MasukDay 0005
Panay ang buntong hininga. Nakapalumbabang nakatanga sa kalangitan habang pinagmamasdan ni Cheska ang bawat patak ng ulan. "Ang gwapo ng bisita ni Dean, ano?" "Oo nga, eh! Yayamanin ang datingan; kotse pa lang milyon na. Sarap niya sigurong jowain." "Hoy! Tumigil ka nga diyan! Magdahan-dahan ka sa mga pananalita mo't baka matulad ka sa iba diyan." Walang pakialam si Cheska sa kanyang mga naririnig. Abala ang utak nito kakaisip kung anong nangyari ng gabing iyon dahil bigla na lang umalis si X nang dumating iyong mga nakakikilala sa kanya. Nang magsawa sa kapanumbaba—pinailig niya na naman ang ulo nito sa sulatan ng kanyang upuan; ipinikit ang mga mata't itutulog na lang habang hindi pa tapos ang oras ng klase. "Siya ba iyan? Ang gwapo!" "Oo, siya nga iyan!" "Teka! Papalapit siya rito sa room natin." "Ha? Baka guro natin iyan, gage!" Pasimpleng kinikilig ang mga estudyante nang makalapit si X sa kanila. Nakangiti ito't tila may hinahanap. "Dito ba si Cheska? Cheska Montalban?" "Ha? Si Eka ang hinahanap." Bulong ng babaeng estudyante. "Eka? Eka? Hoy, Eka, may naghahanap sa iyo!" Tamad na inangat ni Cheska ang ulo. Magulo pa ang buhok nang tumanga ito sa ka-klase niyang lalaki. "Bakit? Natutulog ang tao, eh!" "Mabuti naman at nahanap din kita rito." Nakasilip ang mukha ni X sa magulong buhok ni Cheska. Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga nang makilala ang lalaking nasa harapan niya. "X?! Anong ginagawa mo rito?" Palinga-linga si Cheska sa kanyang paligid; pinagtitinginan sila ng mga ka-klase nito habang si X ay tuwid na nakatayo sa kanyang harapan. "Sinusundo ang asawa ko?" Bigla ay bumulong si X sa kanya. Wala sa sariling naitulak ni Cheska si X ngunit hindi nagpatinag iyon. "Magkakilala sila?" "Baka jowa ni Eka iyan?" "Imposible! Ang gwapo niya tapos mapupunta lang siya kay Eka." Napangisi si X habang si Cheska ay nagtitimpi ng galit sa mga ka-klase. Mayamaya ay humarap si X sa lahat, saka ngumiti ng malapad. "If you don't mind, could you keep your mouths shut? We're just talking—I don't want to make any noise. Is that okay?" Sa sinabi ni X, lahat ay nagulat at hindi inaasahan na sasabihin niya iyon sa buong klase. Natahimim naman ang lahat habang si Cheska ay hiyang-hiya sa ginawa ni X sa mha ka-klase nito. Kaya ang ginawa ng dalaga, hinila niya si X palabas ng silid-aralan. Nang makalayo ang mga ito, tumanga kay X saka dinuro ang binata. "Ikaw! Alam mo bang kabastusan 'yong ginagawa mo sa kanila?!" "At sa 'yo ayos lang na ganunin ka? Well, sa akin, hindi. It's doesn't mean na angat sila sa iyo ay hahayaan mo na lang na ganunin ka nila. Pinapakita mo na lang sa kanila na “ayos lang na ganunin ka dahil hindi ka kumikibo”, well sa akin hindi valid na excuse iyon." Hindi nakapagsalita si Cheska. "Kahit na! Hindi rin ibig sabihin na hinayaan ko na lang sila ay wala akong gagawin—meron din ano! Pero sa ngayon wala akong sa mood na patulan sila." "Why?" "E, basta! Bakit ka ba nandito? Sa dinami-daming lugar, dito ka pa talaga napadpad, ano?!" "Nothing. May binisita lang—hindi ikaw 'yun para sa kaalaman mo. Anyway, ano oras matapos ang klase mo?" Napangiso si Cheska. Masyadong prangka si X kung magsalita. "Wala na akong klase. Nakita mo naman malakas ang ulan." "Then, let's go." "Saan impyerno mo na naman ako dadalhin? Ha? Saka, bigla kang lumayas noong maga nakaraang gabi. Kilala mo ba mga iyon?" Hindi naman nilihim ni X kay Cheska. Tumango ang binata't napabuga ng hangin sa kawalan. "It's a long story." "I-shirt cut mo." "Interesado ka ba sa buhay ko?" Napailag ng tingin si Cheska nang ngumisi si X sa kanya. "Nagtatanonh lang, interesado kaagad? E di, don't!" Mahinang tumawa ang binata. Maya ay hinuli ni X ang pulsuhan nito't hinila paalis sa lugar na iyon. "Teka! Saan mo ako dadalhin?! Ang bag ko!" "Leave it! Ibibili na lang kita ng bago!" "Gago! Mas importante ang bag na iyo kesa sa bag na ibibili mo!" Napatigil sa paglalakad ang dalawa. "Wait here—ako na kukuha!" Napatanga si Cheska't hindi nakapagsalita. Mas lalong natameme si Cheska nang makitang isinukbik pa ni X ang bag nito sa kanyang bilikat. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking itinuring niyang arogante ay magbibitbit ng bag nito na hindi nahihiya. Ang kaibigan na si Augusto ay ni isang beses hindi niya nakitaan na nagbitbit ng bag nito—kay X niya pa lang naranasan. "Let's go?" Wika ni X, at nauna nang naglakad. Sumunod naman si Cheska sa likuran ni X. Mayamaya ay pumantay na ito ng lakad sa binata saka saglit na binalingan si X. "Hindi ka ba naba-bother?" "Saan?" "Magbitbit ng bag ng babae? Hindi ka ba nahihiya?" "Why would I? I thinks it's cool. Ang kyut ng bag mo—estudyante ka ba talaga?" "Tsk! Aki na nga 'yan!" Hindi inalis ni X ang bag na iyon sa balikat niya hanggang sa makarating sila sa pinakadulo ng pathway. "Wait me here. I'll get my car." Sinulay ni X ang malakas na ulan. Alam ni Cheska na mababasa ang binata dahil walang payong o kahit ano na proteksyon sa ulo. Makalipas ang sampung minuto, may itim na kotse ang huminto sa harapan ni Cheska. Pagkababa ng salamin ng bintana, kaagad siyang tinawag ni X. "Get in." Walang sabing dali-dali rin pumasok si Cheska. Kaagad din siyang inabutan ni X ng pamunas sa basang suot nito't pinatay ang AC ng sasakyan. "Saan tayo pupunta?" Salita ni Cheska habang pinapatuyo ang sarili. "Under-ground. May laban ako mamaya." Wala sa sarili na sabi ni X. "Ha? Isasama mo ako?" "Hmm... Bakit ayaw mo ba?" "Kwan—hindi naman. Ang totoo kasi—noong gabing nakita mo ako; side line ko lang 'yun." "I know. I saw you and your friend who paid you," nakangiting sabi ni X sa kanya. "Tonight, I'll pay you too, as long as you stay by my side." Wika pa niya saka nagpatakbo ng sasakyan. "Bakit mo naman ako babayaran?" "Kung ayaw mong bayaran kita, you can ask anything you want. It's fine for me." Matagal nakasagot si Cheska dahil pinag-isipan niya ng mabuti ang sasabihin nito kay X. "May gusto sana ako." Biglang humina ang boses ni Cheska. "Hmm? What?" "Ano kasi—'di ba kahit ano ibibigay mo?" "Anything. Money? Bags? Shoes? House and lot? Or you want me to paid your school year tuition fees?" Suminghap ng hangin sa kawalan si Cheska. Mahigpit niyang hinawakan ang sariling mga kamay bago nagsalita ulit. "I want to have sex!" Napapreno ng wala sa oras si X nang marinig niya iyon sa kay Cheska. Ang seryosong mukha ay unti-unting napalitan ng nakakalokong ngisi sa labi. Napahimas ng noo si X. Mahina rin siyang tumawa sabay sabing, “Holy Shit!”Hello. Please support my story, and don't forget to share your words, rate a star and reviews, diamonds and gifts. Thank yiu and God bless.
Day 861—OCTOBER 31, 2025Sunod-sunod ang pakawala ni Cheska ng hangin sa kawalan dahil sa nakita nito sa asawa. Lakad-pabalik ang ginagawa niya sa paanan ng kama; ningangatngat ang hinlalaki ng kanyang daliri."He's fine now, Cheska, you don't habe to worry about him. Go and take your sleep now." Saad ni Iñigo matapos ihatid nito ang doktor na nag-tingin kay Xavier."I'm sorry. It wasn't a plan to leave him alone.""Good thing kasi wala kayo rito nang mangyari ang insidente. As of now, inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang mga iyon.""Maraming salamat Iñigo."Lumapit si Iñigo kay Cheska; tinapik ang balikat, at saka ningitian niya ito."I'll my leave, and you should take your rest, too. He needed you right now—your presense.""Ihahatid na kita sa labas.""No need. You stay here."Hindi naman nakipag matigasan si Cheska kay Iñigo. Hinatid niya lang sa may bukana ng pintuan ng kwarto at saka bumalik sa kama kung saan mahimbing na natutulog si Xavier dahil sa gamot na ibinigay ng d
DAy 860—OCTOBER 30, 2025Gabi na nang umuwi si Xavier galing sa business trip nito sa South Korea. Maliban sa magkabilang sulok na dim light sa kanilang sala—madilim ang bahay.Tatlong araw ang out of town business trip ni Xavier. Kahit mabigat ang pakiramdam dahil sa kanilang away ni Cheska, kailangan niyang magtrabaho para sa kompanya na iniwan sa kanila ng kanyang yumaong lolo.Sumampa sa mahabang sofa si Xavier. Nabibingi siya sa sobrang katahimikan ng pamamahay. Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan niya nang makaramdam ng pagod. Naisip niyang dumulog sa kanilang kwarto upang silipin ang asawa't mga anak ngunit nagtaka na lang siya nang wala siyang may naabutan roon. Napahigpit ang paghawak niya sa door knob. Sinilip niya din sa kabilang kwarto, ngunit wala rin doon.Ikinalma ni Xavier ang sarili. Kinuha ang telepono't tinawagan ang tiyahin ni Cheska na si Ginang Agnes."Magandang gabi. Nandiyan ba ang mag-ina ko?""Nandito sila sa bahay. Pasensya ka na kung hindi ko kaa
DAY 850—OCTOBER 20, 2025"Let me down," wika ni Cheska sabay tapik sa balikat ni Xavier. "I said, let me down, Xavier." Saad ulit ni Cheska.Maingat naman siyang ibinaba ni Xavier. Nando'n ang pag-aalala niya sa asawa."Are you okay? How's your ankle?""I'm okay." Malamig na sagot ni Cheska saka tinalikdan si Xavier."Wait? Saan ka pupunta? Ipapa-check-up pa natin 'yang paa mo.""Babalik na ako sa opisina ko. Kaya ko na sarili ko."Hindi nakatiis si Xavier na hindi sundan ang asawa. Dali-dali siyang dumulog sa harapan ng pintuan saka ni-locked iyon.Kumunot ang noo ni Cheska. Humalukipkip sa harapan ng asawa."Pwede ba tayong mag-usap? Hon, ilang araw mo na akong iniiwasan. Nagpaliwanag na ako. Hindi pa ba sapat iyon na—""At sa palagay mo mapapaniwala mo ako? Nando'n ako; bago nangyari ang lahat. Kaya huwag na huwag mo akong gawing tanga Xavier. Nahuli ka na, ide-deny mo pa? So, sinong taong magtatanggol sa iyo?" umangat ang isang kamay ni Cheska. Dinuro si Cheska; dismayado. "You
Day 850—OCTOBER 20, 2025Limang araw ang nakalipas nang mangyari ang eksinang nasaksihan ni Cheska. Nahing tahimik siya sa loob ng limang araw na iyon; hindi kinakausap si Xavier, ngunit tuloy lang trabaho. Bagaman, hindi ibig sabihin ay binaliwala niya iyon o pinalampas. Mas pinili niyang manahimik sa kabila nang magandang takbo ng kompanya at negosyo nila. Maliban kay Jadon na tahimik lang—hindi na iyon nagtanong pa."Ma'am Cheska? Ma'am Cheska? Ma'am President?" Tawag ni Feat sa kanya. Ang sekretarya ni Xavier."Yes, Feat?"Ngumiti si Feat. "Director Xavier wanted to see you at his office.""Tell him na may hinihintay akong zoom meeting and also remind him na... may lakad ako mamaya. May lakad ba?""Meron po Ma'am President. He's trying to call you raw po, but your phone is cannot be reach."Napatingin si Cheska sa telepono niya. Battery low. Ilang araw na rin hindi na-charge dahil sa dami nang tumakbo sa isipan nito."Tell him; I'm busy right now."Sunod-sunod na tumango si Feat.
Day 845—OCTOBER 15, 2025 "Ito ang resulta ng DNA. Good luck and fighting, Misis Alcantara." Walang emosyon na kinuha ni Cheska ang brown envelop na inabot sa kanya ng kanyang kaibigan. Tinitigan niya iyon nang matagal at saka binalingan ang kaibigan. "Maramimg salamat." Binuksan ni Cheska ang envelop. Mayamaya ay napatitig siya sa kaibigan na hindi pa umaalis sa kanyang harapan. Napangiti at tumikhim. "Cheska—" "Ah! Oo nga pala," may kinuhang sobre si Cheska sa kanyang bag. Makapal ang laman. "Maraming salamat ulit, Caloy." Bakas sa reaksyon ng mukha ni Caloy ang pagkamangha nang inabot sa kanya ang sobreng iyon. Limpak-limpak na pera. "I'll go ahead. Call me if you need me again. One call away." Tanging tango lang ang isinagot ni Cheska. Nang makaalis na ang kaibigan, kaagad sinilip ni Cheska ang laman ng envelop. Kinuha ang puting papel roon at binasa ang nakasulat. "99.9 percent? Nakapagtataka; ano'ng ginagawa niya sa firm ng asawa ko?" Napasinghap ng hangin
DAY 840—OCTOBER 10, 2025"Xavier?" Tawag ni Cheska nang maramdaman ang pagpasok ng asawa sa kanilang kwarto. Bumangon ito't sinalubong ang asawa na lasing."Hey, hon." Kaagad yumakap si Xavier kay Cheska."Lasing ka at amoy babae. Saan ka nanggaling?""Me? Oh, I forgot to tell you; nagkaroon ng farewell party sa construction firm; one of the employee na aalis na't kailangan mangibang bansa. Hon, you're so sexy and hot. I really like your style tonight.""Sandali, Xavier, mahiga ka na muna sa kama. Halika—"Ngayon lang ulit nakita ni Cheska na naglasing nang ganoon si Xavier. Nakapagtataka dahil hindi naman ugali ni Xavier ang maglasing nang sobra-sobra.Nang maisampa ni Cheska ang asawa sa kama, kaagad niyang inasikaso ito. Kumunot ang noo ni Cheska nang maagaw pansin niya na may lipstick o marka ng labi ang leeg nito. Dali-daling hinubad ni Cheska ang polo sleeve ni Xavier at inusisa ang suot, maging ang katawan ng asawa. Maliban sa halik sa leeg, wala nang ibang marka. Iniisip ni C







