Share

Chapter 167: Approved

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-07-21 10:25:00

Napahinto si Greasy, na para bang pinindot ang pause button sa isang robot na walang langis. Dahan-dahan siyang lumingon, bakas sa mukha ang kaba, parang batang nahuling nagnanakaw ng turon sa tindahan.

"Lumapit ka." Kinawit siya ni Richard gamit ang dalawang daliri.

Parang asong nalamigan, napayuko si Greasy at lumapit, kaluskos ang tunog ng tsinelas niyang may butas. "Bakit, boss?"

"Boss?" ulit ni Richard, sabay kunot-noo. "Wala akong pinapasahod, at lalo nang wala akong taong mukhang amoy mantikang inihaw na isda. Wag mo akong tawaging boss."

Napakamot si Greasy sa mamantikang ulo, parang may iniipit pang mantika sa anit.

"Bayaran mo lahat ng nasira rito," utos ni Richard, sabay turo sa sirang mesa, upuan, at ang kumalat na sawsawan sa buong stall. "At pati na rin 'yung pagkalugi ni Manong."

"W-wala akong pera, bo—este, sir." Halos maputol ang sinabi niya nang magtama ang tingin nila ni Richard.

Nanlamig siya. Nanigas. Kinilabutan. At sa hindi maipaliwanag na dahilan… kinilig din.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 168: Impotent

    Sinagot ni Fae ang tawag at itinapat ang cellphone sa kanyang tenga. Ngumiti siya."Vivian, bakit ka kaagad napatawag? Nakauwi ka na ba?""Yup! Kararating ko lang," sagot ni Vivian, medyo maingay ang paligid.Napakunot-noo si Fae. Narinig niya ang tuluy-tuloy na agos ng tubig."Bakit may bukas na gripo? Nasaan ka?" tanong ni Fae."Nasa banyo ako, girl. Nagpapaganda. Kasi feeling ko, baka bukas may mag-rescue ulit sa'kin, baka this time… si Superman naman," sagot ni Vivian, sabay tawa.Napatawa si Fae. "Nako, kung 'yan na naman ang iniisip mo. O sige nga, anong gamit mo? I-share mo na ang sekreto ng kagandahan.""Ay naku! Alam mo ba 'tong bagong serum ng Lucenté Glow? Promise, girl, ang ganda sa balat! Parang glowy pero hindi oily. Parang glass skin, pero walang effort.""Ah 'yun ba 'yung kulay pink na bote na parang pabango?" tanong ni Fae."Oo! 'Yun mismo! Ang bango pa niya. Tapos nilagay ko 'yung DermaWhite Toner bago noon, para mas masipsip ng skin ang serum. Hay nako, feeling ko a

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 167: Approved

    Napahinto si Greasy, na para bang pinindot ang pause button sa isang robot na walang langis. Dahan-dahan siyang lumingon, bakas sa mukha ang kaba, parang batang nahuling nagnanakaw ng turon sa tindahan."Lumapit ka." Kinawit siya ni Richard gamit ang dalawang daliri.Parang asong nalamigan, napayuko si Greasy at lumapit, kaluskos ang tunog ng tsinelas niyang may butas. "Bakit, boss?""Boss?" ulit ni Richard, sabay kunot-noo. "Wala akong pinapasahod, at lalo nang wala akong taong mukhang amoy mantikang inihaw na isda. Wag mo akong tawaging boss."Napakamot si Greasy sa mamantikang ulo, parang may iniipit pang mantika sa anit."Bayaran mo lahat ng nasira rito," utos ni Richard, sabay turo sa sirang mesa, upuan, at ang kumalat na sawsawan sa buong stall. "At pati na rin 'yung pagkalugi ni Manong.""W-wala akong pera, bo—este, sir." Halos maputol ang sinabi niya nang magtama ang tingin nila ni Richard.Nanlamig siya. Nanigas. Kinilabutan. At sa hindi maipaliwanag na dahilan… kinilig din.

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 166: Five Goons One Brain Cell

    "SIGE!!!" sabay-sabay na sigaw ng mga goons, tila mga sabik na manok sa sabungan. Agad nilang pinalibutan ang mesa ng tatlo—si Richard, Faerie, at Vivian.Nakita ng ibang customer ang nalalapit na gulo, kaya't nagsialisan na agad ang karamihan. May iba pang hindi na nag-abalang magbayad—naka-libre pa ng barbecue habang nagkakagulo.Ang mga Thugs:Barbed Wire Guy – May tattoo ng barbed wire sa leeg. Nakangisi habang hinihimas ang leeg na parang gusto pa niyang dagdagan ang tattoo ng "Wanted Dead or Alive.""Boss, akin na 'yung isang babae. May ilalagay akong 'property of BWG' sa batok niya," sabay tawa na parang gago.Shades Guy – Naka-shades kahit gabi. Nag-aadjust pa habang madilim. Siya rin ang may tattoo ng pusang may espada sa leeg."Pucha, wala akong makita. Nasan ang kalaban?""Tanggalin mo kasi salamin mo!" sigaw ng isa."E aesthetic ko 'to eh!"Jacket Lang Guy – Walang t-shirt, jacket lang, naka-chew ng toothpick."Tangina parang sarap laruin ng dalawa, parang jackstone," saba

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 165: Cinderella and the Midnight Misfits

    Tumayo agad ang mga lalaki. Parang rehearsed na—nagkalas sa upuan, tumuwid ang katawan, sabay lakad nang astig. Ngunit natigilan ang isa sa kanila, medyo patpatin pero may tattoo ng pusang may espada sa leeg."Boss…" sambit niya, sabay kamot sa batok. "Wala tayong kotse."Halos sabay-sabay ang pag-facepalm ng tropa. Pak!Binatukan siya ni Greasy. "Idiot! Kunwari lang para astig!""Ay… okay, gets," sagot ng lalaki, sabay tagilid ng katawan na parang may invisible car sa harap niya. Tumingin siya sa paligid at saka ginaya ang pag-on ng sasakyan. "Vrrrm! Vrrrm! Okay na boss, na-start ko na ang makina!"Ngiting-ngiti si Greasy. Parang proud na proud sa performance ng kanyang low-budget henchman.Tumayo siya at lumapit kay Vivian. "Ngayong gabi," aniya sa mababa at maruming tono ng boses, "ipaparanas ko sa 'yo kung anong klaseng laro ang tinutukoy ko."Mula sa likod niya, sumingit ang isa pang lalaki na may barbed wire na tatoo sa leeg. "Tamang-tama boss, bihira na tayo makakita ng ganiton

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 164: Mala-Nokia sa kapal

    Tumayo ang kalbong lalaki at nilagyan pa ng drama ang paglakad. Pakunwaring seryoso, dahan-dahan ang hakbang, parang aakyat ng entablado para sa proposal sa isang teleserye. Nakapamaywang siya, tapos paminsan-minsan ay hinahawi ang kanyang invisible na bangs kahit kalbo siya. Umikot pa siya saglit sa harap ng mesa bago tumigil sa gilid ni Vivian.Nginitian niya ito ng malagkit—literal na malagkit dahil medyo may mantika pa ang gilid ng labi niya, marahil galing sa kinain niyang betamax kanina."Hi," sabi niya na may boses na ubod ng lambing pero parang may halong phlegm. "Miss... single ka ba?"Tila tumigil ang mundo ni Vivian. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa HALIMUYAK na bumungad sa ilong niya. Para siyang sinampal ng hininga. Napakurap siya ng tatlong beses. Naka amoy siya ng… gatas na panis? Maasim na tinapa? O—"Hulaan ko," sabi ni Vivian habang pinipilit ngumiti pero bahagyang nangingilid ang luha sa sulok ng mata niya, "inulam mo… tulingan na may gata?"Napa-ngisi ang lalaki

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 163: Manliligaw o Man-liligaw?

    Tumawa si Fae at walang pag-aalinlangang sinabi, "Tama ka. Siya si Mr. Gold."Natigilan si Vivian. Napabuka ang bibig, tila hindi makapaniwala."Wait, what? As in... Mr. Gold?!"Ngunit bago pa siya makapagtanong pa, mabilis na nagpatuloy si Fae."Malayong kamag-anak siya ng mga Gold... kaya Mr. Gold din siya sa apelyido."Halos mahulog si Vivian sa upuan, napakapit sa gilid ng mesa. "Yun lang pala ibig mong sabihin! Akala ko kung sinong big shot na negosyante itong kaharap ko!" sabay tawa habang napapailing. "Kaya pala... kala ko CEO ng Gold Prime!"Napatingin si Richard kay Fae, nakangiti pero walang sinasabi. Medyo kinabahan siya ng very very light, akala niya alam na ni Fae ang totoo.Ilang sandali pa, dumating na ang inorder nilang pagkain. Umuusok pa ang mga barbecue, isaw, at hotdog na may marshmallow. May kasamang suka na may bawang, toyo't calamansi, at kanin sa papel na may cling wrap. Isang tunay na street food feast.Nag-umpisang kumain ang tatlo. Habang ngumunguya, tinanon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status