LOGINAndrea's POV
Nagising ako sa lakas na pagkakalampang ng pinto sa labas ng aking kwarto. Rinig ko mula rito ang sigaw ng kapatid ko. Late kasi akong natulog dahil sa pagiisip kung saan ako kukuha ng pera para makapag-enroll ngayong sem na ito. Isang taon na lang, matatapos ko na ang pag-aaral ko. "Ate, gising na! Malate na ako," sigaw nito na ikinatigil ng pagiisip ko kaya dali-dali kong pinagbuksan ito. Kita ko na naiinis na ito kaya binilisan ko ang galaw ko. "Ate, ala sais na malalate na ako sa school, wala pang almusal at wala pa akong baon. Si lolo't lola maagang umalis, namasada na si lolo at si lola naman nasa palengke na. Bilin niya gisingin kita," mahabang sabi nito. "Oh! Sige na po, mahal kong prinsepe, maligo ka na at pupunta ako kila Aling Marites para umutang ng almusal natin at babaonin mo," pabirong sabi ko na ikinatango nito. "Ang cute talaga ng kapatid ko," pahabol kong sabi rito na ikinataas naman ng nguso nito. Nang matapos kong iprito ang itlog ay nakabihis na ito, kaya sinabayan ko na ito, at pagkatapos chineck ko ang bag at nilagay ang baon nito. "Tara na! Idadaan nalang din kita sa school mo dahil dederetso ako sa palengke para tumulong kay lola," wika ko. Habang naglalakad kami ng kapatid ko, nakita ko si Jandy, ang kaibigan kong bakla, na nakalingkis sa jowa nito ng tawagin ako. "Bes! Kamusta iyong pinagtatrabahoan mo? Ang balita ko nagsara daw?" Malanding sabi nito na ikinalungkot ko dahil totoo naman talagang nagsara na ito. "Uy! Bes, totoo yun, kaya nga ang laki ng problema ko kung saan ako kukuha ng pantustos sa pag-aaral ko," sabi ko na ikinataas ng kilay nito. "Ganito! May alam ako, kung gusto mo lang?" sabi nito at bumaling ng tingin sa kapatid ko. "Oh! Sige bes, mamaya nalang," wika ko rito dahil kita sa mukha ng kapatid ko na naiinis na ito. Pagkatapos kong idaan ang kapatid ko sa school niya dahil hindi naman kalayuan ito sa bahay namin, dumeretso na ako sa palengke para tulungan ang lola ko. Nasa bungad palang ako, sigaw na ng mga tao ang naririnig ko, ang mga pang-iinganyo sa mga paninda nito at ang siksikang maputik na daan na nilalakbay ko. Malayo palang, nakikita ko na sa dulo ang lola kong naghihiwa ng isda habang may kinakausap na customer, bakas ang pagod at puyat nito dahil laging maaga itong umaalis ng bahay. Matanda na ang lola ko pero kahit mabigat na trabaho ay kayang kaya pa rin nito, mula noong na ulila kami sa ama't ina ng kapatid ko natoto na akong dumeskarte dito, ang palengke ang humubog sa akin para mabuhay at makapagtapos mula elementary hanggang high school at kahit ngayong patapos na ako sa kolehiyo malaking parte pa rin ng palengking ito ang nakatulog sa akin, dahil 13 years old lang ako at sanggol palang ang kapatid ko nang mamatay ang mga magulang namin dahil na accidente ang mga ito,isang taxi driver ang tatay ko at sakay nito ang nanay ko, pauwi ang mga ito at sa kasamaang palad wala ni isa sa mga ito ang nakaligtas kaya kinuha kami ng lolo't lola ko at sila na ang tumayong magulang sa amin ng kapatid ko. "La, ako na jan," presentang sabi ko. "Oh!?? Bakit ka andito?? Akala ko ngayon ang punta mo sa university para mag-enroll? Wala ka bang pera?" Sunod-sunod na tanong nito. "La, wag munang isipin iyan sa next week pa naman ang pasukan, kaya kong hanapan iyan ng paraan, at la, ako na ang bahala sa sarili ko, malaki na po ako," paliwanag ko rito. "Anding apo, gusto kong makatapos kayo sa pag-aaral ng kapatid mo, diba? Isang taon na lang makakatapos ka na, kaya namin ng lolo mo igapang kayo upang makatapos lang, dahil iyan ang ipinangako ko sa mga magulang niyo noon, kaya sana wag mong balewalain apo," mangiyak-ngiyak na wika nito. Naiintindihan ko naman ang lola ko; malaki na ang sakripisyong pinagdaanan nito kaya pinapangako ko sa sarili kong magtatapos ako kahit anong mangyari. "Lola wag po kayong mag-aalala. Pangako gagawin ko ang lahat makatapos lang ako, okey?? Diba nga nakaya ko ang 1st year to 3rd year sa kolehiyo kaya walang rason na hindi ako makakapagtapos," sabi ko na ikinangiti nito. "Oh! Sya! Sige na po, wag na kayong mag-alala," sabi ko ulit dito at ipinagpatuloy na ang ginawa ko, kahit ang bigat sa dibdib ko ang lahat ng sinasabi ko, kung alam lang nito na wala na akong trabaho dahil nagsara ang restaurant na pinagtatrabahoan ko. Buong maghapon din kaming nagtindi ni lola, at awa ng diyos, malaki ang binayad ng may-ari ng isdaan sa amin dahil sa dami ng aming nabenta. Alas otso na ng gabi ng makauwi kami, habang papasok sa amin sa looban nakita ko ang aking kaibigan na si Jandy kaya pinauna ko na ng umuwi si lola dahil kailangan kong makausap si Jandy tungkol sa aming pinag-usapan kasi ayun rito, may alam daw itong trabaho kaya nilapitan ko ito. "Uy! Bes, tungkol don sa sinabi mong racket? Pwede ba ako don?" sabi ko. "Bes, sigurado kana ba talaga sa desisyon mo? sabi nito habang pinapasadahan ako ng tingin mula paa hanggang ulo. "Kailangan kong makahanap ng mapapasukan na trabaho dahil sa susunod na linggo na ang pasukan," sabi ko at lumapit naman ito. "Sigurado ka?? Sige, magkita tayo bukas ng gabi sa labas ng club na pinagtatrabahoan ko," bulong nito. "Sige ba? Kailangan niyo ba ng waiter don? Magaling ako, dahil sa restaurant ako nagtatrabaho dati, diba?" wika ko. "Gaga! Hindi! Diba? Gusto mong makatapos, diba? Sa tingin mo ba malaki ang pinapasahod sa mga waiter sa club namin? Syempre hindi!!!!" Malditang sabi nito na ikinalito ng utak ko. "Huh? Eh!! Ano?" Tanong ko "Bukas ng gabi may pa-game ang club namin; may mga mayayamang negosyo ang pupunta at pwedeng sumali ang lahat kahit tulad mo basta maganda pwede! At babayaran ka nila ng 180k once mapili ka at ang tanging gawin mo lang ay samahan ang lalaking pumili sayo," mahabang paliwanag nito. "Sasamahan lang ba? O may iba pa gagawin?" Tanong ko na ikinatahimik nito. "Sa pagkakaalam ko iyon ang rules pero kung may iba pang ipapagawa sayo ede magpadagdag ka," anito na ikinatulala ko. "Oh! Game? Isang beses mo lang gawin iyon at sakaling makuha mo ang 180k, oh diba? May panggasto kana para sa tuition f*e mo," sabi nito. Gusto kong magsalita pero ayaw lumabas ng boses ko, at the same time na-iinganyo ako sa halagang makukuha ko.Andrea's POV Dahan dahan na papalapit na hahawakan ni Ronron ang mukha ng lola niya. Napakainosente ng mukha ng anak ko. Ngumiti ito sa lola niya sabay haplos sa ang umiiyak na mukha nito. "Ba-bakit po kayo umiiyak??" Magalang na tanong nito. "No-no apo. Masaya lang ang grandma na makita ka" Umiiyak na sagot ng Lola nito matapos marinig ang tanong ng anak ko. Karga karga ito ni Tyron kaya dumako din ang paningin ko dito. Makikitang nagpipigil sa emosyon ang mukha nito habang nanonood din sa mag-Lola. "Ca-can I-" Hindi naituloy ni madam chairwoman ang sasabihin niya ng biglang ibinigay ni Tyron si Ronron dito. At sa moment na nasa bisig na nito si Ronron ay agad nitong niyakap ng mahigpit ang kanyang apo. Hamagulhul na umiiyak ito habang ang anak ko kaya tahimik lang hinahayaan niya ang Lola niya. "Shhh, tahan na po grandma. Sabi ni mommy nakakapangit daw po ang umiiyak" Biglang sabi ng anak ko sa gitna ng matinding pag iyak ng Lola niya. Hindi ko alam kung paano kung pipigil
Andrea's POV "Ronron anak?" Mahinang sambit ko at agad na nilapitan ito. Kinuha ko ito sa mga bisig ni Ate May at kinarga. "Diosko! Totoo ba ito??? Ka-kamukhang kamukha siya ni Tyron??" Nauutal na hindi makapaniwalang tanong ng mommy ni Tyron na naririnig ko. Nakita kong muntik na itong matumba at mabuti nalang nasalo ito ng kanyang dalawang assistant. "Mom? Sino po yan??" Rinig kong inosenting boses ng anak ko. Nakatingin ito sa lola niya tapos bumaling din kalaunan sa akin. Nakikita ko sa mga mata ng anak ko ang curiosity na malaman kung sino ito. Subalit hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya tiningnan ko si Tyron. Papunta ito sa gawi namin, imbes na lapitan nito ang kanyang ina na halos mahimatay na nasa sofa. "A-anak patawarin mo ko" Nauutal na umiiyak na wika ng mommy nito. Sabay kaming napalingon ni Tyron ng marinig ang boses ng mommy niya. Kasalukuyang nakaupo pa rin ito sa sofa at pinapaypayan ng mga assistant niya. "Hi-hindi ko alam anak. Pa-patawarin mo ko
Andrea's POV Kinakabahan na nakadungaw ako sa bintana habang hinihintay si Tyron. Hindi ko alam pero ang lakas ng kutob na pinuntahan nito si Layla dahil sa nangyari kanina. Gusto kong pigilan ito subalit ng makalabas ako mabilis namang nakaalis ang sasakyan nito. "God! Saan ka na ba Ty??" Nag aalalang bulong ko. Alas nuebe na ng gabi kaya labis labis na ang kaba ko. Hindi nito sinasagot ang lahat ng tawag at text ko dahilan para mas lalong magdadagan ang pag aalala ko. "Ma'am okay lang po kayo??" Boses ni Ate May ang naririnig ko. Agad na binalingan ko ito. "Tu-tulong na ba si Ronron ate??" Tanong ko. "Opo,kukuha lang ako ng tubig at babalik na din sa taas" Sagot nito sabay tango sa akin. Nang makaalis si Ate May sakto namang may narinig akong ugong ng sasakyan. Mabilis na lumabas ako ng bahay para tingnan ito. Lakad takbo ang ginawa ko para tuluyang makalabas sa Main door. Nang isang hakbang na lang makakalabas na ako, na natigil naman ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.
Tyron's POV "Iho! Anong nangyari??" Bungad na tanong ng daddy ni Layla. Kasalukuyang nasa loob na ako ng pamamahay nila habang pinipigilan ng ilang bodyguards upang hindi tuluyang makapasok. "Ilabas niyo po ang anak niyo!!" Malakas ang boses na sigaw ko. Nakita kong nagulat pa ang daddy nito pero kalaunan agad din namang nakabawi ito. Formal na tumindig ito sa harap ko at nagsalita. "Bakit? Ano bang nangyari para sumugod ka ng ganyan ka galit sa pamamahay ko??" May bahid din ng galit ang boses nito. "Hindi po kayo ang may atraso sa akin kundi ang anak niyo. Kaya mas mabuti pang ilabas na ninyo at iharap sa akin si Layla." Mahinahon na sagot ko. Kilala ko ang daddy ni Layla, may pa konsitedor ang ugali nito. "And why do I have to do that???" Sarkastikong tanong nito at tumawa. Matagal na magkaibigan ang mga pamilya namin kaya hindi na bago sa akin at ugaling ipinakita na ng daddy nito. "Okay! Kung hindi niyo ilalabas si Layla pakisabi nalang po na wag na wag niya ng g
Tyron's POV "What? Si Layla sumugod dito???" Malakas ang boses na tanong ko kay Ate Marie. Kakarating ko lang galing sa opisina at ito agad ang tagpo sa akin. Kita sa mukha ni ate Marie ang matinding pag aalala. "Yes, po sir. Tinatawagan nga po kita kaso hindi niyo naman sinasagot ang tawag ko" Sabi nito. Umosbong ang kaba sa dibdib ko at naalala ang mag ina ko. Pumasok agad sa isip ko si mommy. Hindi ko mapigilang isipin na baka sinugod din nito si Andrea. "Si mommy andito rin ba kanina??" Ulit na tanong ko kay ate Marie. Umiling iling ito bilang sagot kaya parang nakahinga ako ng maluwag at nabawasan ng konti ang kaba ko. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad ng pumasok sa loob ng bahay. Unang hinanap ng mga mata ko ang sina Andrea at Ronron. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Layla ang bagong biling bahay ko at sinadya talaga nitong pumunta rito na wala ako. "God! Sweetheart" Dali dali akong humakbang papunta sa gawi nito ng makita ko itong nakaupo sa living room.
Andrea's POV "Wow! Binahay ka na talaga??" Mataray na tanong nito sabay tingin sa akin mula paa hanggang ulo. Hindi ako na natatakot or even kinakabahan sa tingin nito. Instead na harapin ito iginala ko sa paligid ang mga mata ko. Mabilis na hinahanap ng mga mata ko ang mommy ni Tyron. Alam kong kapag andito si Layla ay andito rin ang chairwoman. "Don't worry, tita Anabel is not here! Ako lang pinapapunta niya para e check kung kamusta na ang malanding babae ng anak niya" Rinig kong pang iinsulto na sabi ni Layla. Na relieved ako ng marinig ang sinabi nito. Hindi pa ako handang harapin ang matandang yon kaya bumaling ulit ako ng tingin kay Layla. Kasalukuyang nakaupo na ito sa sofa at nakataas ang kilay pa ring nakatingin sa akin. Maganda sana ang babaeng ito subalit nawawala dahil natatabunan ng katarayan at kamaldithan ng pag-uugali nito. "Anong kailangan mo??" Formal na tanong ko at umupo din sa tapat na sofa nito. "Paano kung sabihin kong si Tyron ang kailangan ko? Kusan







