Elara Pov
Nakatulala lamang ako at walang reaksiyon habang inaayusan ng makeup artist na ipinadala ng kaibigan ng Mama ko, ng aking future mother-in-law. Pagkatapos ng ilang na pag-iisip ay nagdesisyon akong pumayag na magpakasal sa anak ng kaibigan ni Mama. Inisip ko na para sa kabutihan ni Papa ang gagawin kong ito. At isa pa, naisip ko na pagkatapos kong mag-dalantao sa lalaking iyon ay makikipag-divorce ako sa kanya. And then, babalik na ako sa sarili kong buhay. Free and unrestrained. Habang aking ama naman ay nadugtungan ang buhay niya. Sa side naman ng mapapangasawa ko ay hindi na sila lugi dahil mapupunta sa kanila ang anak ko kaya magkakaroon na sila ng pinapangarap nilang heir. Alam ko na mapapabuti ang kalagayan ng anak ko sa kanila kaya hindi ako mag-aalala na iwan ang bata sa kanila. Pagkatapos kong pumayag na magpakasal sa anak ng kaibigan ng aking ina ay agad na nakipagkita kami sa aking future mother-in-law. Kahit na hindi pa kami nagkikita ng aking husband-to-be ay mabilis na naitakda ang aming kasal. Sila ang may pera kaya lahat ng gastos mula sa suot kong wedding dress hanggang sa wedding reception ay sila ang nag-asikaso. Ang amin na lamang ay pumunta sa simbahan at tapusin ang ceremony ng kasal. Hindi kaila sa akin na napipilitan lang din na magpakasal sa akin ang aking husband-to-be. Kaya nga kahit isang beses ay hindi ito sumama sa ina nito sa tuwing nakikipagkita sa amin ng Mama ko. Kaya wala rin itong kaalam-alam na pumirma ako ng contract sa mama nito na pumapayag akong magpakasal sa kanya at bigyan siya ng isang anak kapalit ng ten million pesos. Hiling ng aking future mother-in-law na huwag naming ipaalam sa kanyang anak ang dahilan kung bakit ako pumayag na magpakasal sa kanya kahit na hindi naman kami magkakilala at hindi pa kami nagkikita. Kapag nalaman daw kasi ng anak nito na ang kapalit ang pagpapakasal namin ay isang bata at ten million ay tiyak na hindi raw nito magugustuhan at baka umatras pa ito sa kasal. Hindi ko alam kung bakit pumayag ang anak nito na magpakasal sa akin ngunit hindi ko na inalam kung ano ang dahilan. Wala naman akong pakialam pa doon. Basta buo na ang pasya sa aking isip na pagkatapos kong magbuntis at manganak ay makikipag-divorce agad ako sa kanya. "Sigurado ka ba talaga na nais mong gawin ito, Elara? Paano kung sa bandang huli ay magsisi ka sa pagpapakasal sa taong hindi mo naman kilala? Sa lalaking hindi mo naman mahal?" tanong sa akin ni Liam matapos akong ayusin ng makeup artist at lumabas na ito sa aking dating silid sa bahay ng mga magulang ko. Magmula nang nalaman ni Liam ang tungkol sa pagpapakasal ko sa isang estranghero ay agad na siyang nagpakita ng pagtutol. Ang sabi nito ay tutulong daw siya sa paghahanap ng pera para madala sa ibang bansa ang ama ko at magamot basta huwag ko lang isakripisyo ang aking kaligayahan. Ngunit hindi makakapaghintay ang kalusugan ng aking ama. Habang lumilipas ang araw ay patuloy itong lumalala. "Huwag kang mag-alala sa akin, Liam. Alam ko ang ginagawa ko. At isa pa, mga isa hanggang dalawang taon lang naman akong magiging married ang status dahil sisiguraduhin kong mabubuntis agad ako ng asawa ko para maibigay ko sa kanila ang pinapangarap nilang heir. Kapag nangyari iyon ay puwede na akong makipag-divorce sa asawa ko. At huwag mo ring alalahanin na magpapakasal ako sa lalaking hindi ko mahal dahil alam mo naman na hindi na ako naniniwala sa pag-ibig," mahabang paliwanag ko kay Liam. Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido sa mga sinabi ko kaya hinawakan ko siya sa braso at marahang pinisil para ipadama sa kanya na talagang okay lang ako. Humugot ng malalim na buntong-hininga si Liam nang ma-realized nitong kahit ano ang sabihin nito ay hindi na magbabago ang aking desisyon. "Napakaganda, my dear. Natitiyak kong mala-love at first sight sa'yo ang iyong future groom. Baka main love siya sa'yo at hindi ka niya pakawalan pa," hindi napigilang puri sa akin ni Liam habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa. "Problema na niya iyon. Basta ako, hindi na magbabago pa ang isip ko tungkol sa aking plano." Nahinto kami sa pag-uusap nang biglang pumasok sa silid ang aking ina. Agad namang lumabas si Liam para bigyan kami ng time na magkausap ng sarilinan ng Mama ko. Lumapit sa akin ang mama ko at hinawakan ang aking mga kamay. "Napakaganda ng anak ko. Hindi ko akalain na ganitong klase ang magiging kasal mo. Malayong-malayo sa pinangarap namin ng papa mo para sa'yo." Biglang nag-ulap ang mga mata ng mama ko habang nagsasalita. "I'm sorry, 'Ma. I'm sorry." Hindi ko napigilan ang aking sarili. Niyakap ko ang mama ko habang humihingi ako ng tawad sa kanya kahit na hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan. Siguro dahil pinili kong lumayo at tumayo sa sarili kong mga paa. At siguro dahil tinikis ko ang aking sarili na huwag silang makita ng ilang taon. "Ako ang dapat humingi ng sorry sa'yo, Elara. Sinisi kita sa nangyari sa ama mo. Hindi ko pinakinggan ang panig mo. Naging makitid ang utak ko," umiiyak na wika ng aking ina habang mahigpit ang pagkakayakap sa akin. "I'm sorry din dahil pinilit kitang magpakasal sa lalaking hindi mo mahal mailigtas lamang ang buhay ng papa mo." "It's okay, 'Ma. Para naman kay Papa ang gagawin kong ito," lumuluhang tugon ko sa kanya. "Ay! Ano ba 'yan! Nasira na ang makeup ng bride. Huwag na nga kayong magdrama at pumapanget ang bride sa araw ng kasal niya," natatawang kantiyaw ni Liam na bumalik ito sa silid ko at nakitang nag-iiyakan kami ni Mama habang magkayakap. Kinuha nito ang makeup kit ko at ni-retouch ang mukha ko. "Pagkatapos ng wedding ceremony ay dadalhin ko na sa Amerika ang ama mo. Mag-iingat ka palagi sa iyong magiging bagong tahanan." Tumango lamang ako sa sinabi ni Mama. Kahit na napipilitan lamang ako sa kasal na ito ay masaya pa rin ako dahil sa wakas ay nagkaayos na kaming dalawa ni Mama. Ang kasal na ito ang naging daan para magkaayos kaming dalawa. Pagkatapos ma-retouch ni Liam ang makeup ko ay sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ng kaibigan ko papunta sa simbahan kung saan naghihintay ang aking future mother-in-law and future husband-to-be. "Sa huling pagkakataon, Elara. Sigurado ka ba sa gagawin mong pagpapakasal na ito? Baka bigla kang tumakbo palabas ng simbahan kapag nakita mo na ang mapapangasawa mo ay kamukha pala ni Shriek," ani Liam nang nasa tapat na kami ng nakasaradong pintuan ng simbahan. Malakas na tinampal ng mama ko ang balikat ng kaibigan ko at inirapan. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan at baka magkatotoo iyang sinabi mo. Kapag kamukha ni Shriek ang aking magiging manugang ay ikaw ang ipapalit kong groom sa kanya at magpapakasal sa anak ko." "Ay, huwagnaman, mother! Baka kidlatan kaming dalawa ng beshy ko," nakangiwing reklamo ni Liam na ikinatawa ko ng malakas. "Huwag kang mag-alala, Mother. Nararamdaman ko na guwapo at simpatiko ang mapapangawasa ni Elara." Hindi na nakasagot ang mama ko sa sinabi ng kaibigan ko dahil bumukas na ang malaking pintuan ng simbahan at pumailanlang sa buong paligid ang malakas na tunog ng wedding march. Ang aking ina ay agad nagtungo sa upuan na para sa kanya samantalang si Liam naman ang tumayong ama ko na siyang maghahatid sa akin sa harapan ng groom. Habang naglalakad ako sa aisle at papalapit sa nakatalikod na groom ay hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang sinalakay ng matinding kaba ang aking dibdib. Para bang senyales ito na may hindi magandang magaganap. Hindi naman marami ang taong nasa loob ng simbahan para ma-trigger ang aking phobia dahil hiniling ko sa aking future mother-in-law na kung maaari ay simple lamang ang kasal. Pumayag naman ito dahil iyon din ang gusto ng anak nito kaya isang ninong at ninang, ang mother ko, ang mother ng future groom ko at pari lamang ang nasa loob ng simbahan. Ilang dipa na lamang ang layo ko sa groom nang parang slow motion na lumingon siya sa akin. Bigla akong napanganga at napahinto sa paglalakad kasabay ng panlalamig ng aking buong katawan nang makita ko ang mukha ng aking groom. Oh my God! Is this some kind of joke with me?ElaraKabadong kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Alexander. Bakit kaya niya ako ipinapatawag? Para magpasalamat dahil ibinigay ko sa kanya ang kalayaan niya noon? Dahil sa wakas ay nagawa na nitong pakasalan ang babaeng totoong mahal nang hindi ako inaalala."Come in," narinig kong sabi ni Alexander mula sa loob ng opisina nito.Huminga ako ng malalim at kinompose ang sarili bago ko binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair at abala sa pagbabasa ng kung anong papeles na hawak nito."Yes, Sir? Ipinapatawag mo raw ako. What can I do for you?" agad na tanong ko kay Alexander sa pinaka-propesyunal na tono nang lumapit ako sa kanya. Sa halip na sagutin ang tanong ko sa kanya ay ipinagpatuloy lamang ni Alexander ang ginagawa nito na para bang hindi niya ako narinig. Nakaramdam ako ng inis ngunit hindi ko lamang ipinahalata. Obvious namang nais niya akong pahirapan."So you just recently joined the company." Sa wakas ay kinausap din ako ni Alexand
ElaraMabilis akong nagyuko ng ulo nang malapit na si Alexander sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung nakita na ba niya ako o hindi. Dalangin ko na sana ay hindi niya ako napansin. Ngunit hindi dininig ang dasal ko dahil biglang huminto sa tapat ko si Alexander pati na rin ang assistant nitong kasama. Napilitan tuloy akong mag-angat ng mukha at sinalubong ang kanyang tingin.Blangko. Iyon ang ekspresyon na nasa mukha ni Alexander habang nakatingin sa akin. Hindi ko nakita na nagulat siya o kahit ano pa mang reaksiyon mula sa kanya. Para lamang siyang nakatingin sa taong hindi niya kilala."What are you doing, Elara? Greet our new CEO," mariing utos sa akin ni Ms. Agot. Nakatingin lang kasi ako sa mga mata ni Alexander at hindi nagsasalita."Ahm, welcome to FD Group, Mr. Reed," bati ko sa kanya in a very professional tone. Hindi mahahalata ng kahit na sino na kilala ko ang lalaking kaharap ko.Ilang segundong nakatitig lamang sa akin si Alexander ngunit hindi nagsasalita. Iniiwas ko t
ElaraIto ang unang araw ko sa FD Group bilang isa sa kanilang bagong hired na senior designer. Maganda naman ang puwesto na nilagyan nila ng magiging mesa ko dahil malapit sa glass window. Kapag gusto kong ipahinga ang mga mata at kamay ko ay puwede akong tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ko sa ibaba ang napakagandang man-made garden. Nasa eight floor ang kinaroroonan ko at ang man-made garden ay nasa seventh floor lamang.Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga katrabaho ko. Pero siyempre, hindi maiiwasan na may mga taong mukhang inis sa'yo kahit na wala ka namang ginagawang masama sa kanila. Nang ipinakilala ako kasi kanina ay nakita ko ang pagtaas ng kilay ng team manager namin at isang junior designer na kasama nito. Nagkibit ng balikat na lamang ako at hindi pinagtuunan ng pansin ang dalawang iyon. Unang araw ko pa lamang sa trabaho kaya hindi puwedeng makipagbanggaan agad ako sa kanila. Masisira ang record ko sa kompanya.Kung tutuusin ay hindi lang dapat i
ElaraNagkatinginan kami ni George nang makita namin na nasa loob din pala ng restaurant na pinasukan namin sina Isabella at Alexander. Napakaliit talaga ng mundo. Sa Canada ay ilang beses kaming muntikan nang magkita ni Alexander sa mga kumpetisyon na pareho naming sinalihan ni Isabella.Bilang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Isabella ay sinasamahan nito ang huli para suportahan lalo pa at dinadala ng babae ang pangalan ng kompanya bilang representative nito. Hindi pa kami nagkakaharap ni Alexander dahil agad akong uniiwas kapag nasa malapit siya sa akin. Pero si Isabella ay dalawang beses pa lamang kaming nagkakaharap at nakapag-usap. Hindi naman nito nakikilala ang boses ko at natatakpan ng maskara ang kalahati kong mukha kaya hindi niya alam na ang palaging tumatalo sa kanya sa mga international competition na si Olivia at ang ex-wife ni Alexander ay iisa. Kapag nalaman niya ang katotohanang iyon ay natitiyak kong hindi niya ito matatanggap."Mom? I said kamukha ko ang la
ElaraHindi ko na mabilang kung ilang beses na akong humugot ng malalim na buntong-hininga magmula nang sumakay kami ng eroplano mula Canada papuntang Pilipinas. Paglapag naman ng eroplano sa international airport ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng halo-halong emosyon. Narito na ulit ako sa bansa kung saan maraming masasaya at masasakit na mga alaala akong naiwan bago ako nangibang bansa.Marami kaming masasayang alaala ni Liam na magkasama na kailanman ay hindi ko makakalimutan. At siyempre, hindi ko rin malilimutan ang masasakit na nangyari sa akin. Ang pagkamatay ng mga magulang ko, ang panloloko sa akin ni Alexander at ang pagkamatay ng best friend ko.Biglang nag-ulap ang aking mga mata nang maalala ko ang mga magulang ko at si Liam. Kahit mahigit anim na taon na ang nakakalipas ay sariwa pa rin ang sakit na dulot ng kanilang pagkawala. Mayamaya lamang ay namalisbis na sa aking pisngi ang mga luha na pinipigilan kong lumabas. Mabilis akong nagpahid ng luha bago pa man ito ma
Elara6 years later,"The winner for this year's International Fashion Designer Competition is none other than the mysterious woman! Olivia!" masayang pag-aanounced ng host sa sodonym na ginagamit ko. Umugong nag malakas na palakpakan at hiyawan mula sa audience na pinaghalo-halo ng iba't ibang lahi. "Congratulations for the five years consecutive winner for this competition, Olivia. Please come up to the stage to receive your trophy and other awards." Nakangiting umakyat ako sa stage at tinanggap ang aking parangal. Nagbigay rin ako ng maikling speech ng pasasalamat para sa mga audience at hurado na naniwalang ako ang karapat-dapat na mag-uwi ng trophy bilang winner sa taong ito.Pinalitan ko ang dating sodonym ko ng Olivia. Ginawa ko ito bilang kasama sa pagbabagong buhay ko sa Canada. Six years ago ay namatay si Liam. Binangga ng ten wheeler truck ang kotse ng best friend ko. Idineklara ng doktor na dead on arrival na ito.Halos gumuho ang mundo ko nang mawala ang kaisa-isang tao