Share

Kabanata 029

Penulis: Queen Inks
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-01 21:47:18

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Leil nang matanaw niya na ang bungad ng hospital. Ilang araw niya ng hindi nakikita ang kapatid dahil medyo malayo ang bahay ni Roscoe dito. Naiintindihan naman iyon ni Leil, hindi siya para magreklamo.

“I changed my mind. Susunduin na lang pala kita mamaya para masigurong eksaktong alas sais ay uuwi na tayo,” saad ni Roscoe bago bumaba si Leil.

Ngumiti nang maliit ang babae at saka tumango.

“Sige. Maraming salamat, Roscoe.”

At saka siya lumabas ng sasakyan mag-isa. Hindi umaasa si Leil na pagbubuksan siya ng pinto ng lalaki dahil alam naman niya na galit siya rito. Pero siguro dahil na rin sa mga nakaraang araw na lagi niyang pinsgbubuksan ng pinto ang dalaga ay… kahit papaano medyo nasanay siya rito.

Nagtagal pa siya nang kaunti sa labas at hinintay muna na makaalis ang sasakyan ni Roscoe bago nagpasyang pumasok na sa loob.

Nasabi ni Roscoe kay Leil na nabago na ang kwarto ni Jacquelyn. Kung dati ay nasa medyo cheap na kwarto ang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 030

    Nakasimangot si Jackquelyn nang madatnan ni Leil sa loob, ngunit nang makita niya ang nakakatandang kapatid na si Leil ay unti-unting lumiwanag ang kanyang mukha. Ngumiti siya nang malaki, halata ang saya sa kanyang mga labi at mga mata. “Ate!” Masayang tawag ni Jacquelyn dito. Humalakhak si Leil at mabilis na yinakap ang kapatid, maluha-luha siya habang nagyayakapan silang dalawa. Ang totoo ay sobrang na-miss niya ang kapatid. Ilang araw na silang hindi nagkikita at mahirap iyon para sa kanya, lalo pa at hindi siya nabibigyan ng update tungkol sa buong kalagayan nito. Oo nga at may assurance naman galing kay Roscoe na maayos ang kalagayan ni Jacky, pero mas masarap pa rin sa pakiramdam na nakikita mismo ng dalawang mata ni Leil ang kapatid, at na siya mismo ang nakaka-obserba rito.Pasimpleng pinunasan ni Leil ang kaniyang mga luha bago matapos ang kanilang yakap. Masyado ng mahirap para kay Jacky ang kinakaharap nito ngayon, at ayaw ni Leil na makita siya ng kapatid na umiiyak.

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 029

    Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Leil nang matanaw niya na ang bungad ng hospital. Ilang araw niya ng hindi nakikita ang kapatid dahil medyo malayo ang bahay ni Roscoe dito. Naiintindihan naman iyon ni Leil, hindi siya para magreklamo. “I changed my mind. Susunduin na lang pala kita mamaya para masigurong eksaktong alas sais ay uuwi na tayo,” saad ni Roscoe bago bumaba si Leil. Ngumiti nang maliit ang babae at saka tumango. “Sige. Maraming salamat, Roscoe.”At saka siya lumabas ng sasakyan mag-isa. Hindi umaasa si Leil na pagbubuksan siya ng pinto ng lalaki dahil alam naman niya na galit siya rito. Pero siguro dahil na rin sa mga nakaraang araw na lagi niyang pinsgbubuksan ng pinto ang dalaga ay… kahit papaano medyo nasanay siya rito. Nagtagal pa siya nang kaunti sa labas at hinintay muna na makaalis ang sasakyan ni Roscoe bago nagpasyang pumasok na sa loob.Nasabi ni Roscoe kay Leil na nabago na ang kwarto ni Jacquelyn. Kung dati ay nasa medyo cheap na kwarto ang

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 028

    “She said she cooked adobo, right?” pabulong na tanong ni Roscoe sa kanyang sarili nang bumaba siya para sana tikman ang lutong iyon ni Leil. Pero wala siyang nakita ni buto ng manok sa kusina. Kunot-noo niyang hinalungkat ang lahat, pero talagang wala siyang mahanap. “Damn it. I want to eat her adobo,” Sinubukang tingnan ni Roscoe sa fridge kung may tinagong adobo roon si Leil ngunit wala rin siyang nakita. “Don’t tell me kinain niya lahat ng niluto niya?” Shaking his head, nakasimangot na umakyat pabalik ng kwarto nila si Roscoe. Doon ay mahimbing pa rin ang tulog ni Leil. “Maybe she’ll cook adobo for me tomorrow again,” bulong niya habang pinagmamasdan si Leil.“”””””””Malapit nang sumikat ang araw pero nakatitig pa rin si Roscoe kay Leil, binabantayan ang babae na para bang ano mang oras ay iiwan siya nito. Roscoe would sometimes caress Leil’s face. He’d tuck some of her hair behind her ears, then would kiss her forehead down to her cheeks. Payapa ang mukha ni Leil na na

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 027

    Nang magising si Leil kinabukasan ay mag-isa na lamang siya sa kama, wala na si Roscoe sa kanyang tabi. Naisip ni Leil na baka ganito talaga kaagang nagigising ang lalaki. Lalo pa at maraming kailangang asikasuhin… ang kanyang asawa. Hindi niya napigilang gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang maisip na asawa niya na nga si Roscoe.Bumuntong hininga siya at saka nagkibit-balikat.Kahit na alam niyang wala siyang pag-asang magustuhan ulit ni Roscoe, hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng saya. Hindi naman siya umaasa, lalo pa at alam niya ang lugar niya ngayon sa buhay ni Roscoe. Nandito lamang siya para punan ang sekswal na pangangailangan ni Roscoe, at pati na rin tuparin ang matagal nang nais ng lalaki—ang magkaroon ng anak. At syempre, hindi pa rin nakakalimutan ni Leil ang dahilan kung bakit siya nandito, at kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Ito ay dahil sa kanyang kapatid na may sakit. Kailangan niya ng pera para mapagamot ito. At kailangan niya ng tul

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 026

    Hindi alam ni Leil kung paano niyang haharapin si Roscoe ngayon. Nakita siya ng lalaki na hubo’t hubad! Walang kahit anong saplot. “Bakit ko ba kasi nasobrahan ang pagligo sa bathtub?”Napahilamos siya sa kanyang mukha nang marealize na hindi pala siya nakashower nang maayos sapagkat nilublob niya lang ang sarili sa bathtub. “Pero ‘di bale na. Maayos din naman sa bathtub na iyon.”Dahil walang ibang dala na damit si Leil ay kinuha niyang muli ang suot niya kanina at iyon muli ang sinuot niya. Gusto niya sanang humiram ng kahit na anong damit kay Roscoe ngunit dahil sa sobrang hiya niya kanina ay nakalimutan na niya. Mamaya na lang pagkatapos kumain. Bumaba na siya ng kwarto pagkatapos magbihis. Tinuyo niya lang nang kaunti ang buhok para hindi tumulo ang patak ng tubig dito. Pagdating niya sa kusina ay nakita niya ang nakatalikod na si Roscoe, nagluluto. Mabango ang niluluto ni Roscoe, at sa tingin ni Leil ay adobong karne ito. Nang makalapit ay napatunayan niyang tama ang naisi

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 025

    Mabilis ang tibok ng puso ni Leil pagkapasok niya sa loob ng bathroom. Hinaplos niya ang kanyang labi at saka mariing pumikit. “Shit! Bakit parang iba ang epekto sa akin ng halik na iyon?” Tila hindi alam ni Leil kung ano ang dapat maramdaman. Noong una ay tinutulak pa niya si Roscoe, pero habang tumatagal na hinahalikan siya ng lalaki ay unti-unti ring humihina ang depensa na mayroon siya. Mas madali sigurong maging asawa ni Roscoe kung hindi siya mahal ni Leil. Sa bawat paglapat ng mga labi ng lalaki, sana ay hindi naaapektuhan si Leil. Na sana ay wala lang sa kanyang ang lahat ng iyon, na ginagawa niya lamang ito para sa kanyang kapatid. Pero hindi. May nararamdaman siya kay Roscoe. At mahirap ang ginagawa niya ngayon dahil sa tuwing hinahalikan siya ng lalaki ay nanghihina siya. Hinilamos ni Leil ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Huminga siya nang malalim at nagdesisyon na kalimutan na lang muna ang mga nangyari ngayong araw. Napansin ni Leil ang isang malaking bathtub sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status