Share

Contract Marriage With The CEO
Contract Marriage With The CEO
Penulis: Queen Inks

Kabanata 001

Penulis: Queen Inks
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-16 14:24:42

Nanghihina at nahihilo si Leil na nakahiga sa isang malambot na kama. Tanging ang puting kumot lamang ang nakatakip sa kanyang katawan. Hindi niya batid kung nasaan siya at kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid.

Tanging ang init na dumadaloy sa kanyang lalamunan hanggang sa buong katawan ang kanyang ramdam. Gusto man niyang tumayo ngunit hindi niya magawa.

“May tao ba riyan? Maaari bang makahingi ako—”

Bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin, kumalabog ang pintuan kasabay ng pagpasok ng isang makisig na lalaki. Hindi man niya maaninag nang maayos ang lalaki dahil sa dim na ilaw, batid niyang matangkad ito at kaakit-akit.

Kasabay ng kanyang paghakbang palapit sa kama ay ang pagtanggal nito sa kanyang necktie. Matapos matanggal ay hinagis niya ito sa kung saan bago inumpisahang isa-isahing tanggalin ang butones ng kanyang polo.

Ang kanyang morenong kutis at eight-pack abs ay bumagay sa dim na ilaw ng silid.

Siya si Roscoe Villafuerte, may-ari ng pinakamalaking construction company sa buong Pilipinas. Galing siya sa isang mayaman at makapangyarihang angkan sa bansa.

Isang tingin pa lamang kay Roscoe, mapapansin mo agad ang madilim niyang ekspresyon. Mga matang para bang laging galit at sa tuwing ito ay tatama sa’yo, tila ba ay pinapaso ka nito sa init.

Subalit kahit na suplado man siya ay marami pa rin ang nagkakagusto rito. Sino ba naman ang hindi?

Siya ay mayaman, gwapo, makisig, at kaakit-akit. Wala ng hihilingin pa ang mga babae sa kanya.

Mabilis niyang inalis ang kanyang suot na sapatos pati ang kanyang pants bago ito ihagis sa kung saan. Tanging boxers na lamang ang kanyang natitirang saplot.

Nanlalaki ang mga matang pinanood ni Leil ang lalaking maghubad. Akala niya ay pati na rin ang boxers nito ay kanyang tatanggalin dahilan upang mapatili siya.

“Sandali! Sino ka?”

Napatigil si Roscoe sa kanyang ginagawa at tinapunan nang tingin ang kanyang kama. Isang ngisi ang bumalot sa kanyang mga labi nang makita ang isang babaeng nakahiga rito.

Hindi niya gaanong makita ang itsura ng babae ngunit sa pwesto nito, masasabi niyang may gandang taglay ito.

“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa’yo niyan?” dahan-dahan siyang humakbang palapit sa kama at nang makalapit ay saka siya umupo sa tabi ng babae. “Sino ka? At ano ang ginagawa mo rito sa aking silid?”

Napalunok si Leil dahil sa sobrang lalim ng boses ng lalaki. Nakangisi man siya ngunit rinig niya ang awtoridad sa boses ni Roscoe.

Sinubukang magsalita ni Leil ngunit walang salitang lumalabas sa kanyang mga labi.

Napaigtad siya nang dumapo sa kanyang pisngi ang mainit na kamay ng lalaki na marahang humahaplos dito.

“Ganyan na ba talaga kababa ang mga babae ngayon? Handang ibigay ang sarili sa kahit na sinong lalaki kahit na hindi naman nila ito kilala?” lumakbay sa kanyang tenga ang mainit na hininga ng lalaki.

Napakapit siya sa bisig nito dahil sa kakaibang sensyon. Ang kanyang mga balahibo ay nagsitayuan dahil lamang sa bulong na iyon.

Hindi niya maintindihan ang sarili. Sinabihan na nga siya ng masakit na salita ngunit bakit parang mas naapektuhan pa siya sa init ng hininga ng lalaki?

“Hindi ko po kayo maintindihan, s-sir. Nahihilo ako at nag-iinit ang aking buong katawan. Pwede niyo po ba akong tulungan?” Sa nanghihinang boses ay tinanong niya ang lalaki.

Umigting ang bagang ni Roscoe dahil dito. Tama nga ang hinala niya. Isa rin siyang mababang uri ng babae.

Dahil sa inis at galit, naglakbay ang kamay ni Roscoe mula sa pisngi ni Leil hanggang sa leeg nito. Marahan niya itong hinaplos at sinusundan ng kanyang mga daliri ang bawat paglunok ng babae.

Ramdam niya ang kinis nito, na mas lalong nagdala ng init sa kanyang dibdib.

Pinanood ni Roscoe ang malalalim na paghinga ng babae, hudyat na naaapektuhan ito sa kanyang mga haplos.

Ganitong tulong ba ang kailangan niya? Ganitong solusyon ba ang gusto niya sa init na nararamdaman niya? Pwes, ito ang ibibigay ko.

Napaawang ang bibig ni Leil nang makita ang dahan-dahang paglapit ng mukha ng binata sa kanya. Sinubukan niya itong pigilan gamit ang nanghihinang kamay sa pamamagitan ng paghawak sa braso ng binata, ngunit wala itong epekto.

Naramdaman niya ang unti-unting paglapat ng mainit na labi ng lalaki sa labi niya.

Shit! Hinalikan ako!

Saad niya sa kanyang isipan.

Hindi mawari ni Leil kung ano ang kanyang dapat gawin. Nais man niyang itulak ang lalaki, hindi niya magawa sapagkat siya ay nanghihina at nahihilo pa. Sa kalagayan niya ngayon, hindi na niya batid kung saan siya nanghihina. Dahil ba ito sa mga haplos at halik ng lalaki?

Sana ay hindi.

“Your lips taste so good. They are soft as well,” bulong ni Roscoe, habang marahang hinahaplos ang labi ng babae.

Hindi umimik si Leil at patuloy lang na pinapanood ang binata. Sa ikalawang pagkakataon ay hinalikang muli ni Roscoe si Leil ngunit hindi kagaya kanina na hinayaan lamang ng babae si Roscoe na halikan siya, ngayon ay marahang sinusuklian na ni Leil ang bawat paglapat ng labi ni Roscoe.

Napaungol si Roscoe nang maramdaman ang pagganti ng babae ng halik. Kinulong niya ang bewang nito sa kanyang mga bisig at saka siya dinaganan.

Mas pinag-igihan niya pa ang paghalik dito, bawat sulok ng labi ng babae ay inaangkin niya na parang kanya ito at siya lamang ang nagmamay-ari dito.

Ang kaninang kamay ni Leil na nanghihinang nakahawak sa braso ni Roscoe, ngayon ay nakakapit na dito nang mahigpit, tila ayaw niyang matapos ang kanilang mainit na halikan.

Hindi niya batid kung gaano katagal ang inabot ng kanilang halikan. At dahil na rin sa sobrang pagkahilo at sakit ng katawan, tuluyan nang binalot ng dilim ang mga mata ni Leil.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 027

    Nang magising si Leil kinabukasan ay mag-isa na lamang siya sa kama, wala na si Roscoe sa kanyang tabi. Naisip ni Leil na baka ganito talaga kaagang nagigising ang lalaki. Lalo pa at maraming kailangang asikasuhin… ang kanyang asawa. Hindi niya napigilang gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang maisip na asawa niya na nga si Roscoe.Bumuntong hininga siya at saka nagkibit-balikat.Kahit na alam niyang wala siyang pag-asang magustuhan ulit ni Roscoe, hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng saya. Hindi naman siya umaasa, lalo pa at alam niya ang lugar niya ngayon sa buhay ni Roscoe. Nandito lamang siya para punan ang sekswal na pangangailangan ni Roscoe, at pati na rin tuparin ang matagal nang nais ng lalaki—ang magkaroon ng anak. At syempre, hindi pa rin nakakalimutan ni Leil ang dahilan kung bakit siya nandito, at kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Ito ay dahil sa kanyang kapatid na may sakit. Kailangan niya ng pera para mapagamot ito. At kailangan niya ng tul

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 026

    Hindi alam ni Leil kung paano niyang haharapin si Roscoe ngayon. Nakita siya ng lalaki na hubo’t hubad! Walang kahit anong saplot. “Bakit ko ba kasi nasobrahan ang pagligo sa bathtub?”Napahilamos siya sa kanyang mukha nang marealize na hindi pala siya nakashower nang maayos sapagkat nilublob niya lang ang sarili sa bathtub. “Pero ‘di bale na. Maayos din naman sa bathtub na iyon.”Dahil walang ibang dala na damit si Leil ay kinuha niyang muli ang suot niya kanina at iyon muli ang sinuot niya. Gusto niya sanang humiram ng kahit na anong damit kay Roscoe ngunit dahil sa sobrang hiya niya kanina ay nakalimutan na niya. Mamaya na lang pagkatapos kumain. Bumaba na siya ng kwarto pagkatapos magbihis. Tinuyo niya lang nang kaunti ang buhok para hindi tumulo ang patak ng tubig dito. Pagdating niya sa kusina ay nakita niya ang nakatalikod na si Roscoe, nagluluto. Mabango ang niluluto ni Roscoe, at sa tingin ni Leil ay adobong karne ito. Nang makalapit ay napatunayan niyang tama ang naisi

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 025

    Mabilis ang tibok ng puso ni Leil pagkapasok niya sa loob ng bathroom. Hinaplos niya ang kanyang labi at saka mariing pumikit. “Shit! Bakit parang iba ang epekto sa akin ng halik na iyon?” Tila hindi alam ni Leil kung ano ang dapat maramdaman. Noong una ay tinutulak pa niya si Roscoe, pero habang tumatagal na hinahalikan siya ng lalaki ay unti-unti ring humihina ang depensa na mayroon siya. Mas madali sigurong maging asawa ni Roscoe kung hindi siya mahal ni Leil. Sa bawat paglapat ng mga labi ng lalaki, sana ay hindi naaapektuhan si Leil. Na sana ay wala lang sa kanyang ang lahat ng iyon, na ginagawa niya lamang ito para sa kanyang kapatid. Pero hindi. May nararamdaman siya kay Roscoe. At mahirap ang ginagawa niya ngayon dahil sa tuwing hinahalikan siya ng lalaki ay nanghihina siya. Hinilamos ni Leil ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Huminga siya nang malalim at nagdesisyon na kalimutan na lang muna ang mga nangyari ngayong araw. Napansin ni Leil ang isang malaking bathtub sa

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 024

    Pinanood ni Leil si Roscoe na pumasok sa loob ng kwarto. Kumuha lamang ang lalaki ng kanyang masusuot bago dumeretso sa bathroom ng kwarto na iyon. Ngumiti nang maliit si Leil. Hanggang ngayon ay bitbit pa rin ni Roscoe ang sakit ng pagkawala ng anak nila. Pero bilang isang ina, walang makakapantay sa sakit na naramdaman ni Leil. Kusang tumulo ang luha ng babae habang inaalala ang magiging buhay niya sa Villa na ito. Hindi niya mawari kung saan ang eksaktong lugar nito. Pero sana ay hindi masyadong malayo sa hospital kung nasaan ang kapatid niya, para kung sakali ay hindi na siya mahihirapan pang puntahan ang kapatid doon. Pinalis ni Leil ang luha sa kanyang mukha at saka huminga nang malalim. Walang mangyayari kung iiyak na naman siya rito. She has to be strong. Not only for herself, but also for her sister. Nakatayo lamang si Leil sa may labas ng kwarto, hindi niya alam kung dapat ba siyang pumasok at hintaying matapos si Roscoe sa kanyang pagligo o dapat lang na umalis muna

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 023

    “M-married? Paano? Hindi ba ay ayaw mong…”Tumigil sa pagsasalita si Leil nang maging iritado ang mukha ni Roscoe, tila nauubusan ng pasensya. “Hindi ba’t kailangan mo ng pera para sa kapatid mo? Kaya ito at tutulungan kita. I will give the amount of money you need, but instead of paying me back through money, I offer you something that can be used as a compensation for your debt to me. You will submit yourself only to me, you’ll marry me, and you will oblige as I told you to.” Gulat na gulat pa rin si Leil habang tinitingnan niya si Roscoe. Hindi niya batid kung bakit ang bilis magbago ng isipan ng lalaki. Sa mga nakaraang araw lamang ay galit na galit siya sa ino-offer ng babae, pero bakit ngayon ay parang kay bilis para pumayag ang lalaki sa kasal?Hindi niya maintidihan. “Magpapakasal tayo?” naninigurong tanong ni Leil. Roscoe pursed his lips as he looked insultingly at Leil. “Are you fucking deaf or just plain stupid? Just eat your breakfast already before taking bath. Isang

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 022

    Nagising nang maaga si Roscoe na nasa tabi pa rin niya si Leil. This is the first time again, after their accident meeting in Roscoe’s bed, that Roscoe woke up beside Leil. Hindi niya kailanman naisip na mauulit pa ulit ito. He had always hated the girl, and to be near her disgust him. Hindi niya maatim na makita si Leil, at mas lalo ang malapitan man lang siya ng babae. Pero ngayon, parang saglit na nawala ang lahat ng iyon dahil lang sa yakap-yakap niya ang babae, at pakiramdam niya ay naranasan niyang muli ang pahingang matagal na niyang hindi nararanasan. “Kuya, totoo bang muntik na namang mapahamak si Leil?” Naputol ang kanyang pagtitig sa babae nang marinig ang boses ng kapatid na si Reagan. Nilingon niya ito na nasa pintuan, pansin ang gulat sa mga mata ni Reagan nang mapansin ang posisyon nina Roscoe at Leil. Balot na balot si Leil nang buong katawan ni Roscoe, at sa isang tingin pa lamang, iisipin mo ng mag-asawa ang dalawang ito. Mabilis na napabangon si Roscoe

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status