Beranda / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 82: Paghihiganti ni Glenda

Share

Chapter 82: Paghihiganti ni Glenda

Penulis: Author W
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-09 11:45:06

Kaagad na nakilala ni Fae ang tinig kahit nasa dilim. May kilig at ginhawang sumilay sa kanyang puso, at isang munting ngiti ang lumitaw sa kanyang labi.

Ngunit halos kasunod no'n, agad ding nawala ang ngiting iyon. Napalitan ng kaba, ng lungkot, ng kawalan. Dahil alam niyang… hindi lang sina Glenda at Geraldine ang nandoon.

Nararamdaman niya ang presensya ng iba pa—mga anino sa paligid, mga kaluskos, mga lalaking tiyak niyang hindi ordinaryo.

Bagamat minsan na niyang nakita kung paano lumaban si Richard—noong araw na ipinagtanggol siya nito sa sa mga tao ni Glenda—hindi siya sigurado kung sapat na iyon para harapin ang panganib na nasa harap nila ngayon.

"Richard…" Mahina niyang tawag, may halong takot. "May iba pang tao rito. Tumawag ka ng pulis."

Ngunit bago pa man makasagot si Richard,

tumawa si Glenda—isang nakakakilabot, walang modong halakhak na parang sumasalamin sa pagkabaliw.

"Pulis?" ani Glenda habang pinipilit hindi matawa nang masyado. "Makakatawag ka lang ng pulis kung m
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 107: Bunch of fools!

    Ngumisi si Anton, isang ngiting malamig, puno ng paghamak at panunuya.Sabay napailing na parang hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi ng mga tao sa paligid."Walang nabanggit na pangalan… walang malinaw na kumpirmasyon…" nagsimula siya, tinatapik-tapik ang mesa habang nakatitig sa mga directors. "…pero kung maka-puri kayo, akala mo'y alam niyo kung sino ang hari."Tumawa siya. Isang mahinang tawa—hindi nakakatawa, kundi nakakahiya."Nakakatawa pala talaga kayong lahat. Sumasamba sa tao na ni hindi niyo alam kung sino. Wow." Napako ang lahat sa kanilang kinauupuan.Lalo na si Jane. Ang confident na ekspresyon sa kanyang mukha ay unti-unting gumuho."A-ako... akala ko lang..." mahinang usal niya, ngunit walang nakarinig.Tila baga ibinaon sila ni Anton sa sahig.Biglang nagsalita si Nina, tila pinipilit iligtas ang sarili at si Jane."Pero sinabi ni Mr. Manalo na siya ang nag-ayos ng lahat ng 'to para kay Jane—"Pak!Hindi pisikal, pero ramdam na isang malutong na sampal ng panunuya

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 106: Who is the VIP?

    Tumawa si Feliz, sumunod na rin ang mapanirang tawa ni Nina at ngiting tagumpay ni Jane—isang ngiting parang nakatapak na sila sa leeg ni Fae."Mr. Wolf," sabay-sabay halos ang tono nila, parang nakabisado ang script."Alam na namin ang sitwasyon ng babaeng ito," sambit ni Feliz na akala mo'y isang bida sa courtroom drama. "Kung ayos lang sa inyo, ihahatid ko na sila sa security room para sa karagdagang impormasyon.""Opo, Mr. Wolf," sabat ni Nina, "kailangang aksyunan agad ang mga ganitong klaseng tao bago sila makapaminsala pa."Ngumiti si Jane, walang sinabi, pero sinabayan ito ng isang mahinhin na higop ng wine habang nakatitig kay Fae—na para bang patay na bangkay na lang ang babae sa kanyang paningin."Napakahusay mo, Mr. Manalo," wika ni Anton, nakangiti.Napakamot ng ulo si Feliz, sabay mahiyain kuno na sagot, "Ginagawa ko lang po ang trabaho ko, Mr. Wolf.""Actually," ani Nina na parang hindi na mapigil ang tuwa, "dapat yata bigyan ng reward or promotion si Mr. Manalo. Napaka

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 105: Good Show

    Ngumiti si Anton nang malapad.Handa na siyang ibunyag ang lahat ng kalokohang nakita at nabasa niya mula sa iPad ni Ben. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, mabilis na lumapit si Feliz at tumingin sa kanya."Mr. Wolf… ano ito?" Pagtatakang tanong niya, sabay sulyap sa tablet na hawak ni Anton.Tumingin si Anton sa kanya, malamig ang mga mata at handang magsalita, pero muli siyang pinutol ni Feliz—na tila natumbok ang isang 'katotohanan' sa isip-isip niya."Ah, alam ko na!" bulalas ni Feliz, nagniningning ang mga mata. "Sabi ko na nga ba, hindi ka pupunta rito nang hindi handa!" Tumawa siya, para bang nahuli niya ang twist ng gabi."Siguradong mga impormasyon iyan tungkol sa babaeng ito—ang nagngangalang Faerie White!" Turo niya kay Fae, punô ng panlalait ang tono. "Sabi ko na nga ba, hindi 'to matinong babae. Kita mo nga, kanina pa siya kalmado, halatang sanay siya sa gulo at sanay sa eskandalo!"Umiling siya-iling habang tumingin kay Anton. "Mr. Wolf," dagdag niya, "kailangan ko

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 104: Oras na

    Tahimik na tumingin si Anton kay Feliz.Ang malamig na anyo ng kanyang mukha ay tila ba gumuguhit ng linya sa pagitan ng hustisya at kapangyarihang abusado."Manager Feliz," malamig ang tinig ni Anton."Sa tingin mo, anong magandang parusa ang ihatol natin sa mga taong gumagawa ng eksena sa ating hotel?"Nagningning ang mga mata niya, tila ba may binabalak sa loob-loob.Napatigil si Feliz, ngunit agad na sumigla ang kanyang anyo."Kung ako po ang tatanungin, Sir," sambit niya, halos nanginginig sa sabik, "nais ko po sanang dalhin agad ang dalawang iyan sa security room para sa masusing pagtatanong. Malay mo, Sir, baka may mahanap pa tayong mas… interesting sa mga babaeng ito."Naglakad siya paikot sa kanila, parang hayok na lobo sa paligid ng dalawang biktima."Mas maganda po siguro kung..."Nagulat ang lahat nang sumabat si Nina, masiglang nag-suggest, "bigyan ng mas mabigat na parusa ang mga iyan. Para matuto silang hindi sila pwedeng basta-basta pumasok sa mundo ng mga tulad namin.

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 103: Mr. Wolf

    Sa control room.Madilim ang mukha ni Anton habang nakatutok sa monitor.Kitang-kita niya ang lahat—mula sa pagkabasag ng mamahaling bote ng alak sa kamay ni Fae hanggang sa pag-utos ni Feliz na arestuhin ang dalawang babae. Walang audio ang surveillance feed, kaya't bulag siya sa mga eksaktong salita, ngunit sapat ang mga ekspresyon at kilos upang makita kung sino ang nang-aapi at sino ang inaapi.Wala rin siyang ideya na si Jane ang nag-angking VIP, o na may eksenang bumaliktad ang mga pahayag para idiin si Fae at Lexa. Pero hindi niya kailangan ng salita para mabasa ang kasinungalingan.Ang pagkataranta ni Feliz, ang panunukso ni Nina, at ang pagtitimpi ni Fae—lahat ay sapat upang magtaas siya ng kilay.Sa sandaling ito, bumukas ang pinto ng control room.Pumasok si Ben, taglay ang maayos na tindig at mahinahong tinig. "Sir, nais ko lamang i-report na maayos na pong naihain lahat ng pagkain sa—""Ipa-audit mo ang lahat ng account ni Mr. Manalo," malamig na putol ni Anton, hindi ina

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 102: Tyrant's Command

    Bumukas ang pinto.Pumasok ang dalawang security personnel, maayos ang postura, halatang alerto at handang sumunod sa utos."Dalhin ang dalawang iyan sa security room," utos ni Feliz, sabay turo kay Fae at Lexa. "Hindi sila pwedeng umalis nang ganun kadali matapos manggulo sa ating hotel. Kung hindi, magiging katatawanan ang reputasyon natin!""Sir!"sagot ng dalawang guwardya sabay tango, ngunit bago pa sila makalapit—Tumawa si Lexa. Malamig. Mapanghamon.Itinaas niya ang kamay, pinigilan ang paglapit ng mga guwardya."TUMIGIL KAYO!" singhal niya. "Walang hiya, nakikinig kayo sa utos ng ganitong bastos na lalaki—ni hindi niyo alam ang buong katotohanan!""Paano kung nalaman ng amo niyo ang totoo? Na sumunod kayo sa mali? Handa ba kayong managot? Sa korte? Sa publiko? Sa sariling konsensya niyo?"Tahimik ang mga guwardya.Nagkatitigan sila, kita ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata.May punto si Lexa.Mula sa ayos at asal ni Fae at Lexa, malinaw na hindi sila basta-basta. Walang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status