Beranda / Romance / Contracted to the Billionaire (R18+) / Kabanata 06-Engineer Alcantara

Share

Kabanata 06-Engineer Alcantara

last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-21 09:03:51

Day 0003

"Iba talaga kapag tiba-tiba sa raket, ano? Ganda nang pormahan natin ngayon Montalban."

"Ah, hindi naman."

"Eka? Hoy, Eka?! Halika nga rito!"

Hindi naman pumalag si Cheska nang tawagin siya ng kaibigan nitong si Augusto. Kaahmgad siyang hinila ng lalaking kaibigan sa isang sulok saka sinipat ang dalaga; ulo hanggang paa.

"Ba-bakit?"

"Saan ka kagabi?"

"Ako? Sa bahay—"

"Sinungaling! Tumawag ako sa kapatid mo kanina; sabi hindinka raw umuwi sa inyo. Hoy! Magsabi ka ng totoo sa akin—saan ka kagabi at kaninang umaga?"

Hindi kaagad nakasagot si Cheska.

"Nag part-time job pa ako kagabi! Saka, hindi kaagad nakauwi dahil nakiusap sa akin yung may-ari ng store na dagdagan niya raw OT—pumayag ako."

Binabasa ni Augusto ang reaksyon ng kaibigan. Hindi kumbinsado ang binata dahil kilala niya ang kaibigan nito.

"Yung totoo?"

"Oo na! Oo na! Binisita ko ang tiyuhin ko na naospital; walang may nagbabantay kaya pinakiusapan ako ng tiyahin ko na bantayan ko mula kahit isang gabi lang. Okay na?"

Napabuga naman ng hangin sa kawalan si Augusto. Akma niya sanang yayakapin si Cheska nang umiwas ito sa kanya.

Natapos ang buong araw na klase ni Cheska, napagdesisyunan ng dalaga na tumambay saglit sa kanilang cafeteria. Mayamaya ay nakatanggap ito ng mensahe galing sa nakababatang kapatid.

"Ate Eka, anong oras ka uuwi? Wala pp kaming makakain ngayon. Wala si Nanay—sumama sa kaibigan niya—magdadagat raw 'yun sila. Ate Eka, gutom na kami."

Hindi naman nagdalawang isip si Cheska na tumungo sa isang fast food chain at doon um-order ng pagkain. Pina-grabe niya na rin iyon nang makakain na ang mga kapatid. Dahil malaki ang nakuhang sweldo nito noong nakaraang gabi; nabili niya ang mga pagkain na gustong kainin ng mga kapatid nito.

Napabuntong hininga si Cheska hababg nakaupo sa isang waiting shed. Napatingla siya sa kawalan at bigla niya na lang naalala si X.

Mapait siyang ngumiti. May kaunting inggit na nararamdaman sa sarili.

"E ano naman kung bilyonaryo siya? Pakialam ko ba?! Kaya ko rin maging bilyonaryo—sa panaginip, pero walang imposible kung magsisikap ako't makapagtrabaho. God's will."

Tumayo siya't tumingin sa relo nito. Mag-a-alas-siete y medya na ng gabi, kaya kinakailangan niya nang pumasok sa tinatrabahuhan nitong 24/7 convenient store.

"Good evening po Bossing."

"Oh? Eka, mabuti't dumating ka na. May sasabihin nga pala ako sa 'yo."

"Ey! Bossing huwag mo naman akong isesanti sa trabaho. Hindi pa po ako tapos sa koliheyo."

Natawa ang lalaking tinatawag na bossing ni Cheska.

"Hindi 'yan. May sasabihin ako sa 'yo—hindi na ako any may-ari ng store na ito simula ngayon."

"Ho? Bakit naman po? Paanong hindi na ikaw ang may-ari, e, hindi ba't sabi mo—"

"Mahabang kwento. Pero hindi ibig sabihin na hindi na ako ang may ari ng store na ito ay mawawalan ka na ng trabaho—hindi. Ang totoo niyan, gusto ng bagong may ari nito, ikaw raw ang magpapatakbo."

Kumunot ang noo ni Cheska sa mga sinabi ng lalaki sa kanya. Dahil sa kuryusidad ni Cheska, hindi niya hinahayaan na makaalis ang lalaki nang hindi nito malaman kung sino ang bagong may-aribng store na iyon.

"Pwede ko po ba malaman kung sino ang bago kong amo?"

"Ah? Kwan kasi—hindi ko pwedeng sabihin. Confidential. Basta sinabi niya lang sa akin na, ikaw raw ang magpapatakbo ng store na ito, at kukuha raw siya ng anim na makakasama mo rito. Basta iyon lang alam ko. Pumayag lang naman ako dahil sa offer nito—hindi ko matanggihan. Doble ang mapapagawa kong store sa offer na iyon."

Hindi makapaniwala si Cheska. Binili ang store na doble ang presyo.

"Sinong baliw ang gagawa nun? Syempre kung sinuman man iyon siya—hindi siya marunong sa sinasabing marketing. Grabe! Bossing, hindi ba talaga pwede malaman kung sino ang bagi kong amo? Baka po kasi kapag dadalaq siya rito't hindi ko kilala, baka bigla akong tatanggalin sa trabaho kong 'to?!"

"Ah? Naalala ko na—tignan na lang natin sa cctv, tama. Halika't para makilala mo kung sino ang bago mong bossing."

Dumulog ang dalawa sa opisina ng bossing ni Cheska—doon ipinakita ang itsura ng bagong nag ma-may-ari ng store.

"Nasaan na nga 'yun—ah, ito. Ayan siya. Tignan mo mabuti para kapag nagkataon na bumisita siya rito, makikilala mo na siya kaagad. Ayan siya Eka."

Kumunot ang noo ni Cheska sa nakita. Nag-request pa ito sa lalaki kung pwede ba i-zoom ang camera—pumayag naman. At sa pagkakataong iyon, napayukom ng kamao si Cheska. Hindi niya rin naiwasan ang mapamura dahil kilala niya ang bagong nag ma-may-ari ng store na pinapasukan nito.

"Sige po bossing maraming salamat."

Lumabas ang dalawa. Saktong paglabas ng mga ito sa opisina ng lalaki, saka naman may pumasok—si X.

"Oh? Ito pala siya. Mabuti't naisipan mong tumungo dito? Eka, siya na pala ang bago mong bossing ngayon."

"Maraming salamat at pumayag kaagad kayo sa inalok ko. Next week, aasikasuhin na natin ang mga legal docs ninyo para matapos na kaagad. Ingat sa pag-uwi."

"Sige-sige. Maraming salamat din. Ingatan mo 'yang si Eka, mabait na empliyado iyang bata na 'yan! Nag-aaral habang nagtatrabaho para sa pamilya kaya hindi ko inaalis iyan dito. Oh, siya, mauuna na ako. Eka, magpakabait ka, ha?"

Hindi nakapagsalita si Cheska nang umalis ang dating bossing nito. Umangat ang tingin ni Cheska kay X saka sinamaan niya ito ng tingin.

"Ano ba talaga ang gusto mo?! Bakit sa dinami-daminh 24/7 convenient store na pwedeng bilhin—itong pinapasukan ko pa talaga?! Hindi porket mapera ka, e pwede mo nang maliitin ang katulad namin! Pinapamukha mo ba sa akin na kayang-kaya mo akong tapalan ng pera mo?! Bakit hindi ka makapagsalita diyan? Tatahimik ka na lang ba?! Ano, X!"

Imbes na sagutin, nilampasan ni X si Cheska. Dumulog ang binata sa palamigan at kumuha ng maiinom roon. Bumalik at tumungo sa may counter area. Dumukot ng pera sa wallet, ngunit pinigilan ito ni Cheska.

"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?"

"Magbabayad?" Rektang sagot ni X sabay angat ng isang polca bottled water.

"Magbabayad? Store mo ito, bakit ka pa magbabayad?! Naku! Naiinis na talaga ako sa 'yo—"

"Business is business. Bawat sentimo ay mahalaga."

Napangisi si Cheska. "Business is business, ha? At kailan ka pa natuto ng ganyan? Saan ka kumuha ng ganyang strategy? Anong alam mo?"

"Bakit? Bigyan mo ako ng specific na sagot kung bakit hindi ko kailangan magbayad? Sige nga."

"Ka-kasi—ikaw may ari ng store na ito!"

"Iyan lang ba ang batayan mo? Dahil ako ang may-ari ng store na ito—ibig sabihin hindi na ako magbabayad?"

Hindi nakasagot si Cheska. Para makaiwas at maiba ang usapan, iniba niya ang topiko.

"Bakit ka ba nandito?! Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?! Ha?!"

Bago nasagot ni X ang mga tanong ni Cheska, may mga nagsipasukan na mga bagong ñabas galing trabaho.

"Oh? Engineer Alcantara? Why are you here in this place?"

Napatikhim si X nang makilala siya ng mga nakatrabaho nito.

"Ay! Sir Alcantara, ikaw po pala. Ano pong ginagawa ninyo rito? Magandang gabi po." Isang empliyadong babae naman ang pumansin sa kanya.

"Nothing. I'll go ahead." Hindi na nakagawang tapunan ni X si Cheska ng tingin. Nagtaka na lang ang mga ito bakit bigla na lang umalis si X nang ganun-ganun.

"I can't really imagine na pumupunta din pala si Engineer Alcantara sa ganitong lugar. Akala ko sa sariling kompanya lang siya pumeperme—sumi-segway din pala siya rito."

Wika ng lalaki na nakangiti pa.

"Engineer Alcantara?" Mahinang sambit ni Cheska sa sarili.

Mhai Villa Nueva

Don't forget to share your suggestions, rate a star, diamonds, and gifts. Maraming salamat.

| 53
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Randolf Aquino
kaabang abang tlga
goodnovel comment avatar
Arriana Marie Ebojo Caday
maganda sana yung story kaso di mabasa lahat kasi unlock di ma-open..
goodnovel comment avatar
Rheza Bia
wowwww,Ganda Ng story.sana Hanggang sa huli
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Contracted to the Billionaire (R18+)   Kabanata 204-A Brave Wife

    Day 861—OCTOBER 31, 2025Sunod-sunod ang pakawala ni Cheska ng hangin sa kawalan dahil sa nakita nito sa asawa. Lakad-pabalik ang ginagawa niya sa paanan ng kama; ningangatngat ang hinlalaki ng kanyang daliri."He's fine now, Cheska, you don't habe to worry about him. Go and take your sleep now." Saad ni Iñigo matapos ihatid nito ang doktor na nag-tingin kay Xavier."I'm sorry. It wasn't a plan to leave him alone.""Good thing kasi wala kayo rito nang mangyari ang insidente. As of now, inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang mga iyon.""Maraming salamat Iñigo."Lumapit si Iñigo kay Cheska; tinapik ang balikat, at saka ningitian niya ito."I'll my leave, and you should take your rest, too. He needed you right now—your presense.""Ihahatid na kita sa labas.""No need. You stay here."Hindi naman nakipag matigasan si Cheska kay Iñigo. Hinatid niya lang sa may bukana ng pintuan ng kwarto at saka bumalik sa kama kung saan mahimbing na natutulog si Xavier dahil sa gamot na ibinigay ng d

  • Contracted to the Billionaire (R18+)   Kabanata 203-DANGER

    DAy 860—OCTOBER 30, 2025Gabi na nang umuwi si Xavier galing sa business trip nito sa South Korea. Maliban sa magkabilang sulok na dim light sa kanilang sala—madilim ang bahay.Tatlong araw ang out of town business trip ni Xavier. Kahit mabigat ang pakiramdam dahil sa kanilang away ni Cheska, kailangan niyang magtrabaho para sa kompanya na iniwan sa kanila ng kanyang yumaong lolo.Sumampa sa mahabang sofa si Xavier. Nabibingi siya sa sobrang katahimikan ng pamamahay. Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan niya nang makaramdam ng pagod. Naisip niyang dumulog sa kanilang kwarto upang silipin ang asawa't mga anak ngunit nagtaka na lang siya nang wala siyang may naabutan roon. Napahigpit ang paghawak niya sa door knob. Sinilip niya din sa kabilang kwarto, ngunit wala rin doon.Ikinalma ni Xavier ang sarili. Kinuha ang telepono't tinawagan ang tiyahin ni Cheska na si Ginang Agnes."Magandang gabi. Nandiyan ba ang mag-ina ko?""Nandito sila sa bahay. Pasensya ka na kung hindi ko kaa

  • Contracted to the Billionaire (R18+)   Kabanata 202-MISTAKES

    DAY 850—OCTOBER 20, 2025"Let me down," wika ni Cheska sabay tapik sa balikat ni Xavier. "I said, let me down, Xavier." Saad ulit ni Cheska.Maingat naman siyang ibinaba ni Xavier. Nando'n ang pag-aalala niya sa asawa."Are you okay? How's your ankle?""I'm okay." Malamig na sagot ni Cheska saka tinalikdan si Xavier."Wait? Saan ka pupunta? Ipapa-check-up pa natin 'yang paa mo.""Babalik na ako sa opisina ko. Kaya ko na sarili ko."Hindi nakatiis si Xavier na hindi sundan ang asawa. Dali-dali siyang dumulog sa harapan ng pintuan saka ni-locked iyon.Kumunot ang noo ni Cheska. Humalukipkip sa harapan ng asawa."Pwede ba tayong mag-usap? Hon, ilang araw mo na akong iniiwasan. Nagpaliwanag na ako. Hindi pa ba sapat iyon na—""At sa palagay mo mapapaniwala mo ako? Nando'n ako; bago nangyari ang lahat. Kaya huwag na huwag mo akong gawing tanga Xavier. Nahuli ka na, ide-deny mo pa? So, sinong taong magtatanggol sa iyo?" umangat ang isang kamay ni Cheska. Dinuro si Cheska; dismayado. "You

  • Contracted to the Billionaire (R18+)   Kabanata 201-Don't Messed Up with Her

    Day 850—OCTOBER 20, 2025Limang araw ang nakalipas nang mangyari ang eksinang nasaksihan ni Cheska. Nahing tahimik siya sa loob ng limang araw na iyon; hindi kinakausap si Xavier, ngunit tuloy lang trabaho. Bagaman, hindi ibig sabihin ay binaliwala niya iyon o pinalampas. Mas pinili niyang manahimik sa kabila nang magandang takbo ng kompanya at negosyo nila. Maliban kay Jadon na tahimik lang—hindi na iyon nagtanong pa."Ma'am Cheska? Ma'am Cheska? Ma'am President?" Tawag ni Feat sa kanya. Ang sekretarya ni Xavier."Yes, Feat?"Ngumiti si Feat. "Director Xavier wanted to see you at his office.""Tell him na may hinihintay akong zoom meeting and also remind him na... may lakad ako mamaya. May lakad ba?""Meron po Ma'am President. He's trying to call you raw po, but your phone is cannot be reach."Napatingin si Cheska sa telepono niya. Battery low. Ilang araw na rin hindi na-charge dahil sa dami nang tumakbo sa isipan nito."Tell him; I'm busy right now."Sunod-sunod na tumango si Feat.

  • Contracted to the Billionaire (R18+)   Kabanata 200-Don't Understimate

    Day 845—OCTOBER 15, 2025 "Ito ang resulta ng DNA. Good luck and fighting, Misis Alcantara." Walang emosyon na kinuha ni Cheska ang brown envelop na inabot sa kanya ng kanyang kaibigan. Tinitigan niya iyon nang matagal at saka binalingan ang kaibigan. "Maramimg salamat." Binuksan ni Cheska ang envelop. Mayamaya ay napatitig siya sa kaibigan na hindi pa umaalis sa kanyang harapan. Napangiti at tumikhim. "Cheska—" "Ah! Oo nga pala," may kinuhang sobre si Cheska sa kanyang bag. Makapal ang laman. "Maraming salamat ulit, Caloy." Bakas sa reaksyon ng mukha ni Caloy ang pagkamangha nang inabot sa kanya ang sobreng iyon. Limpak-limpak na pera. "I'll go ahead. Call me if you need me again. One call away." Tanging tango lang ang isinagot ni Cheska. Nang makaalis na ang kaibigan, kaagad sinilip ni Cheska ang laman ng envelop. Kinuha ang puting papel roon at binasa ang nakasulat. "99.9 percent? Nakapagtataka; ano'ng ginagawa niya sa firm ng asawa ko?" Napasinghap ng hangin

  • Contracted to the Billionaire (R18+)   Kabanata 199-DOUBT

    DAY 840—OCTOBER 10, 2025"Xavier?" Tawag ni Cheska nang maramdaman ang pagpasok ng asawa sa kanilang kwarto. Bumangon ito't sinalubong ang asawa na lasing."Hey, hon." Kaagad yumakap si Xavier kay Cheska."Lasing ka at amoy babae. Saan ka nanggaling?""Me? Oh, I forgot to tell you; nagkaroon ng farewell party sa construction firm; one of the employee na aalis na't kailangan mangibang bansa. Hon, you're so sexy and hot. I really like your style tonight.""Sandali, Xavier, mahiga ka na muna sa kama. Halika—"Ngayon lang ulit nakita ni Cheska na naglasing nang ganoon si Xavier. Nakapagtataka dahil hindi naman ugali ni Xavier ang maglasing nang sobra-sobra.Nang maisampa ni Cheska ang asawa sa kama, kaagad niyang inasikaso ito. Kumunot ang noo ni Cheska nang maagaw pansin niya na may lipstick o marka ng labi ang leeg nito. Dali-daling hinubad ni Cheska ang polo sleeve ni Xavier at inusisa ang suot, maging ang katawan ng asawa. Maliban sa halik sa leeg, wala nang ibang marka. Iniisip ni C

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status