Share

Kabanata 102

Author: twinkle star
last update Last Updated: 2025-07-27 02:24:45

"Baka naman hindi talaga nila sinasadyang makasakit…baka kahit sila ay naiinip na din sa sitwasyon ko. Kasi nga diba ang tagal ko ng kasal at hindi pa rin ako nagkakaanak.

Kasi minsang ang mga tao ang nagiging sukatan na lang ng relasyon para sa kanila yung pagkakaraon ng anak, at dun masasabing successful or happy marriage.” sagot ko na pilit na nagpapakasaya.

Sandaling natahimik si Melissa bago nagsalita.

"Tama ka. Pero hindi ibig sabihin noon na tama rin silang magtanong nang gano’n, lalo na kung wala naman silang alam sa pinagdaraanan mo."

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko maitatanggi na may point naman talaga ang sinabi niya. May mga bagay talagang mahirap ipaliwanag sa ibang tao, lalo na kung ang usapin ay tungkol sa mga pangarap mong pilit inaabot pero sa iba, parang napakadaling maabot.

Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si Xian sa sala, nakaupo at seryosong nakatingin sa laptop niya. Kunot ang noo, tila may binabasa nang mabigat. Nang makita niya ako, agad siy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan   Kabanata 114

    Lumipas ang mga araw, ngunit hindi ko makuhang mapanatag ang isip ko. Gabi-gabi, ang imahe ng kwartong iyon ang malamig na hangin, ang lalaking hindi ko kilala ay paulit-ulit na pumapasok sa panaginip ko. Sinusubukan kong buuin ang mga nawawalang bahagi ng gabing iyon, ngunit tila blangko ang lahat. Ano ang nangyari? Sino ang lalaking iyon? At higit sa lahat, bakit ko hinayaang mangyari ito?Pinilit kong tawagan si Melissa nang paulit-ulit, ngunit hindi talaga siya sumasagot. Isang linggo na ang lumipas, at tila naglaho siya na parang bula. Pumunta ako sa opisina niya, ngunit sinabi ng mga kasamahan niya na hindi raw siya pumapasok. Nag-aalala na din ako para kay Melissa pano kung may ngyari pala sa kaniya. Ang pakiramdam ko ay parang naiwang nag-iisa sa gitna ng isang bagyo, walang matakbuhan, walang makapitan.Sa bahay, ramdam ko ang unti-unting pagbagsak ng maskara kong pilit na suot sa harap ni Xian. Hindi ko magawang itago ang pagkabalisa ko, at napansin niya iyon.“Love,” sabi

  • Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan   Kabanata 113

    Napangiti ako, kahit may kirot pa rin sa dibdib. “Salamat, Melissa. Kailangan ko talaga ng karamay. Ayoko pa sanang sabihin ‘to kay Xian. Oo, sinusubukan namin… pero hindi ko talaga matakasan ‘yung paulit-ulit na tanong ng mga tao.” “It’s fine, Karmela. Alam mong isang tawag mo lang, nandito ako. Pero lately… masyado kang naging tahimik sa akin. Kaya si Mommy Glenda na lang lagi kong kasama. We got to know each other sa mga charity events—madalas akong volunteer doon.” “Ahhh… kaya pala,” sagot ko, may halong buntong-hininga. “Kaya pala palagi ko kayong nakikitang magkasama nitong mga nakaraang araw…” Doon ko lang naramdaman ang kaunting gaan sa dibdib. Sa dami ng iniisip ko kay Melissa, sa dami ng tanong na bumabalot sa isipan ko tungkol sa kanya… ngayon, kahit papaano, may sagot na ako kung bakit siya naging malapit kay Mommy Glenda.Sa KwartoHabang nakahiga kami, pilit akong nagpapanggap na okay lang. Pero alam kong napapansin ni Xian na may iniisip ako. Yumakap siya sa akin at

  • Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan   Kabanata 112

    Pero mapilit si Mommy Glenda. “Huwag na kayong maarte. Sumabay na kayo. It’s okay, Karmela. You’re not interrupting us!” sabat pa ni Melissa. Ngumiti siya, at sa isang iglap, naglaho ang awkwardness. Para bang pinilit niyang burahin ang tensyon—pero alam kong nandoon pa rin. Sa gitna ng dinner, sunod-sunod ang tanong ni Mommy Glenda tungkol sa buhay namin ni Xian—parang may sinusuri, may hinahanap. Pero isa sa mga tanong niya ang tumama nang diretso sa dibdib ko. “Karmela, may plano na ba kayong magkaanak?” tanong niya, walang pag-aalinlangan, titig na titig sa akin. Bigla akong napalunok. Tumingin ako kay Xian, na halatang nagulat rin, at tila nag-aalangan kung sasagot ba o hahayaan akong magsalita. “Well, Mommy, we’re not in a rush. Gusto pa naming mag-focus sa mga goals namin ngayon,” sagot ko, pilit na kalmado ang tono. Ngumiti siya, pero may bakas ng pagkadismaya sa kanyang mukha. “Sana naman, huwag niyong patagalin. Gusto ko nang magka-apo, Karmela. Matagal ko nang hinihi

  • Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan   Kabanata 111

    MELISSA POV Habang inaabot ni Karmela ang paper bag, pinilit kong panatilihin ang aking ngiti. Pero sa loob-loob ko, ramdam ko ang unti-unting pag-init ng galit. Pasalubong? Talaga? Para bang isang simpleng regalo ang makakabura ng lahat ng sakit na iniwan ni Xian sa akin. “Thank you talaga,” sabi ko, bagamat parang may pait ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Pagkatapos ng ilang saglit na kwentuhan, agad akong bumalik sa cubicle ko. Habang kunwari’y abala ako sa trabaho, sinimulan kong buuin sa isip ang susunod kong galaw. Kung gusto kong gumuho ang ilusyon ng kasiyahan sa pagitan nila, kailangan kong umatake mula sa ugat ng relasyon nila—ang pamilya ni Xian. Kaya simula nang bumalik ako, palihim na akong lumalapit sa Mommy ni Xian, nagpapakilala bilang dating kaibigan ng pamilya. Alam kong si Mommy Glenda ay madaling mapasunod. Madalas siyang makinig at tila laging may opinyon sa lahat ng bagay. Kaya sinadya ko siyang puntahan sa isang charity event na tiyak kong dadaluhan

  • Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan   Kabanata 110

    SA BAHAY NI XAVIER "Melissa, sigurado ka ba talaga dito?" tanong niya habang nakatutok sa laptop, mabilis ang galaw ng mga daliri sa keyboard. "Oo naman. Bakit, kinakabahan ka na?" sagot ko, kalmado ang tono habang hawak ang tasa ng malamig na kape, nakaupo sa tabi niya. "Hindi ko naman sila gagalawin — hindi pa, gaya ng sinabi ko. Pero kailangan kong malaman kung ano ang mga hakbang nila, kung anong plano nila." "Parang ang risky nito," bulong ni Xavier habang nagsi-screenshot ng ilang bahagi ng screen. "Alam mo, may ibang paraan para makapag-move on. Hindi kailangang ganito ka-extreme." Napangiti ako, mapait. "Kung alam mo lang, Xavier... Hindi lang ito tungkol sa pag-move on. Ito ay tungkol sa hustisya. At kung ako lang ang natitirang may lakas ng loob para ipaglaban 'yon, bakit hindi ko susubukan?" Pagdating ko sa bahay, binuksan ko agad ang laptop at sinimulang i-review ang mga files na nakuha ni Xavier. Kompleto ang impormasyon — pangalan ng resort, mga naka-schedule na akt

  • Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan   Kabanata 109

    Pero paano ko magagawa ‘yon kung habang nandito ako’y pinapahirapan ng nakaraan, sila naman ay nasa Maldives, nag-eenjoy, at tila walang iniwang wasak na damdamin? Ako ang naiwan, tinatangkang limutin ang lahat habang patuloy namang bumabalik ang sakit. Mariin akong napapikit, naghahanap ng kahit anong hibla ng katinuan. Hindi ako pwedeng matalo sa ganitong laro. “Kalma lang, Melissa,” bulong ko sa sarili ko, tinig na halos isinisigaw para marinig ko nang malinaw. “Hindi mo pinaghandaan lahat ng ’to para lang sumuko ngayon.” Kinabukasan, pilit kong bumalik sa opisina na parang walang nangyayari. Pero kahit anong pagpapanggap ang gawin ko, hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko. Para akong bomba na handang sumabog anumang oras. Sinubukan kong ibuhos ang sarili sa trabaho — magsulat, magplano, mag-organisa — para lang manatiling abala. Pero kahit anong gawing pagtakas, may bahagi pa rin sa akin ang hindi matahimik. Habang abala ako sa paggawa ng report, narinig ko ang usapan mula

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status