Share

Chapter 55

Author: Daylan
last update Last Updated: 2025-03-13 22:51:38

Elara

Nagulat ako nang paggising ko sa umaga ay katabi akong lalaki sa kama kaya bigla akong napasigaw ng malakas at binigyan ng sampal ang lalaking katabi ko. Kagigising ko pa lang at medyo malabo pa ang mga mata ko kaya hindi ko agad nakilala na si Alexander pala ang lalaking nakahiga sa aking kama.

Nang sa wakas ay nakilala ko siya ay bigla naman akong umusog palayo sa kanya. Kasi bakit siya nakahiga sa kama ko?

"Bakit ka nandito sa kama ko? May balak kang masama sa akin?" masama ang tingin na tanong ko sa kanya. Biglang niyakap ko ang aking sarili dahil manipis na pantulog lamang ang suot ko.

"Sana tinanong mo muna ako kung bakit nakahiga ako sa kama mo, hindi iyong bigla mo na lang akong sasampalin," naniningkit ang mga matang sagot ni Alexander habang hawak ang nasampal nitong pisngi.

Nakaramdam ako ng guilt dahil tama naman siya. Nagtanong sana muna ako bago ako nanampal sa kanya. Wala naman siyang ginawang masama sa katawan ko dahil kung meron at tiyak na mararamdaman ko p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage With My Bully Groom   Chapter 78

    Elara "Hindi mo pa siya dapat patayin, Rona. Ang usapan natin ay saka mo siya papatayin pagkatapos naming matikman at pagsawaan ang katawan niya," narinig kong pigil ni Henry kay Rona.Nagmulat ako ng mga mata at tinapunan ng masamang tingin ang lalaking nagsalita. "Mas gugustuhin ko pang patayin na kaagad ni Rona kaysa lapastanganin niyo ang katawan ko.""Well, sorry ka na lamang, Elara. Dahil iyon ang napag-usapan namin bago ka namin kidnapin," nakangising wika naman ni Dante. "Ang tagal na kitang gustong tikman at sa wakas ay matutupad na rin ito." Tila gutom sa pagkain na tinapunan ako ng tingin ni Dante mula ulo hanggang paa. Nakalarawan sa mukha nito ang matinding pagnanasa."Hindi ba kayo nandidiri sa babaeng iyan? Ilang beses na siyang tinikman ni Alex. Inubos na ni Alex ang sarap niya kaya at hindi kayo tinirahan. Gusto niyo pa rin ba siyang tikman?" inis na tanong ni Rona sa dalawang lalaki pagkatapos ay tinapunan ako ng nang-iinsultong tingin. "Nag-usap na tayo tungkol di

  • Contract Marriage With My Bully Groom   Chapter 77

    Elara Nagising ako sa loob ng isang silid at nakahiga sa malamig na sahig habang nakatali ang mga kamay at paa ko. Kahit na hirap ay agad akong bumangon. Napakunot ang noo ko nang makita kong hindi lang pala ako nag-iisa sa silid na iyon. Dahil katulad ko ay nasa silid din si Hannah at nakatali ang mga kamay at paa habang nakahiga sa sahig. Walang malay pa ito kaya hindi nito alam ang sitwasyon nito ngayon. Gamit ang puwit ay lumapit ako kay Hannah at malakas na niyugyog ang mga balikat niya para magising siya. Ilang saglit pa ay nagmulat na ito ng mga mata. Agad na nanlaki ang mga mata nito at galit na tinapunan ako ng tingin nang makitang nakagapos ang mga paa at kamay nito. "How dare you kidnap me, Elara! Release me now, or else I will let your whole family be imprisoned!" galit na sigaw nito sa akin. Malakas na tinampal ko siya sa braso sa inis. "Una, wala akong pamilya na maipapakulong mo kasama ko dahil patay na ang mga magulang ko. Pinatay sila last week lamang. Pangalaw

  • Contract Marriage With My Bully Groom   Chapter 76

    ElaraMatapos bumalik ang lakas ko ay nagpasama ako kay Liam para bisitahin ang puntod ng mga magulang ko. Muli, hindi ko napigilan ang mapahagulgol sa harap ng kanilang puntod. Ang sakit at bigat sa dibdib na wala na sila. Parang ngayon pa lang masyadong nagsi-sink in sa isip ko na wala na talaga sila. Na kahit kailan ay hindi ko na sila makikitang buhay at mayayakap ng mahigpit.Mas madali ko sigurong matatanggap na wala na ang mga magulang ko kung pareho silang namatay sa sakit o di kaya ay sa aksidente. Ngunit ang kaalaman na pinatay sila at pinilit nilang lumaban para mailigtas ang kanilang buhay ay nagpapahirap sa akin na tanggapin ang katotohanan na iniwan na nila ako."Tahan na, Beshy. Baka kung mapaano ka naman dahil sa labis na pag-iyak," awat sa akin ni Liam habang marahang hinahagod ng palad niya ang likuran ko.Pinahid ko ang aking mga luha at binigyan ng isang malungkot na ngiti ang kaibigan ko. "Don't worry, Bestie. Hindi na mauulit ang nangyari sa akin.""You can cry,

  • Contract Marriage With My Bully Groom   Chapter 75

    ElaraMasakit mang tanggapin ang nangyari sa mga magulang ko ay pilit ko iyong tinanggap. Hindi ako gagaling at babalik sa normal kung hindi ko ma-overcome ang trauma ko sa pagkamatay ng mga taong pinakaimportanteng tao sa sa akin. Ito na ang pangalawang beses na nagkaroon ako ng trauma. At parehong connected kay Alexander ang aking mga nagiging trauma. Hindi na dapat nagtagpo ang mga landas naming dalawa. Baka hanggang ngayon ay buhay pa rin ang mga magulang ko."Kumain ka, Beshy. Naglugaw ako para sa'yo. Sabi kasi ng doktor ay huwag ka munang pakainin ng matitigas na pagkain kaya pagtiyagaan mo na lamang ang niluto kong lugaw. "Dinala ni Liam sa bedside table ang dala nitong lugaw at isang baso ng tubig. Nakikita ko sa kilos at pagsasalita ng kaibigan ko na nais nitong maiyak ngunit pinigilan nito ang sarili. Siya na lamang ang kinakapitan ko. Kung katulad ko ay magbi-breakdown din siya ay sino na ang mag-aasikaso sa akin? Napakalaki ng utang na loob ko kay Liam. May sarili siyan

  • Contract Marriage With My Bully Groom   Chapter 74

    Elara Tulala ako habang nakahiga sa aking kama. Sa tabi ng kama ko ay nakaupo si Liam na hindi malaman kung ano ang gagawin. Magmula nang pagbalikan ako ng aking malay ay hindi pa ako nagsasalita. Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng kakayahang magsalita. Hindi ko mahagilap ang boses ko kahit na gusto kong magsalita, humagulgol at sumigaw ng malakas. Paggising ko ay nakaupo na sa gilid ng kama ko ang aking kaibigan at marahang hinahaplos ang aking buhok. Halatado na katatapos pa lamang nitong umiyak. Siguro ay tumawag siya sa akin at nang hindi ko sinasagot ang tawag niya ay nagpunta na siya sa bahay ng mga magulang ko para alamin kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag niya. At malamang nang dumating siya ay nalaman niya mula sa mga taong nag-uusyuso kung ano ang nangyari sa mga magulang ko. "Magsalita ka naman, Beshy. Huwag ka namang ganyan. Tinatakot mo ako," kausap sa akin ni Liam. Bahagyang nag-crack ang boses nito sanhi ng pagpipigil nitong umiyak. "Ano na ang gagawin ko magi

  • Contract Marriage With My Bully Groom   Chapter 73

    Elara Nagliligpit ako ng mga gamit ko sa ibabaw ng table ko at naghahanda para umuwi sa araw na iyon nang pumasok sa office ko si Liam. Malawak ang pagkakangiti nito nang maupo ito sa upuan na nasa harapan ng table ko. "What is it again this time? Malawak ang ngiti mo kaya natitiyak ko na may plano ka naman para sa akin, right?" Inunahan ko na siya. Kapag ganito kasi ang kilos niya pagpasok sa office ko ay tiyak may balak na naman itong gawin. "Don't worry, Beshy. This time, wala akong balak na iset-up ka ng date. I just came to follow-up," nakangiting sagot nito sa akin. Tumaas ang kilay sa sinabi niya. "Follow-up? For what?" Ano naman ang ipa-follow-up niya sa akin? "It's about my friend Rex. So, what do you think of him?" Nagkibit ako ng balikat. "Okay lang siya. Maayos naman siyang kausap. Gentleman siya at hindi bastos." "That's it? Wala ka nang ibang sasabihin pa tungkol sa kanya?" tanong ni Liam na biglang nalukot ang ilong nang marinig ang sinabi ko. "Wala ka bang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status