SYNOPSIS Dahil sa kahirapan, isinakripisyo ni Amelia ang kanyang kalayaan upang matulungan ang kanyang lolang may sakit sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanyang ninong. Para na rin makalimutan niya ang kanyang ex-boyfriend na pinagpalit siya sa mayaman. Lumapit siya sa kanyang ninong upang humingi ng tulong, pero isang kasunduan ang binigay nito. Tutulong lamang ito sa kanya kung magpapakasal silang dalawa. Ang kasal na hindi bunga ng pag- ibig, ang isa sa pinakaayaw ni Amelia Chandria Lopez pero nilunok niya ang prinsipyong iyon. Natali siya sa kanyang ninong na isang bilyonaryo na si Felip Nicolas Sanvitores. Tumira sila sa iisang bahay at magkasama sa iisang kama. Para masuklian ang mga tulong na binigay ng ninong niya, ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang asawa. Naging mabait sa kanya ang kanyang ninong, lahat ng pangangailangan nilang dalawa ng lola niya ay binibigay nito. At sa hindi inaasahan ay ginampanan din nito ang tungkulin bilang asawa niya kung saan unti- unting nahulog ang loob niya sa kanyang ninong. Ngunit may isang lihim na natuklasan si Amelia. Na ang kanyang ninong ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya. Ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Kaya pa kaya niyang mahalin ang taong sumira sa kanyang mundo? Kaya niya kayang magpatawad at ipagpatuloy ang pagmamahalan nilang dalawa?
view more“What the fuck is the meaning of this, Emman?” I shouted angrily when I saw my dearest boyfriend kissing another woman outside his condo.
He looked at me lazily. Nakuha pang ngumiti sa akin nung babae. Saan niya kaya kinukuha ang kakapalan ng mukha niya? Ni hindi man lang nahiya? “Let's break up, Amelia,” walang buhay na sabi nito. After three fucking years? Dinalaw ko siya sa condo niya ng walang pasabi tapos ito ang madadatnan ko? May kalampungan siyang ibang babae? Sampal sa magkabilang pisngi ang inabot ni Emman sa akin bago ako umalis sa harapan nila. Hinding-hindi ako maghahabol sa ganong klaseng lalaki. Pagod na pagod ako dahil galing pa akong ospital. I just want to rest in his arms that's why I decided to visit him. Stress lang pala ang inabot ko sa kanya. On my way back to the hospital, the doctor called. I just heard the most devastating news, my grandmother needs to have a surgery. My heart sank. Saan ako kukuha ng pera? I quickly walked to the doctor's office to talk to him. “Good morning, Dr. Benitez,” bati ko sa kanya. “Amelia, please have a seat,” she said, glancing at me briefly before returning her attention to the papers on his desk. I sat across from him. Mabilis na ang tibok ng puso ko. “Dear, I’ll get straight to the point, okay?” her voice was gentle but firm. My breath caught in my throat. Ang malaking problema ko dito ay alam kong malaking pera ang kakailanganin ko. Hirap na hirap na nga akong maghanap ng pera pambayad namin dito sa bills. Halos paubos na ang mga inipon kong pera habang nagtatrabaho ako. “Your grandmother needs surgery. She has an atrial septal defect, or ASD. It’s a hole between the upper chambers of her heart. It’s been causing her some strain.” Tumigil ito sa pagsasalita at tiningnan ako nang mariin. “And it’s… getting worse.” I was stunned by what I heard. Umawang lang ang aking labi at hindi ako nakasagot sa sinabi niya. As Dr. Benitez continued to explain other things, I couldn’t understand it anymore. I left his office feeling completely numb, my mind is still racing, trying to make sense of everything. My tears started to fall the moment I was alone in the bathroom. Ngayon lang bumuhos lahat ng emosyon ko na kanina ko pa pinipigilan sa loob ng office ni Dr. Benitez. Where am I going to find the money for my Lola’s surgery? I reached out to everyone na pwedeng magpahiram sa akin ng pera. Dr. Benitez said that Lola’s surgery needed to happen as soon as possible. I felt like I was going insane. Kung saan-saan na ako nakikihiram ng pera. I sold everything we owned, even the smallest things. I even sold my jewelry which is very important to me. Pero hindi pa rin iyon sapat. Kulang pa rin. Only one person came to my mind. I hadn’t seen him in ages. Kailangan kong lunukin ang hiya ko dahil buhay ng lola ko ang nakasalalay dito. Nagpasiya akong puntahan siya sa bahay niya. The maid recognized me, which was a relief because I was quickly shown inside. My heart was pounding as I stepped inside his house. Madalas ako rito nung bata pa ako, sinasama ako ni papa kapag nakikipag-inuman siya sa kumpare niya. I stopped coming back here when my mom and dad passed away. “Hintayin n’yo lang po siya, ha? Nasa taas pa si sir at naliligo.” Nakangiti akong tumango sa kanya. Mas pinili kong maagang pumunta rito dahil alam kong may trabaho rin ang pakay ko. A maid brought me a glass of orange juice as I waited for him to go down. The house was beautiful, malaki na ang pinagbago simula nang huli kong punta rito. Everything was sleek and stylish, all modern lines and a calming white and brown color scheme. Ang kanilang sofa na inuupuan ko ay kulay brown din. Sa gilid ng mataas na hagdan ay makikita mo ang nag- iisang litrato niya na nakadikit sa pader. Wala siyang kangiti-ngiti, kahit ang mga mata niya ay walang emosyon sa litrato. Nagsusumigaw iyon ng kapangyarihan. There is an aura of confidence in that picture of him. I straightened my back when I saw him coming down the stairs. He didn’t notice me because he is fixing his wrist watch. The first thing you notice is his eyes, deep, dark, and captivating. His dark hair, slightly wet, refined and strong jawline, and the hint of stubble adds a touch of danger. He is undeniably handsome, I can’t deny that. His clothes are expensive, partially unbuttoned revealing his tanned skin. Forty years old ba ‘to? My jaw dropped, kulang na lang tumulo ang laway ko. It had been so long since I last saw him, eight or maybe nine years? I felt a sudden rush of something… so intense. Hindi ko maiwas ang mga mata ko sa kanya at sinundan ko lang siya ng titig hanggang sa makababa na siya. Aligaga akong tumayo. Nalanghap ng aking ilong ang mamahalin nitong pabango. “Good morning, N-ninong,” I stammered. Bakit kinakabahan ako ngayon? “Amelia? What are you doing here?” he asked. Ramdam ko ang gulat niya sa pagpunta ko. “I need your help, Ninong,” diretsong sabi ko. Ayaw ko ng magpaligoy- ligoy pa. Tinuro niya ang sofa sa likuran ko at sumenyas sa aking maupo ako. Magkaharap kaming nakaupo sa kanilang pang- isahang sofa. “Si Lola Myra po kasi ay nasa ospital ngayon. May surgery po siya at wala akong perang ibabayad. Kailangan ko po ng tulong n’yo.” Pinagsiklop ko ang aking daliri sa kandungan ko at bahagyang yumuko. “You need my help, but I also need your help, Amelia,” Inayos ko ang aking pagkakaupo at kunot-noo siyang tiningnan. Lumunok ako ng ilang beses. Tutulong ako kung ano ang maitutulong ko sa kanya. “I need to convince this person to invest in my company. But he’ll only do it in a condition that I will get married first.” Walang asawa ang ninong ko. Masyado yata siyang naging focus sa pagdadami ng pera niya kaya nakalimutan ng mag- asawa. “I’d be happy to help you, if you’d consider marrying me.”CHAPTER 91Naghihintay ako sa pagbabalik ni Ninong sa kwarto namin. Nakabantay lang ako sa mga anak ko. Ayaw ko silang mawala sila sa paningin ko dahil pakiramdam ko may mangyayaring masama sa kanila. “Pwede pakikuha ako ng tubig sa baba?” utos ko sa isang yaya ng anak namin. Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Sa kaba ko 'to.Lumabas ang inutusan ko upang kumuha ng tubig. Mga isang oras ata bago bumalik si Ninong sa taas. Buhat-buhat ko si Stella at ngayon ay pinapasuso ko dahil umiyak na kanina.“Nalaman niyo ba kung sino ang nagpadala nun?” tanong ko agad sa kanya nang makapasok na siya sa loob ng kwarto ng mga bata.“Yeah, it was your ex, Amelia.” sagot nito at nagtungo sa tabi ni Philip. Hinaplos niya ang noo ng anak namin at yumuko at pinatakan iyon ng halik sa noo. Pagkatapos niyang gawin iyon ay sa amin naman siya lumapit. Umupo siya sa aking tabi.“Si Emman? Pero paano? Paano nagawang makapasok nun 'di ba sinabi mong nakacheck ang bawat regalo na pumapasok dito?”
CHAPTER 90Nabalot ng aking sigaw ang buong bahay. Kung pwede ko lang buhatin ang kambal ng magkasabay sa aking bisig ay kanina ko pa ginawa. Pakiramdam ko kasi kapag hindi ko sila hawak ay hindi sila ligtas. Dugo ba iyon ng ibon? O baka dugo na ng tao? Dumating si Ninong at agad itong pumunta sa aking tabi. Nanginginig na ang aking buong katawan dahil sa aking nakita. Dahil sa aking sigaw ay nagising si Stella at umiyak ito. Niyakap ko si Stella at marahang binaon sa dibdib ko ang mukha niya.Naging alerto na ang mga tauhan niya. Tinitingnan na ng mga ito ang bawat sulok ng bahay namin. Ang iba ay umakyat pa sa taas. Sa isang iglap ay napuno ng mga tauhan niya ang buong living area. “Let’s go upstairs, baby,” hindi ko namalayan na hawak na pala niya si Philip. Umiigting ang panga nito habang nakatitig doon sa kahon na ngayon ay inaalis na ng mga tauhan niya. Tinakpan ni Ninong ang harapan ko para hindi ko na iyon makita. Pero paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga nakita ko.
CHAPTER 89“Basketball team?” muntik na akong mapasigaw. Anong basketball team? Itong dalawa pa nga lang halos sumuko na ako tapos basketball team pa? Porke't marami siyang pera! Paano naman ako? Jusko! Gusto ko ng mag glow sa susunod na buwan! Tapos ang balak niya pala basketball team? Paano ko gagawin ang glow up niyan? “Yes, we have to achieve the basketball team. I dreamed of that for so long,” paliwanag nito. Napaawang ang aking labi. Ramdam ko pa ang sakit ng pagkababa3 ko pero siya anak na naman ang pinag-uusapan naming dalawa. Hindi ko ata kaya ang basketball team na pangarap niya. “Kung maka request ka sa akin parang ikaw ang mabubuntis ng siyam na buwan at manganganak, ah? Narinig mo ba ang sinigaw ko nung nanganak ako na ayaw ko na?” “I'm just kidding, baby. Of course, it's up to you. Ikaw na bahala kung ilang anak ang ibibigay mo sa akin,” nakangiting sabi nito.Nilapit ko sa kanya ang mukha ko upang patakan ng halik ang labi niya. Ilang segundong naglapat ang mga la
CHAPTER 88“Anong babawi sa susunod na anak? Hindi pa nga ako nakakarecover sa panganganak ko 'yan na agad ang iniisip mo?” hindi makapaniwalang sabi ko. Parehas kaming napatingin kay Stella nang humikab ito. “Such a pretty girl,” namamanghang sabi ko. Maganda rin naman ako kaya sana man lang ako ang kamukha nung babae para hati kaming dalawa ni Ninong. Pero ang ending dalawa pa talaga sila? Kasunod ng hikab ni Stella ay napunit ang mukha nito. Sunod naming narinig ay ang kanyang pag-iyak. “Maybe she's hungry,” bulong ni Ninong. Hinawakan ko muna ang pisngi ni Philip bago ko tinaas ng kaunti ang aking damit. Tinulungan pa ako ni Ninong na itaas ang damit ko at mailabas ko ng maayos ang aking dibdib. “There…” nagtagumpay akong maipasok iyon sa bibig ng anak ko. Sa una ay naiilang pa ako.May gatas na ba ako? Pero sunod-sunod ang naging pagsipsip ni Stella doon at meron na nga siguro akong gatas. “Sunod naman si Philip,” nakangiting sabi ko. Hinaplos ko ang noo ni Philip na natut
CHAPTER 87Pakiramdam ko dinaganan ng malaking truck ang katawan ko nang magising na ako. Kahit ata ang kuko ko ay masakit na rin. Nagising ako na nasa loob na ng kwarto namin. Ginala ko ang aking paningin sa buong paligid at napansin kong hindi ako nag-iisa. Nakita ko si Ninong na nakatayo sa gilid ng bintana. I instantly smiled when I saw him holding a baby. His humming a song that I am not familiar with. Bagay na bagay na kay Ninong ang may hawak na bata. Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Tang ina parang hiniwa ang pagkababa3 ko. Napangiwi ako nang kumirot iyon. Hindi ko ma- imagine na may lumabas na bata doon sa butas ko. Paano ko ba sila nailabas? Basta pagkatapos kong mailabas ang babae ay hindi ko na maalala ang sunod na nangyari. Nahimatay na ata ako pagkatapos at ngayon lang ako nagising. “N-Ninong...” mahinang tawag ko. Halos hangin na lang ang lumabas sa bibig ko pero narinig niya pa rin ito. He smiled and went immediately at me. “Mommy is awa
CHAPTER 86“Ohhh! Ahhh! Manganganak na ako!” Halos lahat ng tao sa bahay ay nakarinig sa lakas ng sigaw ko.Dito lang ako sa bahay manganganak. Limang doctor ang nagmomonitor sa akin at nakahanda na ang lahat ng mga gamit namin para sa panganganak ko. Kung sa labas ako manganganak ay natatakot kaming dalawa ni Ninong para sa mga anak namin. We can’t risk anything. Kaya ako lang din ang nagdesisyon na rito na lang manganak para sa kaligtasan nila. Kasi hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin nila si Emman. Kung nasa bahay lang ay mas ligtas ang kambal ko. Kaya naman ni Ninong na dalhin ang ospital dito. Limang doctor ba naman ang nakabantay sa panganganak ko. Kaya naging kampante lang din ako na rito na lang manganak.Kagabi pa lang ay medyo sumasakit na ang tiyan ko kaya nakatutok na sila sa akin. Wala na kaming tulog ni Ninong kagabi dahil sa madalas na pagsakit ng aking tiyan.Hawak-hawak ko ang aking tiyan at namimilipit na ako sa sobrang sakit. Sumabog na rin ang aking panubigan.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments