Habang nasa labas si Richard, tahimik niyang pinanood ang pinto ng apartment na isinara ni Fae. Tumayo siya mula sa wheelchair, tumitig sa paligid ng hallway—malamig ang ekspresyon ng kanyang mga mata, puno ng kalkuladong katahimikan.
"Faerie White," bulong niya. Mabilis niyang kinuha ang kanyang selpon at nag-dial. Ilang sandali pa, sumagot ang isang magalang na boses mula sa kabilang linya. "President, nakabalik ka na," bati ng lalaki sa kabilang linya. "Kevin," ani Richard, walang paligoy. "Nais kong imbestigahan ang isang tao. Buong detalye. Pati background ng pamilya." "Sino po, sir?" "Faerie White." "Faerie White?" ulit ni Kevin, may halong tuwa sa boses. "Aba, mukhang interesado na sa isang babae ang aming cold president." "Tumigil ka," malamig na putol ni Richard. "Gusto ko lang malaman kung anong klaseng tao ang babaeng ito." "Sino ba siya sa 'yo at gusto mong kalkalin ang buong buhay niya?" tanong ni Kevin, halatang napukaw ang interes. "Asawa ko siya." Tahimik si Kevin. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, bigla itong tumawa. "Asawa? Kasal ka na?! Mabuti naman at hindi ka natakot sa kanya?" "Yun din ang napansin ko..." seryosong sagot ni Richard. "Hindi ko siya nakikita katulad ng ibang babae. Para bang... Iba siya sa kanila." "President, baka siya na rin ang sagot sa sakit mo," hirit pa ni Kevin. "Hindi ako sigurado," mahina pero diretso ang sagot ni Richard. "Sa ngayon, alamin mo muna kung sino siya." "Yes, sir. Leave it to me." Pagkababa ng tawag, naupo muli si Richard sa wheelchair. Ilang minuto lang, bumukas na ang pinto ng apartment. Lumabas si Fae, pawisan ngunit may ngiti sa labi. "Sorry, natagalan," aniya. Mabilis siyang pumuwesto sa likod ng wheelchair at itinulak ito papasok ng apartment. Pagpasok nila, agad na napansin ni Richard na malinis na ang loob. Wala nang kalat, walang underwear sa mesa, at ang mga hugasin ay nawalis na sa kasaysayan. Maayos na ang lahat. Tinulak siya ni Fae papasok ngunit pinigilan siya ni Richard. Sa sumunod, nagulat si Fae sa sumunod na eksena. Nagulat si Fae nang makita niyang tumayo si Richard mula sa wheelchair. "Ikaw!" gulat na sigaw ni Fae. "Hindi ka... lumpo?" Hindi sumagot si Richard. Umupo lang siya sa sofa, relaks, parang walang nangyari. "Uupo ka ba o tatayo ka lang diyan?" tanong niya kay Fae na nanatiling nakatulala. Natauhan si Fae at naupo sa tabi niya. "P—pero... hindi ka lumpo?" ulit niyang tanong. Nagkibit balikat si Richard. "Sinubukan kong sabihin kanina. Ilang beses. Pero mukhang nag-eenjoy kang itulak ako kaya hinayaan na lang kita." Naalala ni Fae ang eksaktong eksena—kung paano niya kusang tinulak si Richard mula kalsada, civil registry office, hanggang sa apartment. "Ako nga pala ang tumulak nang walang tanong-tanong..." Napangiti siya nang awkward. "Kung ganun... bakit ka nakaupo sa wheelchair?" tanong ni Fae. "Tinatamad akong tumayo." "Yun lang?!" halos pasigaw na ulit ni Fae. Tumango lang si Richard, kalmado at diretso. Huminga nang malalim si Fae. 'Ang lalaking 'to... Nakaupo sa wheelchair dahil tinatamad? Naku Fae, kalma... isipin mo na lang 'yung bonus. Bonus. Bonus. Kung walang bonus, baka nasapak ko na 'to...' Napapikit si Fae, pinapakalma ang sarili habang si Richard naman ay nakatingin sa kanya, tila pinagmamasdan kung kailan siya sasabog. Sumandal si Richard sa sofa, bago nagtanong. "Ano nga palang ginagawa mo sa buhay?" tanong niya, diretsahan. "Ah..." Napakamot sa batok si Fae, sabay ngiti nang may halong hiya. "Sa ngayon... wala akong trabaho." Napakunot-noo si Richard. "Bakit?" Nagkibit-balikat si Fae bago ngumiti ulit. "Nag-resign ako... kasama 'yung kaibigan ko." Tumawa siya nang awkward. "Kaya rin magulo dito kanina, kasi kagabi nag-party-party kami dito. Yung tipong… sayawan, inuman, tsismisan—gano'n!" Tumitig si Richard, halatang hindi impressed. "Nag-resign kayo... para lang makapag-party?" "Hoy! hindi, ah!" agad na depensa ni Fae. "Nag-resign kami dahil yung boss namin? Diyos ko, wagas kung makautos! Parang may whip sa kamay, 'Fae gawin mo 'to! Fae ayusin mo 'yan!' Tapos ‘pag dating sa sweldo—ano?! Minimum?! Parang ang sweldo namin pinadaan sa butas ng karayom, ganon kaliit!" Habang nagkukuwento siya, biglang gumaya ng boss na may pa-fake accent: "You should do this, you should do that! Pero sweldo mo? Sorry po, next month nalang." Sabay galit-galitang hampas sa unan. Napatingin si Richard, hindi alam kung matatawa o maaawa. "Okay, okay... kumalma ka na." aniya. Napatawa si Fae at napa-"Hah, sorry!" sabay hawak sa tiyan niya. "Ang daming hugot eh!" Pagkatapos ng tawa, lumingon si Richard sa paligid at tinignan ulit ang apartment. "Dito ka ba talaga nakatira?" Umiling si Fae, huminga nang malalim. "Dati hindi. Pero mula nang mag-feeling reyna sa bahay ang stepmom ko, edi ako na lang 'yung umalis. Nakakaumay din kasi ‘pag ang bawat galaw mo may comment ang dragon queen." "Dragon queen?" ulit ni Richard. "Stepmom ko. Minsan talaga parang multo—bigla na lang sumusulpot sa likod mo tapos may komentaryo: ‘Ba't ganyan suot mo?' ‘Yan ba pagkain mo?' ‘Yan ba buhok mo?' Eh ako, stress na, 'di ba?" Napatawa si Richard nang bahagya, sabay iling. Pero bago pa siya makasagot, tumayo si Fae bigla. "Ay oo nga pala!" aniya, parang may biglang naalala. "Kailangan ko munang umalis." Tumaas ang kilay ni Richard. "Saan ka pupunta?" Ngumiti si Fae, may pagka-mapaglarong liwanag sa mga mata na tila isang villain. "Sa villa ng mga White." "Villa?" tanong ni Richard, halatang clueless. Tumawa si Fae, at nag pakita ng isang ngiti, isang nakakatakot na ngiti. "Oo. Bibigyan ko sila ng isang magandang sorpresa." Nagbago ang aura niya—mula sa masayahin, naging medyo... nakakatakot. ‘Uh-oh...' napaisip si Richard habang pinagmamasdan si Fae na tila may evil plan na sa utak. ‘Sino kayang bibiktimahin nito?'Napakuyom ng kamao si Bernard, nanginginig ang kanyang kamay habang nakatitig sa bagong dating. Halo-halong emosyon ang bumalot sa kanya—galit, pangungulila, pagkabigla, at takot. Hindi niya alam kung ano ang uunahin: ang pagkilala sa taong nasa harap niya o ang pagtatanggol sa pamilya at kumpanya.Tahimik ang buong silid. Ang bawat direktor ay napako ang tingin kay Richmond. Ang hugis ng panga, tikas ng ilong, at lalim ng mga mata—parang eksaktong salamin ng kanilang presidente. Ngunit may isang bagay na nagtatangi sa kanya: ang mahabang hiwa mula pisngi pababa sa panga, isang marka na tila nagkukuwento ng madilim na nakaraan.Kung si Richard ay isang maliwanag na araw, si Richmond ay isang bagyong paparating—madilim, mabagsik, at walang awa.Tumango si Richard habang nakatitig sa kapatid, ngunit hindi nagpakita ng kahit anong emosyon. Wala ni isang kibit sa kanyang labi o kilay; parang nababasa na niya ang eksenang matagal nang nakasulat.Humakbang si Richmond palapit, mabigat ang b
Napapikit si Richard nang makita si Victor, tila ba alam na niya kung saan nanggaling ang lakas ng loob ng mga direktor na nagtraydor. Ngunit kahit pa ganoon, hindi pa rin niya lubos na maisip na magagawa ito nang mag-isa ni Victor—alam niyang wala itong sapat na kakayahan upang guluhin ang higanteng kompanya. Saglit niyang inisip ang posibilidad na may mas malaki pang anino sa likod nito, kaya't pinili niyang manahimik muna at maghintay kung may iba pang sorpresa na ilalantad ngayong araw.Ngumiti si Salazar at agad na binati ang bagong dating."Mr. De Luca, sa wakas, narito ka na," ani niya nang may malawak na ngiti, halatang kanina pa sabik sa pagdating ng kakampi.Humakbang si Victor patungo sa likod ng apat na traydor, ang bawat yabag ay mabigat at puno ng kumpiyansa. Nang makarating siya sa tabi ni Salazar, marahang tinapik ang balikat nito."Salazar," sabi niya, "mukhang mahusay ang ginawa mo." Sabay ngumisi, malamig at puno ng panunuya.Tumawa si Salazar, ang tinig niya'y para
Nabigla ang lahat. Parang sumabog ang isang bomba sa gitna ng silid. Ang mga director ay nagsigawan muli, may ilan ang halos mapatayo sa gulat, at ang ilan nama'y hindi makapaniwala sa binitawang pagbabanta.Ngunit ilang sandali pa, tumayo rin ang iba pang nasa panig ni Salazar—tatlo pang director ang sumang-ayon at mariin ding idineklara na iwi-withdraw nila ang kanilang shares kung hindi mapuputol ang Everest Corp.Nanlaki ang mata ni Villanueva, halos hindi makapaniwala sa nakikita. Hindi na siya nakatiis, agad niyang itinuro si Salazar gamit ang nanginginig na daliri."Salazar! Ito ba ang plano mo?! Gumawa ng kaguluhan kung saan nasa panganib ang Gold Prime?!"Ngumisi si Salazar, bahagyang tumawa na parang nanunukso."Plano? Huwag mo akong pagbintangan ng wala. Wala akong alam sa sinasabi mong plano. Ang ginagawa ko lang ay iligtas ang sarili ko. Kung kayo ay masyadong bulag sa katotohanan, problema niyo na iyon."Nagngitngit si Villanueva, bahagyang nanginginig sa galit."Pareho
Lumakad siya papunta sa gitna, diretso hanggang sa dulo ng mesa kung saan nakaupo si Bernard. Pagdating sa harap ng matanda, dahan-dahan siyang yumuko nang magalang."Chairman," bati niya.Tumango si Bernard, nananatiling seryoso ngunit bakas ang gaan sa mga mata. Pagkatapos ay iniikot ang tingin sa lahat ng directors na ngayo'y tila nahihiya.Ngunit biglang muling nagsalita si Salazar, hindi pa rin natitinag. "Chairman, hindi sapat ang mga salita ng apo mo. Ang punto rito ay simple: ang Everest Corp ang ugat ng lahat ng gulong ito. Kung hindi natin sila puputulin, masisira tayong lahat!""Hindi tama 'yan!" sagot ni Villanueva, muling tumayo. "Hindi mo pwedeng gawing scapegoat ang Everest! Kung aalisin sila, mas lalo lang tayong lulubog!"At muli, nagpatuloy ang malakas na pagtatalo. Ang conference room ay muling napuno ng mga sabayang sigaw at pagtutulak ng kani-kaniyang interes.Samantalang si Richard, nakatayo lamang, malamig ang ekspresyon at tila ba pinagmamasdan ang mga ito na p
Sa kalsada, maaliwalas ang tanawin ng lungsod—mga gusali, stall, at mga taong abala sa kani-kanilang buhay. Tahimik na nakaupo si Richard sa likuran ng Rolls Royce, nakatingin sa bintana na para bang alam na niya ang bawat hakbang na mangyayari. Samantala, si Kevin ang nagmamaneho, seryoso ngunit may halong kaswal na tono nang magsimula siyang magsalita."Siguradong nagkakagulo na ngayon sa Headquarters," sabi ni Kevin habang bahagyang tumingin sa rear-view mirror.Napangisi si Richard, malamig ngunit may bahid ng kumpiyansa. "Mukhang hindi pa gaano… kung tutuusin, hindi pa tumatawag ang matandang chairman."Umiling si Kevin at muling nakatuon sa kalsada. "Mukhang kaya pa niyang hawakan ang sitwasyon, pero hindi natin alam hanggang kailan. At isa pa…" saglit siyang tumigil bago ngumiti. "Wala naman talaga siyang alam sa plano mo."Bahagyang natawa si Richard, halos mahina ngunit puno ng bigat. "Mas mabuti na iyon. Kung alam niya, baka hindi maging makatotohanan ang lahat. At saka…" tu
Sa screen, nanlaki ang mga mata ni Morgan. Unti-unti niyang binasa ang bagong lumabas na post mula sa user na Destroyer."OPEN BID FOR ALL."Kasunod noon ay ilang malalabo ngunit halatang sensitibong larawan—mga blueprint, confidential charts, at draft ng kabuuang plano ng Everest Corp. para sa susunod na sampung taon. Kahit blurred, malinaw na makikita ang mga outline at headline na nakatali sa malalaking proyekto, sapat na para magdulot ng delikadong espekulasyon.Parang sumabog ang mundo sa harap ni Morgan. Kaagad pumutok ang notipikasyon ng komento—daan, daan, at libo-libong reaksyon ang sumunod, isa-isang nagtatapon ng presyo."One million USD for the full copy.""I'll pay double, send me the clean files.""South Asia group here—we're willing to fund this data. Name your price.""Everest Corp. is done for. Haha! Weak security, weak leadership."At mas lalo pang nagpatindi ng kaba kay Morgan ang mga panunuyang naglipana:"Kaya pala tinatawag na giant, made of glass pala. One strik