Home / Romance / Contractually Yours / Kabanata 3 - taking you somewhere

Share

Kabanata 3 - taking you somewhere

Author: mooncake_o07
last update publish date: 2025-10-05 17:48:45

"Tingin mo ba napakabigat ng dahilan ko para pumayag sa gusto mong kapalit sa pagtulong sakin?" iritableng tugon ng dalaga kay Trevor. 

Napangisi lamang si Trevor sa kanya at tumugon, "pwes, kung hindi mabigat ang dahilan mo para magtago sa tatay mo, bakit kaya ganun na lamang ang takbo mo nun kahit na hindi ka pa nakabihis? Para tumakbo kang baliw sa gitna ng kalsada na nakapaa? It's not my business to know, hindi na lang kita tutulungan." Tumabi si Trevor sa pagkakaharang kay Samantha at doon lamang niya naisip na kapag hindi siya tinulungan ng binata ay tuluyan na siyang matatali sa isang bulag na nais ipakasal sa kanya ng ama kaya naman kinapitan niya ang laylayan ng kamisetang suot ng binata.

"S--sige na, I am willing to gamble with you. Just help me out," mahina niyang pakiusap sa binata ngunit huli na para maitago pa siya ng binata dahil nakita na siya ng ama.

"Samantha..." tawag nito sa kanya.

"Oh no, he's coming," hindi malaman ni Samantha kung sa paanong paraan na siya tutulungan ng binata gayong nakita na siya ng ama at hindi niya alam kung tatakbo na lang ba siya para makaiwas sa ama.

Hinawakan ni Trevor ang nanginginig na kamay ng dalaga at patagong may sinuot ang isang bagay sa daliri niya, "what are you doing? My dad is coming," natataranta niyang sabi dito.

Agad namang humarap ang binata ng may ngiti sa mga labi at hinawakan ang kamay niya ng mahigpit na para bang nagsasabing wag kang matakot, nandito ako sa tabi mo.

"Samantha! Where have you been? Matagal ka ng hinahanap ng ninong mo, he can't wait na ikasal ka sa nag-iisa niyang anak," istriktong saad ng ama.

"I'm sorry, tito... Dad, I am Trevor Devin, her husband," maiksi niyang tugon na nagpatahimik sa ama ng dalaga, nagpabalik-balik ang tingin ng ama nito sa anak niya at sa lalaking kaharap niya.

"P--paano? bakit hindi ko man lamang ito nalaman?" hindi pa rin makapaniwala ang ama ni Samantha. "Paano ko ito ipapaliwanag sa kumpare ko?"

"I'm really sorry, tito. Dahil sa sobrang ayaw na ng anak niyong mapahiwalay sakin ay sekreto na kaming nagpakasal noong araw mismo na tumakas siya sa inyo," nakangisi niyang tugon habang ang dalaga ay hindi makatingin sa ama dahil sa kahihiyang rason na binigay ng binata, kinapitan niyang mabuti ang kamay ng lalaki na halos tumusok na ang kanyang mga maiiksing kuko sa balat nito.

"D--ad. Sabihin mo na lang sa kanya na kasal na ako at isa pa, hindi ka ba natutuwa para sakin dahil mukhang maayos naman ang manugang mo. I mean matino naman ang asawa ko unlike sa... alam mo na ibig kong sabihin," mahabang paliwanag ni Samantha sa ama.

"Pero anak," dismayado pa rin si Gustavo sa biglaang desisyon ng anak.

"Wala ng pero, pa. I'm married and ang pangako sa harap ng Diyos ay hindi natin basta pwedeng baliin," mariing sambit ni Samantha.

"Isa pa, dad, nagmamahalan po kami ng anak niyo. Mahal na mahal ko siya at hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya," seryosong saad niya, nawala ang mahigpit na pagkakahawak ni Samantha sa kamay ng binata.

"May asawa na pala si Captain," mahina at dismayadong bulong ng isang babaeng sundalong palabas sana ng ward, muli siyang pumasok sa loob at naupo ng tahimik sa gilid ng kama.

"Valenzuela, akala ko ba ay nariyan na si Capt. Devin? Bakit bumalik kang malungkot?" tanong ng isa sa mga kasamahan niya, lahat ay nakatingin sa naluluha niyang itsura.

Si Ryzza Valenzuela ay bagong pasok lamang sa serbisyo na may pinakamababang ranggo, simula ng makita niya si Trevor ay nagkaron na siya ng pagtatangi sa binata at gumagawa siya palagi ng paraan makausap lamang ito at pinangarap rin niyang maging nobyo ang binata.

"Oo, nariyan na nga siya. Kasama niya ang kanyang misis na si doktora," malungkot niyang tugon sa tanong nila.

Samantala, kumbinsido na si Gustavo sa napili ng anak at hinayaan na ang kanyang anak na magtrabaho sa ospital, mabilis na tinanggal ni Samantha ang pagkakaakbay ng binata sa kanyang balikat. Labis ang pamumula ng pisngi niya ng mga sandaling iyon, "let's stop pretending, ito na ang singsing mo," ibinalik niya ang singsing sa binata ngunit hindi niya ito tinanggap.

"Just keep it," nakapamulsa niyang sabi, "hihintayin kita sa labas," dagdag nito sa kanya.

Nanlaki ang mga singkit na mata ni Samantha, "bakit mo ako hihintayin? Ano pang kailangan mo sakin?" Nakanguso niyang tanong pabalik kay Trevor.

"Mukhang nakakalimot ka sa kasunduan natin, basta hihintayin kita sa labas," kalmadong tumalikod ang binata at naglakad palayo habang naiwang nakatanga si Samantha at pinapanood siyang umalis.

Samantala, anim na oras nang naghihintay ang binata sa labas ng ospital ngunit hindi pa rin lumalabas ang dalaga, "mukhang naloko yata ako," bulong niya sa sarili, hindi pa rin naaalis ang tingin niya sa exit ng ospital.

"Hindi pa ba tayo aalis, kapitan?" tanong ng pinakabatang sundalo sa grupo na si Allan Borja, "sandali, may hinihintay pa ako," tugon niya, nakapako pa rin ang paningin sa pinto ng ospital.

"Ngunit anim na oras na tayong naghihintay dito sa labas, pinababalik na rin tayo sa campo," saad ng binata.

"Sandali," muli niyang tugon at agad tumakbo sa kinaroroonan ng kalalabas lamang na doktor na si Samantha habang ang lahat ay nakatingin sa kanila.

"Siya na nga ba ang misis ni Captain Devin?" tanong ng isa habang nakatingin sa dalawa.

"Bakit nandito ka pa rin?" Naghihikab na tanong ng dalaga.

"Sumama ka sakin," bumilis ang tibok ng puso niya ng hawakan siya ng binata sa kamay at hinila.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Malalaman mo pagdating natin doon," misteryosong tugon ng binata habang hila-hila siya patungo sa 6x6 armor vehicle ngunit nagpumiglas si Samantha.

"What are you trying to do? Are you abducting me?" reklamo niya.

"Pwede bang huwag mo akong ipahiya? Everyone are watching us," ang tinutukoy niya ay mga kasamahan niyang nasa loob ng sasakyan na nakatingin sa kanila.

Hinila ni Samantha ang kanyang kamay at naghalukipkip, nakatingin ng diretso ang mga mata niya sa binata, "so, saan mo nga ako dadalhin?"

"I'm taking you somewhere para makakuha tayo ng certificate of marriage."

Nanlaki ang mga mata niya sa tugon ng binata, tila nabuwal ang kanyang tuhod at napaatras, kumabog ng napakalakas ang kanyang dibdib, "ano itong pinasok ko?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contractually Yours   Kabanata 95 - pinalitan mo rin ako

    Ibinaling ni Samantha ang kanyang mapupungay na mga mata sa lalaking pumigil sa bartender sa pag-order niya ng isa pang bote ng alak, isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya, muli niyang ipinikit ang mga mata ngunit malabo at hindi niya makilala ang lalaking nasa harap dahil sa mga disco lights ngunit sigurado siyang kilala niya ito dahil sa hulma ng katawan nito."T--trevor," nasisinok niyang sabi, kinalog niya ang kanyang ulo at muling tiningnan ang binata.Bahagyang ngumiti ang lalaki, ngunit may halong pag-aalala ang kanyang mga mata habang maingat niyang inaalis ang baso mula sa kamay ni Samantha.“Ang tagal na, Sam,” mahina niyang sabi, tila pinipiling huwag pansinin ang ingay ng paligid.Napakurap si Samantha, pilit inaayos ang kanyang paningin. “Ikaw nga… ikaw nga si Trevor,” bulong niya, halos hindi makapaniwala. “Akala ko… wala ka na.”“Hindi ako nawala,” sagot ni Trevor, marahan ngunit may bigat. “Ikaw ang umiwas.”Parang may kumurot sa dibdib ni Samantha. Napatingin

  • Contractually Yours   Kabanata 94 - this is enough

    Kinabukasan, muling naglakad si Samantha patungo sa ospital. Ang bawat hakbang ay mabigat, ngunit may kakaibang determinasyon sa kanyang mga mata. Alam niya sa sarili niya na hindi na puwedeng balikan ang nakaraan. Ang mga alaala ni Trevor—ang tawanan, ang mga yakap, ang simpleng mga sandaling nagpaparamdam sa kanya ng init—ay mananatili na lamang sa kanya, ngunit hindi na dapat maging sentro ng kanyang buhay.Sa mundo ng medisina, may kontrol siya. May mga buhay na maaring iligtas, may sakit na kayang lunasan, at sa bawat pasyente na natutulungan niya, ramdam niya ang halaga ng sarili niya. Dito, sa ospital, may focus siya, may purpose, at unti-unti, natututo siyang ilihis ang isip niya mula sa pagkawala ni Trevor.Pagpasok niya sa ICU, sinalubong siya ng abalang tunog ng makina at mabilis na kilos ng mga nurse. Isang batang lalaki ang nasa kama, malubha ang trauma, habang ang mga magulang nito ay nakatayo sa tabi, puno ng pangamba. Tumango si Samantha sa nurse na nagbigay ng update.

  • Contractually Yours   Kabanata 93 - tuluyang paglayo

    Kinabukasan, muli akong naglakad patungo sa tahanan ni Trevor. Ang bawat hakbang ko ay mabigat, at tila ba ang hangin sa paligid ko’y mas malamig kaysa sa dati. Hindi ko maalis ang pakiramdam ng kaba at halong pag-asa sa dibdib—baka sakaling bukas pa rin niya ang pinto at may ngiting mag-aabang sa akin.Hawak ko ang susi, iyon ding susi na matagal ko nang dala mula sa huling gabi namin, at ipinasok ko sa doorknob. Ngunit hindi ito bumukas. Napatingin ako nang masinsinan, at doon ko nakita—pinalitan na pala ito ng bagong door knob. Ang mga mata ko’y lumabo nang kaunti, parang may malamig na tubig ang bumuhos sa katawan ko. Ramdam ko ang kirot, hindi lang sa dibdib, kundi sa buong pagkatao ko.“Hindi… hindi puwede,” bulong ko sa sarili ko, habang iniangat ang kamay ko para muling subukang iikot ang bagong doorknob. Ngunit walang nangyari. Parang tumigil ang mundo sa paligid ko, at ako’y nanatiling nakatungo, nakaharap sa pintong hindi na pamilyar.Nagbalak akong kumatok. Gusto kong mari

  • Contractually Yours   Kabanata 92 - pagsisisi

    "Samantha's POV"Hindi ko alam kung paano sisimulan. Ang puso ko’y parang nabibiyak sa bigat ng bawat salita na nakabaon sa dibdib ko. Bawat tingin sa sahig ay tila ba mas ligtas kaysa sa pagtitig sa ama ko. Ano bang sasabihin ko? Paano ko sasabihin? Ang bawat salita ay nakatali sa takot at guilt na matagal ko nang iniwasan.“Anong ibig mong sabihin, anak?” Mahina ang boses niya, bahagyang paos, ngunit ramdam ko ang pag-aalala sa bawat letra. “Wala akong maintindihan. Bakit isinisisi mo kay Trevor ang pagkakaratay ko sa ospital?”Hindi ko kayang magsalita. Ang mga luha ko’y tila nag-aabang na sumabog, at ang mga kamay ko’y nanginginig. Ang mga salitang matagal kong ikinukubli—lahat ng takot, galit sa sarili, guilt—tila sabik nang lumabas. Ngunit paano ko sisimulan?“Dad…” Halos pabulong ko lang, at naramdaman kong parang nawala rin iyon sa hangin. Ang sahig ay parang umuusok sa ilalim ng mga paa ko. Gusto kong takasan ang katotohanan, ngunit alam kong hindi na puwede.Nakatingin siya

  • Contractually Yours   Kabanata 91 - katotohanan

    Puno pa rin ng pagtataka si Don Gustavo sa mga sinasabi ng kanyang anak. Hindi niya lubos maisip kung paano umabot sa ganitong punto ang kanilang pag-uusap—punong-puno ng emosyon, bigat, at mga salitang tila matagal nang kinikimkim. Sa kabila ng kanyang kahinaan mula sa pagkaka-ospital, pilit niyang inuunawa ang bawat salitang binibitawan ni Samantha."Anong ibig mong sabihin, anak?" tanong niya, bahagyang paos ang boses ngunit malinaw ang pag-aalala. "Wala akong maintindihan. Bakit isinisisi mo kay Trevor ang pagkakaratay ko sa ospital?"Hindi makasagot agad si Samantha. Nakayuko lamang siya, tila ba ang sahig ang tanging lugar na kaya niyang titigan sa mga sandaling iyon. Nanginginig ang kanyang mga kamay, at ang kanyang dibdib ay tila sinasakal ng bigat ng katotohanang matagal na niyang tinatakasan."Dad..." mahina niyang sambit, ngunit tila nawala rin iyon sa hangin."Bakit ayaw mo akong tingnan?" dagdag pa ni Don Gustavo, mas lumambot ang tono. "Anong ginawa mong kasalanan?"Napa

  • Contractually Yours   Kabanata 90 - Ang paglabas sa ospital ni Don Gustavo

    Tuluyan nang gumaling si Don Gustavo at nakalabas ng ospital matapos ang ilang linggong pananatili sa ICU at recovery room. Sa wakas, maayos na ang kanyang kalagayan—hindi pa man ganap na malakas, ngunit sapat na upang makalakad at makauwi. Isang himala, ayon sa mga doktor. Isang pangalawang pagkakataon, ayon sa kanya.Sa loob ng silid, tinutulungan siya ng nars na maayos ang kanyang mga gamit. Maingat nitong inaayos ang kanyang discharge papers habang si Don Gustavo naman ay nakaupo sa gilid ng kama, tahimik ngunit may malalim na iniisip."Sir, pwede na po kayong lumabas mamaya. Naka-ready na po ang sasakyan ninyo," magalang na sabi ng nars.Tumango siya, saka napatingin sa pintuan ng silid—tila may hinihintay."Hindi man lamang ba ako binisita ng aking unica hija?" biro niya, pilit na pinapagaan ang tono. "Nakakalungkot namang isipin na hindi na niya ako inaalala."Bahagyang napangiti ang nars, ngunit ramdam nito ang bahid ng lungkot sa likod ng biro. "Siguro po, busy lang si Doc Sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status