Beg me, Mr. President

Beg me, Mr. President

last updateLast Updated : 2026-07-24
By:  bashiranakaharaOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
16Chapters
257views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Buong akala ni Ethan, isa lamang siyang hampaslupang umaasa sa pamilya ng babaeng minahal niya. Sa loob ng tatlong taon, naging sunod-sunuran siya, handang tiisin ang lahat alang-alang sa pag-ibig. Ngunit sa huli, ipinagpalit siya sa iba ng nag-iisang babaeng minahal niya nang buong puso. Ngunit paano kung ang lalaking itinuring nilang palamunin ay siya palang bilyonaryong may-ari ng kumpanyang kinatatakutan at iginagalang ng lahat? "Noon, itinapon ninyo ako na parang basura. Ngayon, oras na para bumangon ako. At kapag nangyari iyon, hindi ninyo kailanman maaabot ang taas na mararating ko."

View More

Chapter 1

Chapter 1

Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel at marahang kumatok bitbit ang chicken pot na niorder ng customer. 

“Sir, narito na po ang order ninyo,” magalang na saad niya.

Agad na bumukas ang pinto. Subalit sa isang iglap, nanlaki ang mga mata ni Ethan at tila napako siya sa kanyang kinatatayuan. Tulala niyang tinitigan ang lalaki at babaeng nasa loob. Hindi niya kilala ang lalaking nagbukas ng pinto—ngunit ang babaeng kasama nito sa loob ng kwarto ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa, si Sapphire Luiz.

 Nalaglag ang bitbit niyang pagkain at gumulong ang nilalaman nito sa sahig. Sa sandaling iyon, pumasok din sa isip niya ang isang pagtataka. Ang Salvation Hotel ay isang sikat na five-star hotel; bihira, o halos hinding-hindi nag-oorder ng labas na takeout ang mga bisita rito. At kung mag-order man, hanggang lobby lang pinapayagan ihatid ang pagkain. Paano siya nakalagpas?

Nang makitang natapon ang pagkain sa sahig, uminit ang ulo ng lalaki. Dahil sa ingay, napalingon na rin si Sapphire mula sa loob ng kwarto at nakasuot ito ng bathrobe at basa ang buhok neto.

“Ethan?! Bakit ka nandito?” gulat na bulalas ng kanyang asawa.

Pinagmasdan ng lalaki si Ethan mula ulo hanggang paa na may halong pandidiri. Katamtaman ang tindig nito, may hitsura naman, ngunit ang suot na dilaw na uniporme ng delivery company ang naglantad ng estado nito sa buhay.

“Sapphire, delivery man pala ang asawa mo? Kung alam ko lang, sana ay nag-room service na lang ako rito at hindi na nagpa-deliver sa labas,” nakangising saad ng lalaki.

Walang bakas ng takot o hiya ang lalaki dahil alam niyang si Ethan ay ang walang kwentang son-in-law na nakikitira lamang sa pamilya Luiz—isang lalaking walang ambag, walang pera, at walang posisyon.

“Sapphire, ano ito?!” galit na confrontsyon ni Ethan, habang nakatitig nang mariin sa kanyang asawa. “Sa loob ng tatlong taon nating kasal, tatlong beses sa isang araw akong naghahanda ng pagkain para sa iyo at sa pamilya mo! Kung hindi man sapat ang pagsisikap ko, alam ng Diyos na naging tapat at mabuti ako sa iyo!” Sumikip ang dibdib ni Ethan sa matinding sakit.

 “Sa loob ng tatlong taon, kahit dulo ng daliri mo ay hindi mo ipinahawak sa akin! Akala ko ay isa kang babaeng may prinsipyo... pero ngayon, bakit mo ito ginagawa sa akin?!”

“Anong ginagawa ko? Ethan, wala kang karapatang magsalita ng kung ano-ano!” asik ni Sapphire, pilit na itinatago ang pagkahiya sa pamamagitan ng galit. “Sinasabi ko sa iyo, hindi mo ba siya kilala? Si Clarence ito, ang anak ng may-ari ng Espanto Family na isang sikat na investment company!”

Para kay Sapphire, ang isang delivery boy na katulad ni Ethan ang simbolo ng kawalan ng kakayahang umasenso sa mundo. Isang mababang trabaho lang ito para sa kanya. Ngunit sa mata ni Ethan, ito ay isang marangal na trabahong sumisimbolo sa kanyang sakripisyo at determinasyon para mabuhay.

“Hoy, ikaw!” sabat ni Clarence habang nakaturo kay Ethan. “Nasira ang chicken pot ko! Pwede kitang ireklamo sa kumpanya mo. Pero dahil asawa mo si Sapphire, palalagpasin ko ito basta’t lumuhod ka at humingi ng tawad sa akin. Pagkatapos, bibigyan kita ng five-star rating. Deal?” Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mukha ni Clarence.

Sa halip na humingi ng tawad, nagtagis ang mga bagang ni Ethan at itinaas ang kanyang kanang kamao upang turuan ng leksyon ang mayabang na lalaki. Ngunit bago pa man ito tumama, mabilis siyang hinila at pinigilan ni Sapphire.

“Tumigil ka na, Ethan! Sa tingin mo ba ang isang kagaya mo ay may karapatang mag-iskandalo sa loob ng isang five-star hotel? Lumayas ka rito ngayon din! Kung hindi, tatawag ako ng security para ipakaladkad ka palabas!”

Tinitigan siya ni Ethan ng ilang sandali, bago dahan-dahang ibinaba ang kanyang kamao. Malamig at seryoso ang kanyang mga mata.

“Alam mo, Sapphire... umaasa ako na darating ang araw na hindi mo ito pagsisihan.”

Tumalikod na si Ethan at naglakad palayo. Sinundan siya ng tingin ni Sapphire at sumigaw nang galit.

“Talaga? Pagsisihan ko? Oo! Matagal ko nang pinagsisisihan na nagkaroon ako ng walang kwentang asawang katulad mo!”

Ang malambing na boses ni Sapphire, na dati ay tila musika sa pandinig ni Ethan, ay umalingawngaw sa koridor ng hotel. Ngunit sa pagkakataong ito, bawat salita ay parang may lason na bumaon sa kanyang puso.

Paglabas ng hotel, sumakay si Ethan sa kanyang motorsiklo. Habang sinusuot ang helmet, biglang sumumpong ang pag-vibrate at pagtunog ng kanyang telepono.

“Hello, delivery po,” sagot ni Ethan gamit ang kanyang nakasanayan at propesyonal na boses.

Ngunit isang baritono at matandang tinig ang narinig niya sa kabilang linya.

“Third Young Master. Ang tatlong taon mong pagtitiis bilang isang nakikitirang son-in-law ng Pamilya Luiz ay opisyal nang natapos ngayong araw. Ang susunod mo namang misyon ay ang pamamahala sa negosyo. Binili na ng iyong Ama ang buong Espanto Group, at inaayos na ang lahat para ikaw ang maupong bagong Chairman ng kumpanya.”

“Naintindihan ko,” malamig at walang emosyong sagot ni Ethan.

Mula sa pagiging isang simpleng delivery man tungo sa pagiging Chairman ng isa sa pinakamalaking kumpanya—nanatiling kalmado si Ethan at walang bakas ng pagkagulat. Tapos na ang panahon ng kanyang pagtatago.

“Third Young Master Ethan, nais din sanang malaman ng iyong Ama kung kumusta ang pagsasama ninyo ni Miss Sapphire? Nais mo ba siyang isama at gawing bahagi ng pamilya natin, o hindi na?”

“Hindi,” maikli ngunit matigas na sagot ni Ethan. “Wala siyang karapatang matanggap ang lahat ng ito.”

Matapos ang maikling sagot, ibinaba na ni Ethan ang telepono. Pinihit niya ang silinyador ng kanyang motor at mabilis na humarurot palayo, iniwan ang nakaraan, patungo sa kanyang tunay na imperyo.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
16 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status