"Ano'ng ginagawa niyo?! Hindi niyo ako p'wedeng palayasin dito! This is our property!" Galit na sigaw ko habang pinipigilan ang mga taong nakasuot na itim na pilit na pumapasok sa aming bahay.
"Pagmamay-ari na ito ngayon ng mga Watson! Wala na kayong karapatan pang tumira pa rito!" Seryosong sabi ng abogadong kasama nila.
Naiiyak na umiling ako, "Hindi totoo 'yan! Sa mga magulang ko ang bahay na ito! Wala na sila! Ito nalang ang natitira kong ala-ala sa kanila, hindi niyo p'wede 'tong agawin sa akin!" Galit na sigaw pero parang wala silang narinig at diretso-diretsong pumasok sa aming mansion para ilabas at alisin ang mga gamit namin.
Tuluyan akong nanghina at napaupo sa sahig. Pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo.
Wala pang isang linggo simula nang mamatay si Dad pero sunod-sunod na ang dagok na kinahaharap ko, ni wala na akong oras para magdalamhati sa pagkawala niya.
Wala na si Dad. Wala na ang kompanya. Noong namatay si Dad, naglaho na parang bula ang stepmother ko at ang anak niyang si Aliyah dala ang lahat ng mga natitirang pera at ari-arian namin, walang naiwan at natira sa akin maliban sa mga utang ni Dad na ngayon ay kailangan kong pagbayaran. At mukhang pati ang tahanang pinaka pinahahalagahan ko ay mawawala na rin.
"Please, ito na lang ang natitira sa akin..." Umiiyak na pagmamakaawa ko sa lawyer na kaharap ko.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga saka umiling. Bakas sa mukha niyang naawa siya para sa akin pero wala siyang magagawa kung hindi ang sumunod sa amo niya, "Pasensya na, Ms. Vera. Inutusan lamang ako." Seryosong sabi niya.
"Sino ang nag-utos sayo?!" Galit na tanong ko.
"Si Mr. Kairon Watson." Maikling sagot niya.
Nanuyo ang lalamunan ko. Kilala ko siya. Siya lang naman ang lalaking kumuha ng kompanya na pinaghirapang itayo ng mga magulang ko. That guy...
Pinunasan ko ang mga luhang patuloy pa ring umaagos sa mga mata ko. Tumayo ako at mabilis na tumakbo patungo sa garahe kung nasaan ang sasakyan ko.
Pupuntahan ko siya, kailangan ko siyang makausap.
Hindi ako papayag na pati ang bahay na ito ay mapa sa kaniya.
Pagkapasok ko ng sasakyan ay mabilis ko itong pinaandar sa pinaka mabilis na takbo nito patungo sa kompanya ng Watson.
Alam kong nandoon siya dahil siya lang naman ang CEO ng kompanyang 'yon.
Makaraan ang dalawampong minuto ay nakarating ako sa kompanya nila, mabilis akong nagpark ng sasakyan at pumasok sa loob ng building.
Mabilis akong lumapit sa front desk.
"Good morning, Ms. Vera! May appointment po ba kayo kay Mr. Watson?" tanong ng Manager.
Ngumiti ako, "Yes, I need to talk to him. Where's his office?" Pormal na sabi ko. Mukhang baguhan palang ang manager na ito at hindi man lang niya dinouble check kung meron ba talaga akong appointment sa kaniya, basta niya na lang itinuro kung nasaan ang opisina ng boss nila.
Sumakay ako ng elevator patungo sa opisina ni Kairon Watson. At nang marating ko 'yon ay walang katok-katok na binuksan ko ang pintuan at pumasok do'n.
There he is.
Nanlamig ang buong katawan ko nang magtama ang mga mata namin. He's looking at me coldly with hint of amusement.
Napalunok ako, "Ikaw si Kairon Watson, hindi ba?" diretsong tanong ko.
He smirked.
Sa ngisi niyang iyon ay kinilabutan ako, parang tumindig ang mga balahibo ko sa buong katawan.
"What do you want?" Malamig na tanong niya at inayos ang suot niyang eyeglasses saka muli akong tinititigan. Napalunok ako.
"A-ang bahay namin, hindi mo p'wedeng kuhanin 'yon sa akin." Diretsong sabi ko.
Nanatiling seryoso ang ekspresyon niya, "Ang bahay na 'yon ay pinatalo ng ama mo sa sugal. Wala ka nang karapatan do'n." Malamig niyang sabi.
Umiling ko, "Babayaran ko na lang ang utang ni Dad! Huwag mo lang kunin a akin ang mansion!—"
Natigilan ako ng marinig ang halakhak niya. Fuck him! Is he insulting me?
"Alam mo ba kung magkano ang utang ng ama mo? Limang bilyon." Seryosong sabi niya.
Tama ba ang narinig ko? 5 Billions? The fuck, Dad!
"I-I'll p-pay you... J-just give me time.." Nauutal na sabi ko.
Damn, saan ako kukuha ng gano'n kalaking halagga?! Kahit magtrabaho ako ng sampung taon, hindi ko mababayaran ng buo 'yon!
"Okay, I'll give you 10 months." He coldly said.
"10 months?!" gulat na sigaw ko.
Sa sampung taon nga hindi ko kaya, sampung buwan pa kaya?!
"Why?" Seryosong tanong niya habang walang ekspresyon ang mukha.
Napalunok ako sa sarili kong laway, "H-hindi ko kayang bayaran ka sa gano'n kaikling panahon." Tapat na sabi ko.
He's face change. He looked at me intently na para bang ineexamine niya ang buong pagmumukha ko.
Ilang sandali bago ulit siya nagsalita.
"I have an offer for you." He coldly said.
"Ano 'yon?" Mabilis na tanong ko.
"I need a surrogate mother to bear my heir. Kung papayag ka, bayad na lahat ng utang ng ama mo." Seryosong sabi niya.
Ano? Surrogate mother? Gosh! Tatanggapin ko ba?
Mas mabuti na siguro ito!
Siyam na buwan ko lang naman ipagbubuntis 'yon at malaya na ako. Mas madali 'yon kesa ang magtrabaho o mawala sa akin ang mansion na pinakaiingatan ko.
"Sige, pumapayag ako." sabi ko.
Seryosong tumango siya saka kinuha ang isang papeles sa mesa niya at iniabot sa akin.
"Ano 'yan?" Tanong ko.
"This is our contract, sign this." Malamig na sabi niya.
Kumunot ang noo ko, naglakad ako papalapit sa mesa niya at kinuha ang contract paper.
"Kailangan mong mabuntis sa loob ng isang buwan. At simula ngayon sa akin ka na titira hanggang sa manganak ka." Diretsong sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"What do you mean sayo ako titira? Wala ka bang asawa?" Takang tanong ko.
"I have a fiancee, she's in Paris. Napag-usapan na namin ito bago siya pumunta sa ibang bansa. Bago siya bumalik, kailangang nakabuo na tayong dalawa para maikasal na kami." Seryosong sabi niya.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.
Bakit hindi nalang sila mag-anak at kailangan pa nila ng surrogate?
"We can't get married without an heir. She can't get pregnant so we need a surrogate mother and that's you." He said coldly.
Ahtisa's POV Nagising ako nang maramdaman ang malamig na bagay na dumampi sa aking tiyan. Habang naalimpungatan ako ay biglang pumasok sa aking ala-ala ang mga nangyari bago nagdilim ang paningin ko dahil dito ay mabilis akong napabalikwas.Nang buksan ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang isang babaeng nakasuot ng puting uniporme kaya agad kong napagtanto na isa siyang nurse. Nasa hospital ako. Agad kong hinawakan ang braso nang nurse dahil mukhang hindi napansing gising na ako dahil sobrang nakafocus siyawl sa kaniyang ginagawa na paglalagay ng gel sa aking tiyan habang kung ano'ng equipment siyang hawak."My baby.." nanghihinang sabi ko. Gusto kong bumangon ngunit nanghihina ako.Mabilis akong nilingon ng nurse. "Ma'am, nasa hospital po kayo. Stable na po kayo at si baby, kailangan niya lang po munang magpahinga." Nakangiting paliwanag niya sa mahinahong boses na bahagyang nagpakalma sa akin.My baby...Muntik ko na naman siyang maipahamak.Ahtisa, ano'ng klaseng ina ka ba?
I swallowed hard.Dahan-dahan akong pumihit paikot para harapin si Kairon, at halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ang malamig niyang ekspresyon.Mabilis na dumapo ang kaniyang tingin sa aking buhok na sigurado ako ngayong parang pugad na ng ibon sa gulo dahil sa pagkaladkad sa akin ni Amanda, kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga sa nagngitngit na nagalit nang ilipat niya ang kaniyang tingin sa aking mga braso na namumula na ngayon at puno na nang kalmot dahil sa pagsugod sa akin kanina ni Aliyah.Humakbang siya papalapit sa akin at kinuha ang braso ko.Sobrang bilis ng tibok ng puso ko! The storm in his eyes looks so frightening. I can tell he's really furious. "Who did this to you?" Malamig niyang tanong sa nakakatakot na boses.I can feel the dryness on my throat. Kahit ako ang biktima, kinakabahan ako!"T-they attacked me..." Nauutal na sabi ko at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang laylayan ng polo niya at hinarap ang mag-inang parang nakakita nang multo
Ahtisa's POV"Bitch, wala akong inaagaw sayo!" Galit na sigaw ko at mas hinila ang buhok niya sa gigil."Mamatay ka na lang! Sa akin dapat lahat ng sayo! Ang damot mo!" Bruhang sigaw niya."Ako pa talaga ang madamot? You, freak! Let me go!" Sigaw ko dahil parang mapupunit na ang anit ko sa lakas ng pagsabunot niya."Tama lang 'yan sayo, matuto kang lumagay babae ka. Ngayong wala na ang daddy mo, ako ang masusunod sa bahay na 'to." Mariing wika ni Amanda habang nakangising pinapanood kaming magsabunutan ng anak niya."Bruha ka talaga! Sa tingin mo susundin kita? You're not even my mother!" Anas ko na nagpabago ng kaniyang ekspresyon."Ah, talaga?!" Hinigit niya ang buhok ko sa pagkakasabunot ni Aliyah kaya napahiyaw ako sa sakit, napangisi si Aliyah at binitawan ako para ipasa sa kaniyang ina. Halos maiyak na ako."Sobrang tapang mo na ngayon dahil sa Kairon na 'yon? Eh, sigurado akong nilandi at pinikot mo lang naman siya dahil sa kakatihan mo, hindi ba?" bulong niya sa tenga ko sa ak
Nagising akong wala na si Kairon sa tabi ko kaya kahit tinatamad akong bumangon ay tumayo pa rin ako para hanapin siya.Napanguso ako nang makita kong nakasuot na ako ng damit. Natatandaan ko ang damit na ito, this is my clothes I left here.Pagkatapos namin kanina ay nakatulog kaagad ako. Siya siguro ang nagbihis sa akin..."Gosh, Ahtisa! Sino pa ba?" Napairap ako sa aking sarili.Pagtayo ko ay lumabas kaagad ako ng kwarto para hanapin si Kairon, bumaba ako ng hagdanan at hinanap siya sa living room pero hindi siya ang nadatnan ko roon, instead I saw my step-sister and her witch mother darkly looking at me.Tumayo si Aliyah at galit ang mga matang sinalubong ako, "What did you do?" Tanong niya, kahit na kalmado ang boses niya, dinig na dinig ko ang galit dito."What?" Walang ganang tanong ko."How did you know him? You know that I like him ever since Ahtisa! Hindi mo ba alam ang sister's code!" Nagngitngit niyang tanong na ikinataas ng kilay kaya.Sister's code? Saan niya nakuha 'yon
"Damn, Alvarez fucking warned me about this." Bulong niya pero hindi ko 'yon maayos na narinig.I gritted my teeth, "Anong binubulong-bulong mo d'yan? Umalis ka na! Alis!" Iritang sabi ko at muling tinulak siya palabas ng pintuan pero masyado siyang malaki at mabigat para magpadala sa tulak ko. "Sabi nang umalis ka na nga—" Nanlaki ang mga mata ko ng siilin niya ako ng halik bago ko pa matapos ang sasabihin ko.He aggressively showered me with kisses. Napapikit ako nang mas lumalim pa ang halik niya. Imbes na itulak ko siya gaya nang sinasabi ng utak ko, hindi ko magawa. Ginantihan ko ang mga halik niya hanggang sa unti-unting naging mapupusok ang mga ito. Fuck, Ahtisa! Ang bilis mong bumigay!Nilagay ko ang mga kamay ko sa batok niya para mas maabot siya."Ugh... Hmm... Kairon..." Halinghing ko ng maramdaman ang kamay niyang naglalakbay sa aking katawan habang nilulunod niya ako sa kaniyang mga halik.Nang buksan ko ang mga mata ko, sinalubong ako ng mga mata niyang puno ng lust an
Pagkapasok namin ng mansion, aakyat na sana ako ng hagdanan pero natigilan ako ng kausapin ni Kairon ang isa sa kasambahay. Hindi rin siya pamilyar sa akin kaya kumunot ang aking noo.Naglakad ako papunta sa direksyon nila, "What's going on?" Tanong ko kay Kairon.Umalis ang kasambahay sa harapan namin at lumipat sa akin ang tingin ni Kairon. Tumaas ang kilay ko."I hired your personal maids." Seryosong sabi ni Kairon.Personal maids?!Bago pa ako makapagsalita ay pumasok sa pintuan ng mansion ang stepmother ko at ang ingrata niyang anak kaya napasulyap ako sa kanila. Masama ang kanilang mga tingin sa akin pero hindi ko sila pinansin."Sir, ma'am..." Napalingon ako paharap ng bumalik ang kasambahay na kausap kanina ni Kairon, sa likuran niya ay ang iba pang mga kasambahay na nakasuot ng uniporme.Halos malaglag ang panga ko sa dami nila. Gosh! Hindi naman ganito karami ang kasambahay namin noon! At hindi rin sila nakasuot ng unipormeng pangkasambahay pero itong mga kinuha ni Kairon?