CHAPTER 4
NANG MALAMAN ko na sila ang mga Cordova—iyong apelyedo ng pinag-aapply-an ko ng trabaho, parang gusto kong magpalamon ng buhay sa lupa.Paano kung hindi nila ako tanggapin, di ba?Knowing na kung anu-anong pinagsasagot ko kanina nang tanungin ako ng lalaking nag-ngangalang Sage Trevour. Iyong lalaking walang emosyon at parang laging galit sa mundo. Sabi nga ni Tyron Ryven, allergic daw ito sa babae.Meron bang gano'n?Pero hindi ko na dapat isipin iyon, ang dapat kung intindihin ay ang pag-aapply ko. Sayang ang malaking sahod kung hindi ako makakapasa. Malaking tulong iyon sa aming magkakapatid."Ah, actually..." napapakamot ito sa ulo. "Wala pa iyong taong pagtatrabahuhan mo, mismo. Malaki ang galit niyon sa mundo kaya chill and relax ka lang muna, dear. We're just here to interview you and talk about the contract.""And speaking of the contract—pwede ba tapusin na natin ang usapang ito? May pasok pa ako." Iyamot na wika ni Mr. Sage saka muling naupo, but this time ay sa pang-isahang sofa na. Tapos ay may kung anong papel itong kinuha sa drawer.May pasok pa ito? Sa work o school?Gusto ko sanang itanong kung may eskwelahan pang nagsasagawa ng night classes ngayon, pero baka masinghalan na naman ako. Nakakatakot kaya itong mainis, parang mangangain ng buhay.Sumunod naman ako sa kanila at naupo rin sa upuang paharap sa dalawa. Naka-upo na ulit si Mr. Tyron sa kaninang kinauupuan nito, ni hindi ko manlang namalayan.Bakit parang ang bilis nilang kumilos?"So, as Tyron said a while ago, we're here to talk about the contract for the Young Master Travis Zaden Cordova's secretary. Kung makikita mo, may dalawang kontrata dito."Nilapag ni Mr. Sage ang sinasabi nitong papel sa center table at nilapit sa harapan ko."This one is for the corporate secretary position." Tinuro nito ang papel na nasa kanan ko. "Two hundred dollars for a month with health and insurance benefits. Five days in a week ka lang papasok dito sa Azula HR, may sarili kang office and 12-hours ang duty mo. Ikaw ang gagawa lahat ng naiwang trabaho ng dating secretary dito. Six-month contract lang ito and after six months ang Young Master ang magdidisesyon kung kukunin ka n'yang regular employee." Pagkatapos ay itinuro naman nito ang papel na nasa kaliwang bahagi. "This other contract is for personal secretary position. One hundred dollars per day with health and insurance benefits, groceries and one sack of rice for your family every week, with car incentives, meal incentives, and daily allowance. Bibigyan din ng libreng room accommodation and services ang pamilya mo dito sa Azula HR. Magiging personal secretary ka ng Young Master for a year—if makakatagal ka. This is for four-year contract. Kapag natagalan mo ang Young Master he'll decide if he will extend your contract. May mga araw na hindi pumupunta dito ang Young Master at may mga araw na naririto s'ya. So, if you gonna choose to be his personal secretary, hindi mo na kailangan pumasok pa araw-araw, pero may sahod ka."Napaawang ang bibig ko.Wow! As in wow!Ang laki ng pagkakaiba ng dalawang kontrata. Anong pipiliin ko? Kung corporate secretary, five days akong papasok ng 12-hours and if personal secretary naman, work from home ako."So...." Itinukod ni Mr. Sage ang dalawang braso sa mesa at dumukwang palapit sa akin. "What will you choose, then?"I gulp.Hindi dahil kinakabahan ako sa kung anong pipiliin ko, kundi dahil sa napaka-intense na titig ng lalaking nasa harapan ko.Geezzz...Alam kong nakakatakot talaga s'ya, pero mas nakakatakot pala ito kapag tumitig na sa'yo."Hey, 'couz! H'wag mo namang takutin si dollface."Napunta kay Mr. Tyron ang paningin ko. "Dollface?""What? Why? What's wrong with that? Just don't mind me and choose immediately. Baka kapag natagalan ka pa ay bigla ka na lang bumulagta d'yan. Nakakatakot ma-late ang isang Sage Trevour sa klase."So, may pasok nga ito?Bumalik kay Mr. Sage ang atensyon ko. "Ahmm... kapag po ba—""Can you please drop the po and that Mr. with my name?" May inis na putol nito sa sasabihin ko.Napataas ang isa kong kilay.Paano n'ya nalaman na may Mr. ang pangalan n'ya kapag binabanggit ko sa aking utak?"Paano n'yo po—I mean paano mo nasabing may Mr—""It's obvious, ofcourse. I can read you f*cking min—""Easy, easy, ladies and gentleman. May party pa akong pupuntahan kaya tapusin na natin 'to. Pwede?" Sumingit na si Mr. Tyron kaya naman napatigil na kami. "And oh, drop the Mr. alright?"Napatanga ako.Papaano nila nalalaman ang iniisip ko? May mind—ano bang tawag doon? Mind reading?Iyon nga! Shocks! Paano kung... kung may iba pa silang nabasa sa iniisip ko? Ahhh! Nevermind!"Don't worry, hindi namin ugaling alamin lahat ng iniisip mo. Sadyang bothered lang talaga ang pinsan ko sa word na Mr. Mukha ba kaming matanda sa lagay na ito?"Umiling naman ako."So, ano na?""Kapag ba pinili ko ang personal secretary paano ko magagawa ang trabaho ko kung hindi ako papasok at nasa bahay lang?""Ah, we forgot about that thing. Kapag personal secretary ang pinili mo, sa Mansion ka titira kasama ng Young Master at doon mo gagawin ang trabaho mo. Which is ang pagsilbihan at sundin lahat ng utos ng Boss mo, bilang secretary n'ya ofcourse.." Nangilabot ako sa huli nitong sinabi. Para bang mag ibang laman iyon.O baka ako lang?!"S-Sa Mansion titira? Kasama ng magiging Boss ko?""Kung... tatanggapin ka.""S-Sige po... iyon ang pipiliin ko."Wala namang kaso sa akin kung saan ako titira, basta ba may matutuluyan ako eh. Isa pa, trabaho lang naman ang ipupunta ko roon at hindi ang ibang bagay. Sobrang laking tulong talaga para sa aming tatlo ang benefits ng pagiging personal secretary ng Young Master.May sumilay na kakaibang ngiti sa labi ni Tyron. At kung hindi ako namalik-mata, bahagyang napangisi rin ang masungit na si Sage dahil sa sinagot ko.Kinabahan ako sa paraan ng kanilang pag-ngisi. Pero hindi ko na lang iyon pinansin, baka kasi kulang lang ako sa tulog kaya kung anu-anong nakikita ko.Pumalakpak si Tyron. "Perfect!" May inilabas itong ballpen mula sa bulsa saka inabot iyon sa akin. Kinuha naman nito ang isang kontrata na hindi ko pinili saka iyon pinunit."Sign this first then we'll done." Tukoy n'ya sa natitirang kontrata."Pero hindi ko pa alam kung tatanggapin ba ako ng Young Master o hindi.""It's okay! Akong bahala sa'yo. Nararamdaman kong matatanggap ka. I really smell something sweet... right here."Tumaas ang mga balahibo ko sa batok nang bigla na lamang itong lumapit sa likuran ng inuupuan ko at inilapit ang mukha sa may leeg ko.Sobrang bilis ng naging kilos nito kaya nagulat ako."Really... really... sweet..." mahinang bulong nito na nagpataas ng balahibo ko sa batok kaya agad akong napatayo.Nakakakilabot."TYRON RYVEN!!!" May pagbabanta sa boses ng pinsang si Sage. "Stop that and just go. Baka ikaw ang bumulagta d'yan maya-maya kapag hindi ka pa nagtigil.""Fine, fine, fine! I'm outta here." Sage uttered. Bumaling ito sa akin pagkatapos. "We'll see each other again, my sweet dollface." Then he winked at me again before leaving out the room.Bumalik ako sa pagkakaupo na may kaunting pag-aalinlangan.Na-trauma ata ako sa lalaking iyon. Bakit kasi bigla-bigla na lang lalapit tapos aamuyin pa ako? Nakakabigla kaya. May lahi ba s'yang aso?Nakita kong may hawak nang libro si Sage at nakasuot na rin ito ng salamin sa mata. Titig na titig ito sa librong binabasa."Ahmm.. may pasok ka pa 'di ba? Hindi ka pa ba aalis? Baka malate ka na at ako pa ang sisihin mo.""We'll wait for my cousin then aalis na rin ako." Sagot nito nang hindi inaalis ang tingin sa libro."Oh-kay?!"Cousin? Ah, siguro iyong isa pa nilang pinsan na nangangailangan ng secretary.Pinagsawa ko ang aking paningin sa kabuoan ng opisina nang may malalakas na ingay akong narinig mula sa labas ng kwarto.Kahit si Sage ay napatigil din sa pagbabasa at umangat ang paningin, patungo sa kinaroroonan ng pintuan."They're already here."Hindi ko inalis ang tingin sa may pintuan, hinihintay ang pagpasok ng mga taong nag-uusap—let me correct it—nagtatalo pala."HINDI KO KAILANGAN NG SECRETARY! Ilang beses ko bang sasabihin iyon Hanz? Hindi ko kailangan ng isa pang istorbo at sagabal sa trabaho ko. Kaya kong gawin ang mga ginagawa ng isang sekretarya, for goodness' sake.""Pero Travis... Alam kong kaya mong gawin ang mga iyon, pero kabawasan na rin iyon sa mga trabaho mo. Hindi ka habangbuhay na ganito na lang. You need to be happy and enjoy life, also. Hindi ka robot—""Ofcourse I'm not. At mas lalong hindi rin ako tao—What's that smell?"Tumigil ang mga papalapit na ingay sa labas. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Para bang may malamig na hanging dumaan sa likuran ko na hindi ko nakikita.Ano iyon?Simula nang tumungtong ako sa lugar na ito, kung anu-ano na ang napapansin at nararamdaman ko.Hindi kaya totoong naeengkanto ako?Pero may engkanto ba sa ganito kagandang lugar? Ang engot ko talaga. Siguro kulang lang talaga ako sa tulog. Kapag natanggap ako sa trabahong ito, siguro naman pagbibigyan nila ako na tumulog ng mahaba-habang oras, 'di ba?Wala naman sigurong overtime?Quota na talaga ako sa puyatan."May ibang TAO sa opisina ko? Nagpapasok ka ng ibang tao sa loob ng opisina ko? And what the hell? I can smell Sage inside.""Young Master—""Not now, Hanz! May ibang taong nakapasok, ah no, may ibang taong pinapasok sa opisina ko."Nakarinig kami ng mga mabibigat at nagmamadaling yabag mula sa labas.I heard Sage chuckled.Ah, what's funny?"You! You're funny."Nagulat ako nang sabihin iyon ni Sage. Nasa ibabaw na ng mesa ang suot nitong salamin kanina."Ah, pwede bang huwag mong basahin ang iniisip ko? At paano ka natutong ng mind reading?""None of your business! And if you don't want me to read what's on your mind, stop thinking anything."Napangiwi ako. Eh, pwede ba iyon?Nakarinig kami ng malakas at marahas na pagbukas ng pinto, kaya bumaling ang tingin ko roon.Pumasok ang isang lalaking matangkad, siguro mas mataas ng konti kay Sage. Kulay black na parang dark blue at may halong puti ang buhok nito. Bumagay iyon sa matapang nitong itsura. At katulad ng dalawa, sobrang puti rin nito at angat na angat ang kulay ng balat dahil sa suot na black long sleeve polo at itim na slacks na pinaresan ng itim na sapatos. Matikas ang tindig nito at nagsusumigaw ng kadominantihan.Pero ang umagaw ng atensyon ko ay ang kulay berde nitong mga mata.His flamming green orbs is intently staring back at me, questioning who I am."Who is she?"EPILOGUETRAVIS' P.O.VVAMPIRES?Vampires are the most dangerous and heartless creatures that fictional books and movies had. Para sa mga tao, vampires didn't exist in this world. Dahil sa mga kwento at palabas lang nabubuhay ang mga ito.Pero ang totoo, matagal na panahon nang may nabubuhay na bampira sa mundong kanilang ginagalawan. Nakakubli sa mata ng mga tao, nagbabalat-kayo.At isa ang pamilya namin sa mga bampirang nakikisalamuha sa mga tao.Our great great great grandfather teach us to live in this world like a real human. Natuto kaming hindi pumatay ng mga inosenteng tao upang punan ang aming uhaw sa dugo. Mula sa mga ligaw na hayop sa gubat ang dugo at karneng aming iniinom at kinakain. Ang alam ng maraming tao ay walang puso ang mga katulad namin, ngunit nagkakamali sila. Patay man kami kung titingnan, ngunit tumitibok pa rin ang puso namin. We're still know how to care about other people. We also use to save people who needed our help when it comes to danger.Sinanay kam
CHAPTER 60"MOMMY, where are we going po? Bakit po may mga dala tayong maleta? Aalis po ba tayo? Kasama po ba natin sina Tita at Tito?"Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Zion habang paulit-ulit na tinatanong iyon sa akin."Baby dadaan muna tayo sa doktor ni Mommy dahil may iko-consult lang po ako. Then after that pupunta tayo sa restaurant para magpaalam saglit kina Tita at Tito mo, okay po ba?"Kahit naguguluhan sa biglaan naming pag-alis ay tumango pa rin si Zion.Ilang saglit na lang ay malalaman mo na rin, baby."Saan po tayo pupunta, Mommy?""Sa lugar kung saan mo makikilala ang Daddy mo, baby."Ang sinabi ko'y naging dahilan upang manlaki ang mga mata ng aking anak. Bilog na bilog rin ang pagkakabuka ng bibig nito sa gulat."D-daddy po, Mommy ko? Makikilala ko na po ang Daddy ko?"Gusto kong maiyak sa mga sandaling ito.Pasensya ka na baby ah, ngayon lang naalala ni Mommy. Pero siaiguraduhin kong hindi na tayo malalayo pa sa Daddy mo, baby ko.Wala akong pake kung ipagtabuyan p
CHAPTER 59NAGISING si Arissa sa isang hindi pamilyar na lugar. Wala s'ya sa kwarto o sa kama, kundi nakahiga s'ya sa gitna ng isang malawak na damuhan. Dahan-dahang bumangon si Arissa at saka inilibot ang paningin sa paligid.Marami s'yang nakikitang malalaking punong kahoy sa paligid. Sana isang gubat s'ya kung ganoon. Ngunit anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon? At papaano s'ya napunta sa gubat?Maraming gubat sa San Roque. Pero iisang gubat lang ang alam n'yang may ganito kalaking espasyo. At iyon ay ang gubat sa kabilang bayan, ang San Isidro. Ilang beses na rin kasing nabalita sa radyo at television ang tungkol sa gubat. Maraming nagsasabi na kakaiba raw ang gubat na iyon kaysa sa mga normal na gubat sa San Roque. Ayon kasi sa ilang kabataan na nagtangkang pumasok sa gubat, tila nababalot daw ng kakaibang enerhiya ang lugar. Maraming nagtataasang puno sa paligid at malalagong damo. Ang mga baging na nakakabit sa bawat sanga ng mga punong kahoy ay nagbibigay ng mabigat na vibes
CHAPTER 58MAY PALUNDAG-LUNDAG pang nalalaman si baby Zion nang hawakan nito ang kamay ng ina, pagkababa nila ng sasakyan. "Mommy where we'll go first?""Saan ba gusto ng baby ko? Gusto mo bang kumain muna? Then after nating kumain mag-grocery na tayo?""Mommy gusto ko ng chicken po. Iyong may malaking bubuyog."Arissa laugh at what her son said.Napakainosente nito. Pero pagdating sa mga seryosong bagay ay aakalain mong mas matanda ito sa iyon."Ah, gusto mo ng chicken sa Jollibee?""Yes po, Mommy!""Okay! We will eat in Jollibee.""Yehey!"Tuwang tuwa si Zion. Ito pa nga ang naunang maglakad kaysa sa ina, na akala mo'y alam kung saan ba pupunta. Hila-hila ng tuwang tuwang bata ang kamay ng ina papunta sa fastfood chain na nais nitong kainan.May ilang naglalakad sa loob ng mall na napapatingin sa dalawa, especially kay Zion. Cute na cute kasi ito sa suot na long sleeve blue polo at black jeans, na pinaresan din ng itin na sneakers. Parang binatang binata na talaga ito kung pumustur
CHAPTER 57NAKATITIG lamang ako sa anak ko at hindi alam kung ano ba ang dapat na isagot sa tanong nito. At nang matauhan ay doon lang ako nakapag-isip ng sasabihin."Alam mo baby, pareho kayong pogi kaya napaghahalataang magkamukha kayo," nag-aalangang sagot ko."Ganoon po ba 'yon, Mommy?""Oo po baby. Tingnan mo kayo ng Tito Ranz mo, pareho kayong pogi kaya magkamukha kayo.""Hindi po ba dahil sa magkadugo kami ni Tito Ranz kaya kami magkamukha?"Natameme ako sa sinabi ng aking anak."Ah, ano kasi baby, syempre isa rin iyon sa rason. Pero hindi naman natin kilala 'yang nasa picture kaya bakit natin s'ya magiging kadugo 'di ba? Pareho lang talaga kayong pogi kaya nagkakahawig kayo.""So, pogi po si Mr. Cordova para sa'yo, Mommy?"Napakunot ang noo ko."Mr. Cordova?""Sikat po s'ya Mommy. Kilala po ang family nila dito sa atin. Hindi mo po alam?"Naningkit ang aking mga mata bago dahan-dahang umiling.Sobra ba akong busy sa work at wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari dito sa baya
CHAPTER 56MAKARAAN ANG TATLONG TAON...Sa tatlong taong lumipas, napakarami nang nagbago. Sa buhay naming magkakapatid hanggang sa sarili ko. Nakapagpatayo na kami ng maayos at malaking bahay, buo at tumatakbo na rin ng maayos ang negosyo ko na restaurant. Nakapagtapos na rin ako ng kolehiyo at ngayon naman ay ang dalawa ko namang kapatid ng ga-graduate ng college.Ngunit kahit na maganda na ang pamumuhay namin kaysa noon, pakiramdam ko'y may malaking kulang pa rin sa buhay ko. Sobrang daming tanong na hindi ko alam kung paano ko hahanapan ng kasagutan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sobrang dami kong tanong dahil wala akong matandaan sa mga nakalipas na taon. Basta ang natatandaan ko na lang ay umalis ako sa trabaho ko sa probinsya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Alam ko na maayos at maganda ang trabaho ko, dahil kung hindi, wala sana kaming malaking bahay at sariling negosyo ngayon. Nagising na lang ako na nakabalik na ako dito sa bahay nang walang kahit anong