Nang magising si Leil kinabukasan ay mag-isa na lamang siya sa kama, wala na si Roscoe sa kanyang tabi. Naisip ni Leil na baka ganito talaga kaagang nagigising ang lalaki. Lalo pa at maraming kailangang asikasuhin… ang kanyang asawa. Hindi niya napigilang gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang maisip na asawa niya na nga si Roscoe.Bumuntong hininga siya at saka nagkibit-balikat.Kahit na alam niyang wala siyang pag-asang magustuhan ulit ni Roscoe, hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng saya. Hindi naman siya umaasa, lalo pa at alam niya ang lugar niya ngayon sa buhay ni Roscoe. Nandito lamang siya para punan ang sekswal na pangangailangan ni Roscoe, at pati na rin tuparin ang matagal nang nais ng lalaki—ang magkaroon ng anak. At syempre, hindi pa rin nakakalimutan ni Leil ang dahilan kung bakit siya nandito, at kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Ito ay dahil sa kanyang kapatid na may sakit. Kailangan niya ng pera para mapagamot ito. At kailangan niya ng tul
Hindi alam ni Leil kung paano niyang haharapin si Roscoe ngayon. Nakita siya ng lalaki na hubo’t hubad! Walang kahit anong saplot. “Bakit ko ba kasi nasobrahan ang pagligo sa bathtub?”Napahilamos siya sa kanyang mukha nang marealize na hindi pala siya nakashower nang maayos sapagkat nilublob niya lang ang sarili sa bathtub. “Pero ‘di bale na. Maayos din naman sa bathtub na iyon.”Dahil walang ibang dala na damit si Leil ay kinuha niyang muli ang suot niya kanina at iyon muli ang sinuot niya. Gusto niya sanang humiram ng kahit na anong damit kay Roscoe ngunit dahil sa sobrang hiya niya kanina ay nakalimutan na niya. Mamaya na lang pagkatapos kumain. Bumaba na siya ng kwarto pagkatapos magbihis. Tinuyo niya lang nang kaunti ang buhok para hindi tumulo ang patak ng tubig dito. Pagdating niya sa kusina ay nakita niya ang nakatalikod na si Roscoe, nagluluto. Mabango ang niluluto ni Roscoe, at sa tingin ni Leil ay adobong karne ito. Nang makalapit ay napatunayan niyang tama ang naisi
Mabilis ang tibok ng puso ni Leil pagkapasok niya sa loob ng bathroom. Hinaplos niya ang kanyang labi at saka mariing pumikit. “Shit! Bakit parang iba ang epekto sa akin ng halik na iyon?” Tila hindi alam ni Leil kung ano ang dapat maramdaman. Noong una ay tinutulak pa niya si Roscoe, pero habang tumatagal na hinahalikan siya ng lalaki ay unti-unti ring humihina ang depensa na mayroon siya. Mas madali sigurong maging asawa ni Roscoe kung hindi siya mahal ni Leil. Sa bawat paglapat ng mga labi ng lalaki, sana ay hindi naaapektuhan si Leil. Na sana ay wala lang sa kanyang ang lahat ng iyon, na ginagawa niya lamang ito para sa kanyang kapatid. Pero hindi. May nararamdaman siya kay Roscoe. At mahirap ang ginagawa niya ngayon dahil sa tuwing hinahalikan siya ng lalaki ay nanghihina siya. Hinilamos ni Leil ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Huminga siya nang malalim at nagdesisyon na kalimutan na lang muna ang mga nangyari ngayong araw. Napansin ni Leil ang isang malaking bathtub sa
Pinanood ni Leil si Roscoe na pumasok sa loob ng kwarto. Kumuha lamang ang lalaki ng kanyang masusuot bago dumeretso sa bathroom ng kwarto na iyon. Ngumiti nang maliit si Leil. Hanggang ngayon ay bitbit pa rin ni Roscoe ang sakit ng pagkawala ng anak nila. Pero bilang isang ina, walang makakapantay sa sakit na naramdaman ni Leil. Kusang tumulo ang luha ng babae habang inaalala ang magiging buhay niya sa Villa na ito. Hindi niya mawari kung saan ang eksaktong lugar nito. Pero sana ay hindi masyadong malayo sa hospital kung nasaan ang kapatid niya, para kung sakali ay hindi na siya mahihirapan pang puntahan ang kapatid doon. Pinalis ni Leil ang luha sa kanyang mukha at saka huminga nang malalim. Walang mangyayari kung iiyak na naman siya rito. She has to be strong. Not only for herself, but also for her sister. Nakatayo lamang si Leil sa may labas ng kwarto, hindi niya alam kung dapat ba siyang pumasok at hintaying matapos si Roscoe sa kanyang pagligo o dapat lang na umalis muna
“M-married? Paano? Hindi ba ay ayaw mong…”Tumigil sa pagsasalita si Leil nang maging iritado ang mukha ni Roscoe, tila nauubusan ng pasensya. “Hindi ba’t kailangan mo ng pera para sa kapatid mo? Kaya ito at tutulungan kita. I will give the amount of money you need, but instead of paying me back through money, I offer you something that can be used as a compensation for your debt to me. You will submit yourself only to me, you’ll marry me, and you will oblige as I told you to.” Gulat na gulat pa rin si Leil habang tinitingnan niya si Roscoe. Hindi niya batid kung bakit ang bilis magbago ng isipan ng lalaki. Sa mga nakaraang araw lamang ay galit na galit siya sa ino-offer ng babae, pero bakit ngayon ay parang kay bilis para pumayag ang lalaki sa kasal?Hindi niya maintidihan. “Magpapakasal tayo?” naninigurong tanong ni Leil. Roscoe pursed his lips as he looked insultingly at Leil. “Are you fucking deaf or just plain stupid? Just eat your breakfast already before taking bath. Isang
Nagising nang maaga si Roscoe na nasa tabi pa rin niya si Leil. This is the first time again, after their accident meeting in Roscoe’s bed, that Roscoe woke up beside Leil. Hindi niya kailanman naisip na mauulit pa ulit ito. He had always hated the girl, and to be near her disgust him. Hindi niya maatim na makita si Leil, at mas lalo ang malapitan man lang siya ng babae. Pero ngayon, parang saglit na nawala ang lahat ng iyon dahil lang sa yakap-yakap niya ang babae, at pakiramdam niya ay naranasan niyang muli ang pahingang matagal na niyang hindi nararanasan. “Kuya, totoo bang muntik na namang mapahamak si Leil?” Naputol ang kanyang pagtitig sa babae nang marinig ang boses ng kapatid na si Reagan. Nilingon niya ito na nasa pintuan, pansin ang gulat sa mga mata ni Reagan nang mapansin ang posisyon nina Roscoe at Leil. Balot na balot si Leil nang buong katawan ni Roscoe, at sa isang tingin pa lamang, iisipin mo ng mag-asawa ang dalawang ito. Mabilis na napabangon si Roscoe