/ Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 138: Can't be true

공유

Chapter 138: Can't be true

작가: Author W
last update 최신 업데이트: 2025-07-08 10:41:29

Ang taong ito ay walang iba kundi si Jane.

Kalalabas lang niya ng elevator, may hawak na folder at seryosong naglalakad patungo sa reception area. Ngunit nang mapansin ang lalaking may bitbit na kape, natigilan siya. Tinitigan niya ito ng ilang segundo.

Then her eyes widened. "T-Troy?" bulong niya sa sarili. Ang ultimate campus crush niya, ang lalaking hindi niya malimutan hanggang ngayon.

Pero agad ding nawala ang kislap sa kanyang mga mata nang makita kung kanino nakangiti si Troy.

Napakunot ang noo ni Jane. Nagngitngit ang kanyang damdamin habang pinagmamasdan kung paanong parang slow-motion na iniabot ni Troy ang kape kay Fae. At lalong sumabog ang selos sa dibdib niya nang ngumiti si Fae pabalik.

"Ano bang meron sa babaeng 'yan at lahat na lang ng lalaki parang lumuluhod sa harapan niya?" bulong niya habang pinipisil ang folder sa kamay.

Kababalik lang ni Jane mula sa isang business trip. Ilang araw din siyang wala, kaya hindi niya alam na may bagong empleyado sa Everest Corp—at
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 140: Reunion

    Tumunog ang elevator sa likod nila at tuluyang umakyat. Hindi nila alam, kanina pa naroroon si Richard, tahimik na nakikinig sa kanila.Sa baba, muling ngumiti si Jane at tumikhim bago humarap kay Troy."So, Troy..." aniya habang nakapamaywang."Siguro nagtataka ka pa rin kung bakit ko 'to ginagawa."Napakunot ang noo ni Troy, bahagyang dumistansya. "Actually, oo. Bakit nga ba? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?"Tahimik sandali si Jane, bago ngumiti—hindi ngiting malisyoso, kundi ngiting mapagkunwari."Gusto ko lang makabawi.""Makabawi? Kanino?""Sa'yo," sagot niya, sabay tingin sa mata ni Troy. "Isa ako sa dahilan kung bakit hindi naging kayo ni Fae noon."Napatigil si Troy."Ano'ng ibig mong sabihin?""Naalala mo ba noong college?" tanong ni Jane. "Lagi kang nag-aabot ng lunch kay Fae, nilalapitan mo siya kahit sa ulan, sinusundo mo pa nga siya minsan pauwi..."Tumango si Troy. "Oo… pero hindi niya ako sinagot.""Dahil natakot siya," sabat ni Jane.Napakunot ang noo ni Troy."

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 139: Play with fire

    Napalunok siya. Umiling, pilit inaalis ang ideya sa kanyang isip. Ngunit lumapit pa siya sa desk at dahan-dahang binuksan ang isang folder sa tray ng confidential records. Isa-isa niyang sinilip ang ilang dokumento—at bawat isa, may parehong pirma.Richard Gold.Position: President.Nanlamig ang kanyang likod. Ang mga tuhod niya ay tila gustong bumigay."Si Richard... ang presidente?" bulong niya sa sarili. "Hindi siya driver... siya ang totoong presidente?"Pilit niyang pinroseso ang lahat ng ito, at saka dahan-dahang tumingala. Mabilis na kumislap ang isang ideya sa kanyang isipan."At mukhang... hindi ito alam ni Fae."Unti-unting gumuhit ang isang mapanlinlang na ngiti sa kanyang mga labi. Isang ngiting hindi makatarungan. Hindi inosente."Kung ganun…" ani niya, mas lalong lumalalim ang ngiti, "...hindi ako papayag na ikaw ang makinabang sa katotohanang 'yan, Faerie White. Aagawin ko ang asawa mo. At sisiguraduhin kong ako, si Jane Vasquez, ang magiging tunay na Madam Gold.""Ang

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 138: Can't be true

    Ang taong ito ay walang iba kundi si Jane.Kalalabas lang niya ng elevator, may hawak na folder at seryosong naglalakad patungo sa reception area. Ngunit nang mapansin ang lalaking may bitbit na kape, natigilan siya. Tinitigan niya ito ng ilang segundo.Then her eyes widened. "T-Troy?" bulong niya sa sarili. Ang ultimate campus crush niya, ang lalaking hindi niya malimutan hanggang ngayon.Pero agad ding nawala ang kislap sa kanyang mga mata nang makita kung kanino nakangiti si Troy.Napakunot ang noo ni Jane. Nagngitngit ang kanyang damdamin habang pinagmamasdan kung paanong parang slow-motion na iniabot ni Troy ang kape kay Fae. At lalong sumabog ang selos sa dibdib niya nang ngumiti si Fae pabalik."Ano bang meron sa babaeng 'yan at lahat na lang ng lalaki parang lumuluhod sa harapan niya?" bulong niya habang pinipisil ang folder sa kamay.Kababalik lang ni Jane mula sa isang business trip. Ilang araw din siyang wala, kaya hindi niya alam na may bagong empleyado sa Everest Corp—at

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 137: Awkward Moments

    Kinabukasan, maagang dumating sina Richard at Fae sa Everest Corporation. Gaya ng nakasanayan, sabay silang naglakad papasok, magkatabing parang hindi lang mag-asawa kundi tunay na power couple. Hindi nagtagal at umakyat sila ng elevator.Habang papasara na ang pinto ng elevator, isang kamay ang biglang humarang.Pak!Tumigil ang pinto at bumukas muli. At doon, pumasok si Troy—suot ang kanyang paboritong polo na masikip sa dibdib, akala mo ay pupunta sa photoshoot. Nakangiti siya at handang sabihing, "Coincidence!"—pero ang ngiti niya ay biglang nanlupaypay nang makita kung sino ang kasama ni Fae sa loob."Sh*t," bulong niya sa sarili.Nasa tabi pala ni Fae si Richard. Malamang, hindi niya napansin kanina na sabay pumasok ang dalawa. Para siyang binuhusan ng malamig na sabaw ng ampalaya.Napansin ito ni Richard at agad na may banat."Bakit parang nakakain ka ng apdo ng baboy sa pangit ng mukha mo?" biro ni Richard habang nakangisi, 'yung ngiting alam mong may laman.Napakamot ng ulo s

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 136: Persistent

    Ang nagpapangit ng ngiti ni Fae ay walang iba kundi si Troy.Tumigil ang ilang empleyadong babae sa pag-uusap at napatingin kay Troy. May ilang kinikilig, ang iba'y nagbulungan."Ay ang pogi.""Ang cute pa niyang ngumiti, grabe.""Kuya, single po ako."Ngumiti lang si Troy at tumango sa kanila habang naglalakad patungo kay Fae. Bitbit niya ang isang cute na lunch bag na may cartoon dog print. Alam na alam ni Troy na paborito ito ni Fae since college pa sila."Hi Fae!" masiglang bati ni Troy. "Naalala mo 'to?" sabay bukas ng bag at inilabas ang isang bento-style lunch box. "Yung adobo na may quail egg—yung favorite mo 'di ba? Tsaka yung mango sago, ginawa ko 'to kagabi."Inilapag niya ito sa mesa ni Fae na para bang sigurado siyang matutuwa siya."Naalala mo ba 'to? College days natin, tuwing may exam…"Ngunit pinutol siya ng malamig at walang emosyon na tinig ni Fae."Mr. Del Monte," sabi niya nang diretsahan at medyo malakas, sapat para mapatingin ang ibang empleyado, "anong ginagawa

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 135: Galawan ni Troy

    "Troy? Ikaw pala. First day mo nga pala," sabi ni Fae, pilit na ngumiti. "Good luck sa trabaho.""Salamat," sagot ni Troy. "Hindi ko akalaing sabay tayong darating."Ang hindi alam ni Fae, kanina pa naghihintay si Troy sa gilid ng lobby. Nagtago pa ito para lang mag-abang sa kanya.Habang nakatitig si Fae sa floor panel, akma na siyang pipindot nang kunwaring sabay si Troy at hinawakan ang kamay ni Fae.Napaatras si Fae.Agad niyang binawi ang kamay, hindi nagustuhan ang pagkakapersonal ni Troy."Sorry, sorry…" kunwaring tawa ni Troy. "Anong floor mo?""13th."Tumango si Troy at pinindot ang 12 at 13."Ako sa 12. Malapit lang."Habang paakyat ang elevator, nagdadaldal si Troy. Kwento tungkol sa training, sa HR orientation, at kung paano siya halos hindi makatulog sa excitement.Pero si Fae, walang interes.Tumatango lang. Hindi na nagbigay ng komento.Dumating sa 12th floor."See you around," sabi ni Troy sabay kaway.Ngumiti lang si Fae. At nang magsara ang pinto—"Hay salamat." Napa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status