Home / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 92: Weight of Choices

Share

Chapter 92: Weight of Choices

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-06-13 10:25:45

"B-bilhin mo ang White Cosmetics?" ulit ni Henry, hindi pa rin makapaniwala.

"Bakit?" tanong niya nang makahinga na.

Tumayo si Richard at lumapit sa isang painting sa pader, tinitigan iyon habang nagsasalita.

"Simple lang." Aniya. "Nalaman ko na ang ina ni Fae ang nagtatag ng White Cosmetics. Dapat sana'y ipapamana ito sa anak niya." Humarap siya pabalik kay Henry, seryoso ang mukha.

"Ayoko lang na ang negosyong ito—na bunga ng pawis, talino, at pangarap ng nanay ni Fae—ay tuluyang bumagsak sa kamay ng mga hindi karapat-dapat."

Napalunok si Henry. Napabuntong-hininga ito at bahagyang yumuko.

"Mukhang naimbestigahan mo nang mabuti si Fae," mahinang sambit niya.

Hindi sumagot si Richard, ngunit ngumiti siya—isang kumpiyansang ngiti na lalong nagpapabigat sa presensya niya.

"Magkano ang handa mong bayaran?" tanong ni Henry, gusto pa rin niyang isipin na hawak niya pa rin ang huling baraha.

Umupo muli si Richard sa sofa, kinuha ang tasa ng tsaa at saglit na humigop.

"Base sa current marke
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 96: Hostile Feast

    "Ben," tawag ni Anton sa lalaking nakatayo sa tabi niya, ang kanyang loyal na assistant. Hindi inaalis ni Anton ang tingin sa grupo nina Jane habang pababa ang mga ito sa main lobby ng hotel."Nag-book ba ng silid ang grupong 'yan sa hotel natin?" tanong niya habang tinuturo ang grupo. Lumapit si Ben, sinipat ang mukha ni Jane, at agad na tumango."Yes, Sir. Nakabook sila ng isang premium booth sa La Ruelle—the glass-paneled private room sa west wing. Reserved under Ms. Jane Vasquez."Tumango si Anton. "Mabuti. Ipaghanda mo sila. Sabihan mo si Chef Ponce na ihanda ang Truffle Wagyu Medallion, Grilled Lobster Thermidor, at Duck à l'Orange. Ipadala rin sa kanila ang dalawang best-selling wine natin—isang Château Margaux 2010 at isang Screaming Eagle Cabernet Sauvignon.""Understood, Sir." Tumango si Ben at agad umalis.Napangiti si Anton habang pinapanood ang grupo na papasok na sa main hall."Mr. Gold," bulong niya sa sarili habang iniisip si Richard, "isipin mo ito bilang munting pagb

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 95: Dinner Conspiracy

    "Dahil narito na ang mga sasamang directors at heads," malakas na sabi ni Jane sa lobby habang inaayos ang kanyang hair clip, "halika na, punta na tayo."Tumango ang ilan sa mga kasama—kabilang ang ilang senior officers ng Finance, Operations, at Logistics. Nagsimula silang maglakad papunta sa parking area ng Everest Corp., bawat isa sabik sa hapunan at posibleng tsismisan sa gabing iyon.Sampu silang lahat. Kabilang na si Fae at Lexa. Pagdating sa parking area, sumakay sa unang SUV ang karamihan, sabay-sabay na nagtatawanan at nagsisiksikan sa loob.Akmang sasakay na rin si Fae sa hulihan ng sasakyan, pero biglang humarang si Nina."Puno na 'to," malamig at mataray na sambit nito.Napakunot-noo si Fae, "May espasyo pa naman sa likod—" sabay silip niya sa loob, kung saan halatang may dalawang bakanteng upuan."Kapag sinabi kong puno na, ibig sabihin, puno na," sabay irap ni Nina at mariing isinara ang pinto ng sasakyan.Walang espasyo—hindi para sa upuan, kundi para sa pakikipagtalo.

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 94: Clash of Queens

    Napalingon si Fae at Lexa.Ang pumasok ay si Jane, kasabay si Nina, parehong nakataas ang kilay at kitang-kita ang malisyosong ngisi.Lumakad silang dalawa palapit, diretso sa tapat nina Fae at Lexa, habang nakasandal sa balikat ni Jane ang kanyang Gucci handbag, tila ba isang Queen Bee na handang manlamon ng karibal."Nakakatawa talaga. HR Director nga, pero ang asawa… driver?" mapanuyang bulong ni Jane, pero siniguradong maririnig ng lahat."Anong masama sa driver?" sabat ni Lexa, hindi nagpatumpik-tumpik. "Mas masahol pa nga 'yung mga nagmamagaling na mataas ang posisyon pero mababa ang pag-iisip."Napangisi si Jane. "Lexa, this doesn't concern you.""Excuse me? Concern ako kapag binabastos ang kaibigan ko.""Binabastos?" kunot-noong sambit ni Jane. "I'm just stating facts. You can wear all the branded clothes and sit on an executive chair but if your husband is a driver, that still makes you… how do I say this politely? Cheap."Napamura sa isip si Lexa. Tumayo ito at tumapat kay J

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 93: Coffee Break Confessions

    Everest Corporation – HR Department LobbyKatatapos lang ayusin ni Fae ang ilang ulat at dokumentong kailangang maipasa para sa linggo. Dahil wala na siyang urgent na trabaho, nagpasya muna siyang bumaba sa lobby ng HR para magpahinga.Nagtimpla siya ng kape, kinuha ang kanyang telepono, at naupo sa isang sulok malapit sa glass wall. Tulad ng nakasanayan, nag-scroll siya sa balita habang umiinom ng mainit na kape.Ngunit agad niyang napatigil ang pag-inom.Headline: "White Group of Companies, unti-unting nalulugi — White Cosmetics isa sa mga pinakamalaking apektado."Natulala si Fae. Napako ang tingin niya sa screen. Parang may humigop ng hangin sa dibdib niya.Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman.Malungkot ba siya? Masaya? Galit? Wala?Naghalo-halo ang emosyon. Alam niyang bahagi siya ng pamilyang iyon — ngunit hindi siya kailanman itinuring na tunay na bahagi nito."Napabuntong-hininga siya. Malalim. Matagal. Halos bitin."Karma na ba ito? O hustisya? O simpleng pagbagsak

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 92: Weight of Choices

    "B-bilhin mo ang White Cosmetics?" ulit ni Henry, hindi pa rin makapaniwala."Bakit?" tanong niya nang makahinga na.Tumayo si Richard at lumapit sa isang painting sa pader, tinitigan iyon habang nagsasalita."Simple lang." Aniya. "Nalaman ko na ang ina ni Fae ang nagtatag ng White Cosmetics. Dapat sana'y ipapamana ito sa anak niya." Humarap siya pabalik kay Henry, seryoso ang mukha."Ayoko lang na ang negosyong ito—na bunga ng pawis, talino, at pangarap ng nanay ni Fae—ay tuluyang bumagsak sa kamay ng mga hindi karapat-dapat."Napalunok si Henry. Napabuntong-hininga ito at bahagyang yumuko."Mukhang naimbestigahan mo nang mabuti si Fae," mahinang sambit niya.Hindi sumagot si Richard, ngunit ngumiti siya—isang kumpiyansang ngiti na lalong nagpapabigat sa presensya niya."Magkano ang handa mong bayaran?" tanong ni Henry, gusto pa rin niyang isipin na hawak niya pa rin ang huling baraha.Umupo muli si Richard sa sofa, kinuha ang tasa ng tsaa at saglit na humigop."Base sa current marke

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 91: The Fall of White

    BADUM!Parang may pumitik na mahigpit sa dibdib ni Henry. Natigilan. Parang may pumigil sa kanyang paghinga."Siguro naman," dagdag ni Richard, "pamilyar ka kung sino si Bernard Gold."Tila bumagal ang oras. Nagbago ang mukha ni Henry—mula sa matapang, naging maputla, at pinagpapawisan. Hindi siya makapaniwala."I-Impossible…" bulong niya, halos hindi makagalaw. Pero ang lahat ay nagkakabit—ang hitsura, kilos, pananalita. Ang bawat detalye ni Richard ay sumisigaw ng "elite.""M-Mr. G-Gold…" nauutal na sambit ni Henry."Paano?" halos pabulong. "Paano mo nakilala ang anak kong si Fae?"Ngumisi si Richard. Mabagal. Matipid. Puno ng lalim."Anak mo?" ulit niya, tila hindi makapaniwala. "Hindi ko maalala na tinuring mong anak si Fae matapos ang lahat ng nangyari sa nakaraan."Umayos siya ng upo, umliyad sa sofa, inirelax ang likod, pero nanatili ang bagsik sa mga mata.Napalunok si Henry. Dati'y matikas ang tindig, ngayon ay parang tutàng humarap sa leon. Nagbago ang kanyang disposisyon, b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status