แชร์

Kabanata 6 - ngiti

ผู้เขียน: mooncake_o07
last update วันที่เผยแพร่: 2026-02-05 06:07:32

Namula na parang kamatis ang buong mukha ni Sam nang halos lumapit ang mukha ng binata sa kanya, nahihiyang inilayo niya ang mukha kay Trevor and try to compose herself again, "ano na namang pinaplano mong gawin? I'm not anyone you can kiss anytime you want to kaya please lang layuan mo ako," mabilis pa rin ang puso niya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Nakita niya ang pagngisi ni Trevor sa kanya, "do you really think that I..." itinuro niya ang sarili, "will kiss you again?" ngumisi ito sa kanya sabay dadgdag pa nito, "I have a taste at sinasabi ko sa'yo di ikaw ang tipo kong babae."

May kung anong kumurot sa puso ni Samantha ng mga sandaling marinig niya ang sinabi sa kanya ni Trevor na hindi naman niya ginusto, napansin ng binata ang pag-iba ng reaksyon sa mukha nito.

Hindi maipaliwanag na damdamin ang nadarama ni Samantha kung kaya't pinilit niyang ngumiti dahil ayaw niyang maging kahiya-hiya sa harapan nito, "I don't like you, too. Hindi kagaya mo ang tipo ko," hirit ni Sam bago iwan ang binata.

Dali-daling nanakbo si Samantha palabas ng bahay, "ano bang ginagawa ko? Bakit ako nasasaktan nung sinabi niyang hindi niya ko type? Ehh, hindi ko rin naman siya type, no?" Hindi niya namamalayang nakalayo na siya at patawid na ng kalsada.

Napahinto na lamang ang mga paa niya at halos mapatalon sa tinatayuan nang marinig niya ang malakas na  busina ng sasakyan, kaytulin ng kabog ng kanyang puso sa takot na mabangga ng mabilis na sasakyan. Buti na lamang na ito ay huminto sa kanyang harapan, kaunting-kaunti na lamang pagitan at masasagasaan siya ng sasakyan.

Napahawak sa dibdib niya ang takot na dalaga habang kusang nahulog ang mga luha niya na nagmula sa kanyang mga mata, hindi pa rin siya makapaniwala.

"Samantha, okay ka lang ba?!!" humahangos na sigaw sa kanya ng binata, mabilis na sumulpot sa harapan niya si Trevor. Nakita niyang bakas sa mukha nito ang matinding takot, hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan niya at bigla na lamang niyang niyakap ng mahigpit ang dalaga, "are you alright? Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong niya dito at kumalas sa kanyang pagkakayakap sa dalaga, hinarap niya ito at pinunasan ang mga luha sa pisngi habang tumatango sa kanya.

"Are you okay? Sam... Look at me," he cupped her face at tiningnang mabuti ang mukha ng lumuluhang dalaga, nakahinga siya ng maluwag nang tumango ito sa kanya. Marahan niyang pinunasan ang luha sa pisngi nito gamit ang kanyang hinlalaki, "you're good now."

"Okay ka lang ba, miss?" narinig nilang tanong ng drayber matapos bumaba sa sasakyan nito, hinarap ni Trevor ang drayber. Nagulat na lamang sya ng muli niyang makita ang lalaking sumira ng relasyon niya sa kanyang first love, walang iba kung hindi si Benedict Martin--siya ang lalaking pilit naglayo sa kanila ng minamahal niyang babae, blanko ang kanyang isipan at wala kahit isang salita siyang gustong sabihin dito, pinilit niyang kalmahin ang sarili upang hindi na bumalik ang masasakit na alaala.

"Long time no see," nakangiting saad ni Benedict sa kanya ngunit hindi siya kumibo dito na para bang hindi niya ito kakilala.

Hinawakan ni Trevor ang kamay ng dalaga na para bang nagsasabing, "she's mine, don't mess with her."

"I guess she's your wife," saad ni Benedict matapos makita ang singsing na suot ng dalawa.

"It's none of your business," matapos sumagot ay hinila niyang palayo si Samantha. Pabilis ng pabilis ang lakad ng dalawa ng hinid nila namamalayan hanggang sa makakita si Trevor ng bench sa tabi ng daan.

"Next time, mag-ingat ka para hindi ka masasaktan," galit na saad ng binata, hindi kumibo si Samantha at pilit pinakalma ang sarili.

Pinaupo niya sa bench ang dalaga at lumapit siya sa tabi nito, muli niya itong hinarap at tinignan ang mga takot nitong itimang mata, bigla siyang nakaramdam ng pagkabog ng dibdib habang nakatingin sa dalaga, "ano itong nararamdaman ko? Bakit ganito?" tanong niya sa sarili, sinubukan niyang ilayo ang tingin kay Sam at ibaling sa iba, doon niya napagtanto na nawala ang nadarama niya ngunit ng muli niyang ibalik sa dalaga ay lalong tumulin ang tibok ng puso nito.

"Siguro ay kinakabahan lamang ako dahil sa ginawa ko sa kanya kaya ganito na lamang kabiis ang tibok ng puso ko," paniniguro niya sa kanyang sarili. Habang nakatitig siya sa mukha ng dalaga ay napagtanto niya na napakaganda pala ng mga mata nito at tila nasasaktan  rin siya sa tuwing bumubuhos ang luha nito, may kung anong kumukurot sa kanyang puso.

He cupped her face and say, "I'm sorry, Sam... Kasalanan ko, muntik ka ng mapahamak dahil sa ginawa ko sayo. I promise na hindi na kita bibiruin ng  ganun." Pinunasan niya ang mga luha nitong umaagos  sa mga pisngi gamit ang kanyang hinlalaki.

"Stop crying, okay?" Tinanggal ni Trevor ang kanyang mga kamay sa mukha ng dalaga at tumayo, "wait for me here, babalik ako. Wag kang aalis diyan," paniniguro nito.

Nanatiling nakaupo si Sam sa bench sa di niya maipaliwanag na dahilan kung bakit siya naghihintay rito at tila abang na abang ang  puso nito sa muling pagbalik ni Trevor, ilang sandali pa ay bumalik ang binata dala ang isang plastic na may lamang cup ng ice cream, sandwich at isang bottle of water.

"Ito, peace offering ko sayo. Sana ay mapatawad mo na ko," iniabot niya ang dala niyang plastic na pinamili sa dalaga.

"Thank you," nakangiti niyang tinanggap ang binili ng binata, tahimik niyang binuksan ang cup ng ice cream at tinikman ito. Tila kilig na kilig ang dalaga habang kinakain ang strawberry ice cream na binili sa kanya samantala, hindi niya namamalayang tahimik palang nanunuod ang binata sa kanyang pagkain.

"Ang ganda mo pala kapag laging nakangiti," bulong nito habang pinapanuod siya pagkain, napahinto si Sam at tumingin sa kanya, "what did you say just now?" curious niyang tanong, umiling lamang ito sa kanyang tanong.

"Gusto mo?" alok ni Samantha sa kanya ngunit ngumiti lamang siya kung kaya't kumuha ng isang scoop si Samantha sa kanyang maliit ng kutsara at isinubo sa bibig ng binata.

"Masarap, right?" napatulala si Trevor sa ginawa nito, tila nag-init ang buong katawan ng lalaki dahil dito.

"Shit, bakit ko nararamdaman ito? Bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko?" napakapit siya sa kanyang dibdib habang iniisip ang sagot sa kanyang tanong.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Contractually Yours   Kabanata 98 - NO

    Habang tahimik na nagdedesisyon sila Samantha kung ano ang oorderin sa loob ng restaurant, tila ba parehong abala sa kani-kanilang iniisip, ay biglang may aninong tumapat sa mesa nila. Hindi agad nag-angat ng tingin si Samantha—akala niya isa lamang itong waiter.Ngunit nang marinig niya ang pamilyar na boses—“Sam…”Para bang may kumurot sa kanyang dibdib.Unti-unti niyang naramdaman ang pagbigat ng hangin sa paligid. Hindi niya kailangang tumingin para malaman kung sino iyon. Kahit ang simpleng pagbanggit ng palayaw niya ay sapat na upang ibalik ang lahat ng pilit niyang iniiwasan.“Can we talk?” dagdag pa nito, mas mahinahon, halos pakiusap ang tono.Nakahawak si Samantha sa menu, ngunit nanatiling nakapako ang kanyang mga mata rito, kahit wala naman talaga siyang binabasa. Mahigpit ang kapit niya sa gilid nito, hanggang sa bahagyang mangulubot ang papel.Tahimik.Hindi siya sumagot.Sa kabilang upuan, napatingin si Lhian sa pagitan nilang dalawa—halatang nakaramdam ng tensyon. Mab

  • Contractually Yours   Kabanata 97 - Okay lang

    Agad nakapasok ng trabaho si Samantha, kahit gulo pa ang buhok at di nakakasuklay ay agad niyang sinuot ang puting doctor's coat nito."Good morning, dok," bati ng mga nakakasalubong niya, binabalikan naman niya ito ng isang pilit na ngiti.Nakangisi si Lhian habang paikot-ikot na sinisipat si Samantha, tila ba sinusuri ang bawat detalye ng kanyang itsura—ang bahagyang gusot na buhok, ang pagod na bakas sa kanyang mukha, at ang pilit na tiklop ng kanyang labi na halatang hindi niya tunay na ngiti.“What do you mean by, hindi naman ako ganito dati?” matigas at may halong iritasyon na sagot ni Samantha, hindi man lang tumitingin nang direkta kay Lhian habang inaayos ang manggas ng kanyang puting coat.Napataas ang dalawang kamay ni Lhian na parang sumusuko. “Uy, chill, dok. Observation lang naman,” pabirong saad nito, ngunit hindi nawala ang mapanuksong ngiti sa kanyang labi. “Kasi naman, usually ikaw ‘yung tipong laging composed—plantsado, maayos, parang hindi napapagod. Eh ngayon…” ba

  • Contractually Yours   Kabanata 96 - Pamilyar na imahe

    Isang umaga, nagising si Samantha sa isang silid na hindi niya kilala. Mabilis niyang iginala ang mga mata sa buong paligid ng silid hanggang sa maramdaman niyang ang manipis na puting kumot na tanging nakabalot sa hubad niyang katawan."A--anong nangyari sakin? Bakit ako narito?" napahawak siya sa kanyang noo habang inaalala kung sino at ano ang nangyari ng gabing wala siya sa tamang wisyo.Naguluhan si Samantha habang pilit hinahalungkat ang kanyang alaala. May mga pira-pirasong eksena na kumikislap sa kanyang isipan—malalakas na ilaw, maingay na musika, at mga aninong hindi niya matukoy kung kakilala ba o hindi. Ngunit sa tuwing susubukan niyang buuin ang mga ito, parang usok lamang itong naglalaho.Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama, pilit binabalot ang sarili ng kumot upang takpan ang kanyang katawan. Malamig ang sahig na tumambad sa kanyang mga paa, dahilan upang mapangiwi siya. Tahimik ang buong silid—masyadong tahimik, na para bang wala siyang kasamang kahit sino sa buon

  • Contractually Yours   Kabanata 95 - pinalitan mo rin ako

    Ibinaling ni Samantha ang kanyang mapupungay na mga mata sa lalaking pumigil sa bartender sa pag-order niya ng isa pang bote ng alak, isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya, muli niyang ipinikit ang mga mata ngunit malabo at hindi niya makilala ang lalaking nasa harap dahil sa mga disco lights ngunit sigurado siyang kilala niya ito dahil sa hulma ng katawan nito."T--trevor," nasisinok niyang sabi, kinalog niya ang kanyang ulo at muling tiningnan ang binata.Bahagyang ngumiti ang lalaki, ngunit may halong pag-aalala ang kanyang mga mata habang maingat niyang inaalis ang baso mula sa kamay ni Samantha.“Ang tagal na, Sam,” mahina niyang sabi, tila pinipiling huwag pansinin ang ingay ng paligid.Napakurap si Samantha, pilit inaayos ang kanyang paningin. “Ikaw nga… ikaw nga si Trevor,” bulong niya, halos hindi makapaniwala. “Akala ko… wala ka na.”“Hindi ako nawala,” sagot ni Trevor, marahan ngunit may bigat. “Ikaw ang umiwas.”Parang may kumurot sa dibdib ni Samantha. Napatingin

  • Contractually Yours   Kabanata 94 - this is enough

    Kinabukasan, muling naglakad si Samantha patungo sa ospital. Ang bawat hakbang ay mabigat, ngunit may kakaibang determinasyon sa kanyang mga mata. Alam niya sa sarili niya na hindi na puwedeng balikan ang nakaraan. Ang mga alaala ni Trevor—ang tawanan, ang mga yakap, ang simpleng mga sandaling nagpaparamdam sa kanya ng init—ay mananatili na lamang sa kanya, ngunit hindi na dapat maging sentro ng kanyang buhay.Sa mundo ng medisina, may kontrol siya. May mga buhay na maaring iligtas, may sakit na kayang lunasan, at sa bawat pasyente na natutulungan niya, ramdam niya ang halaga ng sarili niya. Dito, sa ospital, may focus siya, may purpose, at unti-unti, natututo siyang ilihis ang isip niya mula sa pagkawala ni Trevor.Pagpasok niya sa ICU, sinalubong siya ng abalang tunog ng makina at mabilis na kilos ng mga nurse. Isang batang lalaki ang nasa kama, malubha ang trauma, habang ang mga magulang nito ay nakatayo sa tabi, puno ng pangamba. Tumango si Samantha sa nurse na nagbigay ng update.

  • Contractually Yours   Kabanata 93 - tuluyang paglayo

    Kinabukasan, muli akong naglakad patungo sa tahanan ni Trevor. Ang bawat hakbang ko ay mabigat, at tila ba ang hangin sa paligid ko’y mas malamig kaysa sa dati. Hindi ko maalis ang pakiramdam ng kaba at halong pag-asa sa dibdib—baka sakaling bukas pa rin niya ang pinto at may ngiting mag-aabang sa akin.Hawak ko ang susi, iyon ding susi na matagal ko nang dala mula sa huling gabi namin, at ipinasok ko sa doorknob. Ngunit hindi ito bumukas. Napatingin ako nang masinsinan, at doon ko nakita—pinalitan na pala ito ng bagong door knob. Ang mga mata ko’y lumabo nang kaunti, parang may malamig na tubig ang bumuhos sa katawan ko. Ramdam ko ang kirot, hindi lang sa dibdib, kundi sa buong pagkatao ko.“Hindi… hindi puwede,” bulong ko sa sarili ko, habang iniangat ang kamay ko para muling subukang iikot ang bagong doorknob. Ngunit walang nangyari. Parang tumigil ang mundo sa paligid ko, at ako’y nanatiling nakatungo, nakaharap sa pintong hindi na pamilyar.Nagbalak akong kumatok. Gusto kong mari

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status