ALTHEA'S POINT OF VIEW Nakahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame, hawak-hawak ang cellphone ko na kanina pa umiilaw dahil sa mga notifications ng group chat namin. May party sina Lara sa bahay ng pinsan niya sa Quezon City. Birthday raw ng kuya niya pero open invite sa mga barkada. Safe naman, may mga tita't tito na nandoon, may security rin, at hindi naman ito 'yung tipo ng party na wild. Tawa lang, music, pizza, at konting games.Pero ako? Nasa bahay. Suot ang oversized shirt, may facial mask na nilagay ni Mama kanina, at may malaking bowl ng popcorn sa tabi ko na pinilit kong kainin kahit wala naman akong gana.Sa group chat, nagpadala ng picture si Janelle. Naka-crop top siya, red lipstick, at kasama si Lara na naka all-black. Pareho silang naka-smize, may party lights sa background, tapos may caption na, "Missing one queen. Where you at, Althea?"Napangiti ako ng konti pero kasabay non ang kirot. Kanina, halos isang oras akong nakipagdiskusyon kay Mama at Papa para lang m
ALTHEA'S POINT OF VIEW Simula nang makatanggap ako ng scholarship offer mula sa university sa Australia, ramdam ko na ang pagbabago sa paligid ko. Hindi lang sa mga kaibigan kong panay ang tanong kung aalis na ba talaga ako kundi sa mismong tahanan namin. Hindi ko agad pinansin, pero unti-unti, napansin ko ang unti-unting paghigpit nina Mama at Papa. Mula sa dati kong routine na malaya akong nakakauwi ng 7 PM dahil sa school projects at student council meetings, ngayon ay may curfew na ako na 6 PM dapat nasa bahay na. Hindi ko alam kung exaggerated lang ako o talagang may malaking pagbabago.Minsan, habang nag-aaral ako sa kwarto, pumasok si Mama na may hawak na plato ng prutas. Sa halip na tuwa ang maramdaman ko, agad akong kinabahan nang makita ko ang seryoso niyang mukha. “Anak, from now on, i-update mo kami palagi kung saan ka pupunta, kahit school-related. Hindi na puwedeng bigla ka na lang mag-e-extend sa school,” sabi niya habang inaayos ang kurtina sa gilid ng kwarto ko.Na
Althea's Point of View Simula pa lang ng araw na 'to, kabado na ako. Alam kong matagal ko nang pinaghirapan ‘tong sandaling ‘to araw ng recognition, at isa ako sa mga tatanggap ng “Academic Excellence Award” at “Leadership Distinction Medal.” Pero kahit ilang beses ko nang inisip kung paano ang takbo ng programa, hindi pa rin mapakali ang sikmura ko. Ramdam ko ang malamig na pawis sa likod ng leeg ko habang inaayos ko ang ribbon ng uniform ko sa harap ng salamin.Narinig ko ang mahinhing katok mula sa labas ng kwarto. "Anak, ready ka na ba?" boses ni Mama. Binuksan ko agad ang pinto at ngumiti kahit nanginginig ang mga kamay ko. Napatingin siya sa akin at halos mapaluha. "Ang ganda-ganda mo, Althea," sabi niya habang inaayos ang buhok ko. "Parang kahapon lang, pinapalitan pa kita ng diaper tapos ngayon, college-ready ka na."Napangiti ako. "Mama, wag kang iiyak ah. Di pa ako ikakasal," biro ko, pero ramdam kong kahit ako naiiyak na rin. Dumating si Papa sa likod niya, suot ang pabori
ALTHEA'S POINT OF VIEW Simula pa lang ng taon, ramdam ko na agad ang pressure. Hindi lang bilang top student kundi bilang anak nina Killian Alaric Dela Vega at Amara Ysabelle Santiago-Dela Vega. Sa bawat hakbang ko sa school, laging may tingin. Laging may expectations. Laging may pangalan akong kailangan panindigan. Pero hindi ko na iyon iniinda. Sanay na ako. Isa pa, mahal ko ang ginagawa ko. Gusto kong nag-aaral, gusto kong natututo, gusto kong pinagmamalaki ako ng mga magulang ko.Ngayong ako ang class president, doble ang responsibilidad. Lahat ng projects, lahat ng issues ng klase, sa’kin dumadaan. Pero kaya ko. Gabi-gabi akong nagre-review, maaga akong gumigising, halos wala na akong social life pero okay lang. Wala akong ibang gustong marinig kundi ang “I’m proud of you” mula kay Mama at Papa. Sapat na ’yon. Ika nga ni Mama, "Success is never accidental." At ako, wala akong balak bumagsak. Hindi lang sa academics kundi sa mata nila. Kaya sa lahat ng oras, lagi kong iniisip ang
ALTHEA'S POINT OF VIEW "Anak, saan ka pupunta?" tanong ni Mama habang pababa ako ng hagdan suot ang simpleng jeans at blouse. Bitbit ko ang tote bag ko at nakaponytail lang ang buhok."Library po, Ma. Group study kami nina Erika at Toni." Sinubukan kong maging casual ang boses ko, kahit medyo may kaba. Alam ko na ang susunod."Sinong Toni?" tanong niya kaagad. Napatingin siya mula sa laptop na hawak niya habang nagrereview ng schedule naming lahat. Oo, pati schedule ko siya ang may access."Classmate po. Mabait. Sa group namin sa Science." I tried to sound light, but I already saw the look on her face. Yung hindi naman galit, pero puno ng pagsusuri."Nagpaalam ka na ba kay Daddy?" tanong niya."Po? Ah, hindi pa po. Pero sandali lang naman po kami. Before dinner, andito na ako."Napabuntong-hininga siya. "Althea, hindi sa pinipigilan kita ha, pero kailangan nating iwasan ‘yung mga unnecessary lakad. You know how your schedule looks. Finals na."Napakagat ako ng labi. "Ma, hindi naman
Althea's Point of View "Althea Dela Vega."Narinig ko ang pangalan ko habang tinatawag sa stage para tanggapin ang certificate ko as Best in Math, Best in Science, at Most Outstanding Student for the third quarter. Umalingawngaw ang palakpakan sa buong auditorium habang paakyat ako sa entablado. Ilang beses na rin akong nakaakyat dito pero hindi pa rin ako nasasanay. May kakaibang kilig at kaba sa bawat pagbanggit ng pangalan ko.Habang inaabot ko ang certificate mula kay Principal Reyes, tumingin ako sa audience. Kita ko agad si Mama at Daddy nakatayo pareho, proud na proud na parang sila 'yung tumanggap ng awards. Si Mama, suot ang eleganteng beige dress, kumakaway at may halong luha sa mata. Si Daddy naman, naka-black button-up at naka-folded arms, pero may ngiti sa labi at halos mapunit ang mukha sa tuwa.Hindi ko maiwasang ngumiti. Ito ang mga sandaling alam kong hindi ko sila binigo. Lahat ng puyat, review sessions, leadership meetings, at extracurricular activities worth it. P