LOGINSa labas ng napakalawak na Baker Hacienda, nakatayo si Fae sa tabi ng gate, habang ang malambot na hangin mula sa dagat ay bahagyang pinapagulong ang kanyang buhok. Sa di kalayuan, tanaw niya ang mga green hills na nakapalibot sa estate, ang mga guard na nakatayo sa bawat dulo ng gate, at ang mala-palasyong villa na tila isang kaharian sa gitna ng modernong Cebu.Suot ni Fae ang isang white silk blouse na may ribbon sa leeg, high-waisted beige slacks, at cream-colored heels — simple ngunit elegante. Sa kanyang braso ay nakasabit ang isang brown leather handbag, at sa kanyang leeg ay nakalaylay ang rose jade pendant — ang tanging koneksyon na mayroon siya sa kanyang tunay na ama.Sa likod niya ay nakaparada ang silver sedan na binili niya nakaraan, kumikintab sa ilalim ng araw na parang kasama ring kinakabahan. Hindi alam ni Fae kung ilang beses na siyang napalakad-pabalik sa tapat ng gate — parang sundalong naghihintay ng utos pero ang kalaban ay sarili niyang kaba.Paminsan-minsan, n
Cebu City.Sa oras ng dapithapon, unti-unting nababalot ng gintong liwanag ng araw ang Business Central District, ang pinakamayamang lugar sa buong lungsod. Sa bawat kanto ay naririnig ang tunog ng mga sasakyang nag-uunahan sa malalapad na kalsada—mga mamahaling kotse, sports cars, at SUV na tila naglalaban sa kinang ng kanilang pintura.Ang mga gusali ay matatayog, ang ilan ay salamin ang buong harapan, nagrereflect sa kumikislap na dagat na tanaw mula sa baybayin. Sa ibaba, mga mamahaling café at fine-dining restaurants ang okupado ng mga taong naka-business attire—mga negosyante, tagapagmana, at pulitikong kilala sa Cebu. Ang bawat sidewalk ay maaliwalas, puno ng ornamental plants at ilaw na nakapulupot sa mga puno, tila naglalatag ng karangyaan sa bawat hakbang.Sa malayo, tanaw ang mga kilalang condominium towers at luxury offices ng mga sikat na kumpanya—isa na roon ang Baker's Group Tower, isang gusaling gawa sa salamin at bakal na may sariling helipad at emblem ng "B" sa itaas
Natigilan si Fae matapos marinig ang sinabi ng kanyang ina. Ngunit sa kabila ng bigat ng rebelasyong iyon, wala siyang naramdaman — walang lungkot, walang saya, walang galit o kahit anong emosyon. Para bang isang mahinang hangin lang ang dumampi sa kanya, at ang tanging naiwan ay katahimikan. Nabigla lang siya — hindi dahil sa sakit ng katotohanan, kundi dahil sa hindi inaasahang pagbabagong dala nito sa lahat ng alam niya tungkol sa sarili.Ngumiti si Marcela, marahang hinaplos ang kamay ni Fae bago may kinuha sa ilalim ng unan — isang jade pendant na hugis rosas, makintab at halatang luma na ngunit may kakaibang ningning. Ipinatong niya iyon sa palad ni Fae at mahina niyang sinabi,"Ito ang pendant na iniwan sa akin ng iyong ama, anak. Pag-aari niya ito, at sabi niya, kapag dumating ang araw na kailangan mo nang malaman ang katotohanan, ito ang magsisilbing simbolo ng koneksyon ninyong dalawa."Napatingin si Fae sa pendant, bakas sa mga mata ang pagtatanong. Huminga nang malalim si
Nanatiling tahimik si Fae, ngunit ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa galit habang nakatingin sa mag-inang halos hindi makapaniwala sa katotohanang narinig nila. Mabigat ang bawat hakbang niya papalapit kay Glenda at Geraldine—hanggang sa marinig na lamang ang mahinang tunog ng kanyang mga sapatos na humahaplos sa marmol na sahig."Driver, ha?" malamig niyang sabi, nanginginig sa pagpipigil ng emosyon. "Wala kayong ibang ginawa kundi hamakin siya, pagtawanan, insultuhin—pero ngayong alam n'yo na kung sino talaga siya, ngayon kayo manliliit?"Walang makasagot. Si Glenda ay nakatungo, nanginginig pa rin habang nakahawak sa pisngi niyang mamula-mula sa dalawang sampal. Si Geraldine naman ay halos mamilog ang mga mata, nagpipilit tumingin kay Fae ngunit agad ding iniiwas ang paningin.Huminga nang malalim si Fae at lumingon sa kama kung saan nakaupo si Marcela. Agad siyang lumapit at marahang hinawakan ang kamay ng ina. "Ma, okay ka lang?" mahina niyang tanong, ngunit bakas sa boses ang
Sa loob ng kotse, tahimik si Fae habang nahulog ang telepono, namumutla at nanginginig ang kamay. Napansin agad ni Richard ang pagbabago sa mukha nito—ang dating kalmadong ekspresyon ay napalitan ng kaba at takot."Fae…" mahinahong sabi ni Richard habang marahang hinawakan ang kamay niya. "Anong nangyari? Sino ang tumawag?""R-Richard... may nangyari kay Mama," nauutal niyang sabi, halatang takot na takot.Sandaling nag-isip si Richard. Kita sa mga mata niyang may kutob siyang mali. "May mali sa tawag na 'yon," mahinahon ngunit matatag niyang sabi.Napakunot-noo si Fae, huminga nang malalim, at unti-unting nagbalik sa katinuan. "Oo nga," mahinang sabi niya. "Kahapon lang, tinawagan ko si Mama… maayos siya, masigla pa nga. Mas malakas pa siya ngayon kaysa dati. Bakit bigla na lang—""—kaya pupuntahan natin siya," putol ni Richard, malalim ang boses ngunit puno ng determinasyon. "Mas mabuti nang tayo na mismo ang tumingin."Tumango si Fae, pinunasan ang mga luha, at mabilis na inabot an
St. Claire Medical Hospital.Tahimik ang pasilyo sa isang palapag, tanging tunog lamang ng air-conditioning at mahihinang hakbang ng mga nurse ang maririnig. Sa dulo ng corridor, isang malaking pintuan na may nakasulat na Private Ward — Marcela White ang bahagyang nakaawang. Sa loob, malamig ang hangin, ngunit mas malamig ang titig ng babaeng nakahiga sa kama — si Marcela White — habang nakatuon ang tingin sa tatlong taong nasa harap niya.Ang mga taong iyon ay walang iba kundi sina Glenda, Geraldine, at Lenard Avila.Ngayon lang sila nakalapit kay Marcela matapos ang napakahabang panahon, at kung hindi dahil sa pagdaragdag ng mga nurse, marahil ay hindi sila kailanman makakapasok dito.Matapos ang mga kaguluhang kinasangkutan nina Victor at Richmond, ipinasiya ni Richard na luwagan muna ang pagbabantay sa ward ng ina ni Fae. Inakala niyang ligtas na, at wala nang banta. Kaya naman, nang maalis ang dalawang dating guwardiyang naka-assign bilang personal security — naging mas madali pa







