Home / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 197: Maging Dominante

Share

Chapter 197: Maging Dominante

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-08-07 11:49:24
"Ano 'yon?" nauutal na tanong ni Fae, habang unti-unting sumisikip ang kanyang dibdib.

Huminga nang malalim si Richard, waring nag-iipon ng lakas ng loob, saka malumanay na nagsalita.

"White Family."

Napasinghap si Fae.

Napakunot-noo siya. "Anong… ibig mong sabihin?"

Tumingin si Richard diretso sa mga mata niya.

"Alam mo na siguro na bumagsak na ang White Clan."

Hindi agad nakasagot si Fae. Sa halip, dahan-dahang tumango—may halong pagtataka at kaba.

Bumuntong-hininga si Richard, saka nagpatuloy. "Alam ko na ang White Cosmetics ay hindi lang basta kumpanya. Trabaho ito ng mama mo. Ito dapat ang mana mo."

Biglang natigilan si Fae.

Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makagalaw. Tila nanigas ang katawan niya sa banggit ng White Cosmetics—isang pangalang hindi lang negosyo kundi alaala ng kanyang ina. Dugo't pawis, iyon ang laging sinasabi ng mama niya noon. Dugo't pawis ang itinaya para maitayo ang negosyong iyon.

Tahimik siyang nakatingin kay Richard, bakas sa mukha ang tensy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Ang galing nman n fafa Richard
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 201: Ang Chairman

    Tahimik na umandar ang elevator pataas, ngunit hindi maikakaila ang bigat ng presensya ng tatlo—si Richard sa unahan na parang isang CEO mula sa luxury magazine, si Fae na parang international model, at si Kevin na tila heartthrob na hindi kailangan magsalita para mapalingon ang lahat.Sa gilid, may isang babae na yakap-yakap ang ilang folder.Natigilan siya, halos mawalan ng lakas sa tuhod habang lihim na sinusulyapan ang tatlo.'Sino kaya sila…? Ang yaman-yaman ng dating… tapos yung aura nila… parang hindi para sa mga kagaya kong white collar worker lang.' Napalunok siya, hindi alam kung paano pipindot sa buton ng elevator nang hindi mapansin.Biglang tumingin si Kevin sa kanya, ngumiti nang magaan, at nagsalita,"Miss, anong palapag ka?"BADUM!Parang tumigil ang mundo ng babae. Slow motion.Ang liwanag mula sa ilaw ng elevator ay tumama sa mukha ni Kevin na tila eksenang diretso sa isang romantic Korean drama. Parang narinig pa niya ang "Saranghae" sa background na hindi niya alam

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 200: Takeover

    Nanlaki ang mata ni Marcela. Para bang biglang tumigil ang oras.Saglit siyang hindi nakaimik. Kumurap siya, saka pinikit ang mga mata. Napakapit siya sa gilid ng kanyang kumot, parang pinipigil ang emosyon."Anton..." mahina niyang tugon. "...hindi ko alam kung paano. At kung kailan. Ayokong guluhin ang mundo niya.""Pero hindi ba mas guguluhin siya kapag ibang tao pa ang nagsabi? Deserve niyang malaman, Marcela," mariing sagot ni Anton.Tahimik muli ang silid.Sa screen ng TV, umiiyak ang bidang babae ng K-drama, parang sinasabayan ang bigat ng usapan."Alam ko," bulong ni Marcela. "At oras na... sasabihin ko sa kanya."Tumango si Anton, dahan-dahang tinapik ang kamay ng dating kaibigan."Hindi mo kailangang mag-isa, Marcela. Nandito ako. Para sa inyo. Para kay Fae."Sa unang pagkakataon, tuluyang bumagsak ang luha ni Marcela.Napabuntong-hininga si Anton habang pinagmamasdan ang kaibigang si Marcela, na ngayon ay tahimik na lumuluha."Wag kang mag-alala," malambing niyang sabi. "Ay

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 199: Hindi si Henry

    Sa Loob ng Isang ClubSa isang high-end na club na mas kilala sa mga mayayaman at "feeling mayaman," masikip sa loob, makintab ang mga ilaw, may mga umuusok na cocktail at malalakas na tugtog ng EDM na akala mo'y rumaragasang tren. Sa isang private VIP room, may isang eksenang hindi pwedeng kalimutan.Nasa loob ang isang lalaking mamantika ang mukha, kulang sa skincare at mukhang hindi kilala ang salitang flossing. Sa bawat salita niya, parang may usok na lumalabas — hindi dahil sa vape, kundi dahil sa mabahong hininga. Mataba siya at pawisin, suot ang isang sando na pilit pinalalabas ang kanyang "muscle" na tila mas malapit sa pancit canton kaysa abs. May suot pa siyang gintong kadena na mukhang binili sa Divisoria at mga singsing na halos mas malaki pa sa daliri niya. Ang taong ito ay walang iba kundi si Lenard Avila.Kilala si Lenard bilang isang "second generation rich kid" — anak ng mayamang pamilya pero parang pinabayaan ng yaman sa kalagitnaan ng puberty. Sa kabila ng itsura ni

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 198: Pagbawi

    Tumingin si Fae sa papel, bahagyang nangangatog ang mga kamay. Parang nananaginip siya—ang White Cosmetics… ang pinaghirapan ng kanyang ina… ay nasa kanya na muli?Napatingin siya kay Richard, tila nagbabakasakaling makakuha ng kumpirmasyon na totoo ang lahat ng ito. Muli siyang tumingin sa papel—nakasulat doon ang kanyang pangalan bilang bagong majority shareholder. Hindi niya napigilan ang pagbuhos ng emosyon.Humagulgol siya.Tahimik ang lahat, ngunit malakas ang ingay ng kanyang damdamin. Para siyang bata na muling nabigyan ng pag-asa.Pinunasan ni Richard ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi."Pirmahan mo na," malumanay na sabi ni Richard. "Pupunta tayo ro'n para makilala ka nila bilang ang bagong chairman."Namumula pa ang mata, tumango si Fae. Kumuha siya ng ballpen mula sa handbag at, bagama't nanginginig pa ang kamay, lumagda siya sa dokumento.Pagkapirma niya, ngumiti si Richard."Congrats, misis ko," wika niya na may halong tuwa at pagmamalaki. "Nabawi mo na ang nararapat

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 197: Maging Dominante

    "Ano 'yon?" nauutal na tanong ni Fae, habang unti-unting sumisikip ang kanyang dibdib. Huminga nang malalim si Richard, waring nag-iipon ng lakas ng loob, saka malumanay na nagsalita. "White Family." Napasinghap si Fae. Napakunot-noo siya. "Anong… ibig mong sabihin?" Tumingin si Richard diretso sa mga mata niya. "Alam mo na siguro na bumagsak na ang White Clan." Hindi agad nakasagot si Fae. Sa halip, dahan-dahang tumango—may halong pagtataka at kaba. Bumuntong-hininga si Richard, saka nagpatuloy. "Alam ko na ang White Cosmetics ay hindi lang basta kumpanya. Trabaho ito ng mama mo. Ito dapat ang mana mo." Biglang natigilan si Fae. Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makagalaw. Tila nanigas ang katawan niya sa banggit ng White Cosmetics—isang pangalang hindi lang negosyo kundi alaala ng kanyang ina. Dugo't pawis, iyon ang laging sinasabi ng mama niya noon. Dugo't pawis ang itinaya para maitayo ang negosyong iyon. Tahimik siyang nakatingin kay Richard, bakas sa mukha ang tensy

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 196: May isa pa

    "Ahem."Biglang umubo si Bernard sa eksaktong sandali na maglalapat na ang kanilang mga labi.Napatalon si Fae, dumilat gamit ang malalaking mata at parang batang nahuling nanonood ng pelikula sa kalagitnaan ng klase."Ay!" gulat niyang nasambit, sabay layo kay Richard nang mapagtantong naroon pa pala sina Bernard at Kevin.Napayuko siya, pulang-pula ang pisngi, ramdam ang init ng kahihiyan sa buong katawan."T-Teka lang po," bulong niya, halos pabulong lang pero ramdam ang kahihiyan.Nakatunganga naman si Richard—naka-nguso pa, tila hindi pa nare-realize na bitin siya, kaya nanatiling nakatunganga habang unti-unting inaayos ang buhok, kwelyo, at mukha na parang nahuli sa akto ng pagnanakaw ng halik.Tumawa si Bernard, malakas, buo, at may kasamang halakhak ng matanda."Ehem, ayan! Sapat na siguro 'yon. Mukhang ayos na ang problema sa pagitan ninyo," sabi niya habang hawak pa rin ang kanyang tungkod, nakangiti."Tapos na ang lahat ng hindi pagkakaunawaan, sana ngayon… maging mas tapat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status