Share

Chapter 02

Inilapag ni Sage ang bote ng vodka sa mesa, pang pregame lang naman iyon habang nag-aayos kami, we're going bar-hopping tonight. Something like a tradition that we developed after we graduated from college, once a week, it could be friday nights or saturday nights, we get wasted. Iyon lang naman kasi ang mga araw na makakatakas kami mula sa respinsibilidad na dala ng pagiging adult.

Goodness, I freaking hate adulting.

"O ba't isa lang 'yan?" napatingin kaming dalawa kay Zach na kakarating lamang, kasunod nitong pumasok si Hya na agad tumakbo papunta sa amin ni Sage at yumakap.

"Ah damn it, I had such a long week," she groaned amd laid down on the couch, getting her head comfortable on Sage's lap. Nakaupo si Sage sa isang gilid ng couch, nakaupo naman ako sa harap niya dahil nagpapatali ako ng buhok.

"Pregame lang 'yan tangek," wika ni Sage at tinaniman ng halik ang noo ni Hya, ngumiti naman ito sa ginawa ng kaibigan namin.

"Bar hopping na nga pala tayo," pagsasalita ni Hya, salitan din kasi ang mga pinanggagagawa namin, minsan bar hoping, minsan inuman lang sa bahay o condo ng kahit na sino sa amin. 

"Akala ko pa naman humina na tayo," Zach chuckled and sat beside me on the floor.

Salitan lang kaming apat sa pag-inom mula sa bote habang nag-uusap tungkol sa mga buhay namin at kung anu-anong nangyari sa buong linggong lumipas. 

Panay ang parereklamo ni Hya tungkol sa bagong artista na mina-manage ng ate niya, doon kasi sa condo nito pinatira ang aktres dahil malayo ang bahay nito sa set ng movie na shino-shoot nila, at walking distance lang iyon mula sa condo ni Hya. 

Hindi raw sila magkasundo, polar opposites ika nga. Hya is sweet and mellow, parang rakista naman daw ang datingan noong aktres. At dahil hindi naman ako palanood ng tv o tagasubaybay ng mga tao sa showbiz, hindi ko pa kilala masyado ang tinutukoy niya.

Nang maubos ang Black Label ay sumakay kami sa sasakyan ni Sage at dumiretso na sa unang bar.

"Pota, ang wild talaga ng mga tao rito," pagrereklamo ni Zach matapos itaboy ang babaeng yumakap sa kaniya pagkapasok namin sa bar, tiningnan ko ang relo, alas nuebe pa lang naman, marami nang lasing dito.

Agad kaming naupo when we managed to find an empty table, si Zach ang pumunta sa counter para bumili ng alak at pulutan, si Sage naman ay may kinikindatan nang lalaki sa kabilang table.

"Gaga, malay mo girlfriend niya 'yang katabi niya," wika ni Hya at tinakpan ang mata ni Sage at hinarap ang mukha nito sa direksiyon namin. Agad naman iyong inalis ng huli.

"Hya, para namang hindi tropa, mukha ba silang magjowa?" yamot na tanong ni Sage. "Tingnan mo 'o, 'yong boylet mukhang hulog ng langit 'yong babae naman, mukhang tinaboy ng langit," dagdag niya pa at napahagikhik sa sariling sinabi, hinampas niya pa ng ilang beses si Hya na katabi niya.

Kaya ayaw kong tumatabi sa kaniya eh, kapag tumatawa, nanghahampas, kapag kinikilig nanghahampas, kapag galit, nanghahampas, kawawa palagi ang katabi niya.

Maya maya pa ay dumating na si Zach, dala dala ang dalawang bote ng Black Label at isang bote ng tequila, may dalawang waiter na nakasunod sa kaniya na may mga dalang tray, na panigurado ay may lamang pulutan.

We just casually drank there hanggang sa maubos ang isang Black Label, tumayo si Zach at Sage dala dala ang bote ng tequila papunta sa dance floor para sumayaw at magpa-chug sa mga tao roon. 

Kami naman ni Hya ay naiwan kasama ang isa pang bote ng Black Label, mas marami ngang naiinom si Hya eh, puro lang naman ako pulutan kanina pa, ang sarap naman kasi ng chicken wings dito.

"Naiihi ako!" maya maya ay sigaw ni Hya.

"Samahan na kita?" tanong ko.

"Hindi na! Baka maagaw 'yong table natin!" sigaw niya ulit saka tinungga muna ang nasa shotglass niya bago tuluyang tumayo at pumunta sa banyo. Itinaas pa nito ang dalawang kamay at nakisayaw sa mga tao sa dance floor nang dumaan ito roon. 

Nanatili lang ako roon at nang hindi na nakabalik si Hya ay inubos ko na lamang ang naiwan sa bote ng alak, kaunti na lang din naman dahil nga puro inom naman si Hya kanina, nang maubos ay kinuha ko na ang mga bag ng lahat at siniguradong wala nang naiwan doon maliban sa kalat at pumunta sa dance floor at pilit silang hinanap sa mga lasing na nagsasayawan.

Nakita ko pang may nakalingkis nang babae sa leeg ni Zach, si Sage naman ay kahawak kamay na si Hya at talon ng talon sa music kahit pa na pangslow dancing iyon.

"Lipat na tayo!" sigaw ko sa kanila at isa isang binigay ang mga bag nila.

Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na rin sila sa'kin, ako na ang nagdrive papunta sa susunod na bar dahil nawawala na yata sa wisyo si Sage na siyang driver kanina.

Higit na mas malaki ang bar na ito kumpara sa kanina, mas marami ring tao, dumiretso kaagad si Sage at Hya sa dance floor dahil paborito raw nilang kanta ang kasalukuyang nakaplay, kami naman ni Zach ay bumili na lang ng mga alak at naghanap ng table. 

Mas maraming alak na binili si Zach sa bar na iyon, pero ako na ang nagbayad sa chips na kasama. Sumunod sa amin ang dalawa nang matapos ang kantang sinayawan nila.

Mabilis ang naging sirkulasyon ng alak, dahilan para mabilis ding maubos ang apat na bote ng alak na binili ni Zach, dinala namin ang dalawang tequila sa dance floor, si Sage ang may hawak ng isa, ako naman sa isa, we made people and ourselves chug whenever we can, mas bet ko nga ang atmosphere sa bar na iyon, kung hindi lang nagsisimula nang umikot ang paningin ko.

"Follow mo 'ko sa i* sis," sabi ko sa babaeng kanina ko pa katabi at kausap, I don't even know what we're talking about, something about the music that's playing? Basta ay ipinakilala niya sa akin ang kumanta noon. Inilabas naman niya ang cellphone at binuksan ang i* niya saka ibini*ay sa akin, pagkatapos kong i-follow ang sarili ko ay kinuha ko rin ang phone ko at finollow siya, give and take lang.

Nag-usap pa kami ng babae na ang pangalan ay Jessica habang sumasayaw roon hanggang sa lumipat na kami sa isa pang bar, malapit lang din so we just walked towards it. 

"Superman! Let's go inside!" dinig kong wika ng lalaking nasa labas ng pintuan ng nasabing bar, nakatingin ito sa kaibigan na may tinutulungang mga lasing na babae, the girls look like they're young, college siguro, ganiyan din naman kami dati nang college pa kami. Pero sana they thought about how they were gonna get home, delikado pa naman ngayon.

"Pasakayin ko lang ng taxi, p're!" sigaw pabalik ng lalaki, oh, I now get why his friend called him "superman". I didn't even know that men like that still exists, does he have a girlfriend already? Mukhang hindi naman nalalayo ang mga edad namin.

I was about to approach him when Jessica suddenly pulled me with her to go inside, nilagpasan namin iyong lalaking naghihintay sa kaibigan niya sa may pintuan at pumasok na sa loob. 

Namangha ako sa nakita, compared to the last two bars, mas organized dito, hindi ganoon kalakas ang music, so people can still talk amongst themselves, the lights don't just flutter aimlessly, at maayos din ang pagkaka-set ng mga tables at upuan. I've never been here before, is this place new around here?

Dumiretso kami ni Jessica sa counter, napangiwi pa ako sa uri ng alak na inorder niya, I don't like that particular brand, after I voiced this out to her, she changed her order. Nagpaalam na muna ako na hahanapin na muna ang cr, kanina pa kasi ako pinagpapawisan, baka hindi na maipinta ang itsura ko.

Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil may neon naman na sticker sa pinto ng cr, dahilan para mabilis itong makita, hm, ano nga pangalan ng bar na 'to? 100% recommended, five stars agad.

Nang makapasok sa loob ay naglakad ako papalapit sa salamin at pinagmasdan ang mukha ko, hindi pa naman ako mukhang coloring book ng kinder, medyo magulo lang ang buhok ko, and I need to retouch my lipstick. 

Inayos ko muna ang buhok ko, and went to find my lipstick, ang alam ko ay may nadala ako. Itinaas ko pa iyon nang makita ko na, wari ba ay may ibang audience pa akong pinapakitaan niyon.

Pilit kong inalis ang hilo sa sistema ko habang naglalagay, baka kasi mamaya pala ay mukha ko na ang nalalagyan ko.

Habang inaayos ang lipstick ay may babaeng lumabas mula sa isang cubicle at naghugas ng kamay sa tabi ko. 

Muntik ko pang mabitawan ang lipstick nang bigla siyang sumigaw.

"Ano? Bakit? May multo ba?" tanong ko at inilibot ang paningin, wala naman akong makita.

"No," sagot ng babae. "But, oh my gosh, I know you!" tila ba manghang mangha na aniya. Did she mistake me for someone else? Mukha lang akong artista pero hindi ako artista.

"Hi," awkward na sagot ko, ano ba dapat ang sagot ro'n? "How?" tanong ko ulit.

"You're Duchess aren't you? You're the one who slaughtered my boyfriend during an underground race! How can I possibly forget you?" Tuwang tuwang wika ng babae. "By the way, I'm Val," pagpapakilala niya.

"Enna," I smiled, giving her my nickname instead.

Duchess, I have almost forgotten about that name, it had been so long. Hindi na ako nakapag-race pa ulit after that accident, therefore I have not used that name in so long.

"We're all still waiting for your comeback," she smiled genuinely. Napailing na lamang ako.

"Tapos na 'ko roon, sabihin mo na lang sa boyfriend mo, galingan niya pa lalo," I told her and smiled.

"You can tell him yourself! Nasa labas sila with our friends, come on, I'll introduce you!" She tugged my arm, pulling me to go with her.

Pero kakalabas pa lamang namin ng banyo ay may lalaki nang naghihintay roon, at dahil nga attractive yata ako para sa kamalasan, anak nina Mr. and Mrs. Valencia ang naroroon, ano nga ba ang pangalan niya?

"Babe!" masayang wika ni Val at yumakap doon sa lalaki. "Look who I met, Duchess!" she squealed.

Dumako naman sa akin ang mga mata niya at pinasadahan pa ako ng tingin. Tinaasan ko naman siya ng kilay, challenging him to try and say something.

"Duchess, this is my boyfriend, Neo," pagpapakilala ni Val, hm, so his name's Neo huh.

"Wait!" pagpigil ko sa kanila nang akmang tatawagin ni Val ang iba pa nilang mga kaibigan. "Can we - uh - maybe keep this - this - thing just between us? I don't fancy people knowing that piece of information about me," pagpapaliwanag ko.

"Sure, I can keep a secret," Val smiled. "Actually, this makes me feel so cool, and special," she giggled to herself.

"You are special," sabat naman ni Neo. Umarte akong nasusuka, alam kong nakita ako ni Val pero buti na lang at nakatalikod sa akin si Neo.

"Wait, do you guys know each other?" tanong niya habang nakaturo sa aming dalawa.

"Our parents are business partners, we only met once, except the part where I absolutely slaughtered him on the racetrack," I smirked.

"Sinwerte ka lang," Neo said in a snobby tone.

"Or, ikaw ang minalas?" I teased, natawa naman kami ni Val nang agad na magtagpo ang mga kilay niya, mang-aasar eh pikon naman pala.

"Hey, hey, hey, who's the lady?" napatingin ako sa lalaking biglang umakbay kay Val, may kasunod din itong isa pang lalaki at isang babae, their friends I presume. "Hi, Luca, babe for short," wika nito at kumindat pa sa akin. 

"No thank you," nakangiti kong wika sa kaniya. Humagalpak naman ng tawa ang dalawa na nasa likod niya. "But you can call me Enna," I said sweetly.

"Serves you right, bitch," tumatawa pa ring wika ng babaeng kasama niya. "Hi girl, I'm Kelsey, and that's Johan, we're their friends," patungkol pa ni Kelsey kina Val.

"Great to meet you," wika ko at agad na napakapit sa counter nang bigla akong nahilo, goodness, lasing na talaga yata ako, marami na rin akong nainom.

"Kaya mo pa?" tanong ni Kelsey.

"Sorry, have we met?" nakangising sagot ko at umorder ng alak saka kami pumunta sa dance floor, tumatawang nakasunod sa akin sina Kelsey at Val, I might have just found new friends, Kelsey and Val are cool. Speaking of, nasaan na ba ang mga kaibigan ko? Kinalimutan na yata ako ng mga lapastangan ah.

We danced the night away, and time sure does fly when you're having fun, because before I knew it, it was already one in the morning, at nag-aaya na silang umuwi.

"Wait, how about you, babe?" tanong ni Kelsey at umakbay sa akin, putting all her weight on me, I had to hold onto Luca to not fall over.

"What?" tanong ko. Hindi na rin matino ang pag-iisip ko, and the mixed smell of the liquor, smoke, and sweat is making me want to throw up.

"Who are you with? Paano ka - paano ka uuwi?" paglilinaw niya ng tanong.

"Oh," iyon na kang ang tanging nasabi ko. Inilibot ko ang paningin ko sa parking lot, damn it, I don't see my friend's car anywhere, gosh I must have lost them somewhere. "I'm with my friends, but they're not here, wait," sabi ko at tinulak muna si Kelsey, nasalo naman siya ni Johan. "Where in the world is my phone?" tanong ko habang patuloy na hinahalungkat ang bag ko, maliit lang naman iyon, pero pesteng cellphone ayaw pang magpakita.

Nang makuha ko na ang phone ko ay hinanap ko agad ang number ni Sage at tinawagan iyon, sana lang ay hindi pa sila nakauwi.

"Fucking bitch, where the fuck are you?!" nailayo ko ang phone sa tenga nang sumigaw siya pagkasagot niya ng tawag ko.

"I thought you guys were with me!" sabi ko naman, akala ko naman talaga ay nakasunod lang sila sa akin kanina. "Wait, where are we?" tanong ko kay Neo na matamang nakatitig sa akin.

"Luciam," maikling sagot niya at tinuro pa ang umiilaw na pangalan ng bar.

"Yeah, we're in Luciam," sagot ko sa tanong ni Sage kanina.

"I know where that is, fucking stay there!" sagot ni Sage. "And who was that who spoke? Don't tell you're with a guy, Sienna," she said, wow, I never thought she could be a mother hen type, akala ko si Hya lang 'yon.

"Guys, Sage, tatlo sila," sabi ko. Sisigawan niya na naman sana ako nang agad kong hinabol na may kasama rin akong dalawang babae, pinakausap ko pa siya kay na Val at Kels para lang kumalma siya.

"Okay! Bye!" magiliw na wika ni Kels at ibinigay sa akin ang phone ko. Sinamahan nila ako ro'n habang naghihintay, hindi naman nagtagal ay dumating na rin sina Sage, she was the one who's driving, si Hya naman at si Zach ay kapwa walang malay na nakaupo sa likuran.

"Oh, my friends are here, bye!" I waved at the five people who adopted me into their group and tried my best to walk towards the car, may mga sinagot pa sina Kels pero masyado na 'kong nakafocus sa sasakyan para pansinin sila. Sumakay ako sa passenger seat, kumaway ps ulit ako kay na Kels bago kami tuluyang umalis.

"O, gaga ka, tinakot mo 'ko, akala ko may kumidnap na sa'yo," sabi ni Sage at may inabot na water bottle sa akin. Nagpasalamat naman ako at kinuha iyon.

"Wait, dito na si Enna?" napatingin ako sa rearview mirror nang biglang magsalita si Hya. Kumukurap kurap ito habang tumitingin sa paligid, pilit akong hinahanap.

"Yeah, dito na 'ko," I said and sumilip sa kanila.

"Yey," wika niya na lamang at isinandal ang sarili sa upuan.

I pulled out my phone from my bag and connected it to the car's stereo, binuksan ko ang Spotify at hinanap ang playlist na specific naming ginawa para lang sa mga oras na gan'to. I put it on shuffle and tinaasan ang volume ng stereo.

I don't know what the title of the song is, but we started singing along to it as we weaved through the non existent traffic, and as we screamed along with our unrecognizable lyrics, I can't help but think. 

Drunk stories are one of the best stories to have, and even though most forget about it the following day, the joy of when we lived on that moment would always be with us, something to look back on when we're hit by nostalgia.

I'm not saying that being drunk is good, but I guess, it is in these moments that you could just smile to yourself and think that,

life is good.

***

♕︎

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status