LOGINSuot ang puting satin na bestida at walang sapin sa paang tumatakas si Samantha mula sa obligasyong pinapapasan sa kanya. Saan kaya siya dadalhin ng kanyang mga paa?
View MoreNagising si Samantha sa loob ng ospital at natagpuan ang sarili na nakaratay sa kama wala na ang umbok sa kanyang tiyan. "Ang baby ko," desperada niyang sigaw.Agad nagdatingan ang mga nars at pilit siyang pinapakalma, ngunit patuloy ang pagpiglas ni Samantha. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hinahaplos ang dati’y nakaumbok niyang tiyan—ngayon ay patag na, tila ba may malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang nawala.“Nasaan ang baby ko? Sabihin niyo sa akin!” halos maiyak niyang sigaw, ang boses ay punong-puno ng takot at pagkalito.Nagkatinginan ang mga nars, tila nag-aalangan kung ano ang sasabihin. Ilang sandali pa’y dumating ang doktor, mahinahon ang mukha ngunit may bigat ang mga mata.“Samantha, pakalmahin mo muna ang sarili mo,” malumanay nitong sabi habang dahan-dahang lumalapit sa kama.“Dok, nasaan ang anak ko? Ayos lang ba siya?” pagsusumamo niya, puno ng pag-asa kahit nanginginig ang kanyang tinig.Huminga nang malalim ang doktor bago sumagot. “May nangyaring kompli
Makalipas ang tatlong buwan…Hindi na maitatago ang pagbabago sa katawan ni Samantha.Unti-unti nang umumbok ang tiyan niya—hindi pa man ganoon kalaki, pero sapat na para mapansin. Sapat na para ipaalala sa kanya araw-araw ang realidad na matagal niyang tinakasan, pero ngayon ay unti-unti na niyang tinatanggap.Mas naging tahimik siya sa mga nakaraang linggo. Mas pinili niyang umiwas.Sa gulo.Sa sakit.At higit sa lahat… kay Trevor.Sanay na siya sa routine niya—trabaho, uwi, pahinga. Walang labis, walang kulang. Isang mundo na sinubukan niyang gawing payapa kahit alam niyang hindi pa siya tuluyang buo.Hanggang sa araw na iyon.Naglalakad siya palabas ng ospital, isang kamay ang nakahawak sa tiyan niya—hindi dahil masakit, kundi dahil nakasanayan na niya. Parang doon niya kinukuha ang lakas niya sa bawat hakbang.“Samantha!” Napahinto siya sa paglalakad, kilala niya ang boses na iyon.Kahit ilang buwan pa ang lumipas… hindi niya makakalimutan. Dahan-dahan siyang napalingon.At doon
Umuwi si Samantha na luhaan at tila nawalan ng direksyon. Hindi niya maalala kung paano siya nakasakay pauwi. Hindi niya matandaan kung paano niya natawid ang mga kalsada o kung ilang beses siyang muntik mabangga sa sobrang lutang ng isip niya. Ang alam lang niya—bawat hakbang, bawat paghinga, bawat segundo ay parang pasan niya ang bigat ng buong mundo.Pagpasok niya sa bahay, agad niyang isinara ang pinto at sumandal doon. Dahan-dahan siyang naupo sa sahig, parang tuluyan nang bumigay ang katawan niya.At doon… Hindi na niya napigilan. Umiyak siya.Hindi simpleng luha lang—kundi iyak na puno ng pagsisisi, galit, sakit, at pagkamuhi sa sarili. “Bakit…” paulit-ulit niyang bulong, halos wala nang boses. “Bakit nangyari ‘to sa akin…”Napahawak siya sa buhok niya, mariing pinisil iyon habang patuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi niya.Pagsisisi ang nangingibabaw sa kanya, pagsisising hinayaan niyang mangyari ang gabing iyon.Pagsisising nagpadala siya sa emosyon at pagsisising hindi niya
Lumabas ng banyo si Samantha at namumugto sa pula ang mga mata nito, tila ilang oras nang umiiyak kahit ilang minuto pa lang ang lumipas. Nanginginig ang kamay niyang may hawak ng test kit, at bawat hakbang niya palabas ay parang mabigat, parang may hinihila siyang hindi nakikita.“Ano? Kumusta ang resulta?” tanong ni Lhian, may bahid ng kaba pero pilit na ngumiti.Hindi siya sumagot, hindi niya kayang magsalita.Sa halip, dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya at ipinakita ang test kit.Dalawang pulang linya ang bumungad sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Lhian. Para siyang napako sa kinatatayuan niya, hindi agad nakapagsalita. Ilang segundo siyang nakatitig lang, parang hindi makapaniwala sa nakikita niya.“Ibig sabihin niyan…” halos pabulong niyang sabi, saka unti-unting napangiti, “buntis ka… magkakaanak ka na.”May kakaibang saya sa boses niya—isang inosenteng saya, parang may magandang balita na dumating.Pero kabaliktaran iyon ng nararamdaman ni Samantha. Parang may sumabog s
Agad nakapasok ng trabaho si Samantha, kahit gulo pa ang buhok at di nakakasuklay ay agad niyang sinuot ang puting doctor's coat nito."Good morning, dok," bati ng mga nakakasalubong niya, binabalikan naman niya ito ng isang pilit na ngiti.Nakangisi si Lhian habang paikot-ikot na sinisipat si Sama
Isang umaga, nagising si Samantha sa isang silid na hindi niya kilala. Mabilis niyang iginala ang mga mata sa buong paligid ng silid hanggang sa maramdaman niyang ang manipis na puting kumot na tanging nakabalot sa hubad niyang katawan."A--anong nangyari sakin? Bakit ako narito?" napahawak siya sa
"Samantha's POV"Hindi ko alam kung paano sisimulan. Ang puso ko’y parang nabibiyak sa bigat ng bawat salita na nakabaon sa dibdib ko. Bawat tingin sa sahig ay tila ba mas ligtas kaysa sa pagtitig sa ama ko. Ano bang sasabihin ko? Paano ko sasabihin? Ang bawat salita ay nakatali sa takot at guilt n
Puno pa rin ng pagtataka si Don Gustavo sa mga sinasabi ng kanyang anak. Hindi niya lubos maisip kung paano umabot sa ganitong punto ang kanilang pag-uusap—punong-puno ng emosyon, bigat, at mga salitang tila matagal nang kinikimkim. Sa kabila ng kanyang kahinaan mula sa pagkaka-ospital, pilit niyan


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.