Everest Corp.
Pagdating ni Fae sa kumpanya, bumaba siya ng taxi at tiningnan ang malaking gusali ng Everest Corp. Kumakabog ang dibdib niya, pero agad niyang inangat ang sarili at ngumiti. "Kaya mo 'to, Fae. Magaling ka. Walang imposible!" bulong niya sa sarili habang hinihigpitan ang hawak sa envelope ng kanyang resume. Pagpasok niya sa loob ng building, sinundan niya ang direksyon patungo sa interview room. Pagbukas niya ng pinto ng waiting area, napansin niya ang dami ng mga aplikante — may iba't ibang edad, porma, at mukhang seryoso ang mga mukha. "Ang dami pala," bulong niya sa sarili, sabay huminga nang malalim. "Okay lang 'yan, laban lang!" Tumayo siya sa isang tabi, nag-ayos ng buhok at nilaro ang ID sling sa kanyang leeg. Ilang saglit pa, dumating ang isang lalaki na may bitbit na clipboard. Matikas ang tindig at may propesyonal na aura. Tumayo ito sa harap ng mga naghihintay at nagsalita. "Good morning, everyone. Welcome to Everest Corp. We have several available positions in our company, and you will be assigned based on your qualifications, skills, and performance in this interview. So, do your best." Nagkatinginan ang mga aplikante, habang bahagyang ngumiti si Fae habang patuloy na chinecheer ang sarili sa isip. "We will now start calling names. Once your name is called, please proceed to the interview room one by one." Isa-isang tinawag ang mga pangalan, at ang bawat tinawag ay naglalakad papasok sa isang silid sa dulo ng waiting area kung saan isinasagawa ang interview. Nakaupo si Fae habang hinihintay ang kanyang pangalan, ramdam niya ang unti-unting pagtaas ng tensyon, pero pilit niyang pinapanatili ang ngiti at positibong pakiramdam. "Kaya ko 'to," sabi niya ulit sa sarili habang nag-aabang. Habang naghihintay si Fae, biglang may dalawang tao sa kanyang tabi ang nagsimulang magbulungan. Isang bading na parang ball of energy at isang lalaking mukhang interesado rin sa tsismis. "Bes, bes, narinig mo ba? Dadating daw ngayon ang President ng kumpanya — si Mr. Gold!" excited na bulong ng bading, sabay dikit sa lalaki. "Talaga? Anong itsura niya? Gwapo ba?" tanong ng lalaki, curious. Umismid ang bading, sabay flip ng invisible hair. "Hay naku, bes! Misteryoso raw siya! Walang babae ang makalapit, hindi tumitingin sa mga babae, parang allergic! Sinasabi nga ng iba… baka… alam mo na… type niya e 'yung mga lalaking kagaya natin." sabay kindat sa lalaki. "Hala, seryoso?" bulong ng lalaki. "Oo, bes! May mga bulong-bulongan pa nga na nung isang party daw, puro lalaki ang kasama niya, mga pogi pa! Tapos ang sabi, tuwang-tuwa siya sa mga barako, kabog ang mga girls! Kaya ako, bes, kung totoo 'yan, aba… may pag-asa tayo!" sabay tili ng mahina. Napakunot-noo si Fae habang palihim na nakikinig. 'Grabe, baka bading nga 'tong sinasabi nilang Mr. Gold…' Napailing siya at kinilabutan sa nai-imagine na lalaki sa suit na tuwang-tuwa sa mga machong lalaki. Biglang tinawag ang pangalan ng bading. "Miss Lovely Mariposa, pasok na po." "Omygas, bes good luck sa akin! Wish me chamba!" tili ng bading bago naglakad pa-sway sa interview room. Naputol ang chikahan at naiwan si Fae, nakataas ang kilay, nag-iisip pa rin. Pero bago pa siya makapag-isip ng maayos, biglang nagkaroon ng ingay sa labas. May mga staff na nagkakagulo at narinig niya ang sabi-sabi, "Nandito na si Mr. Gold!" Nagbukas ang pinto ng waiting area at pumasok ang isang grupo — may manager at ilang empleyado. Tumigil ang grupo sa pinto, at saktong nasulyapan ni Fae ang isang pamilyar na mukha. Nanlaki ang mata niya. "Bakit siya nandito?" bulong niya sa sarili. Hindi siya nakatiis — mabilis siyang lumapit. "Richard, anong ginagawa mo rito?!" tanong niya, halatang gulat. Napalingon ang manager, napakunot-noo at nagtanong. "President, kilala niyo po ba ang aplikanteng ito?" Nanlaki ang mata ni Richard, sabay tingin kay Fae. 'Tapos na,' naisip niya. "President?!" gulat na tanong ni Fae at napatingin kay Richard.Natigilan si Richard.Sandaling katahimikan.At biglang humagalpak siya ng tawa. Napahawak siya sa tiyan habang napapailing."Grabe ka naman!" sabay tawa pa rin. "'Yun pala iniisip mo?"Napangiti si Fae sa hiya, napayuko.Umiling si Richard at marahang humaplos sa pisngi ng asawa."Nirerespeto lang talaga kita, Fae," malambing niyang sabi. "Alam kong hindi ka casual na babae. Alam kong mahalaga sayo 'to. Kaya naghintay ako."Napatitig si Fae kay Richard. Ramdam niya ang sinseridad sa bawat salita. Walang halong biro. Puro totoo."Mahal kita, Fae. Hindi dahil sa kung anong kaya mong ibigay… kundi dahil ikaw 'yon."Nahiya si Fae. Tumango siya, dahan-dahan, bago muling napayuko.Ngumiti si Richard at pabirong tinanong, "Ano, naniwala ka rin ba sa mga sabi-sabing sa lalaki daw ako naa-attract? Na mas masaya ako kapag lalaki kasama ko?"Lalong namula si Fae. Napayuko siya pero tumango, ilang ulit.Napailing si Richard, ngunit ngumiti."Meron akog dahilan."Tumingin si Fae kay Richard, kita
At sa loob ng ilang segundo, walang sinuman ang nagsalita. Ang tanging naririnig ay ang mabilis na tibok ng kanilang mga puso. Ang mainit na hininga na tila sumisingaw mula sa pagitan ng kanilang magkalapit na mukha.At sa isang iglap—Tuluyan nang bumigay si Richard.Dumulas ang kanyang kamay sa gilid ni Fae, marahan, parang sinusuyong ulit ang kabuuan nito. Muling nagtagpo ang kanilang mga labi—ngayon ay mas mapusok, mas totoo, mas uhaw. Hindi na ito isang aksidente. Isinandal niya ang palad sa pisngi ni Fae habang hinahalikan ito nang mariin.Napapitlag si Fae, ngunit hindi na niya nagawang itulak ang asawa. Sa halip, unti-unti nang nalulusaw ang paninindigan niyang kumawala. Ang dating mahigpit niyang paghawak ay napalitan ng malambot na pagyakap. Niyapos niya si Richard sa leeg, hinila palapit, at buong puso nang gumanti sa halik.Mainit ang kanilang halikan—may kahalong sabik, may pananabik na tagal nang kinikimkim. Ang mga palad ni Richard ay maingat na humahaplos sa likod ni F
Pumasok si Richard—basa pa ang buhok, at tanging puting tuwalya lang ang nakatapis sa kanyang baywang. Tumulo ang mga patak ng tubig mula sa kanyang ulo, bumabagtas sa matipunong leeg, dumadaloy sa malapad na balikat at humuhubog sa mga pandesal niyang abs.Lumingon si Fae. At natulala.Para siyang napako sa kinauupuan. Napakagat siya sa labi, biglang nakaramdam ng init sa kabila ng malamig na hangin mula sa bentilador. Tila nag-slow motion ang lahat—ang bawat patak ng tubig na gumuguhit sa dibdib ni Richard, ang pag-angat ng kamay nito para punasan ang buhok gamit ang tuwalya, at ang malalim nitong paghinga habang naglalakad papunta sa cabinet.Sa kabilang linya ng telepono, rinig pa rin ang boses ni Vivian."Fae? Babe? Hoy?!"Walang sagot si Fae. Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makagalaw.Ang mata niya, halos hindi kumukurap habang sinisipat ang bawat detalye ng katawan ng asawa—ang hubog ng abs, ang hiwa ng obliques, ang makakapal at matipunong braso. Mapupungay na umikot ang
Nanatiling tahimik si Fae."Narito pa," bulong niya, halos parang lamok ang tinig.Sa totoo lang... na-imagine niya ang sarili niyang ginagawa ang ideya ni Vivian.Sa loob ng utak niya, biglang umikot ang eksena—naka-oversized white shirt siya, walang kahit anong suot sa loob. Bahagyang basa ang buhok, parang bagong ligo. Naupo siya sa harap ng salamin, nagsusuklay. Si Richard, nasa likuran niya, nakaupo sa kama, bagong ligo rin at naka-boxers lang. Tahimik itong nanonood habang dahan-dahan siyang nagsuklay, ang tela ng suot niya ay bahagyang humuhulma sa kanyang katawan.Napalunok si Fae sa sariling imahinasyon."Babe, hindi pa ako tapos!" sigaw ni Vivian mula sa kabilang linya, masigla.Nagpatuloy ito, "Ganito pa, imagine mo to. Nakahiga si Richard sa kama, pagod. Tapos ikaw, sis... ikaw naman biglang lalabas ng banyo. Pero hindi ka naka-pambahay. Naka-lingerie ka—black lace, yung manipis, yung halos walang tinatakpan kundi dangal. May robe kang manipis, pero hindi mo sinara. Naglal
Sinagot ni Fae ang tawag at itinapat ang cellphone sa kanyang tenga. Ngumiti siya."Vivian, bakit ka kaagad napatawag? Nakauwi ka na ba?""Yup! Kararating ko lang," sagot ni Vivian, medyo maingay ang paligid.Napakunot-noo si Fae. Narinig niya ang tuluy-tuloy na agos ng tubig."Bakit may bukas na gripo? Nasaan ka?" tanong ni Fae."Nasa banyo ako, girl. Nagpapaganda. Kasi feeling ko, baka bukas may mag-rescue ulit sa'kin, baka this time… si Superman naman," sagot ni Vivian, sabay tawa.Napatawa si Fae. "Nako, kung 'yan na naman ang iniisip mo. O sige nga, anong gamit mo? I-share mo na ang sekreto ng kagandahan.""Ay naku! Alam mo ba 'tong bagong serum ng Lucenté Glow? Promise, girl, ang ganda sa balat! Parang glowy pero hindi oily. Parang glass skin, pero walang effort.""Ah 'yun ba 'yung kulay pink na bote na parang pabango?" tanong ni Fae."Oo! 'Yun mismo! Ang bango pa niya. Tapos nilagay ko 'yung DermaWhite Toner bago noon, para mas masipsip ng skin ang serum. Hay nako, feeling ko a
Napahinto si Greasy, na para bang pinindot ang pause button sa isang robot na walang langis. Dahan-dahan siyang lumingon, bakas sa mukha ang kaba, parang batang nahuling nagnanakaw ng turon sa tindahan."Lumapit ka." Kinawit siya ni Richard gamit ang dalawang daliri.Parang asong nalamigan, napayuko si Greasy at lumapit, kaluskos ang tunog ng tsinelas niyang may butas. "Bakit, boss?""Boss?" ulit ni Richard, sabay kunot-noo. "Wala akong pinapasahod, at lalo nang wala akong taong mukhang amoy mantikang inihaw na isda. Wag mo akong tawaging boss."Napakamot si Greasy sa mamantikang ulo, parang may iniipit pang mantika sa anit."Bayaran mo lahat ng nasira rito," utos ni Richard, sabay turo sa sirang mesa, upuan, at ang kumalat na sawsawan sa buong stall. "At pati na rin 'yung pagkalugi ni Manong.""W-wala akong pera, bo—este, sir." Halos maputol ang sinabi niya nang magtama ang tingin nila ni Richard.Nanlamig siya. Nanigas. Kinilabutan. At sa hindi maipaliwanag na dahilan… kinilig din.