MasukLumawak ang ngiti ni Bernard nang marinig ang boses ng babae. Tumingin siya at pinaulit ang narinig, "Miss, anong sabi mo? Pakakasalan mo ang apo ko?"
Tumango si Fae habang nakangiti. "Opo, pakakasalan ko po siya." Sabay sulyap kay Richard. Nagtagpo ang kanilang mga mata—at sa ilang segundo, tila bumagal ang oras. 'Wow, he is so handsome… sayang lang at lumpo siya. Pero dahil may bayad, okay na 'to kahit maliit, basta magtuloy-tuloy lang ang pagbabayad ng bills sa ospital ni Mama,' bulong ni Fae sa kanyang isip habang nakatitig kay Richard. 'Ang babaeng ito?' tanong ni Richard sa sarili habang tinitingnan si Fae. 'Talaga nga bang handa siyang magpakasal kahit ganito ang kalagayan ko?' Tumawa si Bernard, pinutol ang tahimik na pag-uusap ng kanilang mga mata. "Magaling, magaling! Kung ganun, magiging grand daughter-in-law na kita!" Masiglang tawa niya. Napatingin si Richard sa kanyang lolo, kita sa mukha nito ang kasiyahan. 'Nagagawa kong makatitig sa babaeng ito? Mukhang iba siya sa ibang babae… siguro naman hindi siya mukhang—' naputol ang iniisip ni Richard nang biglang magsalita si Fae. "Magkano ba ang makukuha ko kung pakakasalan ko siya?" diretsong tanong niya kay Bernard. Napangisi si Richard. 'Mukhang pera.' Agad na nanlamig ang kanyang ekspresyon. Tumawa si Bernard at itinaas ang dalawang daliri. "Dalawang daang—" "Twenty thousand pesos!" singit ni Richard. Natigilan si Bernard at napatingin sa kanyang apo. Tumingin pabalik si Richard na tila nagsasabing, ‘Huwag kang lalampas.' ‘Naku, itong batang ito! Dalawang daang milyon ang usapan namin, bakit nabawasan ng ilang zero?' napailing si Bernard sa isip habang pasimpleng kinagat ang kuko. "Twenty thousand?!" gulat na sambit ni Fae. ‘Sapat na ito para mabayaran ang buwanang stay ni Mama sa ospital,' bulong niya sa sarili. Ngumisi si Richard. 'Tsk! Pare-pareho lang talaga sila. Pera lang ang habol.' "Mahirap lang kami," patuloy ni Richard. "Yung buwanang ibabayad sa 'yo, galing sa pensyon ng lolo ko. Wala akong bahay, walang kotse, at wala akong trabaho." Tila may hint ng pang-uuyam sa kanyang tono, sinusubok kung babawi si Fae. "Hindi pa naman huli ang lahat. Pwede ka pang—" "Huwag kang mag-alala," singit ni Fae, matatag ang boses. "Magtatrabaho ako para alagaan ka." Nagulat si Bernard. Maging si Richard ay napalingon, bahagyang natigilan. "Ano? Pakakasalan mo ako kahit na—" "Pakakasalan kita at aalagaan, kahit ano pang sitwasyon mo… basta makuha ko ‘yung buwan-buwang bonus," sambit ni Fae habang malapad na nakangiti. Tumawa si Bernard at tiningnan ang kanyang apo. 'Hay, apo. Sinabi ko sa 'yo eh, may ganitong babae pa rin sa mundo.' naisip niya habang nagpapakita ng isang matagumpay ng ngiti. Napatingin si Richard sa kanyang lolo habang malalim ang iniisip. ‘Mukhang masaya si Lolo… sige, papayag muna ako sa kasal na ‘to. Pansamantala. Matahimik lang ang matanda sa pag set-up ng blind dates para sa akin. Idivorce ko na lang siya sa hinaharap.' "Pero," dagdag ni Richard, "itong pensyon ng lolo ko… hindi magtatagal. Baka makalipas ang ilang taon, maputol na rin ‘yon." "Okay lang!" mabilis na sagot ni Fae. ‘Sapat na ang ilang buwan para makaipon ako at matustusan ang gastos ni Mama,' naisip niya. Napapikit si Richard, hindi inasahan ang sagot ni Fae. Tumawa si Bernard. "Ano pang ginagawa niyo? Halika na! Pumunta na tayo at magparehistro na kayo ng kasal!" "Ngayon na?" gulat na tanong ni Richard. Pero bago pa siya makapagsalita pa ulit, agad na sumingit si Fae at itinulak ang wheelchair niya. "Tayo na sa Civil Registry Office!" sambit ni Fae na parang excited pa. .... ... Sa sumunod na eksena, natagpuan ni Richard ang kanyang sarili na lumabas ng Civil Registry Office na tila wala pa rin sa sarili. Katabi niya si Bernard na hindi maitago ang saya. Tumawa ito habang sinisiko ang apo. "Sa wakas! Kasal na ang apo ko!" masayang sigaw ni Bernard. "Maiwan ko na muna kayo, a-attend pa ako ng yoga class!" Dagdag pa niya sabay talikod at naglakad paalis na tila ba bata sa tuwa. Naiwan sina Richard at Fae sa harap ng gusali. Tumingin si Fae kay Richard at ngumiti. "Uwi na tayo," sabi niya. "Uuwi?" tanong ni Richard, halatang naguguluhan. "Saan uuwi?" Ngumiti si Fae, sabay pumuwesto sa likod ng wheelchair. "Saan pa? Edi sa bahay natin." Napakurap si Richard, halatang hindi handa sa ideya. "Teka, teka… magsasama tayo sa iisang bubong?" Tumigil si Fae, tila may naalala. "Ay oo nga pala, wala ka nga palang bahay." Sandaling natahimik siya, bago muling ngumiti. "Don't worry, nangungupahan ako sa isang apartment. Doon tayo titira." Muli siyang tumulak sa wheelchair ni Richard. "Teka, teka!" muling tutol ni Richard. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Napakunot ang noo ni Fae. "Ano bang ibig mong sabihin?" Huminga nang malalim si Richard. "Ibig kong sabihin… babae ka, lalaki ako, tapos magsasama tayo sa iisang bubong?" "So what?" sagot ni Fae, diretso ang tingin. "Legally married naman na tayo." "Pero—" "Walang pero-pero!" sabay tulak muli ni Fae. "Halika na." Nanlaki ang mata ni Richard habang tinutulak siya ng walang pakundangang babae. ‘Hindi ako makapaniwala…' bulong niya sa sarili. .... Sa sumunod na eksena, dumating na sila sa inuupahang apartment ni Fae. Pagpasok pa lang, agad na inikot ni Richard ang kanyang mata. Magulo. Nagkalat ang mga pinagbihisang damit sa sofa, tambak ang hugasin sa lababo, at may mga basurang hindi pa nailalabas. May amoy na parang instant noodles at lumang takeout food. Isinara ni Fae ang pinto mula sa likod at napansin din ang kaguluhan. Napakagat siya sa labi. ‘Naku! Nakalimutan ko ngang maglinis. Ang aga ko kasing umalis kanina!' Nilingon niya si Richard—na gulat na gulat habang nakatitig sa buong paligid. Sinundan niya ang paningin ni Richard at doon niya nakita ang isang bagay na nagpabulaga sa kanya. Isang sexy na underwear, kulay pula, nakalatag sa lamesa. 'Vivian… Diyos ko ka!' bulong ni Fae habang napapikit sa hiya. Mabilis niyang inikot ang wheelchair at binuksan ang pinto bago inilabas si Richard. "Dito ka muna sa labas. Maglilinis lang ako nang mabilis!" Natigilan si Richard. "Ha? Wait lang, teka lang—" Blag! Isinara ni Fae ang pinto at naiwan siyang mag-isa sa hallway. Tahimik ang paligid. Tanging tunog lamang ng isang uwak ang narinig sa di kalayuan. "Ano ba 'tong pinasok ko…" bulong ni Richard habang napapailing.Cebu City, Villa Baker.Sa isang silid sa ikalawang palapag ng mansyon, galit na galit si Micaela. Nakaupo siya sa harap ng kanyang vanity mirror, mahigpit na nakahawak sa cellphone. Paulit-ulit niyang chine-check ang screen, ngunit wala pa ring sagot mula sa taong tinawagan niya isang buwan na ang nakalipas."Walang kwenta!" sigaw niya habang binabagsak ang cellphone sa kama.Mahigit isang buwan na siyang naiinis sa presensiya ni Fae sa bahay. Pakiramdam niya, bawat araw na dumaraan ay parang unti-unting inaagaw ni Fae ang lahat ng atensyon, pagmamahal, at respeto na dati ay kanya.Mas lalong sumidhi ang galit niya dahil ni minsan ay hindi pa rin nakakilos ang taong inupahan niyang pumatay kay Fae — dahil hindi ito makatyempo. Halos hindi umaalis si Fae sa villa. Kapag lumalabas man, laging kasama si Fernando — at kapag bumabalik, laging may dalang regalo o tawanan sa paligid.At para kay Micaela, iyon ang pinakamasakit.Si Fae, na dati'y walang alam sa pamilya, ngayon ay unti-unting
Gold Prime Enterprises, opisina ng presidente.Tahimik ang buong palapag, tanging mahinang ugong ng aircon at alingawngaw ng malayong kalsada sa ibaba ang maririnig. Sa gitna ng malawak at modernong opisina, nakatayo si Richard sa harap ng floor-to-ceiling window, tanaw ang magulong lungsod sa ibaba. Ang mga ilaw ng sasakyan ay nagsasayawan sa kalsada na tila mga alitaptap sa gabi. Saglit siyang tumingin sa kanyang relo, bago dahan-dahang bumalik sa kanyang upuan.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Kevin, bitbit ang makapal na folder at laptop. Diretso siyang lumapit sa mesa ng presidente, may ngiting halatang proud."Boss," bungad niya, "kumpleto na lahat ng report para sa tatlong major project natin this quarter. Yung housing development sa Tagaytay — fully sold na ang Phase 1, at naghahanda na ang team para sa Phase 2. Yung partnership natin sa Summit Holdings, naayos na rin, pumirma na si Chairman Vargas kahapon. At 'yung luxury eco-resort sa Palawan, sin
Napatingin si Fernando at agad na ngumiti."Oh, gising ka na pala, anak. Halika, mag-breakfast ka na," magaan niyang sabi.Hindi agad tumugon si Micaela, bagkus ay naglakad papunta sa tabi ni Fernando at naupo sa upuang katapat ni Fae. Tahimik lang siya sa una, ngunit kapansin-pansin ang malamig na tingin niya kay Fae—matulis, sinusuri mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat kung may karapatan ba talaga itong maupo sa mesa ng mga Baker."Wow," ani Micaela matapos ang ilang segundo, nakangiting pilit habang nakatingin sa pagkain. "Mukhang masarap 'tong breakfast. Hindi ko akalaing marunong ka palang magluto… nakakapagtaka lang, kasi hindi naman halata."Napatawa si Fernando, akala'y biro lang iyon. "Magaling talaga 'tong si Fae," aniya habang kumukuha pa ng pagkain. "Parang may natural talent sa pagluluto."Ngumiti si Fae, kalmado lang kahit ramdam niya ang tusok ng mga salita ni Micaela. "Ay, simple lang 'yan," magaan niyang sagot. "Pero kung gusto mo, turuan kita minsan. Para ne
Nagpatuloy sa pag-uusap ang mag-ama hanggang sa inabot sila ng gabi. Mainit ang usapan nila—punô ng tawanan, kuwento, at mga pagbabalik-tanaw na tila binubura ang dalawampung taong pagkawalay nila sa isa't isa. Sa gitna ng kanilang munting pagdiriwang ng muling pagkikita, bumalik si Micaela kinagabihan. Amoy-alak ito, halatang galing sa isang party—magulo ang buhok, bahagyang namumungay ang mga mata, ngunit nakataas pa rin ang ulo na parang wala siyang ginagawang mali.Nasa kusina sina Fernando at Fae noon. Hinahain ng mga maid ang mga pagkain; nakaupo si Fernando sa main chair, at sa kanan niya ay si Fae—sa mismong upuang matagal nang bakante at walang ibang pinauupo roon.Nang pumasok si Micaela, napatigil siya. Nakita niyang abala si Fae sa pagtulong sa maid habang ang kanyang ama ay nakangiting nakamasid sa anak. May ngiti sa labi ni Fernando nang mapansin ang pagdating ni Micaela."Oh, nakauwi ka na," sabi ni Fernando sa magaan na tono. "Halika, sabayan mo kami ng ate mo kumain."
Lumingon si Fernando sa pagitan ng dalawang babae, at bahagyang ngumiti."Faerie," mahinahon niyang sabi, "ipapakilala ko sa 'yo si Micaela Genes — ang adopted daughter ko. Mas bata siya sa 'yo ng isang taon. Inampon ko siya noong anim na taong gulang pa lang siya, mula sa isang ampunan dito sa Cebu."Bahagyang lumapit si Micaela, nag-abot ng kamay. "Hi," malamig niyang bati, kasabay ng ngiting pilit.Nagkamay sila ni Fae, ngunit sa sandaling magtagpo ang kanilang mga palad, tila may kuryenteng hindi maganda ang dumaloy sa hangin.Ramdam ni Fae ang kakaibang pakiramdam — parang may pader sa pagitan nila, isang tahimik na hostility na hindi niya alam kung saan nanggagaling.Pagkatapos ng maikling pagbati, umupo si Micaela sa tabi ni Fernando, maayos ang tindig, nakataas ang baba, at ang bawat galaw ay maingat at kontrolado — isang uri ng pino at sanay na asal ng anak-mayaman. Ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti, ang mga mata nito ay mapanuri at malamig, parang tumitingin lamang sa isa
Pagpasok nila sa loob ng villa, agad na napahinto si Fae — hindi dahil sa gulat, kundi sa pagkakamangha.Ang malawak na sala ay tila obra maestra ng karangyaan: ang kisame ay mataas at may gintong chandeliers, ang sahig ay gawa sa marmol na kumikislap sa bawat hakbang, at ang mga pader ay napapalamutian ng mga mamahaling painting na halatang mga orihinal. Ang bawat sulok ng villa ay amoy luho at kapangyarihan — mula sa mga antique furniture hanggang sa mga kurtinang gawa sa imported silk.Ngunit kahit ganoon, hindi masyadong nagulat si Fae.Sanay na siya sa ginhawa ng buhay, lalo na't sa villa nila ni Richard sa Makati, bagaman mas moderno at elegante iyon. Alam niya ring pamana pa ang villa ng kanyang ama — matibay, klasikong istruktura, at puno ng kasaysayan ng pamilyang Baker. Kaya imbes na magulat, ngumiti lang siya at napaisip, "Ibang-iba nga lang ang istilo ng mga Baker sa mga Gold."Makalipas ang ilang sandali, naupo silang mag-ama sa magarang sofa na kulay cream, habang ang is


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




