로그인Nagkakaroon na ng insecurities si Sarina. Sana ay mapansin ni Maximus.
Paano kung may nabago na?Paano kung hindi na sila kasing bilis ng dati, kasing tibay, kasing handa sa biglaang panganib?Hindi sila superhero. Tao pa rin sila. Nasasaktan. Napapagod. Pwedeng magkamali.Si Kuya Lualhati naman ang kabaligtaran nila sa paraan ng pakikipaglaban. Hindi kamao ang sandata
Mitch“Ate Honey…” humihikbi kong tawag habang tuluyan na niya akong niyakap, parang hindi na niya hinintay pang tuluyang bumigay ako bago niya ako saluhin.Sa sandaling iyon, lahat ng pilit kong kinukubli—lahat ng takot, pangamba, at pagod ay parang sabay-sabay na bumuhos palabas.Dama ko ang marah
“Maupo ka muna, Mitch…” mahinang sabi ni Ate Honey habang marahan niya akong inaalalayan palapit sa sofa.Hindi ko na tinutulan. Para akong nawalan ng lakas bigla, kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong bumagsak sa upuan na katabi lang din naman ng crib. Magkatabi kaming naupo, pero ramdam kong pa
MitchNarinig ko pa lang ang boses niya, parang may kumalabit na agad sa dibdib ko.“Mitch!” bulalas ni Ate Honey nang makita niya ako matapos niyang buksan ang pintuan.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Halos tumakbo na ako papasok, dala-dala ang dalawang linggong bigat na parang nakapatong dire
Wala pa rin.Isang oras ang lumipas. Dalawa.At sa bawat minutong nadaragdag, mas bumibigat ang pakiramdam ko.Hindi ito selos. Hindi rin duda.Takot lang.Takot na may nangyaring masama sa taong mahal ko.At sa gitna ng katahimikan ng kwarto, isang bagay lang ang malinaw sa akin—Kahit gaano ako ka
MitchNaging successful ang shooting, iyon mismo ang unang sinabi ni Sir Sol makalipas lamang ang dalawang araw. Kita ko sa mukha niya na hindi iyon simpleng reassurance lang.Hindi siya yung taong basta nagbibigay ng papuri para lang gumaan ang pakiramdam mo. Kapag sinabi niyang maayos ang kinalaba
Honey“Dad, wala kang kasalanan sa nangyari,” mariin kong sabi kahit nanginginig ang boses ko. “Kahit ikaw, hindi mo inaasahan na magagawa ni Tita Marie ’yon.”Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy, pilit inaayos ang sarili ko.“Kahit sina Isaiah at Ezra… alam kong nasasaktan sila. Alam kong hind
ChandlerPagkatapos ng photoshoot, hindi pa tapos ang araw namin. May scheduled individual livestreaming ang bawat member ng ArmyGamers para i-maximize ang hype mula sa panalo at sa bagong promo shoot. Marketing strategy iyon ni Sol—capitalize habang mainit pa ang pangalan.Nasa 5th floor kami kung
Mukhang balak nilang kornerin ang sugatang lalaki na nasa lapag.Wala silang pakialam sa akin. Sa paningin nila, wala akong laban dahil wala akong malay, nakatali, walang kakayahang kumilos. Isa na lang akong bagay na pwede nilang balikan mamaya.Pero ang lalaking nasa sahig—Siya ang target ngayon.
ChantonOo nga.Bigla kong naalala ang nangyari sa nanay ni Honey at sa Daddy niya. Parang may piraso ng puzzle na biglang sumakto, kahit ayaw mong tanggapin ang buong larawan na nabubuo.“That man!” biglang bulalas ni Sen. Deguia, basag ang katahimikan.Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya,







