Home / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 100: Bordeaux Collection

Share

Chapter 100: Bordeaux Collection

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-06-18 10:26:47

Biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng silid. Tahimik ang paligid, pero ramdam ang tensyon.

Si Feliz, na kanina pa ngumunguso at ngumingisi, ay biglang napuno.

Hindi na niya kayang kimkimin ang kahihiyan matapos tanggihan ni Fae nang harapan—at higit sa lahat, matamaan ang pride niya nang marinig ang pigil na tawanan mula sa paligid.

Sumimangot siya, at may bagsik sa boses nang magsalita.

"Alam mo, sinubukan kong maging magalang—pero hindi ko akalaing paglalaruan ako ng isang HR Director na wala namang pinagmulang disenteng pamilya."

Nagkibit-balikat lang si Fae. Walang pake. Walang reaksyon. Tahimik na kinuha ang tinidor, saka muling kumain na parang hindi naririnig ang panlalait.

BAM!

Umalingawngaw ang hampas ng palad ni Feliz sa mesa. Nanginig ang mga baso, at ang ilang empleyado ay bahagyang napaigtad sa gulat.

"Hoy!" sigaw ni Feliz. "Alam mo bang hindi ka karapat-dapat sa ganitong pagtrato kung hindi dahil kay Jane?"

"Kung hindi ko ito inayos, sa tingin mo ba makakapasok k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 222: Tuklas?

    Ang taong pumasok ay walang iba kundi si Jane. Maamo ang ngiti nito, para bang walang mali, ngunit alam ni Fae na ang bawat ngiting iyon ay may tinatagong talim."Director Jane," malamig na bati ni Fae, habang nakahalukipkip. "Hindi ko alam na ang HR office na ito ay open space na kahit sino ay basta na lang papasok. Anong ginagawa ng Marketing Director sa opisina ko?"Tumigil si Jane ilang hakbang mula sa mesa, nakataas ang kilay ngunit may nakapirming ngiti. "Relax, Director Fae. Wala naman akong masamang pakay. Dumaan lang ako dahil may gusto akong pag-usapan—tungkol sa isang joint project proposal ng HR at Marketing. Alam mo naman, synergy ng departments."Napakunot ang noo ni Fae, saka tinitigan si Jane. "Kung tungkol sa trabaho, may proper channel para diyan. Hindi ba't puwede kang mag-email? O kaya ipatawag ang HR staff?""Pwede naman," malumanay ang sagot ni Jane, sabay upo sa upuan sa tapat ng mesa ni Fae na parang siya pa ang may-ari ng opisina. "Pero iba pa rin ang personal

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 221: Simula

    Kinabukasan, sa Everest Corp, HR Director Office.Tahimik ang opisina maliban sa marahang tunog ng pagtipa ng keyboard. Nakaupo si Fae sa swivel chair niya, nakayuko sa harap ng computer. Sa screen, dalawang windows ang nakabukas.Sa isang tab, abala siyang gumagawa ng report, summary, at evaluation ng mga empleyado—maingat ang bawat input, bawat numero at rekomendasyon ay tinitiyak niyang tama. Ang daliri niya ay mabilis na pumipindot sa keyboard, sabay-sabay na gumagalaw ang mouse, parang sanay na sanay sa paglipat-lipat ng window na hindi man lang nababahala.Ngunit sa kabilang tab, nakabukas ang isang hiwalay na dokumento—hindi basta opisyal na file, kundi isang sensitibong listahan. Dito makikita ang anim na larawan na nakalinya: apat na lalaki at dalawang babae. Katabi ng bawat larawan ay nakasulat ang kani-kanilang impormasyon—pangalan, departamento, at ilang background details na hindi basta-basta makukuha ng kahit sino.Ito ang listahan ng mga taong binigay ni Kevin kagabi, a

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 220: Determinasyon

    Nang makabalik sila sa sala, agad na nag-utos si Richard."Tipunin dito ang lahat ng tauhan," aniya sa pinaka-kapitan ng team.Kaagad itong kumilos, at ilang sandali lamang ay naipon ang nasa dosenang tao sa harap ni Richard. Ang sala ng villa, na dati'y payapa at malamig, ngayo'y napuno ng bigat at tensyon. Nakatayo silang lahat, alerto, nakapwesto ayon sa disiplina ng isang grupo na sanay sa utos at panganib.Tinanong ni Richard, "Ano ang summary ng villa?"Humakbang ang lalaki, medyo naninigas ang tindig bago nagsalita."Boss, bukod sa kakaibang pwesto ng sapatos at ang black box, wala nang iba pang kahina-hinala. Walang senyales ng sapilitang pagpasok. At… base sa pagkaka-analisa, nang dumating kami, naroon na ang kahon at mga sapatos. Wala ni isang kaluskos na nagbigay pahiwatig na pwersahan silang nakapasok."Saglit na nag-isip si Richard, malamig ang tingin at naniningkit ang mata. "Mukhang nandito sila pagkakaalis natin," aniya, ma

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 219: Gabi ng misteryo

    Pagkaraan ng ilang segundo, isang tauhan ang lumitaw sa gilid ng villa—hingal na hingal, pawis na pawis, at may hawak na baseball cap na parang ipinang-palo sa kung ano."Boss… pasensya na…," habol-hiningang sabi nito.Richard, seryosong tono: "Ano 'yung tunog na 'yon? Parang may binangga kang truck."Napakamot ng ulo ang tauhan. "Ah… kasi po… 'yung pusa ng kapitbahay, hinabol ko. Eh, dumiretso po sa likod tapos tumalon sa ibabaw ng storage rack… nahulog po 'yung drum na stainless. Ayun… sumalpok sa likod na gate."Tahimik.Si Kevin, hindi mapigilang ngumisi. "Akala ko kung ano na… yun pala, pusa lang."Si Bernard naman, napailing at tumawa nang mahina. "Muntik na akong atakihin sa puso, anak ng pusa pala ang salarin."Si Fae, napabuntong-hininga at napahawak sa noo. "Grabe, kung suspense movie 'to, nabasag na yung build-up."Nagpupumiglas na tawa si Kevin, hawak ang tiyan. "Boss, seryoso, baka shoe fetish at ca

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 218: Black Box

    Ang bagay na iyon ay nakalagay sa ibabaw ng maliit na lamesa sa sala—maingat na ipinwesto, para bang sinadyang makita nila agad pagpasok. Hindi ito basta iniwan; maayos ang pagkakahanay, parang may sariling lugar doon sa gitna ng malinis na espasyo.Isang maliit na kahon, kulay itim, makinis ang ibabaw ngunit may kakaibang marka na tila inukit gamit ang matulis na bagay. Hindi iyon pangkaraniwang disenyo—masyadong detalyado, masyadong… makilala."Hindi ba… parang—" simula ni Kevin, pero agad siyang pinutol ni Richard nang matalim na tingin."Walang pangalan," malamig na utos ni Richard. "Huwag mong banggitin."Napaatras si Kevin, bahagyang natawa nang pilit, pero bakas ang kaba. "Eh kasi, boss, sa tuwing may ganito… may kasunod na…" Hindi na niya tinapos.Si Bernard, bagama't tahimik, ay hindi maalis ang tingin sa kahon. "Kung ganito na ang galaw nila," aniya sa mababang tinig, "ibig sabihin, handa na sila sa susunod na hakbang."Si Fae, kahit hindi pa binubuksan ang kahon, ay nakakar

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 217: Shoe Fetish

    Napansin din ni Richard ang sapatos at agad kumunot ang noo. Lumapit ang isa sa mga tauhan para ibigay iyon sa kanya, ngunit bago pa man niya maabot, nauna si Fae at kinuha ito, mahigpit ang pagkakahawak na para bang may personal na bigat ang bagay na iyon."Boss," biglang sabi ni Kevin habang papalapit, bahagyang nakangisi para basagin ang tensyon, "bakit parang hilig na hilig ng kabilang partido na sapatos ang ginagamit? Nauna yong kay mama ni Fae sa hospital, tapos ngayon naman dito… baka naman may shoe fetish 'yung taong 'yon?"Walang tumawa.Tumingin lang si Richard kay Kevin na para bang sinasabi sa mga mata niya, hindi ito panahon para magbiro. Pero kahit ganoon, napansin ni Fae na bahagyang lumuwag ang bigat sa hangin kahit sandali."Kung fetish man 'yan," malamig na sagot ni Richard, "mas delikado—ibig sabihin, mas personal ang koneksyon niya sa atin.""Personal… at malapit," dagdag ni Bernard, mabigat ang tinig habang tinitingna

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status