Home / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 161: Kaibigan ni Fae

Share

Chapter 161: Kaibigan ni Fae

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-07-17 12:10:24

Gold Prime Enterprises, president's office.

Nakabihis na nang maayos si Richard. Kanina, matapos kumain, bumalik siya sandali sa apartment upang magpalit ng pormal na damit at dumiretso sa Gold Prime Enterprises. Ang layunin niya: ipakita kay Chairman Bernard ang villa na binili niya—dahil kung hindi, iisipin na naman ng matanda na nagloloko siya.

Nang makita ni Bernard ang mga larawan at detalyeng dala ni Richard, napahagalpak ito ng tawa. Nasiyahan siya sa disenyo at laki ng property.

"Kung iisipin," sabi ni Bernard habang iniikot ang tablet na may larawan ng villa, "dapat ako ang may-ari ng ganitong kaluhong bahay. Pero hindi ko type ang lokasyon... mas gusto ko pa rin sa malawak kong lupain. Walang ingay. Walang Marites. Walang istorbo." sabay tawa.

Napangiti si Richard habang naupo sa upuan ng kanyang opisina. Ngunit kahit masaya si Lolo, siya mismo ay nananatiling abala sa pag-iisip. Ilang oras na siyang nakaupo roon. Kanina pa siya pabalik-balik sa loob ng opisina, parang may b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 166: Five Goons One Brain Cell

    "SIGE!!!" sabay-sabay na sigaw ng mga goons, tila mga sabik na manok sa sabungan. Agad nilang pinalibutan ang mesa ng tatlo—si Richard, Faerie, at Vivian.Nakita ng ibang customer ang nalalapit na gulo, kaya't nagsialisan na agad ang karamihan. May iba pang hindi na nag-abalang magbayad—naka-libre pa ng barbecue habang nagkakagulo.Ang mga Thugs:Barbed Wire Guy – May tattoo ng barbed wire sa leeg. Nakangisi habang hinihimas ang leeg na parang gusto pa niyang dagdagan ang tattoo ng "Wanted Dead or Alive.""Boss, akin na 'yung isang babae. May ilalagay akong 'property of BWG' sa batok niya," sabay tawa na parang gago.Shades Guy – Naka-shades kahit gabi. Nag-aadjust pa habang madilim. Siya rin ang may tattoo ng pusang may espada sa leeg."Pucha, wala akong makita. Nasan ang kalaban?""Tanggalin mo kasi salamin mo!" sigaw ng isa."E aesthetic ko 'to eh!"Jacket Lang Guy – Walang t-shirt, jacket lang, naka-chew ng toothpick."Tangina parang sarap laruin ng dalawa, parang jackstone," saba

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 165: Cinderella and the Midnight Misfits

    Tumayo agad ang mga lalaki. Parang rehearsed na—nagkalas sa upuan, tumuwid ang katawan, sabay lakad nang astig. Ngunit natigilan ang isa sa kanila, medyo patpatin pero may tattoo ng pusang may espada sa leeg."Boss…" sambit niya, sabay kamot sa batok. "Wala tayong kotse."Halos sabay-sabay ang pag-facepalm ng tropa. Pak!Binatukan siya ni Greasy. "Idiot! Kunwari lang para astig!""Ay… okay, gets," sagot ng lalaki, sabay tagilid ng katawan na parang may invisible car sa harap niya. Tumingin siya sa paligid at saka ginaya ang pag-on ng sasakyan. "Vrrrm! Vrrrm! Okay na boss, na-start ko na ang makina!"Ngiting-ngiti si Greasy. Parang proud na proud sa performance ng kanyang low-budget henchman.Tumayo siya at lumapit kay Vivian. "Ngayong gabi," aniya sa mababa at maruming tono ng boses, "ipaparanas ko sa 'yo kung anong klaseng laro ang tinutukoy ko."Mula sa likod niya, sumingit ang isa pang lalaki na may barbed wire na tatoo sa leeg. "Tamang-tama boss, bihira na tayo makakita ng ganiton

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 164: Mala-Nokia sa kapal

    Tumayo ang kalbong lalaki at nilagyan pa ng drama ang paglakad. Pakunwaring seryoso, dahan-dahan ang hakbang, parang aakyat ng entablado para sa proposal sa isang teleserye. Nakapamaywang siya, tapos paminsan-minsan ay hinahawi ang kanyang invisible na bangs kahit kalbo siya. Umikot pa siya saglit sa harap ng mesa bago tumigil sa gilid ni Vivian.Nginitian niya ito ng malagkit—literal na malagkit dahil medyo may mantika pa ang gilid ng labi niya, marahil galing sa kinain niyang betamax kanina."Hi," sabi niya na may boses na ubod ng lambing pero parang may halong phlegm. "Miss... single ka ba?"Tila tumigil ang mundo ni Vivian. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa HALIMUYAK na bumungad sa ilong niya. Para siyang sinampal ng hininga. Napakurap siya ng tatlong beses. Naka amoy siya ng… gatas na panis? Maasim na tinapa? O—"Hulaan ko," sabi ni Vivian habang pinipilit ngumiti pero bahagyang nangingilid ang luha sa sulok ng mata niya, "inulam mo… tulingan na may gata?"Napa-ngisi ang lalaki

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 163: Manliligaw o Man-liligaw?

    Tumawa si Fae at walang pag-aalinlangang sinabi, "Tama ka. Siya si Mr. Gold."Natigilan si Vivian. Napabuka ang bibig, tila hindi makapaniwala."Wait, what? As in... Mr. Gold?!"Ngunit bago pa siya makapagtanong pa, mabilis na nagpatuloy si Fae."Malayong kamag-anak siya ng mga Gold... kaya Mr. Gold din siya sa apelyido."Halos mahulog si Vivian sa upuan, napakapit sa gilid ng mesa. "Yun lang pala ibig mong sabihin! Akala ko kung sinong big shot na negosyante itong kaharap ko!" sabay tawa habang napapailing. "Kaya pala... kala ko CEO ng Gold Prime!"Napatingin si Richard kay Fae, nakangiti pero walang sinasabi. Medyo kinabahan siya ng very very light, akala niya alam na ni Fae ang totoo.Ilang sandali pa, dumating na ang inorder nilang pagkain. Umuusok pa ang mga barbecue, isaw, at hotdog na may marshmallow. May kasamang suka na may bawang, toyo't calamansi, at kanin sa papel na may cling wrap. Isang tunay na street food feast.Nag-umpisang kumain ang tatlo. Habang ngumunguya, tinanon

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 162: Vivian

    Parang robot na naubusan ng langis, unti-unting lumingon si Richard kay Fae. "Fae…" aniya, halos pabulong. "Itong lalaking ito na… malaki ang katawan—siya ba ang matalik mong kaibigan?"Napahagalpak ng tawa si Fae nang makita ang priceless at litong expression ng asawa."HAHA! Hindi!" umiling siya habang pinipigilan ang tawa. "Iyong nasa likod niya ang tinutukoy ko!"Napalingon ulit si Richard, at sa wakas, nakita niya ang tinutukoy ni Fae.Mula sa likuran ng masigasig na "pink warrior" ay sumulpot ang isang babae—hindi rin pahuhuli. Naka corporate attire pa ito, pero ang blouse niya ay nakabukas ang unang dalawang butones, nagpapahiwatig ng confidence. Ang bodycon skirt ay simple pero flattering, litaw ang magandang hubog ng katawan. Kulay tsokolate ang straight hair na nakalugay sa balikat, at may dala itong maliit na sling bag. Sa kahit malayo, halata ang kanyang energetic aura—parang walking espresso shot. May ganda siya na hindi loud, pero ramdam—ka-level ng vibes ni Fae, at kita

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 161: Kaibigan ni Fae

    Gold Prime Enterprises, president's office.Nakabihis na nang maayos si Richard. Kanina, matapos kumain, bumalik siya sandali sa apartment upang magpalit ng pormal na damit at dumiretso sa Gold Prime Enterprises. Ang layunin niya: ipakita kay Chairman Bernard ang villa na binili niya—dahil kung hindi, iisipin na naman ng matanda na nagloloko siya.Nang makita ni Bernard ang mga larawan at detalyeng dala ni Richard, napahagalpak ito ng tawa. Nasiyahan siya sa disenyo at laki ng property."Kung iisipin," sabi ni Bernard habang iniikot ang tablet na may larawan ng villa, "dapat ako ang may-ari ng ganitong kaluhong bahay. Pero hindi ko type ang lokasyon... mas gusto ko pa rin sa malawak kong lupain. Walang ingay. Walang Marites. Walang istorbo." sabay tawa.Napangiti si Richard habang naupo sa upuan ng kanyang opisina. Ngunit kahit masaya si Lolo, siya mismo ay nananatiling abala sa pag-iisip. Ilang oras na siyang nakaupo roon. Kanina pa siya pabalik-balik sa loob ng opisina, parang may b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status