INICIAR SESIÓNMinasdan ng mga pulis si Samantha mula ulo hanggang sa walang sapin niyang mga mapupulang paa.
“Ano ang ginagawa mo sa malayong lugar na iyon at bakit ganyan ang iyong kasuotan?” tanong ng babaeng pulis sa kanya.
“Dahil doon ako nakatira,” maiksi niyang sagot.
Hindi naniniwala ang pulis sa sinabi niya at muli itong nagsalita, “umamin ka na kung magnanakaw ka o ano para bumaba ang kasong ipapataw sa iyo.”
Napabuntong hininga na lamang si Samantha at nakiusap na tawagan niya ang kanyang lawyer.
Ilang minuto ang lumipas at dumating ang lawyer at kaibigan ni Samantha na si Lou Benavidez.
“Hey, Sam. Why are you here?” nag-aalalang tanong nito sa kaibigang nakapaa habang nakaupo sa monoblock kaharap ang pulis.
Agad na tumayo si Samantha, “help me out, tumakas ako sa bahay because my dad wants me to marry a blind man,” saad niya.
Tumango si Lou sa kanya, “ she’s my client and yung lugar na sinasabi niyo ay private rest house ng mga Castelo, ito ang ID niya,” pinakita nito ang ID at lahat ng details niya ay doon nakalagay.
“Sige na, makakauwi kana. Next time, hija, magsuot ka ng tama at magsapatos ka para hindi ka napagkakamalan ng kung ano, doctor ka pala,” saad ng pulis.
Iniabot ni Lou ang paper bag na may lamang tsinelas sa loob, “isuot mo na yan para hindi ka naman mukhang kawawa,” paasar na sabi nito sa kaibigan.
“Thank you, Lou. The best ka talaga,” nakangiting sambit niya. Napuna ni Lou ang suot ng kaibigan na jacket, “kanino ang suot mong iyan?”
Mabilis na nagbago ang reaksyon ng mukha ni Samantha nang maalala ang may-ari ng jacket, “sa lalaking nagdala sakin sa mga pulis and you know what pinagbintangan pa niya akong magnanakaw,” nakahalukipkip niyang tugon.
“Buti na lamang at hindi ka napahamak sa suot mong iyan,” tugon ng kaibigan sa kanya.
Samantala, nakapark pa rin ang sasakyan ni Trevor sa tagong kanto malapit sa police station habang pinagmamasdan ang paglabas ni Samantha ng istasyon kasama ang isang babaeng may dalang black case na kasing edad lamang ng dalaga at nakasuot ito ng shades.
Hindi maalis ang tingin ni Trevor sa binibining si Samantha hanggang sa makasakay ito ng sasakyan, “sa palagay ko ay nahanap mo na ang tipo mong babae, hijo,” saad ni Mang Kanor na umagaw ng atensyon ng binata.
Agad na inalis ni Trevor ang tingin niya at napakamot ng ulo, “siguro nga pero palagay ko ay hindi na kami magkikita,” tugon niya.
Makalipas ang isang lingo habang abala si Samantha sa loob ng kanyang opisina pag-eexamin ng mga result ng kanyang pasyente ay may magkakasunod na malalakas na katok ang narinig niya mula sa labas ng kanyang pinto, agad bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang humahangos na nars.
“Doc Samantha, we need you in emergency room. Marami tayong pasyente, wala si Doc Bobby,” hinihingal na sambit niya.
Walang ano-anong tumayo si Sam at walang arteng nanakbo palabas ng opisina kahit pa nakasuot ng 3-inches heels, naniniwala siyang ang bawat oras ay mahalaga lalo na kung buhay ang nakataya.
Nang marating niya ang emergency room ay bumungad sa kanya ang mga sugatang lalaking nakasuot ng unipormeng pang-sundalo, mga nakaupo ang mga ito sa kama habang ang iba naman ay nakahiga.
Sumagi sa isipan ni Samantha ang sundalong nakasalumaha niya noong nakaraang lingo, “why am I even thinking of him?” muli siyang nagfocus sa mga sugatang kaharap niya.
Tinignan niya ang lagay ng bawat isa at hinanap kung sino sa mga lalaki ang masama ang tama, “tumawag ka ng mga available nars,” nagmadali niyang utos at agad na hinawakan ang medicine kit.
Inuna niyang gamutin ang lalaking may galos malapit sa mata, sumunod naman ang lalaking may galos sa leeg, nagdatingan na rin ang mga nars at tumulong pagbibigay ng lunas sa mga sundalong nasugatan.
Palabas na ng emergency room si Samantha ng patapos na ang pagbebenda ng mga nars sa mga sugatan, nakahinga na rin siya ng maluwag ngunit may isang lalaking biglang humarang sa daan niya—ang lalaking sinumpa niyang ayaw na niyang makita kahit kailan at nagsabing, “doc, kailangan ko rin ng first aid.”
Dahil occupied na ang ER ay sa labas na lamang ng emergency niya ito pinaupo at nilinisan ng sugat sa braso, “hindi ko inexpect na isa ka palang doctor,” nakangising saad ni Trevor.
Idiniin ni Samantha ang paglapat ng bulak sa brasong may sugat ng binata, “hindi ko kailangang ilagay sa noo ko na doktora ako para tulungan ako ng mga tao,” pagkatapos ay mahigpit niyang binalutan ng benda ang braso nito habang si Trevor naman ay pinipiit ang kirot na nadarama dulot sa higpit ng pagbenda ng dalaga.
Tumayo at tumalikod na si Samantha sa binata ngunit napahinto siya nang matanaw ang ama niya mula sa entrance, bumilis ang tibok ng puso niya at di mapakali, “dad,” kinakabahang bulong niya.
Nanglilingon na ang ama niyang si Conrad Castelo sa kanyang kinaroroonan ay agad niyang hinila si Trevor at nagtago sa dibdib nito.
“Anong sa tingin mong ginagawa mo?” tanong nito sa kanya.
“Please help me, my dad is here. Kapag tinulungan mo ko gagawin ko kahit anong gusto mo,” pagmamakaawa niya.
Napangiti si Trevor dahil pagkakataon na niyang muling hilingin kay Samantha ang kanyang sinabi noon dito, “why are you smiling like that? Tutulungan mo ba ako o hindi,” inis niyang tanong.
“Willing akong tulungan ka pero ang tanong willing ka bang gawin ang hihilingin ko? Kailangang sigurado ka muna before I gamble,” malambing nitong bulong tenga ng dalaga.
May kung anong kuryente sa katawan ni Samantha nang tumama ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga at balikat.
“Ano bang hihilingin mo?” pilit at iritable niyang tanong habang nagpipigil ng kiliting nadarama at mas inilapit pa ni Trevor ang mukha niya sa dalaga na nagpamula ng husto ng mukha nito.
“Simple lang ang gusto ko, magpanggap kang asawa ko,” mahina ngunit malinaw na sambit nito. Nalaglag ang panga ni Samantha sa hiling ng binata ngunit ang ama niya ay palapit na ng palapit sa kinaroroonan nila kaya mas lalo pang kumabog ang dibdib niya ng mga sandaling iyon.
"What??!! Anong your place?" gulat na tanong ni Samantha kay Trevor, nanlalaki ang mga mata ng dalaga sa kaharap niyang binata habang naniningkit naman ang mga mata nito sa kanya."Aren't we married, darling? Nahihiya ka pa rin ba sakin na makasama ako sa iisang bubong?" sumesenyas si Trevor sa kanya habang inililihis ang direskyon ng mga mata sa kanilang driver."What's with you? Kanina--" hindi na natapos ng dalaga ang nais niyang sabihin dahil mabilis at mariin siya nitong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ni Samantha nang lumapat sa kanyang mga labi ang mainit na labi ng binata, parang bolang nagtatalbog ang puso niya sa bilis ng tibok nito at tila huminto ang oras ng mga sandaling iyon, maging si Trevor ay nagulat rin sa kanyang ginawa ngunit ayaw niyang malaman ng driver niyang kasamahan niya sa trabaho na nagpapanggap lamang siya kaya niya ito nagawa.Isang malamig na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa ng humiwalay ang mga labi ni Trevor sa kanya, "I'm sorry, I kn
Samantha's POV"You what??" hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari na ang lalaking ayokong maiwan at nagsend sakin sa jail ay nakatayo sa harap ko."Ang sabi ko we need to register our marriage sa munisipyo," tipid niyang tugon.Agad kong hinila ang kamay ko palayo sa kanya, "anong iregsiter ang marriage? We are not a real couple so bakit pa natin need gawin yan? Saka masisira ang reputation ko kapag ginawa natin 'yan, sinong matinong lalaking na lang magpapakasal sakin kapag nalaman nilang kasal na ako sa iba?" "Then, I will be responsible for you." Lumapit siya sakin at hinawakan ang aking mga kamay, ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib habang nakatitig siya sa aking mga mata, "willing akong pakasalan ka kung sakali mang wala ng gustong magpakasal sa'yo," dagdag niya, tila nanlambot ang aking mga tuhod at nag-init ang aking pisngi sa mga narinig kong iyon mula sa kanya, hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa mga mata niya.Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kailangan kong ma
"Tingin mo ba napakabigat ng dahilan ko para pumayag sa gusto mong kapalit sa pagtulong sakin?" iritableng tugon ng dalaga kay Trevor. Napangisi lamang si Trevor sa kanya at tumugon, "pwes, kung hindi mabigat ang dahilan mo para magtago sa tatay mo, bakit kaya ganun na lamang ang takbo mo nun kahit na hindi ka pa nakabihis? Para tumakbo kang baliw sa gitna ng kalsada na nakapaa? It's not my business to know, hindi na lang kita tutulungan." Tumabi si Trevor sa pagkakaharang kay Samantha at doon lamang niya naisip na kapag hindi siya tinulungan ng binata ay tuluyan na siyang matatali sa isang bulag na nais ipakasal sa kanya ng ama kaya naman kinapitan niya ang laylayan ng kamisetang suot ng binata."S--sige na, I am willing to gamble with you. Just help me out," mahina niyang pakiusap sa binata ngunit huli na para maitago pa siya ng binata dahil nakita na siya ng ama."Samantha..." tawag nito sa kanya."Oh no, he's coming," hindi malaman ni Samantha kung sa paanong paraan na siya tutul
Minasdan ng mga pulis si Samantha mula ulo hanggang sa walang sapin niyang mga mapupulang paa.“Ano ang ginagawa mo sa malayong lugar na iyon at bakit ganyan ang iyong kasuotan?” tanong ng babaeng pulis sa kanya.“Dahil doon ako nakatira,” maiksi niyang sagot.Hindi naniniwala ang pulis sa sinabi niya at muli itong nagsalita, “umamin ka na kung magnanakaw ka o ano para bumaba ang kasong ipapataw sa iyo.”Napabuntong hininga na lamang si Samantha at nakiusap na tawagan niya ang kanyang lawyer.Ilang minuto ang lumipas at dumating ang lawyer at kaibigan ni Samantha na si Lou Benavidez.“Hey, Sam. Why are you here?” nag-aalalang tanong nito sa kaibigang nakapaa habang nakaupo sa monoblock kaharap ang pulis.Agad na tumayo si Samantha, “help me out, tumakas ako sa bahay because my dad wants me to marry a blind man,” saad niya.Tumango si Lou sa kanya, “ she’s my client and yung lugar na sinasabi niyo ay private rest house ng mga Castelo, ito ang ID niya,” pinakita nito ang ID at lahat ng
Kabanata ISuot parin ni Samantha ang kanyang manipis na puting satin dress na pantulog habang tumatakbong nakapaa sa kalsada, “sandal!!!” sigaw nang mga lalaking nakaitim mula sa kanyang likuran na humahabol sa kanya ngunit patuloy pa rin siyang nanakbo at hinarang ang isang itim na Cadillac sa kalye.Nagulat na lamang si Trevor nang biglang ipihit ni Mang Kanor ang sasakyan, “pakiusap, tulungan nyo ako,” tila mala-anghel na boses ang kanyang narinig, agad siyang sumilip sa bintana ng sasakyan at bumungad sa kanya ang mala-dyosang mukha ng babae, angat ang kaputian ng dalaga sa suot niyang puting bestida, maamo at perpekto ang mukha nito habang umaalon naman ang kulay tsokolateng niyang kulot na buhok at sumasabay sa malakas na hangin.Si Trevor Devin ay dalawampu’t-siyam na taong gulang at isang sundalo na naglilingkod sa bansa, maraming babae ang nahuhumaling sa kanya dahil sa katangian nitong tall, dark and handsome ngunit wala ni isa sa mga babaeng iyon ang interesado siya at wal







