Share

Chapter 187: Article

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-08-04 10:58:47

Maingat niyang isinilid muli ang telepono sa bulsa.

Pagkatapos ay tumingin siya kay Victor—isang titig na matalim ngunit walang galit, isang ngiting mapanlinlang, isang ekspresyon na tila nagsasabing: "Natalo mo ako… sa paligsahang ikaw ang tanging kalahok."

Napangisi si Victor nang makita ang ngiti ni Richard. "Ano? Inaamin mo na bang natalo ka at napapangiti ka na lang?" panunuya niya.

Tumawa pa siya. "Richard, Richard… kinakalawang ka na talaga. Wala ka nang maidadahilan ngayon, wala ka ring maipagmamalaki. Ni hindi mo nga maipaliwanag kung bakit mo binili ang dump site."

Tumango si Richard, tila umayon.

"Tama ka," malumanay niyang sabi.

"Wala talaga akong maidadahilan kung bakit ko binili ang Lot 13…"

Humagalpak sa tawa si Victor.

"Ayan! Narinig n'yo ba? Narinig n'yo? Tapos na! Si The Prophet, inamin na wala siyang dahilan—wala siyang plano!"

Napatawa rin ang ilan sa paligid.

Tumingin si Victor sa lahat, tinuro ang screen kung saan nakaproject ang larawan ng Lot 13—ang dating dump
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 194: Susi sa pag-angat

    Bumukas ang pinto at bumungad ang dalawang babae — parehong nakaordinaryong damit ngunit hindi maikakaila ang bakas ng dating pagmamataas sa kanilang ekspresyon. Ngunit sa likod ng kanilang kumpiyansa, halata ang pag-aalinlangan sa mga mata nila habang tinitingnan ang paligid."Ah, kayo po ba ang bagong uupa sa unit?" masiglang tanong ng babae sa pinto — ang landlady — habang nakangiting nakatayo, hawak ang basang mop."Mag-renta?" balik-tanong ng mas matandang babae, si Glenda, sabay kunot noo. "Wala ba rito si Faerie? Si Faerie White?"Napatingin sa kanila ang landlady. Napangiti siya bago umiling. "Ay, wala na ho rito si Ms. White. Kaalis lang nila ng asawa niya kaninang umaga, lumipat na po sila sa bago nilang tirahan.""Lumipat?!" bulalas ni Glenda, halatang dismayado. "Saan sila lumipat?"Umiling muli ang landlady. "Hindi ko po alam, pero may dumating na malaking truck kaninang umaga. Hinakot na lahat ng gamit nila. Ngayon, malinis na malinis na 'tong unit nila."Sabay ngiti pa

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 193: Arboréa Residences

    Sa isang mataas na bahagi ng Makati, sa loob ng pinaka-eksklusibong compound na tinatawag na Arboréa Residences, matatagpuan ang isang villa na hindi lang basta tahanan kundi isang simbolo ng yaman at katahimikan. Sa pinakamalayong sulok ng compound — isang corner lot na malapit sa main security gate ngunit may sariling access road — nakatayo ang villa na may mala-resort na ambiance, high-tech features, at natural na hangin na tila yakap ng kaginhawahan.May init ng araw sa tanghaling iyon, pero ang malamig na ihip ng hangin at lilim ng mga puno sa paligid ng villa ay nagpapagaan sa gawain ng dalawang taong abala sa labas.Sa labas ng white-painted gate, makikita ang isang medium-sized na delivery truck na bukas ang likuran. Sa loob nito, ilang kahon ng kagamitan, appliances, at display pieces ang maingat na nakasalansan. Ilang staff ang bumababa ng mga kahon habang sumusunod sa mahinahong utos ng mag-asawang sina Richard at Fae."Sa may hallway mo na lang muna ilagay 'yan, temporary

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 192: Parusa ni Fae

    Tahimik.Tila mabigat ang hanging bumalot sa pagitan nila.Nakaupo si Richard, naninigas, habang si Fae ay kalmadong ngumunguya ng mani—parang wala lang."Humanda ka sa parusa," ulit ni Fae, sabay lingon kay Richard.Lalong kumunot ang noo ni Richard."Fae… kung puwedeng wag lang divorce, kahit kurutin mo ako, kahit palo sa puwet, okay lang—basta wag divorce…"Napairap si Fae, pero hindi napigilang matawa nang bahagya.Tumikhim siya, kunwari seryoso."So… ibig sabihin, ilang buwan mo na akong niloloko, no? Nililihim mo na pala na ikaw si President Gold. Ang lalim ng undercover mo, akala ko action star ka lang, yun pala, CEO ka."Hindi makatingin nang diretso si Richard."Misis, hindi ko sinasadya—ay, sinadya ko pala pero—hindi ko ginusto na—ay, gusto ko rin pala pero—""Ang gulo mo," ani ni Fae sabay nguso. "Kaya nga may parusa ka, 'di ba?"Napakapit si Richard sa armrest ng sofa."Ano nga bang parusa 'yon?""Sabihin mo na agad para makapag-confess na rin ako sa ibang kasalanan ko, ba

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 191: Divorce Paper

    Tahimik si Fae. Hindi siya umiimik. Pero hindi rin siya basta malamig—may kakaiba sa tingin niya.Parang may hinahanda siyang hindi inaasahan ni Richard.Tahimik. Tahimik na parang bagyong walang tunog pero punung-puno ng pangamba.Nagpakita siya ng kakaibang ekspresyon.Hindi galit. Hindi rin malungkot.Isang tinging walang emosyon—at dahil doon, mas lalong kinabahan si Richard.Nanuyo ang lalamunan niya.Hindi siya mapakali. Napahawak sa batok, sa baba, sa pantalon. Hindi alam ang gagawin.Parang kulang na lang ay tumakbo palabas.At sa hindi inaasahang sandali, iniabot ni Fae ang isang folder.Parang tinamaan ng kidlat si Richard.Nanlaki ang mata niya.'Oh no…''Ito na ba 'yon?''Ito na 'yung papel na kinatatakutan ng lahat ng mister sa mundo…'Naisip niya.Napalunok si Richard. Nanginginig ang kamay. Hindi na siya makahinga sa kaba."M-misis..." nauutal niyang sabi."Hindi mo naman kailangang gawin 'to agad... I-I mean, oo, alam kong nagkamali ako sa pagtatago, pero... pero hindi

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 190: Kakaibang kaba

    Matapos ang ilang sandaling pagkabigla, napabuntong-hininga si Fae.Tila ba, sa kaibuturan ng kanyang puso, alam na niya.Hindi nga lang niya inaasahan na ganito ang katotohanan.Malinaw, hindi na ito haka-haka. Hindi teorya. Isa itong kumpirmadong katotohanan na nakasulat mismo sa harap niya.Noong una, naisip niya na normal na magkamag-anak lang sina Kevin at Richard kaya may mga bagay na ginagawa si Richard na hindi pinapansin ni Kevin.May pagkakataon pa nga na parang magkapatid ang kilos at ugali ng dalawa.May mga bagay din siyang ipinagtataka noon—…kung bakit ganoon kalaya si Richard sa mga gamit ng presidente.…kung bakit tila hindi siya sumusunod kundi sinusunod.Ngayon, malinaw na lahat.Ang "driver" ng presidente… ay walang iba kundi ang mismong PRESIDENTE.Si Richard Gold.Napangiti nang mapait si Fae.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.Hindi siya sigurado kung ano ang iisipin.Ano nga ba ang dahilan kung bakit ito inilihim ni Richard?Huminga siya nang malalim, s

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 189: Authorized Signatory

    Napakatahimik ng buong silid.Ni langitngit ng sapatos ay walang marinig, at kung may lamok man na lumipad, marahil ay aalingawngaw ang bawat pagaspas ng pakpak nito. Ang bawat tao ay parang estatwa—nakapako ang paningin sa isang tao.Si Richard Gold.Para siyang bumabang diyos mula sa ulap, isang tagahatol na may dalang rebelasyon. Hindi siya basta negosyante ngayon—sa mata ng marami, isa siyang nilalang na may kakayahang makita ang hinaharap.Ang mga mata ay hindi kumukurap.Ang mga tenga ay bukás.May mga negosyanteng naglabas ng notepad.May mga secretaryang nagbukas ng recorder sa phone.May ilan pang nag-type ng LIVE NOTES sa kanilang tablet.Alerto. Sabik. Gutom sa kaalaman.Maging si Mr. Yale sa entablado ay hindi gumalaw, ni hindi huminga nang malalim. Ang katahimikan ay parang naglalakad sa hangin—tahimik pero bigat na bigat.Inayos ni Richard ang kanyang upo, gaya ng isang hari sa trono.Tumuwid siya, bahagyang itinukod ang siko sa armrest, bago nagsalita:"Sa totoo lang…"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status