Compartir

Chapter 292: Nakakalito

Autor: Author W
last update Última actualización: 2025-10-02 10:28:58

St. Claire Medical Hospital – Entrance

Nagkakagulo sa pasukan ng ospital. Ang mga tao sa lobby ay napapahinto, nagbubulungan, at tila hindi makapaniwala sa nasasaksihan. Maging ang security guard na naka-duty ay nanlaki ang mata at halos mabitawan ang hawak na radio.

Sa harap niya ay dalawang babae—parehong mukha, parehong boses, parehong kilos at maging pananamit. Ang kanilang buhok ay parehong nakatirintas sa gilid, parehong kulay ng lipstick, parehong relo sa kaliwang kamay, at maging ang maliliit na detalye ng hikaw at kwintas ay magkapareho. Para silang dalawang salamin na buhay at humiwalay mula sa isa't isa.

"Ako si Faerie White!" mariing sabi ng isa, nakakunot ang noo at kita ang determinasyon sa mga mata.

"Hindi, ako si Faerie White!" sagot naman ng isa, halos sabay pa ang tono at bigat ng boses.

Nagpatuloy ang sagutan, parehong mariin, parehong desperado.

"Ang ina ko si Marcela White, nasa loob siya ng ospital! Kailangan kong makapasok!"

"Hindi ka si Faerie! Ako ang anak ni
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 305: Tagahugas ng patatas

    Paglabas ni Tina mula sa likod ng kusina, may nakapansin agad sa kanya—ang dalawang staff na kanina'y abala sa paglilinis ngunit halatang may ibang motibo.Sila si Gina at Lynette, parehong kilala sa kusina bilang mga "PR Queens" ng restaurant—hindi dahil sa husay, kundi sa bilis nilang sumipsip sa mga taong may posisyon o koneksyon.Agad silang sumugod kay Tina, dala ang mga ngiting parang matatamis na icing sa panis na cake."Ma'am Christina!" tawag ni Gina, sabay kindat kay Lynette."Grabe, ang aesthetic po ng ginawa niyo kanina!" sabad naman ni Lynette, halos kumikindat ang dalawang mata habang parang sabik na sabik na papurihan si Tina.Napataas ng kilay si Tina, halatang natuwa sa atensyon. "Talaga?""Opo! As in classy po kayo maghiwa! Hindi tulad ng—""—ng isa diyan," dugtong ni Gina, sabay sulyap sa direksyon kung saan pumasok si Fae. "Parang... pang karinderya lang po, hindi pang fine dining.""Yeah," sabad ni Lynette na parang echo. "Yung galaw niyo po kanina, ma'am, may ele

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 304: Ordinary Cook

    "Alright, last round," sabi ni Chef Mina habang pumalakpak ng dalawang beses. Tumigil ang lahat ng kilos sa kusina, at pati ang dalawang staff na kanina'y pasimpleng natatawa ay napaayos ng postura. "This one will decide your final score — the Blind Taste and Improvisation Test."Napataas ang kilay ni Christina, pilit na pinapanatili ang kumpiyansa kahit halatang pagod na. "Blind taste? So parang guessing game?""Hindi lang guessing game," sabi ni Ivy na may mahinang ngiti. "We'll give you a secret ingredient, and you'll have to make a signature stir-fry dish around it. You can use anything from the pantry, but it must complement that ingredient."Mina motioned to her assistant — Sous Chef Ivy — na magdala ng dalawang maliit na tray. Pareho itong may takip."Ready?" tanong ni Mina. "You may lift the cover."Sabay nilang tinaas.Kay Tina — okra.Kay Fae — kamias."Ano 'to?!" reklamo agad ni Tina. "Okra? Malagkit 'to, ayoko niyan!"Habang si Fae naman ay nakatitig lang sa kamias, tahimi

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 303: Technique

    Pagkatapos ng kalat sa unang round, nagpaabot ng maliit na pahinga ang kusina. Naroon pa rin si Chef Mina at Sous Chef Ivy, parehong tahimik ngunit halatang may sinusukat na bago—lalo na't nakikita nila kung gaano ka-kalmado si Fae, samantalang si Christina ay abala pa rin sa pagpunas ng pawis at pag-aayos ng buhok na nasabugan ng harina kanina."Alright, round two," sabi ni Ivy, sabay tinapik ang mesa para makuha ang atensyon ng dalawa. "For this round, we'll test your seasoning balance and basic stir-fry technique.""Sounds easy," sabat ni Tina, kunwari ay may kumpiyansa, pero nanginginig ang kamay habang pinipihit ang gas stove."Don't worry," sabi ni Mina na may malamig na ngiti. "It's only fire."Sabay whoosh! — biglang umilaw ang apoy sa burner."Ahhh!" sigaw ni Tina, umatras ng dalawang hakbang na parang may nakitang multo."Tina," sabi ni Ivy na halos hindi na makapigil sa tawa, "it's just the stove, not a dragon.""Ehh… I'm just… respecting the fire," sagot ni Tina sabay tawa

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 302: Knife Skills

    Ang kusina ng Dragon's Ember ay punô ng ritmong tunog—kutsilyong humahampas sa chopping board, kalansing ng mga kawali sa malayo, at huni ng simmering broth na nagpapakawala ng bango ng bawang at luya. Ngunit sa isang sulok ng kitchen, isang eksena ang tila nagmula sa cooking comedy show. Natapos ang limang minuto at tumigil ang dalawa. Kitang-kita agad ang pinagkaiba nila. Napailing si Mina at napabuntong-hininga, habang si Ivy naman ay sumimangot at nagbigay ng huling pahayag, "Tapos na ang warm-up." At mabilis silang pinahanda para sa tunay na test. Natigilan si Christina nang maisip na warm-up pa lang pala 'yon, at halos magsayang siya ng sibuyas at ilang gulay."Okay, start slicing your onions—dice cut," malamig na sabi ni Sous Chef Ivy nang handa na sila habang nakatayo sa gitna ng dalawang table.Sabay na kumilos sina Fae at Christina.Si Fae, kalmado, nakayuko sa board. Hawak niya nang tama ang kutsilyo—ang dulo'y nakadikit sa cutting board habang ang talim ay dumadulas sa ba

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 301: Dish Test

    Napahinga nang malalim si Fae habang naglalakad papasok, ngunit sa loob-loob niya ay may pinipigilang inis. 'Ayan na naman 'tong si Richard…' lihim niyang isinumpa ang asawa sa inis. 'Talagang sinabi pa ang pagkakakilanlan ko, ha? Mabuti na lang talaga at nandito si Christina na kasing kapal ng ginto ang mukha—salamat at siya ang napagkamalang asawa ni Chairman Gold.'Ngumiti si Fae nang kaunti, 'at least,' naisip niya, 'makakapagtrabaho ako nang tahimik. Walang mga sipsip, walang mga tumatawag ng "madam."'Pumasok silang tatlo — sina Manager Rose, Christina, at Fae — sa loob ng Dragon's Ember. Pagbukas ng pintuan sa kusina, bumungad ang amoy ng sariwang sangkap, tunog ng simmering broth, at mga kalderong kumukulo. Malinis, moderno, at kumikislap ang stainless steel counters. May anim na cooking stations, bawat isa'y may sariling chopping board, knife rack, at induction stove."Attention, everyone!" sigaw ni Rose habang tinatapik ang clipboard. Tumigil ang mga staff, isa-isang tumingi

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 300: Asawa ng Chairman

    Dragon's Ember RestaurantMula sa labas, eleganteng-modernong disenyo agad ang bubungad. May gintong signage na Dragon's Ember sa ibabaw ng pintuan, na may mahinang pulang liwanag na parang nag-aalab. Sa gilid, may mini waterfall wall feature at mga bonsai plants na nagbibigay ng relaxing Asian touch.Pagpasok, mararamdaman agad ang mainit ngunit classy na ambiance — dark wood panels, gold trimmings, at hanging lanterns na nagbibigay liwanag sa bawat mesa. Sa dulo, may open kitchen kung saan makikita ang mga chef na abala sa pagluluto. May amoy ng sariwang luya, bawang, at chili oil na kumakalat sa hangin.Sa labas, huminto ang isang e-bike sa tabi ng parking area. Bumaba ang isang babaeng nakatali ang buhok, naka-simple ngunit maayos na damit. Si Fae iyon — tahimik, may dalang backpack, at may mahinahong ngiti. Sa kabila ng kasimplehan niya, bakas pa rin ang grace at majesty aura sa kanyang tindig.Huminga siya nang malalim at tumingala sa signage ng restaurant. "Dragon's Ember," bul

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status