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata. “Gusto kong kumain ng mangga,” nahihiyang sabi ko. Madaling araw na pero nagre-request pa ako ng mangga sa kanya. Wala kaming mangga sa ref! Ibang mga prutas ang nandoon. “Mango?” nagtatakang tanong nito. Nakanguso akong tumango. Saan kami bibili ng mangga ng ganitong oras? It's already 2 am in the morning! Bigla na lang akong nag crave nun. At kung hindi ko matitikman 'yon ay parang ikakamatay ko pa.Really? A mango at 2 am? Sino ang nagtitinda ng ganitong oras?“Maybe bukas nalang, pwede pa namang bukas,” wika ko. Pero naiiyak na ako habang iniisip pa lang na hindi ako makakatikim ng mangga ngayon.Bukas na lang. Dadamihan ko ang kain ko bukas.“You want it now? Mag
CHAPTER 45Kalaunan ay umuwi lang din kami sa bahay mula sa ospital. Binigyan lang ng ng doktor ng mga vitamins na kailangang inumin. Tsaka kailangan din ng check-up next month para kay baby.Excited na akong magkwento kay Lola tungkol sa magiging anak naming dalawa ni Ninong Felip. Alam kong magiging masaya siya sa apo niya sa tuhod. Mas lalong sasakit ang likod ni Lola nito. Pero nang makauwi na kami ay nagpapahinga na ito sa loob ng kwarto niya kaya mas pinili ko nalang na ‘wag istorbohin. Bukas ko nalang sasabihin sa kanya ang tungkol dito.Napag-usapan din naming dalawa ang tungkol doon sa secretary niya. She was fired. Nanghingi pa ito ng oras kay Ninong upang makapagpaliwanag siya, pero hindi na pinaunlakan ni Ninong. Pinigilan ko nalang siya na sampahan ng kaso si Marielle. Kung may masamang nangyari sa anak ko ay ako mismo ang sasampa ng kaso sa kanya. Pero dahil mabait pa ako ay binigyan ko pa siya ng isang pagkakataon. I hope she learned her lesson already.Sana ay makatagp
CHAPTER 44Ang huli kong naramdaman ay ang pagluwag ng kapit ni Marielle sa aking buhok. At ang mga sigaw sa paligid ko.Iyon ang huli kong naalala bago ako nilamon ng kadiliman.Nagising na lamang ako sa isang apat na sulok na kwarto. Mag-isa lang akong nakahiga sa hospital bed. Ang sakit ng ulo ko pagkagising ko. Bumangon ako nakahawak pa sa aking buhok. May buhok pa naman ako after akong sabunutan ni Marielle. Buti na lang hindi naman ako nakalbo sa pagkakasabunot niya. Pero masakit ang anit ko. Anong oras na kaya ngayon? Ilang oras akong tulog?Agad na nakaramdam ng panlalamig nang mayroon akong napagtanto. Dali-dali akong napahawak sa aking tiyan! Ang baby ko! Sana walang masamang nangyari sa kanya! Nahimatay pala ako kanina. Kasalanan ni Marielle 'to! Ewan ko nalang kung may trabaho pa siya pagkatapos nito. Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon. Niluwa nun si Ninong. Mayroong pag-aalala sa kanyang mga mata.“How are you?” agad na tanong nito sa akin. Mabilis ang bawat h
CHAPTER 43Kumunot ang aking noo at napatayo na rin ako. Matapang ko siyang hinarap.“What are you talking about?” nagtatakang tanong ko. Supposedly nasa meeting siya ngayon! Pinuntahan niya ako para lang dito? Baliw na baliw talaga 'to kay Ninong Felip. Sinusugod na naman ako!Ang hirap pala kapag gwapo ang mapapangasawa mo. Ang dami mong kaagaw sa buhay. 'Yong Ariane rin sinugod ako. Ngayon naman itong si Marielle. They are obsessed with Felip! And it is not healthy!“Bakit ka ba kasi pumasok pa sa buhay ni Felip? Now, he's not even looking at me when we are talking! Even a second! Hindi na niya ako tinatapunan ng tingin! And this is all your fault, you bitch!” sigaw nito sa akin habang dinuduro ako. Kasalanan ko ba kung hindi na siya tinitingnan ni Ninong? Ano namang kasalanan ko dun? Am I the one who is controlling him? Hindi naman, ah! Mayroong siyang sariling desisyon sa buhay at wala akong kinalaman doon. Alam niya kung ano ang ginagawa niya. Maybe he is distancing his self be