Share

CHAPTER 10

Third POV

"Umuwi na ba ang anak mo?"

Napalingon si Ricky sa asawa na kararating lang sa salas. Galing itong kwarto na sa tingin niya ay lumabas lang dahil naroon pa siya sa salas.

"Hindi pa. At hindi ko rin siya matawagan," seryosong sagot ni Ricky.

Alas dose na ng gabi at hindi pa umuuwi ang anak niyang si Emerald. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta dahil nauna pa itong umalis sa ospital kanina. Buong akala niya ay umuwi na ito ngunit sabi ng yaya nito ay hindi pa nakakauwi ang dalaga.

"Nagiging pasaway na ang anak mo," komento pa ng kaniyang asawa na umupo pa sa kaniyang tabi.

"Haidee."

"What? Alam mo bang sa nangyari kay Marco, maaaring hindi na matuloy ang investment ng mga del Mundo sa kumpanya natin," seryosong sagot pa ng kaniyang asawa.

Napabuntong hininga na lamang si Ricky. Aaminin niyang iyon din ang isa sa ikinababahala niya. Matagal niyang trinabaho na ligawan ang mga del Mundo upang mag-invest sa kanila. At sa isang iglap lamang ay mawawala iyon dahil sa nangyari kay
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status