MasukMr. & Mrs. Lardizabal na sila. See you na sa honeymooon... hehehe
Paano kung may nabago na?Paano kung hindi na sila kasing bilis ng dati, kasing tibay, kasing handa sa biglaang panganib?Hindi sila superhero. Tao pa rin sila. Nasasaktan. Napapagod. Pwedeng magkamali.Si Kuya Lualhati naman ang kabaligtaran nila sa paraan ng pakikipaglaban. Hindi kamao ang sandata
Mitch“Ate Honey…” humihikbi kong tawag habang tuluyan na niya akong niyakap, parang hindi na niya hinintay pang tuluyang bumigay ako bago niya ako saluhin.Sa sandaling iyon, lahat ng pilit kong kinukubli—lahat ng takot, pangamba, at pagod ay parang sabay-sabay na bumuhos palabas.Dama ko ang marah
“Maupo ka muna, Mitch…” mahinang sabi ni Ate Honey habang marahan niya akong inaalalayan palapit sa sofa.Hindi ko na tinutulan. Para akong nawalan ng lakas bigla, kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong bumagsak sa upuan na katabi lang din naman ng crib. Magkatabi kaming naupo, pero ramdam kong pa
MitchNarinig ko pa lang ang boses niya, parang may kumalabit na agad sa dibdib ko.“Mitch!” bulalas ni Ate Honey nang makita niya ako matapos niyang buksan ang pintuan.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Halos tumakbo na ako papasok, dala-dala ang dalawang linggong bigat na parang nakapatong dire
Wala pa rin.Isang oras ang lumipas. Dalawa.At sa bawat minutong nadaragdag, mas bumibigat ang pakiramdam ko.Hindi ito selos. Hindi rin duda.Takot lang.Takot na may nangyaring masama sa taong mahal ko.At sa gitna ng katahimikan ng kwarto, isang bagay lang ang malinaw sa akin—Kahit gaano ako ka
MitchNaging successful ang shooting, iyon mismo ang unang sinabi ni Sir Sol makalipas lamang ang dalawang araw. Kita ko sa mukha niya na hindi iyon simpleng reassurance lang.Hindi siya yung taong basta nagbibigay ng papuri para lang gumaan ang pakiramdam mo. Kapag sinabi niyang maayos ang kinalaba
ChantonHindi ko na alam kung paano ko iko-compose ang sarili ko. Seeing how broken Honey is right now, parang gusto ko talagang pilipitin ang leeg ni Jacob hanggang sa magsisi siya kung bakit siya huminga sa mundo.Actually, nakita ko na siya bago pa siya makita nila Honey. Kanina pa ako nag-aalala
ChantonDalawang araw matapos ang pagka-sprain ng paa ni Honey, at ngayong napapansin kong halos balik na sa dati ang galaw niya. Wala na yung pilay, wala na yung pag-ngiwi sa bawat hakbang kaya nagdesisyon na akong kausapin siya tungkol sa plano ko. Hindi ko na pwedeng ipagpaliban pa. Habang tumata
ChantonNakatulog na lang si Honey sa pag-iyak, pero kahit na halos sumasakit na ang likod ko sa alanganing upo sa tabi niya, hindi ako umalis. I stayed. I freaking stayed. Ramdam ko ang bigat ng bawat hikbi niya kanina na parang may humihila sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko siyang unti-unting b
Honey “Baka gusto mo nang bumitaw sa akin.” Sa kaba at inis na hindi ko na maipaliwanag, bigla ko siyang naitulak. At dahil sa sobrang lakas ng tulak ko — at sa tigas ng dibdib niya na parang concrete wall — ako pa ngayon ang muntik na bumagsak. Napapikit ako, handa nang salubungin ang malamig na







