Mag-log in"What??!! Anong your place?" gulat na tanong ni Samantha kay Trevor, nanlalaki ang mga mata ng dalaga sa kaharap niyang binata habang naniningkit naman ang mga mata nito sa kanya.
"Aren't we married, darling? Nahihiya ka pa rin ba sakin na makasama ako sa iisang bubong?" sumesenyas si Trevor sa kanya habang inililihis ang direskyon ng mga mata sa kanilang driver.
"What's with you? Kanina--" hindi na natapos ng dalaga ang nais niyang sabihin dahil mabilis at mariin siya nitong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ni Samantha nang lumapat sa kanyang mga labi ang mainit na labi ng binata, parang bolang nagtatalbog ang puso niya sa bilis ng tibok nito at tila huminto ang oras ng mga sandaling iyon, maging si Trevor ay nagulat rin sa kanyang ginawa ngunit ayaw niyang malaman ng driver niyang kasamahan niya sa trabaho na nagpapanggap lamang siya kaya niya ito nagawa.
Isang malamig na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa ng humiwalay ang mga labi ni Trevor sa kanya, "I'm sorry, I know you're upset kanina," nahihiya niyang tugon.
Bakas pa rin ang pamumula ng mukha at tainga ni Samantha matapos siyang halikan nito, hindi naman makatingin si Trevor sa dalaga dahil alam niyang malaki ang kasalanan niya rito. Ilang minuto ang lumipas at huminto na ang sasakyan sa tapat ng tirahan ni Trevor. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at marahang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ang dalaga.
Nagpipigil pa rin ng galit ang dalaga hanggang sa makaalis ang sasakyan sa harap nila, nanlilisik ang mga matatalas niyang mata ng humarap ito sa binata. Hindi siya nagsasalita ngunit bakas sa mukha niya ang kahihiyan at galit sa ginawa niya hanggang sa isang malakas na sampal ang sumalubong sa pisngi ng binata.
Napahawak na lamang ang binata sa kanyang makirot na kanang pisngi, "don't you ever try to ask why," masungit niyang tugon.
"I'm sorry," nakayuko niyang saad ngunit hindi siya nito inimik.
Lumingon sa paligid si Samantha saka pinara ang taxi na parating sa harap niya, walang ano-ano siyang sumakay sa loob.
Kinabukasan, naghihikab na pumasok ng trabaho si Samantha, hila ang kanyang maliit na branded na bag na noo'y laging nakabit sa kanyang balikat.
"Good morning, doc," bati sa kanya ng mga kasamahan.
"Morning," nakabuntong hininga niyang tugon sa mga ito. Agad naglayuan ang mga nars sa kanya dahil alam na nila na ito ay wala sa mood kaya ganito siya.
"Nars, pakidala naman ito kay doc. Pinapadala niya sakin ito kanina pa," utos ng isang medtech ngunit parang walang narinig ang mga nars at nagpakabusy sa harap niya, wala kahit sino sa kanila ang nais pumasok sa loob ng office niya.
"Hey, can you hear me guys?" tanong ng medtech na si Ruffa. May tumapik sa balikat ni Ruffa ang isang doctor na si Leanne, "no one dares to do it for you, why don't you just left it outside, sa tapat ng office niya," utos nito.
"Bakit?" isinawalang bahala ni Ruffa ang advise sa kanya ng doktor at nagmadaling pumunta sa kinaroroonan ng opisina ng doktor.
Sa pagmamadali ni Ruffa ay itinulak niya ang pinto ng hindi kumakatok, hinarap siya ng doktorang si Samantha, matalas ang mga tingin nito sa kanya na parang kahit anong oras ay pwede siyang sigawan.
"Don't you know how to knock?" galit niyang tanong.
"I'm sorry, doc," para siyang batang paslit na may pagkasarkastika na kumatok sa pinto nito habang kaharap ang doctor.
"LABAS!!" singhal niya sa medtech, nanginginig na ipinatong nito ang result ng examin sa table niya saka nanakbo palabas.
Tahimik na nakamasid si Samantha sa kanyang sariling repleksyon sa maliit na salamin na nakapatong sa kanyang desk nang biglang matuon ang tingin niya sa kanyang mga labi at muli niyang naalala ang pagnanakaw ng halik sa kanya ni Trevor, galit niyang ikinuyom ang kanyang mga kamay ngunit bakit parang may kakaiba sa kanyang puso, sa twing naaalala niya ito ay hindi niya maiwasang pigilin ang mabilis na tibok ng kanyang puso.
"Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon, ang pagnanakaw niya ng halik sa akin," huminga siya ng malalim at nakatitig pa rin sa salamin.
Pinipilit niyang maalis sa isipan niya ang nangyaring iyon ngunit hindi ito mawala sa kanyang isipan kahit ano pang gawin niya.
Napansin niyang magtatanghalian na siya kaya naman tumayo na siya para kumain sa kantina sa tapat ng ospital na pinagtatrabahuhan ngunit paglabas niya sa exit ng ospital ay bumungad sa harap niya ang lalaking ayaw niyang makita... Si Trevor, para itong modelo na nakasandal sa tapat ng itim niyang kotse habang tumatama sa kanyang mukha ang sinag ng araw, nakasuot ito ng sahdes sa kanyang mata.
"Bakit sa dami ng pwedeng makita ay siya pa?" bulong niya, nais niyang bumalik sa loob ngunit nagrereklamo na ang kanyang tiyan sa gutom, hindi niya pinansin ang binata at nagmadali sa paglalakad patungo sa kantina, hindi niya namamalayang nakasunod na pala ito sa kanya habang tumatawid sa kalsada.
"Hey," mahina nitong tawag sa kanya.
"Don't call me, hey. I have a name," sarcastic niyang tugon, hindi pa rin siya lumilingon.
"Samantha," tawag niyang muli. Hindi alam ni Sam kung bakit tila kay bilis na naman ng tibok ng kanyang puso nang marinig ang pangalan niya mula kay Trevor, kahit ganun ay hindi pa rin niya maalis ang galit niya dito dahil sa pagkuha ng kanyang first kiss, ito ang iniingat-ingatan niya noon pa man dahil para sa kanya ay para lamang ito sa lalaking mamahalin niya habang buhay.
"I'm sorry," narinig niyang sabi nito mula sa kanyang likuran ngunit hindi niya ito pinakinggan at nagmadali sa pagtawid sa kabilang kalsada, bigla na lamang may humaharurot na sasakyan ang bumusina sa kanya dahilan para magulat siya at mapahinto sa gitna.
"No, hindi pa ako pwedeng mamatay," takot niyang sabi sa sarili, napapikit na lamang siya nang sandaling iyon hanggang sa maramdaman niya ang mainit na bisig na dumapo sa kanyang braso, hinila siya nito at mahigpit na hinawakan sa bewang.
Napamulat siya at natagpuan niya ang sariling nakayapos sa kanya ang binatang si Trevor at sobrang lapit ng mukha sa kanya habang ang puso niya ay nagwawala sa kanyang dibdib.
"What??!! Anong your place?" gulat na tanong ni Samantha kay Trevor, nanlalaki ang mga mata ng dalaga sa kaharap niyang binata habang naniningkit naman ang mga mata nito sa kanya."Aren't we married, darling? Nahihiya ka pa rin ba sakin na makasama ako sa iisang bubong?" sumesenyas si Trevor sa kanya habang inililihis ang direskyon ng mga mata sa kanilang driver."What's with you? Kanina--" hindi na natapos ng dalaga ang nais niyang sabihin dahil mabilis at mariin siya nitong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ni Samantha nang lumapat sa kanyang mga labi ang mainit na labi ng binata, parang bolang nagtatalbog ang puso niya sa bilis ng tibok nito at tila huminto ang oras ng mga sandaling iyon, maging si Trevor ay nagulat rin sa kanyang ginawa ngunit ayaw niyang malaman ng driver niyang kasamahan niya sa trabaho na nagpapanggap lamang siya kaya niya ito nagawa.Isang malamig na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa ng humiwalay ang mga labi ni Trevor sa kanya, "I'm sorry, I kn
Samantha's POV"You what??" hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari na ang lalaking ayokong maiwan at nagsend sakin sa jail ay nakatayo sa harap ko."Ang sabi ko we need to register our marriage sa munisipyo," tipid niyang tugon.Agad kong hinila ang kamay ko palayo sa kanya, "anong iregsiter ang marriage? We are not a real couple so bakit pa natin need gawin yan? Saka masisira ang reputation ko kapag ginawa natin 'yan, sinong matinong lalaking na lang magpapakasal sakin kapag nalaman nilang kasal na ako sa iba?" "Then, I will be responsible for you." Lumapit siya sakin at hinawakan ang aking mga kamay, ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib habang nakatitig siya sa aking mga mata, "willing akong pakasalan ka kung sakali mang wala ng gustong magpakasal sa'yo," dagdag niya, tila nanlambot ang aking mga tuhod at nag-init ang aking pisngi sa mga narinig kong iyon mula sa kanya, hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa mga mata niya.Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kailangan kong ma
"Tingin mo ba napakabigat ng dahilan ko para pumayag sa gusto mong kapalit sa pagtulong sakin?" iritableng tugon ng dalaga kay Trevor. Napangisi lamang si Trevor sa kanya at tumugon, "pwes, kung hindi mabigat ang dahilan mo para magtago sa tatay mo, bakit kaya ganun na lamang ang takbo mo nun kahit na hindi ka pa nakabihis? Para tumakbo kang baliw sa gitna ng kalsada na nakapaa? It's not my business to know, hindi na lang kita tutulungan." Tumabi si Trevor sa pagkakaharang kay Samantha at doon lamang niya naisip na kapag hindi siya tinulungan ng binata ay tuluyan na siyang matatali sa isang bulag na nais ipakasal sa kanya ng ama kaya naman kinapitan niya ang laylayan ng kamisetang suot ng binata."S--sige na, I am willing to gamble with you. Just help me out," mahina niyang pakiusap sa binata ngunit huli na para maitago pa siya ng binata dahil nakita na siya ng ama."Samantha..." tawag nito sa kanya."Oh no, he's coming," hindi malaman ni Samantha kung sa paanong paraan na siya tutul
Minasdan ng mga pulis si Samantha mula ulo hanggang sa walang sapin niyang mga mapupulang paa.“Ano ang ginagawa mo sa malayong lugar na iyon at bakit ganyan ang iyong kasuotan?” tanong ng babaeng pulis sa kanya.“Dahil doon ako nakatira,” maiksi niyang sagot.Hindi naniniwala ang pulis sa sinabi niya at muli itong nagsalita, “umamin ka na kung magnanakaw ka o ano para bumaba ang kasong ipapataw sa iyo.”Napabuntong hininga na lamang si Samantha at nakiusap na tawagan niya ang kanyang lawyer.Ilang minuto ang lumipas at dumating ang lawyer at kaibigan ni Samantha na si Lou Benavidez.“Hey, Sam. Why are you here?” nag-aalalang tanong nito sa kaibigang nakapaa habang nakaupo sa monoblock kaharap ang pulis.Agad na tumayo si Samantha, “help me out, tumakas ako sa bahay because my dad wants me to marry a blind man,” saad niya.Tumango si Lou sa kanya, “ she’s my client and yung lugar na sinasabi niyo ay private rest house ng mga Castelo, ito ang ID niya,” pinakita nito ang ID at lahat ng
Kabanata ISuot parin ni Samantha ang kanyang manipis na puting satin dress na pantulog habang tumatakbong nakapaa sa kalsada, “sandal!!!” sigaw nang mga lalaking nakaitim mula sa kanyang likuran na humahabol sa kanya ngunit patuloy pa rin siyang nanakbo at hinarang ang isang itim na Cadillac sa kalye.Nagulat na lamang si Trevor nang biglang ipihit ni Mang Kanor ang sasakyan, “pakiusap, tulungan nyo ako,” tila mala-anghel na boses ang kanyang narinig, agad siyang sumilip sa bintana ng sasakyan at bumungad sa kanya ang mala-dyosang mukha ng babae, angat ang kaputian ng dalaga sa suot niyang puting bestida, maamo at perpekto ang mukha nito habang umaalon naman ang kulay tsokolateng niyang kulot na buhok at sumasabay sa malakas na hangin.Si Trevor Devin ay dalawampu’t-siyam na taong gulang at isang sundalo na naglilingkod sa bansa, maraming babae ang nahuhumaling sa kanya dahil sa katangian nitong tall, dark and handsome ngunit wala ni isa sa mga babaeng iyon ang interesado siya at wal







