Share

Chapter 5: Everest Corp.

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-04-12 16:30:47

Sa loob ng Villa ng mga White, nakaupo sa malambot na sofa ang mag-inang Glenda at Geraldine. Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng antigong orasan sa dingding.

"Anong gagawin natin kung hindi na bumalik si Fae?" tanong ni Geraldine habang iniikot ang hawak na tasa ng tsaa. "Paano natin siya mapipilit na pakasalan si Mr. Lenard kung tuluyan na siyang hindi magpapakita?"

Nag-cross arms si Glenda, hindi natitinag ang ekspresyon. "Hindi ako naniniwalang hindi siya babalik. Kilala ko si Fae. Babalik at magmamakaawa 'yon para ipagpatuloy natin ang pagbabayad sa bills ng nanay niya."

Ngumisi si Geraldine, may bahid ng kasiguraduhan. "Oo nga, Ma. Sa ugali ni ate, siguradong hindi niya kayang pabayaan ang mama niya. Kahit ano pang pride niya, babalikan pa rin niya tayo."

Sabay silang ngumiti nang masama. Tila ba sigurado na sila sa magiging hakbang ni Fae. Ngunit hindi nila inaasahan ang biglang pagbukas ng pinto.

Lumabas si Fae mula sa anino ng pintuan, may hawak na maliit na bag at nakataas ang baba.

"Well, bumalik na ang magaling kong anak," sabay tayo ni Glenda, parang nanalo sa isang pustahan. "Sinasabi ko na, babalik ka rin para makiusap na huwag itigil ang bayad sa ospital. Pero huli na—kung gusto mong ituloy ang bayad, sundin mo ang kaayusan ko. Magpakasal ka kay Mr. Avila."

Tumayo rin si Geraldine, kunwaring concern. "Ate, para naman ito sa ikabubuti mo. At para na rin sa mama mo."

Ngumisi si Fae at lumapit. "Mahal kong kapatid," panimula niya habang nakatitig kay Geraldine, "kung makakabuti naman pala... bakit hindi ikaw ang magpakasal?" sabay sulyap kay Glenda. "At ikaw, sinong nagsabing bumalik ako rito para makiusap? Narito ako para sabihin na hindi niyo na ako makokontrol."

Hinugot niya mula sa handbag ang isang maliit na sobre at inilabas ang isang dokumento. "Ito ang marriage license ko. Kasal na ako."

Napanganga ang mag-ina.

"Kasal?!" sabay nilang sabing gulat.

Lumapit si Glenda at kinuha ang dokumento. Pagkabasa, nanlaki ang mata niya. "Imposible!"

Ngumiti si Fae at binawi ang papel. "Nakita mo ang selyo at date, masasabi mong hindi ito peke."

"Ikaw! Nagpakasal ka talaga?! Hiwalayan mo ang lalaking 'yan at ituloy ang kasal kay Lenard!" galit na sigaw ni Glenda.

Ngumiti si Fae, malamig at matatag. "Hindi ako narito para sundin ang gusto mo. Simula ngayon, ako ang magpapasya sa buhay ko. Hindi ikaw, hindi si Geraldine, hindi kung sino man sa inyo!"

Lumikha ng katahimikan ang kanyang boses. Parang bumaba ang temperatura ng buong villa.

"Pero paano si Lenard?!" tanong ni Glenda, nanginginig sa galit.

Tumalikod si Fae, naghahandang umalis bago nilingon ang dalawa. "Kung ganyan mo siya kamahal... bakit hindi mo siya ipakasal sa paborito mong anak?"

Pagkasabi nito, tuluyang lumabas si Fae, iniwan ang dalawa na tulala.

"Hindi ito puwede..." bulong ni Glenda, "Hindi pwedeng masira ng babaeng iyon ang mga pag-aayos ko!"

....

...

Kinagabihan, pagbalik ni Fae sa apartment, nadatnan niyang nakaupo si Richard sa sofa, nagbabasa ng libro. Tumingala si Richard, tinignan ang masayang ekspresyon ni Fae na para bang may nakidnap na kontrabida at matagumpay na nakatakas.

"Anong kababalaghan ang ginawa mo sa labas?" tanong ni Richard, isang kilay ang nakataas.

Ngumiti si Fae, naupo sa tabi niya. "Umuwi lang ako sa bahay para sabihan 'yung dragon kong stepmom na kasal na ako."

Nagulat si Richard. "Dragon?"

Tumawa si Fae, sabay naging animated habang ikinukwento ang buong eksena. Pinalaki niya ang mga kilos at boses habang ginagaya ang reaksyon ni Glenda at Geraldine.

"Talaga, nagawa mo 'yon?" tanong ni Richard, pilit itinatago ang ngiti.

"Oo naman!" sabay hampas sa hita ni Richard. "Tapos 'yung mukha ng step-mom ko—akala mo parang nilagyan ng chili oil!"

Napailing si Richard, pero hindi na napigilang tumawa. "Okay, okay, kumalma ka na. Para kang nanalo sa Lotto."

"Pasensya na," ani Fae habang tumatawa, "Hindi ko lang mapigilan. Isa 'to sa mga rare moments sa buhay ko na gusto kong ulit-ulitin."

Sa sandaling ito, tumunog ang phone ni Fae. Nag-excuse siya at sinagot ang tawag. Napansin ni Richard na masaya si Fae habang kausap ang nasa kabilang linya. Matapos ang tawag, bumalik si Fae sa upuan, halatang masaya pa rin.

Curious si Richard kaya tinanong niya, "Anong meron?"

Malapad ang ngiti ni Fae. "Tumawag ang Everest Corp—subsidiary ng Gold Prime Enterprises! May interview daw ako bukas!"

Napaisip si Richard. 'Everest Corp', naisip niya sabay ngiti. "Good luck bukas," sambit niya.

Tumango-tango si Fae. "Salamat! Mauuna na akong matulog, ha?" Tumayo siya. "Kung gusto mong kumain, magluto ka na lang." Bago pa makasagot si Richard, mabilis na pumasok si Fae sa kwarto at nag-lock ng pinto.

Napataas ang kilay ni Richard. "Saan ako matutulog?" pahabol niyang tanong sabay tayo mula sa sofa.

Bumukas muli ang pinto at sumilip si Fae. "Malambot sa sofa, komportableng matulog," sabay hagis ng unan at kumot kay Richard. "Good night!" sabay lock ulit ng pinto.

Napailing si Richard habang hawak ang unan at kumot. Napangiti siya. "Ano pa nga bang i-eexpect ko sa lugar na 'to?" bulong niya habang umiikot ang tingin sa maliit na apartment.

Dinukot niya ang cellphone at tinawagan si Kevin.

Matapos komonekta ang tawag, agad siyang nagsalita, "Sabihan ang manager ng Everest Corp. May aplikanteng nagngangalang Faerie White. Siguraduhing ipasa siya at bigyan ng magandang posisyon sa kumpanya—pero tratuhin siya bilang isang ordinaryong empleyado."

Bago pa makasagot si Kevin, ibinaba na ni Richard ang tawag. Ngumiti siya, humiga sa sofa, at unti-unting pumikit para matulog.

....

Kinabukasan, sa Everest Corp...

Habang nakapila si Fae para sa interview, pasimpleng nag-aayos ng buhok at dokumento, bigla siyang napalingon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang pamilyar na mukha.

"Bakit siya nandito?!" tanong niya nang may pagtataka.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 168: Impotent

    Sinagot ni Fae ang tawag at itinapat ang cellphone sa kanyang tenga. Ngumiti siya."Vivian, bakit ka kaagad napatawag? Nakauwi ka na ba?""Yup! Kararating ko lang," sagot ni Vivian, medyo maingay ang paligid.Napakunot-noo si Fae. Narinig niya ang tuluy-tuloy na agos ng tubig."Bakit may bukas na gripo? Nasaan ka?" tanong ni Fae."Nasa banyo ako, girl. Nagpapaganda. Kasi feeling ko, baka bukas may mag-rescue ulit sa'kin, baka this time… si Superman naman," sagot ni Vivian, sabay tawa.Napatawa si Fae. "Nako, kung 'yan na naman ang iniisip mo. O sige nga, anong gamit mo? I-share mo na ang sekreto ng kagandahan.""Ay naku! Alam mo ba 'tong bagong serum ng Lucenté Glow? Promise, girl, ang ganda sa balat! Parang glowy pero hindi oily. Parang glass skin, pero walang effort.""Ah 'yun ba 'yung kulay pink na bote na parang pabango?" tanong ni Fae."Oo! 'Yun mismo! Ang bango pa niya. Tapos nilagay ko 'yung DermaWhite Toner bago noon, para mas masipsip ng skin ang serum. Hay nako, feeling ko a

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 167: Approved

    Napahinto si Greasy, na para bang pinindot ang pause button sa isang robot na walang langis. Dahan-dahan siyang lumingon, bakas sa mukha ang kaba, parang batang nahuling nagnanakaw ng turon sa tindahan."Lumapit ka." Kinawit siya ni Richard gamit ang dalawang daliri.Parang asong nalamigan, napayuko si Greasy at lumapit, kaluskos ang tunog ng tsinelas niyang may butas. "Bakit, boss?""Boss?" ulit ni Richard, sabay kunot-noo. "Wala akong pinapasahod, at lalo nang wala akong taong mukhang amoy mantikang inihaw na isda. Wag mo akong tawaging boss."Napakamot si Greasy sa mamantikang ulo, parang may iniipit pang mantika sa anit."Bayaran mo lahat ng nasira rito," utos ni Richard, sabay turo sa sirang mesa, upuan, at ang kumalat na sawsawan sa buong stall. "At pati na rin 'yung pagkalugi ni Manong.""W-wala akong pera, bo—este, sir." Halos maputol ang sinabi niya nang magtama ang tingin nila ni Richard.Nanlamig siya. Nanigas. Kinilabutan. At sa hindi maipaliwanag na dahilan… kinilig din.

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 166: Five Goons One Brain Cell

    "SIGE!!!" sabay-sabay na sigaw ng mga goons, tila mga sabik na manok sa sabungan. Agad nilang pinalibutan ang mesa ng tatlo—si Richard, Faerie, at Vivian.Nakita ng ibang customer ang nalalapit na gulo, kaya't nagsialisan na agad ang karamihan. May iba pang hindi na nag-abalang magbayad—naka-libre pa ng barbecue habang nagkakagulo.Ang mga Thugs:Barbed Wire Guy – May tattoo ng barbed wire sa leeg. Nakangisi habang hinihimas ang leeg na parang gusto pa niyang dagdagan ang tattoo ng "Wanted Dead or Alive.""Boss, akin na 'yung isang babae. May ilalagay akong 'property of BWG' sa batok niya," sabay tawa na parang gago.Shades Guy – Naka-shades kahit gabi. Nag-aadjust pa habang madilim. Siya rin ang may tattoo ng pusang may espada sa leeg."Pucha, wala akong makita. Nasan ang kalaban?""Tanggalin mo kasi salamin mo!" sigaw ng isa."E aesthetic ko 'to eh!"Jacket Lang Guy – Walang t-shirt, jacket lang, naka-chew ng toothpick."Tangina parang sarap laruin ng dalawa, parang jackstone," saba

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 165: Cinderella and the Midnight Misfits

    Tumayo agad ang mga lalaki. Parang rehearsed na—nagkalas sa upuan, tumuwid ang katawan, sabay lakad nang astig. Ngunit natigilan ang isa sa kanila, medyo patpatin pero may tattoo ng pusang may espada sa leeg."Boss…" sambit niya, sabay kamot sa batok. "Wala tayong kotse."Halos sabay-sabay ang pag-facepalm ng tropa. Pak!Binatukan siya ni Greasy. "Idiot! Kunwari lang para astig!""Ay… okay, gets," sagot ng lalaki, sabay tagilid ng katawan na parang may invisible car sa harap niya. Tumingin siya sa paligid at saka ginaya ang pag-on ng sasakyan. "Vrrrm! Vrrrm! Okay na boss, na-start ko na ang makina!"Ngiting-ngiti si Greasy. Parang proud na proud sa performance ng kanyang low-budget henchman.Tumayo siya at lumapit kay Vivian. "Ngayong gabi," aniya sa mababa at maruming tono ng boses, "ipaparanas ko sa 'yo kung anong klaseng laro ang tinutukoy ko."Mula sa likod niya, sumingit ang isa pang lalaki na may barbed wire na tatoo sa leeg. "Tamang-tama boss, bihira na tayo makakita ng ganiton

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 164: Mala-Nokia sa kapal

    Tumayo ang kalbong lalaki at nilagyan pa ng drama ang paglakad. Pakunwaring seryoso, dahan-dahan ang hakbang, parang aakyat ng entablado para sa proposal sa isang teleserye. Nakapamaywang siya, tapos paminsan-minsan ay hinahawi ang kanyang invisible na bangs kahit kalbo siya. Umikot pa siya saglit sa harap ng mesa bago tumigil sa gilid ni Vivian.Nginitian niya ito ng malagkit—literal na malagkit dahil medyo may mantika pa ang gilid ng labi niya, marahil galing sa kinain niyang betamax kanina."Hi," sabi niya na may boses na ubod ng lambing pero parang may halong phlegm. "Miss... single ka ba?"Tila tumigil ang mundo ni Vivian. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa HALIMUYAK na bumungad sa ilong niya. Para siyang sinampal ng hininga. Napakurap siya ng tatlong beses. Naka amoy siya ng… gatas na panis? Maasim na tinapa? O—"Hulaan ko," sabi ni Vivian habang pinipilit ngumiti pero bahagyang nangingilid ang luha sa sulok ng mata niya, "inulam mo… tulingan na may gata?"Napa-ngisi ang lalaki

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 163: Manliligaw o Man-liligaw?

    Tumawa si Fae at walang pag-aalinlangang sinabi, "Tama ka. Siya si Mr. Gold."Natigilan si Vivian. Napabuka ang bibig, tila hindi makapaniwala."Wait, what? As in... Mr. Gold?!"Ngunit bago pa siya makapagtanong pa, mabilis na nagpatuloy si Fae."Malayong kamag-anak siya ng mga Gold... kaya Mr. Gold din siya sa apelyido."Halos mahulog si Vivian sa upuan, napakapit sa gilid ng mesa. "Yun lang pala ibig mong sabihin! Akala ko kung sinong big shot na negosyante itong kaharap ko!" sabay tawa habang napapailing. "Kaya pala... kala ko CEO ng Gold Prime!"Napatingin si Richard kay Fae, nakangiti pero walang sinasabi. Medyo kinabahan siya ng very very light, akala niya alam na ni Fae ang totoo.Ilang sandali pa, dumating na ang inorder nilang pagkain. Umuusok pa ang mga barbecue, isaw, at hotdog na may marshmallow. May kasamang suka na may bawang, toyo't calamansi, at kanin sa papel na may cling wrap. Isang tunay na street food feast.Nag-umpisang kumain ang tatlo. Habang ngumunguya, tinanon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status